Amphitrite University: The Se...

By Fantasystic

4.3K 1.3K 409

Itsaso Narinig mo na ba? Alam mo na ba ang mga tulad nila? Itsaso ang mga taong may kakaibang kakayahan. Mga... More

Prologue ✔
Itsaso ✔
Chapter 01: Birthday Party ✔
Chapter 02: Meet the Royals ✔
Chapter 03: Amphitrite University ✔
Chapter 04 Danger ✔
Chapter 05 Mira's Adva ✔
Chapter 06 AdvaMetric ✔
Chapter 07 The Omega ✔
Chapter 08 History ✔
Chapter 09 Alpha ✔
Chapter 10 The Great Seven ✔
Chapter 11 The Nixie ✔
Chapter 12 Mision ✔
Chapter 13 Omicron ✔
Chapter 14 Strange ✔
AUTSP Dictionary ✔
Chapter 15 Babala ✔
Chapter 16 Mira ✔
Chapter 17 Viviane ✔
Chapter 18 Caspian ✔
Chapter 19 Niel Hurley ✔
Chapter 20 Avonmora
Chapter 21.1 Jordon
Chapter 21.2 Jordon
Chapter 22 Eldoris
Chapter 24 - Huling araw ng Eldoris
Chapter 25 - Ang prinsesa ng Atlas

Chapter 23 Maze

23 7 0
By Fantasystic

Chapter 23 Maze

MIRA NOELANI ADVA LANA

"Iwan mo na ako! Kailangan ka ng Omega!" galit na sigaw ko sa kanya dahil hindi pwedeng maalis siya sa laro. Malaki ang magiging epekto nito sa amin lalo na at siya ang lider ng Omega.

"Kailangan ako ng Omega.......pero kailangan kita" nabato ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang sagot niya. Hindi ko inaasahan ang sinasabi niya. "Kailangan ka namin" dagdag pa niya kaya naman napakunot ang noo ko.

"A-Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Mamaya na ako magpapaliwanag, kailangan muna nating makaalis dito" sagot niya sa'kin at naramdaman ko nalang ang unti unting paglamig ng paligid. Doon ko lang napansin na gawa na pala sa yelo ang inaapakan namin at pati sa likuran namin ay may pader na gawa na sa yelo.

Itinutok niya ang isang kamay niya sa pader na nasa likuran namin at ang isa naman ay sa nagsasarado ng pintuan 'di kalayuan sa amin. Nabalot iyon ng yelo na siyang naging dahilan para mahinto ang pagsasara nito.

Ilang saglit lang ay naramdaman ko na ang malakas na pagtama ng tubig sa pader na yelo sa likuran namin. Iyon rin ang naging dahilan ng pag-usad namin papunta sa pinto.

Dahil sa malakas na pagtama ng tubig sa likudan namin ay nagkaroon iyon ng malaking bitak kaya maslalo pa niya itong pinakapal habang pinipigilan parin ang pagsasara ng pintuan.

Napatingin ako sa kanya at kita ko ang butil butil na pawis sa noo niya. Pansin ko rin na tila nahihirapan siyang panatilihin ang paggamit ng Adva niya.

Agad akong napalingon sa likuran ng marinig ang malakas na pagbitak ng yelo. Mukhang hindi na niya kakayanin na panatilihin ito dahil pati ang yelong pumipigil sa pagsarado ng pinto sa 'di kalayuan sa amin ay nasisira narin.

"V-Viviane" muli, ay napatingin ako sa kanya ng magsalita siya. Ramdam ko rin ang pagbabago ng enerhiyang nilalabas ng katawan niya. Mas naging maayos din ang itsura niya at pati na rin ang malalaking bitak ng yelo ay unti unti ng nawawala.

"Viviane" mahinang bulong ko sa sarili habang nililibot ang paningin.

Si Viviane, may kakayahan siyang palakasin ang Adva na dumadaloy sa katawan ng isang Atlantians at sa tingin ko ay iyon ang ginagawa niya ngayon sa lider ng Omega.

