Amphitrite University: The Se...

By Fantasystic

4.3K 1.3K 409

Itsaso Narinig mo na ba? Alam mo na ba ang mga tulad nila? Itsaso ang mga taong may kakaibang kakayahan. Mga... More

Prologue ✔
Itsaso ✔
Chapter 01: Birthday Party ✔
Chapter 02: Meet the Royals ✔
Chapter 03: Amphitrite University ✔
Chapter 04 Danger ✔
Chapter 05 Mira's Adva ✔
Chapter 06 AdvaMetric ✔
Chapter 07 The Omega ✔
Chapter 08 History ✔
Chapter 09 Alpha ✔
Chapter 10 The Great Seven ✔
Chapter 11 The Nixie ✔
Chapter 12 Mision ✔
Chapter 13 Omicron ✔
Chapter 14 Strange ✔
AUTSP Dictionary ✔
Chapter 15 Babala ✔
Chapter 16 Mira ✔
Chapter 17 Viviane ✔
Chapter 18 Caspian ✔
Chapter 19 Niel Hurley ✔
Chapter 20 Avonmora
Chapter 21.1 Jordon
Chapter 21.2 Jordon
Chapter 23 Maze
Chapter 24 - Huling araw ng Eldoris
Chapter 25 - Ang prinsesa ng Atlas

Chapter 22 Eldoris

21 6 0
By Fantasystic

Chapter 22 Eldoris

Tila walang hanggang kadiliman ang sumalubong kay Mira ng pasukin niya ang pintuan. Tanging ang nakabukas lang na pintuan sa likod niya ang nabibigay liwanag pero hindi parin iyon sapat para makita niya ang buong paligid.

Tanging ang mga yapak niya lang ang maririnig sa buong paligid at habang palayo siya ng palayo sa pintuan, siya namang pagdilim palalo ng paligid.

Napahigpit ang hawak ni Mira sa batong binigay sa kanya kanina at saka mabilis na tinakbo ang lagusan na natatanaw niya mula sa 'di kalayuan.

Doon, sumalubong sa kanya ang mga nagtataasang puno, mga huni ng mga ibon at iba't ibang tunog na nagagawa ng mga hayop sa paligid.

"Isang gubat

Bulong niya sa kanyang sarili habang nililibot ang paningin. Bakas ang pagtataka sa mukha ng dalaga habang nakatingin sa napakapayang kapaligiran na tila ba walang dalang kapahamakan at maslalo pang napakunot ang noo niya ng matanaw ang kulay asul na kalangitan at mga ibong nagliliparan doon.

Alam niya sa sarili niyang nasa loob parin sila ng Atlantis pero tila iba ang sinasabi ng mga nakikita niya dahil imbis na ang asul na karagatan ang nandodoon ay mga ulap at ibon ang nakikita niya.

Malakas na bumuntong hininga si Mira at saka nagsimulang maglakad. Kahit na binabalot ng kaba ay nag patuloy parin siya. Kailangan niyang makapunta sa sentro kagaya ng sabi ng mga kasamahan niya.

Agad din naman siyang napahinto sa paglalakad at nilibot muli ang paningin. Wala na ang lagusan na kanina ay pinasukan niya tanging mga puno at damo nalang ang nasa paligid niya at tila ba nasa gitna siya nito.

Hindi na siya nag-aksaya ng oras at agad na inakyat ang puno na nakita niya. Mula sa taas ay pinagmasdan niya ang gubat. Wala siyang nakitang kakaiba maliban nalang sa isang puno na halos doble ang laki kaysa sa karaniwan.

Bahagya pa siyang napangiti at saka tumalon pababa ng puno. Ngayon ay alam na niya kung saan ang pupuntahan niya. Kaya kahit nababalot ng kaba ay tinahak niya ang daan papunta sa malaking puno na nakita niya.

Katulad ni Mira, ganoon din ang ginawa ng iba. Tinahak ang nag-iisang puno na naka akit ng atensyon nila pero ang 'di alam ni Mira simula palang na mag umpisa ang Eldoris, umpisa palang na lumabas siya sa madilim na lagusan kanina ay isang pares na agad ng mga mata ang nakamasid sa bawat kilos niya at masayang masayang pinagmamasdan ang ginagawa niya habang nag-iintay ng tamang oras para atakihin siya.

******

MIRA NOELANI ADVA LANA

Hindi ko alam kung ilang oras na akong naglalakad sa gitna ng gubat nato pero laking pasasalamat ko din dahil kahit papano ay wala pa akong nakakasalubong na kung sino kaya naman kahit na konti ay napapanatag ang loob.