Napatingin ako sa pintuang ilang dipa nalang ang layo samin ng marinig ko ang tila isang musika na nagmumula doon. Sigurado ako na si Viviane ang may gawa nun, nagmumula iyon sa bansi na lagi niyang ginagamit.

Napaayos ako ng pagkakatayo at inihanda ang sarili dahil ilang segundo nalang ay tatama na kami sa pintuan na nababalot ng yelo.

Sa isang iglap, nawala ang yelong bumabalot sa pintuan kaya nagsimula nanaman itong sumara pero sapat na iyon para makapasok kami at maitulak ng tubig.

Pero dahil hindi parin tuluyang sumasara ang pintuan ay patuloy parin ang pagpasok ng tubig kaya halos mapadaing ako ng tangayin ako nito at tumama sa isang pader.

Sinubukan kong lumangoy pero dahil sa sobrang lakas ng agos ng tubig ay bigo ako at idagdag pa ang sugat ko sa binti. Kahit na anong gawin ko ay walang nangyayari hanggang sa lumubog na ako. Ilang beses din na tumama ang katawan ko sa pader na maslalong nakapagpawala ng hangin na iniipon ko.

Naramdaman ko na ang paninikip ng dibdib ko dahil unti unti na akong nawawalan ng hininga. Nakakainom na rin ako ng tubig dahil pinipilit ko paring lumangoy papunta sa ibabaw.

Napahawak ako sa aking dibdib at saka malakas na napaubo ng makaramdam ako ng kahinhawaan. Doon ko lang napansin na nasa loob na pala ako ng isang malaking bula, paniguradong gawa ito ni Viviane dahil hanggang ngayon ay naririnig ko parin ang patugtog niya.

Agad ko namang nilibot ang paningin ko ng mapagtanto ko na nag-iisa nalang ako. Mabilis akong tumayo sa loob ng bula kahit na nahihirapan para hanapin ang lider ng Omega.

Sa 'di kalayuan sa akin ay nakita ko itong katulad ko ay nasa loob ng isang malaking bula, pero 'di katulad ko ay nakahiga ito at mukhang walang malay. Marahil ay dahil iyon sa paggamit niya ng adva.

Agad namang napakunot ang noo ko ng maalala na halos hindi naman ganoon kadaming Adva ang pinakawalan niya dahil saglit na panahon lamang iyon. Kung tutuusin ay tinulungan pa nga siya ni Viviane kanina kaya bakit mawawalan siya ng malay?

Halos mataranta naman ako ng makitang sa ibang dereksyon papunta ang bulang kilalagyan niya. Patuloy parin kasi ang pagpasok ng tubig kaya malakas parin ang agos. Tatawagin ko na sana siya ng maramdaman ko ang mabilis na paggalaw ng bulang kinatatayuan ko.

Agad akong naging alerto ng lumutang na ito at nagpaliko-liko papunta sa kung saan. Hindi na dito nakakaabot ang tubig kaya marahil ay malayo na ito.

"Ate Mira!" napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko roon ang nakangiting si Viviane. Ikinumpas niya lang ang kamay niya at agad na nawala ang bula , kaya nalaglag ako sa lupa.

Muntik pa akong mapamura ng maitukod ko na ang binti ko. Agad kong naramdaman ang sakit mula doon. Patuloy parin pala ang pagdugo ng sugat ko mula doon na tinamaan kanina ng pana.

"Ate Mira ayos ka lang ba?" Agad na lapit ni Viviane sa akin, marahil ay napansin niya ang sakit na iniinda ko. "Ate ang binti mo" nag-aalalang sabi niya ng makita nito ang sugat ko.

"Ayos lang ako, gagaling na din na din yan maya-maya lang" sagot ko sa kanya para hindi na siya mag-alala. Buti na nga lang ay talagang kusang gumagaling ang mga sugat ko sa 'di ko malamang dahilan.

"Mag pahinga na muna tayo dito ate hanggang sa tuluyang gumaling ang sugat mo" suhesyun niya na siyang kinatango ko naman. Umupo nalang ako sa isang tabi at saka isinandal ang likod sa pader.