Napatingin ako sa relong binigay sa akin kanina ng Meredith at nakita ang mga numero doon. Sa taas ay 98 ito ang bilang ng grupo na nanatiling naglalaro at sa baba naman nito ay ang numerong 6, ito naman ang bilang ng natitirang miyembro ng grupo na kinabibilangan ko ang Omega.

Ang kaninang 105 na grupong naglalaro ay 98 nalang ngayon. Pito kaagad ang natanggal, alam ko na mababawasan pa ito ng mababawasan habang papalapit kami ng papalapit sa sentro.

Dahil habang lumalapit kami sa sentro ay papalapit rin kami ng papalapit sa isa't- isa.

Napahinto ako sa paglalakad ng may maramdaman akong kakaiba. Agad kong nilibot ang tingin ko dahil alam akong may nakamasid ngayon sa bawat kilos.

Inihanda ko naman ang sarili ko at ginawa ko na ulit boomerang ang porselas na nakasuot sa kamay ko. Hindi na ako nag aksaya ng oras at agad iyong inihagis sa sanga na 'di layuan sa akin.

May makapal yung dahon kaya hindi makikita kung may mag tatago man doon. Sakto lang din ang laki ng sanga para talaga makapagtago ng maayos.

"Aray!" rinig kong daing niya ng tamaan siya at malaglag sa puno.

Hindi ko na siya tinignana at mabilis na tumakbo papalayo sa kanya. Kinontrol ko rin naman ang boomerang ko at agad itong pinasunod sa akin habang nag-iiwan ng mga Lana sa daan para narin hindi niya ako masundan.

Hindi ko alam kung mag-isa lang siya o may mga kasama pa kaya masmabuting tumabo nalang ako. Kagaya nga ng  sabi nila na makakabuti daw kung iiwas muna kami sa gulo dahil kakailanganin namin ang lakas namin.

Hindi ko man alam kung ano gustong ipahiwatig ni Kailani sa mga sinabi niyang yun pero wala akong magawa kundi sundin siya dahil alam kong mas may alam siya pagdating dito.

Napahawak ako sa tuhod ko, hingal na hingal ako habang nakatago sa likod ng puno. Sobrang layo ng tinakbo ko para lang maiwasan kung sino man yung Atlantians na yun.

Napahigpit ang hawak ko sa batong binigay sa akin kanina ni Viviane dahil baka mawala ko ito. Wala naman kasi akong bulsa o kahit na anong lalagyan para sana mapaglagyan ko.

"Dito lang pumunta yun kailangan natin siyang makuha kagaya ng plano"  napatayo ako ng maayos at mas siniksik pa ang sarili sa puno na tinataguan ko.

Ang akala ko ay natakasan ko na sila pero mukhang nagkamali ako. Bahagya kong inilabas ang ulo ko para malaman ko kung nasan sila.

Sa di kalayuan sa akin ay nakita ko ang dalawang lalaki na nag-uusap. Ang isa ay mayhawak na pana samantalang ang isa naman ay espada.

Base rin sa mga suot nila ay hindi sila mga mag-aaral dito. Maaring isa sila sa limang grupo na mula sa bayan ng Atlantis at buti nalang din na dalawa lang sila kung hindi ay masmahihirapan pa akong takasan sila.

"Kung hindi lang kasi tayo pinigilan ng lalaking yun masmapapadali sana ang plano natin" bahagya naman akong napakunot ng marinig ang pinag-uusapan nila.

Sino naman ang lalaking pipigil sa kanila?

Napatingin din ako sa espada na hawak ng isang lalaki at nakita sa dulo ng hawakan nito ang bato na kulay itim at pula. Pati sa kasama niya ay nakalagay din sa pana nito ang batong kaparehas niya.

Agad naman akong napatingin sa batong hawak ko at sa boomerang ko. Sinubukan kong ilagay ang bato sa gitna ng boomerang ko at bahagya pa akong nagulat ng umilaw 'yun at bumaon sa boomerang ko.

Tila naging desenyo na niya ito na maslalo ko namang ikinatuwa. Hindi ko na poproblemahin ngayon kung saan ko ilalagay yung bato.

Muli, ay tinignan ko yung dalawang lalaki at laking gulat ko ng makita na wala  na sila doon. Nilibot libot kopa ang paningin ko pero hindi ko na sila nakita na siyang ikinabahala ko.

Mabilis akong lumingon sa harapan ko ng makaramdam ng paggalaw dun at 'di nga ako nagkamale. Isang palaso ang mabilis na  bumubulusok sa akin.