Doon ko lang din napagmasdang mabuti ang paligid, puro nagtataasang pader lang ang nakikita ko at maliban doon ay wala na.  Wala ng kahit na isang puno manlang o halaman sa paligid. Kita ko rin mula sa kinauupuan ko iba't-ibang daan na sigurado ay papunta sa kung saan.

Isang maze

Bulong ko sa isipan ko. Nasa loob kami ng isang malaking maze at sigurado ako na maslalong magiging mahirap ito dahil hindi na namin alam kung saan ang daan papuntang sentro.

Napatigil lang ako sa pag-iisip ng abutan ako ni Viviane ng isang tinapay. Napatingin naman ako sa kanya at ngitian lang naman ako nito.

"Baka hindi ka pa ate kumakain" nakangiting sabi niya kaya kinuha ko nalang iyon. Doon ko lang napansin na may dala dala siyang isng may kalakihang bag at pansin ko na puno iyon. Pati rin siya kumuha ng tinapay sa bag niya at kinain iyon.

Kinain ko nalang ang binigay niyang tinapay dahil kung tutuusin ay gutom pa naman talaga ako. Hindi ko rin kasi kanina nakain yung prutas na binigay niya dahil walang lasa at saka natutuwa pa akong asari—

Agad akong napatayo ng maalala ko siya. Kailangan naming mahanap siya dahil wala siyang malay

"Kailangan nating hanapin si Hu—" agad din naman akong napahinto sa pagsasalita ng malaman ko ang itatawag ko sa kanya.

Hindi ko pa alam kung siya talaga si Hurley. Kailangan ko munang makasigurado dahil ayaw kong umasa na siya at si Hurley ay iisa. Mukhang hindi rin ako makakapag na kapag naging siya si Hurley, dahil ang Hurley na kilala ko ay mabait laging mahinahon samantalang ang lalaki naman na yun ay kabaligtaran niya.

"Kung nag-aalala ka ate kay Kuya Caspian ayos lang siya" sabi ni Viviane na ikinalingon ko naman sa kanya.

"Hindi naman ako nag-aalala" depensa ko sa sarili ko at saka muling umupo. Hindi ako nag-aalala sa kanya pero kay Hurley ay nag-aalala ako.

"Magiging ligtas naman siya sa loob ng Lana na ginawa ko. Hindi iyon basta basta masisira at panigurado na bago nila magawa iyon ay nagising na siya" paliwanag pa niya at saka muling kumain ng tinapay niya. Tinanguan ko nalang siya at saka muling umupo para magpahinga.

"At saka hindi rin natin siya ate mahahanap kaagad dahil nawalan siya ng malay, hindi ko mararamdaman ang adva niya dahil naubos na naman niya iyon" dagdag pa niya na siyang ikinakunot ng noo ko.

"Nanaman?" nagtatakang tanong ko sa kanya na siyang ikakunot naman ng noo niya.

"Nakakapagtaka nga ate eh, kasi tuwing may mga misyon kami o mga kalaban, madalang niyang gamitin ang Adva niya, ginagamit lang yun ni kuya Caspian kapag kailangan na talaga at dalawa lang ang kinahahantungan niya. Mawawalan siya ng malay o sobra siyang manghihina" nagtatakang paliwanag niya sa akin kaya namn pati ako ay nagtaka din.

Totoo ngang hindi niya ginagamit na madalas ang Adva niya. Gamitin niya man iyon ay saglit lang o 'di kaya naman ay kakaunting enerhiya lang ang ginagamit niya.

Hindi rin naman kasi nagkakaroon ng problema dahil kahit na pisikal na lakas lang ang gamitin niya ay nagagawa parin niyang makasabay o masnahihigitan pa niya.

Dahil sa mga nalaman ko ay maslalong gusto ko na alamin pa lalo ang pagkakataon niya. Kung bakit ganun ang nangyayari sa kanya at kung siya ba talaga ang kababata ko, si Niel Hurley.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at saka nag-ayos ng sarili ko. "Kailangan na nating umalis" sabi ko kay Viviane at saka tinignan ang binti ko na ngayon ay wala ng sugat. Magiging maayos na din ito kaya hindi na namin kailangang mag aksaya ng oras pa.