Halos manigas naman ako sa kinatatayuan ko ng tumama ito malapit sa ulo ko. Nakabaon na ito ngayon sa puno at ilang pulgada lang layo sa akin.

Hinawakan ko ng mahigpit ang boomerang ko at saka malakas iyong inihagis sa pinagmulan ng palaso. Ginamit ko narin ang pagkakataon na yun para sugudin sila.

Nagpakawala din ako ng mga Lana papunta sa kanila at ilang segundo lang ay narinig ko na ang mga pagsabog nun. Nasalikod sila ng matataas na damo kaya di ko alam kung anong nangyari sa kanila.

Mabilis na akong tumakbo kasabay ng pagkontrol ko sa boomerang ko pabalik sa akin. Hindi ko pa alam kung anong kakayahan nilang dalawa o may kasama paba sila kaya masmadaling takasan nalang muna sila.

Ramdam ko rin ang mabilis na pagsunod nila sa akin kaya masbinilisan ko pang tumakbo.

Agad akong tumalon sa kanan ko ng maramdaman sa likod ang paparating na palaso. Halos mapamura naman ako ng magpaulan na sila ng maraming palaso sa akin.

Mabilis akong lumiko at saka nagtago sa malaking puno para maiwasan ang mga palaso nila. Hindi 'to matatapos kung patuloy ko lang silang tatakbuhan at iiwasan. Kailangan ko na makaisip ng plano.

Huminga ako ng malalim at saka mabilis umalis sa pinagtataguan ko. Mabilis 'kong tinakbo ang dalawang lalaki sa 'di kalayuan sa akin siyang ikinagulat nila.

Agad na nagpalipad sila agad ng palaso sa akin pero mabilis ko lang naman iyong naiwasan. Agad akong yumuko at saka malakas na sinipa ang paa ng lalaking may hawak na espada, naging dahilan naman iyon para malakas siyang tumuma sa lupa.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad na sinugod ang lalaking may hawak na pana. Malakas 'kong tinuhud ang sikmura nito kaya napayuko siya at ginamit ko naman ang pagkakataon na yun para sikuhin ang likudan niya.

Bumagsak siya sa lupa habang namimilit sa sakit ng katawan. Napaharap ako sa lalaking may espada ng maramdaman ang pagsugod nito. Inihagis ko sa kanya ang boomerang ko at hindi niya iyon na iwasan.

Katulad ng kasama niya ay parehas silang bumagsak sa lupa, ginamit ko naman ang pagkakataon na yun para maikulong silang dalawa sa isang malaking bula at saka mabilis ulit na tumakbo para makalayo sa kanila.

Hindi rin mag tatagal ang bulang iyon at makakaalis na sila pero sapat na 'yun para matakasan ko silang dalawa.

Halos hindi ako makahinga dahil sa sobrang pagod sa pagtakbo. Malayo layo na rin siguro ang naabot ko at hindi na nila ako maabutan pa.

Pinagmasdan ko ang paligid pero kagaya kanina ay ganun padin. Wala akong ibang nakikita kundi mga nagtataasang puno at halaman. Napatingin din ako sa kalangitan at nakita na malapit ng magdilim.

"Kailangan ko ng ligtas na matutuluganbulong ko sa sarili ko habang nililibot ang paningin at naghahanap ng medyo mataas na puno.

Malakas kong tinalon ang puno na nakita ko. May malaking sanga ito at sapat na iyon na para makatulog ngayong gabi. Masligtas din dito dahil 'di masyadong pansin ang pwesto ko dahil sa makapal na dahon sa baba.

Tanaw rin dito ang malaking puno na kailangan kong puntahan. Parang hindi manlang ako nakalapit doon dahil sobrang layo parin nito sa akin.

Kagaya ng inaasahan ay hindi magiging madali ang larong ito. Mukhang masmagiging mahirap pa ito habang papalapit kami ng papalapit sa sentro.

Tinignan ko ang relo ko at nalaman na 85 na grupo nalang ang naglalaro. Dalawampu na agad ang tanggal, sigurado ako bukas na madodoble pa ang bilang nito.

Napatingin naman ako sa langit ng may unti-unting bumababa mula doon. Agad kong hinawakan ang boomerang ko at naghanda. Mahirap na, baka kung anong gawa ito ng mga kalaban. Nakahinga naman ako ng maayos ng makita na isa lang itong lalagyan ng tubig.

Unti-unti itong bumaba hanggang sa nasa harapan ko na. Malaking tulong nadin ito ke'sa sa wala. Kahit na papaano ay mapupunan nito ang uhaw ko.