"Sandali lang ate!" sagot niya sa akin at saka mabilis na tumayo at inayos ang mga dala niya. Sinubukan ko pang kunin ang mga gamit niya pero sinabi niya na kaya na daw niya.

"Saan mo pala nakuha ang mga yan?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kaming dalawa. Nginitian lang naman niya ako at saka sumagot.

"Marami akong nakasalubong na mga estudyante ate, dahil sa takot na maalis sila sa laro ay binibigay nila sa akin ang kung ano na meron sila at dahil doon ay binibigyan ko sila ng pagkakataon na umalis pero sabi ko sa kanila ay sa pangalawang pagkakataon ay hindi ko na sila pagbibigyan" natatawang paliwanag niya sa akin. Napatango naman ako sa kanya at base narin sa itsura niya ay mukhang natutuwa siya sa mga ginagawa niya.

"Pero alam mo ba ate sinusundan ko silang lahat pagkatapos kong makuha ang mga gamit nila at saka magpapanggap na nagkasalubong ulit kami para kunin sa kanila ang mga 'to" pakita niya sa akin ng hawak niyang lalagyan na bahagya ko namang ikinagulat. Sobrang dami nung laman na bato na katulad ng sa amin. Iba iba ang kulay pati narin ang laki.

"Sabi kasi ni kuya Caspian ay masmaganda daw na agad na mawala ang mga estudyante para narin sa kaligtasan nila" dagdag pa niya na siyang ikinalingon ko sa kanya. Iyon din ang mga narinig ko kila Kendra kahapon. Agad naman na napakunot ang noo ko sa narinig.

"Bakit naman daw?" patay malisya kong tanong. Baka kasi mahalata niya na intrisado akong alamin yun kahit na iyon naman ang totoo.

"Hindi na niya sinabi sa amin ate, basta ang sabi niya lang ay kailangan na walang ibang estudyante ang makaabot sa sentro maliban sa Shannon at Aqua" sagot niya sa akin na maslalong nakapagpakunot ng noo ko.

Ang shannon ay ang grupong pinamumunuan ni Kelby at ang Aqua naman ay ang kay Kendra, kaya maslalong nakapagpataka sa akin. Ang dalawang grupong iyon ay ang sumunod sa Omega pagdating sa pinakamalalakas.

Kahit hindi ko sabihin ay alam ko na may binabalak sila, yun ang dapat kong alamin sa ngayon kaya kailangan naming makapunta sa sentro ngayon bago sumapit ang gabi.

********

"Nakakainis!" bulong ko ng makitang nasa dead end nanaman kami. Ilang beses na kaming napunta sa ganitong sitwasyon at nasasayang na ang oras namin. Hindi ko rin alam kung ilang oras na kaming naglalakad lakad dahil medyo nakakaramdam narin ako ng pagod.

"Ate Mira alam mo ba talaga ang daan?" napatingin ako kay Viviane ng magsalita siya sa likudan ko. Bahagya pa akong napangiti sa kanya dahil kanina pa siya sumusunod sa akin at hanggang ngayon ay wala parin kaming napupuntahan.

"Napapansin ko kasi na kanina pa tayo palakad lakad ate pero hindi parin tayo nakakaalis" nakangiting saad niya sa akin na maslalong ikinahiya ko. Nakakalito naman kasi kung saan ang daan kaya kung ano lang ang sa tingin kong tama ay iyon ang pinapasukan namin pero laging dead end.

"Mahahanap din natin yung daan Viviane, medyo nahihirapan lang ako ng konti" sagot ko sa kanya para naman kahit papaano ay mapanatag siya. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na naliligaw kami dahil baka kung ano pa ang isipin niya.

Kailangan naming makapunta sa sentro dapat bago mag dilim pero dahil sa nangyayari ay mukhang bukas na kami makakapunta doon.

"Ate Mira, baka gusto mo munang magpahinga at saka kumain" sabi niya sa akin at saka binigyan ako ng prutas mula sa bag niya.

"Kailangan nating makahanap ng masligtas na lugar bago tayo abutan ng gabi" sagot ko sa kanya at saka binalikan yung dinaanan namin kanina. Masasayang lang ang oras namin kapag nagpahinga pa kami kaya masmabuti na huwag nalang.

Ramdam ko naman na sumunod na siya sa akin at hanggang ngayon ay hindi parin nawawala ang ngiti sa mga labi niya. Mukhang hindi nga rin siya napapagod kahit na kanina pa kami naglalakad.

Napahinto naman ako sa paglalakad at saka napakamot ng ulo May tatlong daan ngayon sa harapan namin at hindi ko alam kung alin sa mga ito ang kailangan naming puntahan.

"Ate Mira gusto mo bang ituro ko sayo yung daan?" suhesyon yun ni Viviane na siyang ikinalingon ko sa kanya. Nakangiti lamang siya sa akin habang nag-iintay ng sagot ko.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya.

"Alam ko kasi ate kung saan yung tamang daan" nakangiting sagot niya sa akin na ikinagulat ko. Hindi ko alam kung nabibiro lang ba siya dahil nakangiti parin siya sa akin.

"Papaano mo nalaman?" nagtatakang tanong ko sa kanya dahil kung alam naman pala niya ay bakit hindi niya sinabi sa akin kanina.

"May nararamdaman kasi ako ateng kakaibang enerhiya sa mga dinadaanan natin at sa tingin ko ay iyon ang daan papunta sa sentro" sagot niya sa akin at saka isa isang nilapitan ang mga daanan sa harapan namin.

"Bakit hindi mo sa'kin sinabi kanina Viviane?" tanong ko sa kanya at saka ko siya nilapitan. Sinubukan ko ring pakiramdaman ang sinasabi niyang enerhiya pero wala naman akong maramdaman.

"Mukha kasing natutuwa ka sa ginagawa mo ate kanina kaya hindi ko na sinabi" natatawang sabi niya saka pinasok ang kanang daan na siya namang sinundan ko.

Kung alam niya lang kanina na inis na inis na ako dahil hindi ko mahanap ang daan pero siya ang alam niya naman pala at hindi lang sinasabi.

Sinundan ko nalang siya sa paglalakad. Siya na ang pinauna ko dahil wala naman akong alam sa enerhiya niyang sinasabi.

"Pano mo pala nararamdaman ang sinasabi mong enerhiya?" pag-uusisa ko habang nakatingin sa mga daanan na nilagpasan lang namin kung ako yun ay panigurado na doon na ako pumasok at malamang ay naligaw nanaman.

"Hindi ko rin ate alam. Basta simula noong pumasok ako dito ay naramdaman ko na lang" sagot niya sa akin at saka muling pumasok sa kaliwang daan.

Mabuti nalang talaga at nagkita kami ni Viviane dahil panigurado na kung ako lang na mag-isa dito ay hindi ako makakaabot sa sentro. Mabuti nalang din na wala pa kaming nakakasalubong na kahit sino kaya masnapapabilis pa ang pagpunta namin sa sentro.

"Anong meron?" nag-aalalang tanong ko kay Viviane ng hinila niya ako at nagtago sa isang pader. Wala naman siyang sinagot sa tanong ko at sa halip ay naging seryoso na siya.

Sumilip siya sa pader kaya naman ginaya ko siya pero agad din niya akong hinila para magtago.

"May mga papaparating" seryosong saad niya at saka mabilis na binalot ng liwanag ang kamay niya. Mula doon ay nakita ko bansi na ginagamit niya sa pakikipaglaban.

"Ilan sila?" tanong ko sa kanya dahil 'di ko naman alam kung nasaan ang sinasabi niya. Hindi ko rin maramdaman kung nasaan o ilan sila kaya lubhang nakakapagtaka ng maramdaman iyon agad ni Viviane.

"Lima" seryoso parin niyang sagot sa akin "Kaya kailangan mo ateng manatili dito" dagdag pa niya sa akin na siyang ikinakunot ng noo ko.