Ito ang naging kabayaran namin sa ginawa naming kaguluhan noong Avonmora. Nawala ang puntos na naipon ng Omega kaya wala kaming pagkain ngayon. Buti na ngalang ay may tubig pa kami kahit na papaano. Ang sabi kasi ni Talya at Assana ay wala daw kaming makukuha

"Dahil nawala na ang puntos ng Omega ay wala kayong maaring dalhin maliban sa isang armas at ang suot niyo"  saad ni Assana na siyang ikinalingon ko. Nandito kami ngayon sa kanya-kanya naming kama at matutulog na.

"Ang ibang grupo ay maaring magdala ng pagkain at ibang armas na gusto nila base sa puntos na nakuha nila, masmagiging  madali din ito para sa kanila dahil maaaring may makasama sila sa laro mula sa kagrupo nila"  dagdag naman ni Talya na siyang ikinatango ko. Alam 'kong malaking tulong sa kanila iyon pero wala akong magagawa lalo na't  ako ang nag-umpisa kung bakit nawala sa amin ang mga puntos.

Malakas akong bumuntong hininga at saka inayos ang pagkakaupo ko sa sanga, isinandal ko ang likod ko sa puno at saka pinikit ang aking nga mata. Kailangan ko na mag pahinga dahil bukas ay sigurado na masmarami akong mapagdadaanan.

*********

Napamulat ako ng mata ng maramdaman ko ang pagtama ng mga kung anong bagay malapit sa akin.

Mga yelo, sobrang tulis nito at siguradong malaking pinsala nito kung may tumama sa akin. Apat na matutulis na yelo ang ngayon ay nakabaon sa sangang inuupuan ko at sa puno na sinasandalan ko.

Agad kong nilibot ang aking paningin para hanapin ang pinagmulan nito pero bigo ako. Tanging mga puno lamang ang aking nakikita at ang mga makakapal na dahon.

"Hindi ko alam kung ano ang binabalak nila at inuutusan nila tayong kuhain ang mga batong ito sa sinumang makasalubong natin" napatingin ako sa ibaba ng puno at nakita si Kendra kasama ang dalawa sa mga kagrupo niya.

Sobrang dami nilang hawak na mga bato na paniguradong galing sa mga estudyanteng nakaharap nila.

"Hindi ba't sinabi niya na masligtas daw kung hindi na sila makakaabot pa sa sentro" saad ng isang kasama ni Kendra na siya namang ikinakunot ng noo ko.

"Alam kong may nalalaman silang hindi nila sinasabi sa atin" muling saad ni Kendra. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila pero hindi maganda ang kutob ko lalo na at sa bibig pa ni Kendra ito nagmula.

"Kaya kailangan nating mauna sa sentro para malaman kung ano ang balak nila" suhesyon naman ng isa niyang kasama na agad niyang ikinatango.

Pinagmasdan ko lang silang tatlo hanggang sa makalayo sila sa akin. Agad na akong tumayo sa aking pagkakaupo ng makita na wala na sila pero halos manigas ang katawan ko marinig ang ingay ng sanga na kinatatayuan.

Napatingin ako sa paahan ko at nakita ang malaking bitak doon. Dahil sa mga yelong tumama kanina sa  sanga ay nagkabitak ito at konting galaw ko lang ay paniguradong babagsak ako sa lupa.

Napalingon ako sa huling puwesto nila Kendra ng makarinig ako ingay mula doon  siya namang pinagsisihan ko dahil tuluyan ng naputol ang sanga na kinatatayuan ko.

"Kainis!" reklamo ko ng maunang tumama ang puwetan ko sa lupa. Mataas-taas din ang nilaglagan ko kaya sobrang sakit.

"Tignan mo nga naman ang pagkakataon" agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses at nakita doon si Kendra kasama ang dalawa niyang kagrupo. Lahat sila ay may ngisi sa kanilang labi na para bang natutuwa sila sa kanilang nakikita.

Agad akong tinutukan ni Kendra ng kanyang pana kaya agad akong tumayo mula sa aking pagkakaupo.

"Hindi ko alam kung sinusuwerte ako o talagang tatanga-tanga ka lang" dagdag pa niya kaya nagtawanan silang tatlo.

"Siguro yung huli, sadyang tatanga-tanga KA lang" nakangiti ko namang ganti sa kanya. Masdiniinan ko din 'yung ka para malaman niyang hindi ako natatakot sa kanya.

"Nakakatawang isipan na nagagawa mo ng lumaban ngayon, ano kayang mararamdaman ng kaibigan mong si Chelsea kapag nalaman niya to" dagdag pa niya. Hindi rin ako nakasagot sa sinabi niya ng marinig ko ang pangalan ni Chelsea.