"Hindi Viviane! Kaya kong protektahan ang sarili ko" pagpoprotesta ko sa kanya dahil hindi naman pwedeng siya lang ang mag-isang kumalaban sa kanila.

"Pasensya na ate Mira pero ito ang utos sa akin" sagot niya at saka malakas na tumalon palayo sa akin. Agad naman niyang hinipan ang bansi niya kaya mabilis na nabalot ng bula ang boong paligid.

Iyon ang naging dahilan kaya hindi ako nakasunod sa kanya. Nawala narin naman na siya sa paningin ko dahil  mabilis na siyang sumugod papunta sa kung saan.

Sinubukan kong kumawala sa mga bulang pinakawalan niya ng makarinig ako ng mga pagsabog sa 'di kalayuan sa akin.

Maslalo akong nabahala dahil sa mga narinig kaya ginawa ko ang lahat para makaalis at nagtagumpay naman ako.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at mabilis na akong tumakbo papunta kay Viviane  pero agad din akong napahinto ng makita mabibilis niyang kilos habang napapalibutan ng tatlong estudyante.

Hinanap ko pa ang dalawa pero bigo ako, marahil ay na talo na agad sila ni Viviane.

Halos hindi ko na masundan ang pag-ikot ni Viviane papunta sa likod ng isang eatudyante saka ito sinipa na siyang ikinatumba niya. Sa isang iglap, agad na naglaho ang dalawa sa mga kalaban niya ng makita kong may dinurog siya sa mga kamay niya.

Kita ko naman ang takot sa babaeng kaharap na niya ngayon at maslumalala pa iyon ng hipan na ni Viviane ang bansi niya, kagaya kanina ay nabalot ng bula ang paligid, ilang saglit lang ay sunod sunod na pag-sabog na ang naganap.

"Ate Mira tignan mo 'to!" masayang masayang sigaw sa akin ni Viviane habang pinapakita niya sa akin ang isang maykaliitang bag na dala niya. Marahil ay nakuha niya iyon sa mga nakalaban niya.

"May magagamit na tayo sa pagtulog" dagdag pa niya sa akin at saka ipinakita ang  mga kumot na laman ng bag. Napangiti nalang sa kanya at saka tignan ang mga nakuha niya.

Hindi ko talaga siya maintindihan, madalas ay isip bata siya pero kapag may mga kalaban sa harapan namin ay nagiging seryoso siya at handang protektahan ang lahat.

Masyado niyang sineseryoso ang sinabi ng lider ng Omega sa kanya na protektahan ako. Alam kong malaki ang tulong ni Viviane sa akin ngayon pero hindi naman niya kailangan na sarilinin yun dahil kaya ko namang protektahan ang sarili ko.

"Dito na tayo magpalipas ng gabi ate Mira" nabalik lang ako sarili ng magsalita siya. Tinanguan ko lang naman siya dahil masgiging ligtas nga kami kung dito na magpapaabot ng gabi.

"Anong ginagawa mo?" pagtatanong ko sa kanya habang inaayos ang mga gamit namin.

"Kailangan ko lang ate makasiguro na walang makakalapit sa aten habang natutulog tayo" ngiting sagot niya sa akin at saka hinapan na ang bansi niya. Mula doon nagpalabas siya ng mga lana at pinalibot niya sa paligid namin.

Masmakakabuti na rin yun para makatulog kami ng maayos. Siguradong kahit na gabi ay may mga estudyante parin na nagkalat at gustong makapunta sa sentro. Iisipin nila na masmadali nila iyong magagawa dahil tulog ang karamian.

Nahiga nalang ako at saka pinagmasdan ang kalangitan. Matagal-tagal na rin nung huling mapagmasdan ko ang kalangitan. Katulad ng dati ay puno parin ito ng bituin na siyang nagbibigay ng kagandahan dito.

"Viviane nasan tayo?" pagtatanong ko rito habang nakatingin parin sa kalangitan. Hindi ko alam kung nasa loob parin kami ng Atlantis dahil sa mga nakikita ko.

"Nasa pagitan tayo ng mundo ng mga tao at ng mga Atlantians ate" sagot niya kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin din pala siya sa kalangitan at mukhang natutuwa siya doon.

"Ang lugar na ito ang ginagamit nila dati para makapunta sa mundo ng mga tao, iba't-ibang lagusan ang nandito para makapunta sa iba't-ibang lugar. Ito rin ang naging daan para makalabas at makapasok ang mga tao dito sa Atlantis" dagdag pa niya na ikinapagtaka ko. Ang pagkakaalam ko ay bawal pumasok ang mga tao dito at nangyari lamang iyon ng magkaroon ng digmaan dito.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko para malinawan ako. Muli kong pinagmasdan ang langit habang nag-iintay sa sagot niya.

"Alam kong 'di lingid sa kaalam mo na bawal malaman ng mga tao ang tungkol sa'tin, pero may mga piling tao ang nooy pinagkakatiwalaan ng kaharian. Sila ang naging daan para magampanan ng mga Atlantians ang pagprotekta sa mga tao pero agad ding pinutol ang lahat ng koneksyon sa kanila ng mangyari ang digmaan. Isinarado ang lahat lagusan papalabas at papasok sa mundo nila" mahabang paliwanag niya,  pero habang pinakakinggan ko ang mga sinasabi niya parang may nararamdaman akong kirot doon.

Napatango nalang ako sa sinabi niya, siguro ay iyon ang dahilan kung bakit mga bituin ang nakikita namin ngayon at hindi ang iba't ibang isdang naglalangoy sa karagatan.

Hindi ko alam kung ano ang buong nangyari noon pero isa lang ang alam ko, malaki ang naging epekto nito sa ngayon.

********

"Ate Mira! Ate Mira" nagising ako sa malakas natawag sa akin ni Viviane at pati narin sa pag-alog nito sa akin. Nagmamadali nito akong hinila patayo mula sa pagkakahiga ko.

Doon ko lang napansin ang paligid. Kita ko ang paggalaw ng mga pader na siyang nagsisilbing harang kanina. Nagbabago rin ang mga daan dahil sa mga nangyayari.

"Ate Mira kailangan na nating makaalis dito" pahayag ni Viviane sa akin at saka niya ako hinila.

Madilim parin ang paligid pero kaya pa naman naming makita ang paligid. Si Viviane narin ang nanguna dahil sigurado naman ako na alam niya kung saan ang daan.


Kailangan na mag doble ingat kami dahil baka makulong kami sa mag pader. May posibilidad din na maipit kami ng mga ito.

Papasok na sana kami ni Viviane sa isang daan pero agad na nagsarado ito. Napalinga linga naman si Viviane at hinahanap ang daan. Mukhang pinapakiramdaman niya ang enerhiyang sinasabi niya dahil nakaipikit ito.

"Ate Mira sundan mo lang ako kahit na anong mangyari" seryosong saad niya habang nakapikit parin. Sasagot pa sana ako sa kanya pero bigla na siyang tumakbo papunta sa kanan namin kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod.

Base sa nakikita ko ay nahihirapan na siyang pakiramdaman ang sinasabi niyang enerhiya kaya kakakitaan ko ito ng seryoso.  Marahil ay dahil narin iyon sa paggalaw ng mga pader na nasa paligid namin.

"Ughh!" daing ko ng tumama ang katawan kosa pader dahil bigla itong gumalaw. Si Viviane naman ay mabilis lang nakakailag kahit na sabihin pang nakapikit ito.

Pansin ko rin ang agwat naming dalawa. Dahil sa bilis ng kilos niya ay napagiiwanan ako kaya medyo malayo siya sa akin ng ilang dipa.

Tatawagin ko pa sana ang pangalan niya dahil napapalayo na siya sa akin pero napigil iyon ng may biglang nader ang humarang sa dinadaanan ko.

Agad na nawala si Viviane sa paningin ko kaya agad na akong tumakbo sa ibang deriksyon. Pumasok ako sa katabing daanan dahil nagbabakasali na makita ko doon si Viviane pero bigo ako.