Madalas kasi ay siya ang pumipigil sa akin na patulan sina Kendra noon. Pati sa kahit na anong gulo ay siya ang madalas na pumipigil sa akin, siya rin ang dahilan kung bakit hindi nakakarating sa mga magulang ko kapag napapasok ako sa gulo.

"Ano kayang mararamdaman niya kapag nalaman niya na ang kaibigan niya ay hindi lang ordinaryong tao, kundi isang halimaw"

"Halimaw? Kailan pa naging ako ang ikaw? Huwag mong ipasa sakin ang titulo na nararapat lang para sayo" nakangiti kong saad sa kanya na siya namang maslalo niyang ikinagalit.

Kita ko ang paghigpit ng hawak niya sa kanyang pana at agad na pinakawalan ang palaso niya papunta sa akin. Hindi ko 'yun inaasahan kaya hindi kaagad ako nakakilos pero bago pa iyon tumama sa akin ay nahati na iyon sa dalawa. 

May tumamang matulis na yelo sa palaso niya na siyang naging dahilan kung bakit nahati ito sa dalawa. Parehas kaming napatingin sa yelo na ngayon ay nakabaon na sa lupa.

"Nakakainis!" kita ko ang galit at takot sa kanyang mga mata habang mabilis na tumatakbo papalayo sa akin kasama ang mga kasamahan niya.

Tinignan ko naman ang paligid at hinanap kung saan nagmula ang yelo pero wala akong nakita. Pinagsa walang bahala ko nalang iyon at nagsimulang maglakad muli papunta sa sentro.

Kailangan kong makalapit manlang sa sentro bago muling magdilim dahil sigurado ako na masmalaki ang tyansa na makita ko ang isa sa mga Omega.

Ang kaninang lakad ko ay naging takbo na para masmapadali ako. Hindi rin ako kailangang mag-aksaya ng oras dahil baka maunahan nila kami sa sentro.

Napahinto ako sa pagtakbo at agad na pinakiramdaman ang paligid ko. Hindi ko nilibot ang paningin ko sa paligid dahil alam ko na wala rin naman akong makikita pero alam ko na may sumusunod sa akin.

Muli akong tumakbo pero masbinilisan ko pa. Nakakita ako ng palikong daan kaya mabilis akong lumiko dun at saka inakyat ang punong kalapit nito.

Hindi naman ako nabigo dahil mula sa taas sanga ay kita ko sumusunod sa akin. Binaling baling pa nito ang ulo niya sa kaliwa't kanan para hanapin ako.

"Bwisit!"  reklamo niya at saka malakas na sinipa ang maliit na bato sa harapan niya

"Bakit mo ko sinusundan?" tanong ko sa kanya na siya namang ikinagulat niya. Napatingin siya sa akin ng may gulat sa mga mata pero agad din bumalik 'yun sa dati.

Tumalon ako sa puno at bumagsak sa harapan niya. Nag-iwas siya ng tingin sa akin ng taasan ko siya ng isang kilay.

"Bakit mo nga ako sinusundan?" pag-uulit ko sa tanong kong muli ng wala akong makuhang sagot sa kanya.

"Tsk! Hindi kita sinusundan sadyang parehas lang tayo ng pupuntahan" saad niya ng hindi manlang lumilingon sa akin.

"Sabi mo eh"  sagot ko sa kanya at saka ko siya tinalikuran at naglakad papalayo na papalayo. Ramdam ko rin naman na agad siyang sumunod sa akin pero hindi ko nalang siya pinansin.

"Ayos kalang ba?" napalingon ako sa kanya ng magsalita siya. Hindi ko alam kung anong meron sa sardinas na'to dahil hindi naman siya ganito dati. Tinignan ko lang siya sa mata at saka pinaningkitan pero wala siyang nakuhang sagot sa akin.

"Nahulog ka kasi sa puno kanina kaya gusto kong itanong kung ayos naba yang......." napatingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin siya sa puwetan ko. Agad ko siyang siniko sa tiyan dahil sa inis.

"Bastos!" gigil na sabi ko sa kanya at saka masbinilisan pa yung lakad ko pero agad din akong napahinto ng mapagtanto ang sinabi niya.

"Pano mo nalaman na nahulog ako sa puno?" tanong ko sa kanya at saka siya hinarap. Naningkit naman ang mga mata ko ng maalala ko kung bakit ako nahulog sa puno kanina. "Huwag mong sabihin sa akin na ikaw ang may gawa ng mga yelong yun?!" medyo may galit na sabi ko dahil mukhang 'di ko magugustuhan kung ano ang isasagot niya.

"Tsk! Pano kung ako nga?" balik na tanong niya sa akin na siyang maslalo kong ikinainis. "At saka sino ba kasing nagsabi na sa taas ka ng puno matulog" dagdag pa niya.

"At sino rin kasi ang nagsabi sayo na pakealaman mo ko?" nakataas ang isang kilay na tanong ko sa kanya. Nag-iwas siya sa akin ng tingin at hindi makasagot.

"Ako ang lider ng Omega karaparatan kong malaman kung ayos lang ba ang mga miyembro ko" sagot niya sa akin at saka nagsimula na siyang maglakad at lagpasan ako. Sinundan ko lang siya ng tingin ng may nakakunot na noo.

"Kailangan nating makarating bukas sa sentro kung tatayo ka lang dyan ay aabutin tayo ng tatlo pang araw" saad niya sa akin habang patuloy parin na naglalakad papalayo sa akin.

Agad na akong sumunod sa kanya at sumabay sa paglalakad niya. Hindi ko alam kong anong dahilan niya at kinakausap niya ako ng ganito

Naglakad lang kaming dalawa at kahit na isa sa amin ay walang nagtangka na magsalita. Hindi ko alam kung ilang oras na kaming naglalakad pero kahit na ganun ay tila 'di ko nararamdaman ang pagod.

"Ano 'to?" tanong ko sa kanya ng abutan niya ako ng isang prutas.

"Prutas" sagot niya habang nasa daan parin ang tingin.

"Anong prutas?" tanong kong muli sa kanya dahil alam ko naman na prutas 'to.

"Ang dami mong tanong, kumain ka nalang dahil alam kong kahapon kapa hindi kumain" sagot niya sa akin.

"Pano mo nalaman na hindi pa ako kumain?" tanong ko sa kanya kahit na alam ko naman na ang isasagot niya.

"Magkagrupo tayo kaya alam ko , at kung iniisip mo na sinusundan kita nagkakamali ka" sagot niya sa akin kaya naman napatango-tango nalang ako. "Nawala ang puntos na pinaghirapan ng Omega kaya kahit na anong pagkain ay wala man lang tayo at hindi ka manlang naghanap ng makakain mo simula kahapon. Tsk!"

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya dahil alam ko naman na ako ang dahilan kung bakit nawala ang puntos ng Omega. Kinagat ko nalang ang prutas na binigay niya dahil sa nararamdaman kong konsensya.

"Pano mo pala nalaman na hindi ako naghanap ng pa—"

"Hindi kita sinusundan" pagputol niya sa sinabi ko kaya napatango nalang ako at muling kumagat sa prutas na binigay niya.

"Bakit?" tanong ko nalang sa kanya. Tinignan niya lang naman pero hindi sumagot.

"Bakit mo ko kinakausap?" tanong kong muli sa kanya dahil talagang nagtataka ako sa mga kinikilos niya.

"Ha?" sagot niya lang sa akin na ikinadismaya ko.

"Hakdog!" pabalang na sagot ko sa kanya pero pinangunutan niya lang ako ng noo dahil 'di niya naintindihan.

"Hindi ka kasi ganito dati kaya tinatanong kita kung bakit mo ako kinakausap" sabi ko nalang at saka muling kumagat sa prutas.

"Ako ang lider ng Omega at karaparatan kong kausapin ang mga miyembro ko" sagot niya lang sa'kin kaya hinayan ko nalang siya.

"Saan mo pala to nakuha?" tanong ko  ulit sa kanya at saka ipinakita ang prutas na kinakain ko. Pasimple naman akong napangiti dahil nakikita ko na naiinis na siya sa mga tanong ko.

"Kinuha ko 'yan sa grupo nila Kendra" tamad na tamad niyang sagot sa akin.

"May gusto kaba kay K—"

"Bakit ba sobrang dami mong tanong?!" Inis na sabi niya sa akin. Pinigilan ko ang pagsilay ng ngiti sa aking mga labi dahil sa inasal niya.

"Tsk! Pikon" sabi ko sa kanya at saka nauna ng maglakad. Kahit kailan talaga ay pikon ang taong to. Hindi man lang marunong magtimpi.

Agad din naman akong napahinto sa paglalakad at napahawak sa lalamunan ko ng may maramdaman duong kakaiba. Nabitawan ko na rin ang prutas na kinakain at nalaglag na ito sa lupa.

"Ayos ka lang?" tanong niya sa akin at agad akong nilapitan. Hindi ko na nagawang sumagot sa kanya dahil nahihirapan na akong makahinga.

Napaluhod na rin ako sa damuhan habang hawak hawak parin ang leeg ko. Kita ko naman kung papano siya mataranta at 'di alam ang gagawin.