Halos mapamura nalang ako ng may tumamang kutsilyo sa pader malapit sa akin. Agad kong tinignan ang pinagmulan noon ay doon ay nakita ko ang tatlong lalaking nakatingin sa akin.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad ng tumakbo papalayo sa kanila.  Kahit na may humahabol sa akin ay pinipilit ko parin na hinanap si Viviane.

Ramdam ko ang hapdi sa kanang braso ko ng daplisan iyon ng patalim. Hindi ko naman na iyon mastadong ininda at saka lumiko na ako sa makitang daanan. Kahit anong makitan kong daan ay pinapasukan ko para lang makalayo sa kanila at huwag lang sanang dead end ang mapasukan ko dahil paniguradong katapusan ko.

"Ate Mira dito!" napalingon ako sa tumawag sa akin at laking pasasalamat ko at nakita ko si Viviane sa 'di kalayuan as akin.

Wala na akong sinayang na oras at tinakbo yun pero halos mapamura ako ng makitang nagsasarado na ang daanan papunta sa kanya. Masbinilisan ko pa ang pagtakbo pata maabutan iyon.

"Bwisit! Kainis!" Sigaw ko ng magsarado na iyon at hindi manlang ako umabot. Napatingin ako sa likuran ko at nandoon pa rin ang tatlong lalaki. Mukhang hindi talaga si titigil hanggang hindi nila ako naaalis sa laro.

Tumakbo na ako sa kanan ko at ramdam ko na sumunod nanaman sila. Ibinuka ko ang kamay ko at may namuong liwanag doon, ilang saglit lang ay hawak ko na ang boomerang ko.

Napangiti ako sa aking nakita, salamat sa Omega at natutunan ko 'to.

Kahit na tumatakbo ay inihagis ko ang boomerang ko sa papunta sa kanila. Wala na akong pakealam kung may tamaan man sa kanila o wala, ang kailangan ko lang ay maalis sa akin ang atensyon nila kahit saglit.

Muli akong lumiko sa nakita kong daanan para iligaw sila. Pansin ko rin na hindi na gumagalaw ang pader sa paligid na siya namang ikinatuwa ko. Masmapapadali na ang pagtakas ko sa kanila pero masmapapadali din ang paghuli nila sa akin.

Napalingon ulit ako sa likuran ko ng marinig ko ang mga boses nila. Kahit na anong pagtakas ko ata sa kanila ay masusundan pa rin nila ako.

Muli kong kinontrol ang boomerang ko pabalik sa akin at malakas iyong inihagis sa kanila. Naglabas din ako ng ilang lana para kahit na papano ay mahirapan sila sa pagsunod sa akin.

Habang nakakarinig ako ng mga pagsabog ay agad akong lumiko sa nakita kong daanan pero ganun nalang ang takot ko ng may humila sa akin at agad na takpan ang bibig ko gamit ang mga kamay nito.

Binalot ng takot ang buong sistema ko dahil sa mahigpit na pagkakahawak nito. Sinubukan kong kumawala pero bigo ako. Hindi rin naman ako makasigaw dahil sa kamay nito na nasa bibig ko.

Maslalo pa akong nagwala sa mga kamay niya ng maramdaman ko na pilit ako nitong inihaharap sa kanya, pero kahit na anong gawin ko ay nagawa pa rin niya ang gusto niya.

Halos manlaki naman ang mga mata ko ng makita kung sino ang ngayon ay nasa harapan ko, nakatingin lang ito sa akin at walang binibitawang salita, mas nakahinga naman ako ng maayos at ang kaninang takot na bumabalot sa aking sistema ay unti-unting nawala ng makita ko ang seryoso niyang pagmumukha.

*********

Vote ang comment po. Thank you!

-Fantasystic-

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 62.2K 79
Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided to avenge them. This makes the...
231K 8.3K 113
HOURGLASS SERIES #2 Ang akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in th...
21.3M 788K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...
3.8M 227K 77
"If Eve was the first woman on Earth── then, I am the last. My name is Dawn. The last girl on the planet. This is my diary." 🖇 COMPLETED Date Starte...