"Bwisit! Lagot talaga sa akin ang babaeng yun" bigkas pa niya at saka lumuhod na rin para mapantayan niya ako. Hinawakan niya ang mukha ko at iniharap sa kanya.

"Anong nangyayari? Ayos ka lang ba?" natatarantang tanong niya sa akin. Kita ko rin ang pag-aalala sa mukha niya pati narin ang galit.

"Bwisit! Bakit ba kasi binigay ko pa sayo yu—" agad kong siyang tinulak at saka napakagat labi para mapigilan ang tawa ko.

"Hmpt....HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" hindi ko na napigilan ang tawa ko ng mapagmasdan pa lalo ang mukhang niyang puno puno ng emosyon.

Napahawak na din ako sa tiyan dahil sa sobrang kakatawa. Bakas naman sa mukha niya ang pagtataka dahil kanilang lang ay tila may masamang nangyari sa akin pero ngayon ay tawa na ng tawa.

"Ehem... Ehem... " napaseryoso ako ng mukha ng makita na seryosong seryoso na siya. Tumayo na ako mula sa pagkakaluhod ko at saka nagsimula ng maglakad pero kahit na anong pagpipigil ko ay hindi ko parin mapigilan na mapangiti.

"Tsk! Hindi nakakatuwang biro yun" habol niya sa akin at mukhang bumalik na siya sa dating ugali niya. Sobrang seryoso na ng mukha niya pati ang boses niya.

"Bakit ka nga ba nag-aalala?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ako nag-aalala"

"Nakita ko" sagot ko sa kanya at saka siya tinignan ng may nakataas na kilay.

"A-Ako ang lider ng Omega , karapatan kong mag-alala sa mga miyembro ko" sagot niya sa akin at saka nauna na sa paglalakad. Napatango nalang naman ako at saka sumunod na sa kanya.

"Hindi pala bagay sayong mag-alala, masbagay sayo kapag seryoso la—"

"Mukhang may munti kayong kasiyahan dito, baka naman pwedeng sumali" napahinto ako sa pagsasalita at paglalakad ng may bigla nalang isang lalaking sumulpot sa harapan namin.

Kita ko ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi habang nakatingin sa amin. Base din sa suot niya ay mukhang hindi siya isa sa mga estudyante ng paaralan.

"Dito kalang sa likod ko" napatingin ako sa kanya ng hawakan niya ang palapulsuhan ko at saka nilagay ako sa likuran niya. Ramdam ko rin ang tensyon sa pagitan nilang dalawa ng lalaking nasaharapan namin.

"Hanggang kailan mo handang protektahan ang munti mong prinsesa Hu—"

"Manahimik ka!" galit na sigaw ng katabi ko at agad na sinuntok ang lalaki. Natamaan ito sa panga na siyang ikinatumba niya.

"Hahahahaha...... Hindi ka parin talaga nagbabago" ganti lamang niya habang pinupunasan ang labi niyang dumudugo.

"Nasabi mo na ba sa kanya ang tunay mong pakay......Hurley?" dagdag pa ng lalaki na siyang ikinabato ko sa kinatatayuan.

"Sinabi ng manahimik ka!" agad niya itong pinatungan sa tiyan at saka pinagsusuntok sa mukha.

Nakatulala lamang ako sa kanilang habang nagpapalitan sila ng suntok. Hindi ko parin alam kung anong gagawin dahil tila nabato na ako sa aking kinatatayuan ng marinig ang pangalang iyon.

Hindi ba dapat ay matuwa ako dahil matagal ko ng hinahanap ang taong may pangalan niyon pero ngayong narinig kong muli ang pangalan niya ay para bang hindi ko na alam ang gagawin.

"Tumakbo kana!" nabalik lang ako sa sarili ko ng marinig ko ang malakas niyang sigaw. Doon ko lang din napagtanto na andito na ang dalawang lalaki na kahapon ay humahabol sa akin. Mabilis silang tumatakbo sa patungo sa amin at naghahanda sa pag-atake.

"TUMAKBO KANA!" parang muli akong natauhan at saka mabilis na tumakbo kagaya ng sinasabi niya. Hindi na ako nag-aksayang lumingon pa sa kanila basta patuloy lang ako sa pagtakbo habang nakatulala.

*********

Hindi ko alam kung ilang oras na akong naglalakad o kung saan na ako napadpad, dahil ng mapagod akong tumakbo kanina ay naglakad nalang ako habang wala parin sa sarili.

Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba ang narinig ko kanina o wag ko nalang pansinin, pero kahit na pilit kong kumbinsihin ang sarili ko na nagkamali lang ako ng rinig aat alisin yun sa isipan ko ay may parte parin sa akin na nagsasabing totoo yun.

Na si C-Caspian, ang lider ng Omega at si Niel Hurley, na kababata at matalik kong kaibigan ay iisa.

Kung babalikan ko ang sinabi ni Hurley sa akin noon ay isa siyang prinsipe sa atlantis at siya ang susunod na hari. Kung yun ang pagbabasehan ko ay parehas silang prinsipe sa Atlantis kung nasaan ako ngayon.

"Tabi!" halos matumba ako ng may isang estudyante ang bumangga sa akin at mabilis na tumatakbo. Ramdam ko sa kanya ang takot na siyang ipinagtaka ko.

Agad naman akong napalingon sa aking likuran ng makarinig ako roon ng malakas na pagsabog. Mula sa malayo kita ko ang pag-akyat ng itim na usok papuntang kalangitan.

Napaatras ako ng isang hakbang ng muli ay makarinig ako ng isang malakas na pagsabog. Parang papalapit ito sa akin ng papalapit.

"Takbo!" nagulat ako ng biglang tumalon mula sa puno ang lider ng Omega.

"A-Anong ginagawa mo dyan?" tanong ko sa kanya na ang tinutukoy ko ay ang taas ng puno na pinagmulan niya.

"Sabi ko takbo!" sigaw na niya sa akin at saka ako hinila papatakbo. Hindi ko alam kung anong dahilan ng pagtakbo namin kaya agad akong lumingon sa aming likuran para maghanap ng sagot.

Tila natauhan ako ng makita ang tubig na mabilis na sumisira sa mga punong nadadaanan nito. Napakataas nito na halos masmataas pa sa mga puno na dinadaanan namin.

Agad ko ng hinila ang kamay ko sa pagkakahawak niya sa akin at tumakbo narin kagaya niya. Doon ko lang din nalaman na hindi lang pala kaming dalawa ang tumatakbo dahil maraming estudyante ang nababalot ng takot kagaya namin.

Tinignan ko kung saan kami pupunta at sa 'di kalayuan sa amin ay ang mataas na pader at sa baba nito ay ang mga pintuan na unti-unti ng nagsasarado.

Rinig ko pa ang mahinang mura ng katabi ko dahil kagaya ko ay alam niyang hindi kami aabot at mapagsasaraduhan kami ng pinto at kapag nangyari yun ay sigurado na malulunod kami sa tubig na nasalikuran namin na siyang magiging dahilan ng pagkatanggal namin sa laro.

Masbinilisan pa namin ang takbo namin dahil papalapit narin ng papalapit ang tubig sa aming likuran at ilang sandali nalang ay tatama na ito sa amin.

Muntikan na akong masubsub sa lupa ng may kung anong tumama sa kanang binti ko. Halos mamilipit ako sa sakit ng makitang may isang palaso ang nakabaon doon. Hinanap ko ang may gawa nun ay nakita ko ang lalaking humahabol sa akin kahapon habang may ngisi sa kanyang mga labi.

Sinubukan kong tumayo pero agad din ang akong natumba dahil sa sakit. Napatingin naman ako sa mga bisig na umalalay sa aking tumayo at tumakbo pero dahil may sugat ang kanang binti ko ay maslalong naging mabagal ang usad namin.

"Hindi tayo aabot" Saad ko habang tinitignan ang pintuan na unti unti ng sumasarado.

"Aabot tayo, kailangan nating umabot" determinadong sagot niya sa akin na ikinailing ko. Tinanggal ko ang braso niya na umaalalay sa akin at saka siya tinulak.

"Iwan mo na ako kailangan ka nila, kailangan ka ng Omega" sabi ko sa kanya at saka siya pinilit na mauna na pero sa halip na sundin niya ako ay muli niya lang akong inalalayan at naglakad.

"Hindi kita iiwan" sagot niya lang at saka muli akong tinulungan maglakad pero muli ko lang siyang tinulak papalayo sa akin.

"Iwan mo na ako! Kailangan ka ng Omega!" galit na sigaw ko sa kanya dahil hindi pwedeng maalis siya sa laro.

"Kailangan ako ng Omega.......pero kailangan kita"

*******

-Fantasystic-

Continue Reading

You'll Also Like

85.8K 5.3K 115
Romeo and the Lily is a romance fantasy novel about Romeo, an aspiring knight who met the kind and pure lily, Amena. As they face the hardships toget...
1.5M 62.2K 79
Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided to avenge them. This makes the...
9.8M 493K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
4.4M 110K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...