Amphitrite University: The Se...

By Fantasystic

4.3K 1.3K 409

Itsaso Narinig mo na ba? Alam mo na ba ang mga tulad nila? Itsaso ang mga taong may kakaibang kakayahan. Mga... More

Prologue ✔
Itsaso ✔
Chapter 01: Birthday Party ✔
Chapter 02: Meet the Royals ✔
Chapter 03: Amphitrite University ✔
Chapter 04 Danger ✔
Chapter 05 Mira's Adva ✔
Chapter 06 AdvaMetric ✔
Chapter 07 The Omega ✔
Chapter 08 History ✔
Chapter 09 Alpha ✔
Chapter 10 The Great Seven ✔
Chapter 11 The Nixie ✔
Chapter 12 Mision ✔
Chapter 13 Omicron ✔
Chapter 14 Strange ✔
AUTSP Dictionary ✔
Chapter 15 Babala ✔
Chapter 16 Mira ✔
Chapter 17 Viviane ✔
Chapter 18 Caspian ✔
Chapter 19 Niel Hurley ✔
Chapter 20 Avonmora
Chapter 21.1 Jordon
Chapter 22 Eldoris
Chapter 23 Maze
Chapter 24 - Huling araw ng Eldoris
Chapter 25 - Ang prinsesa ng Atlas

Chapter 21.2 Jordon

21 6 0
By Fantasystic

Chapter 21.2: Eldoris

MIRA NOELANI ADVA LANA

"Ang sakit ng buong katawan ko" reklamo ko pagkatapos ay binagsak ang sarili sa damuhan. Pagod na pagod ako, halos tumagal ata kami ng tatlong oras sa paglalaro.

May mga sugat ako sa katawan at ramdam ko ang pagkirot nito. Pati ang tama ng suntok nila ay ramdam ko rin kaya ipinikit ko nalang ang aking mata at saka sinubukang magpahinga.

Hindi ko inasahan na tatagal kami ng ganun katagal sa paglalaro at kagaya ng inaasahang resulta

Talo kami.

Alam ko na ako ang dahilan kung bakit kami natalo. Hirap na hirap kaming hulihin ang halos isang daang bola dahil lang naman sa kagagawan ko. Masnaging mahirap pa iyon dahil sa tuwing maling bola ang mahahawakan namin ay malakas iyong sasabog.

Kaya naman lahat na ng atensyon namin nun ay napunta sa bola at wala na sa isa't isa. Ilang beses din akong sinabugan dahil puro maling bola ang nahuhuli ko.

Naibalik lang ang tensyon sa amin nun ng mapansin namin na konti nalang ang mga natitirang bola. Ilang segundong nagpakiramdaman bago namin sinugod ang isa't isa at muling naglaban pero sa huli ay natalo parin kami.

Napamulat ako ng mata ng maramdaman ko ang paggaan ng pakiramdam ko. Tumambad sa akin si Clifford na bahagyang nakangiti habang ginagamot ako. Alam ko naman na hindi kayang gamutin ni Clifford ang mga sugat kaya ngayon ay ibinabalik lang niya ang lakas ng katawan ko. Hindi ko alam kung bakit kaya hinayaan ko nalang siya at saka tumingin sa kalangitan.

Bahagya pa akong napangiti dahil imbis na ulap at mga ibon ang makikita ko sa taas namin ay tubig at mga isda iyon na lumalangoy. Nasa labas na sila ng Atlantis at masayang lumalangoy na para bang baliwala sa kanila ang malaking Atlantis na ito.

Nabaling naman ang paningin ko kay Viviane na nakaupo 'di kalayuan sa akin. Kahit na hindi niya sabihin ay alam kong malungkot siya dahil hindi niya nakuha ang sandatang pamaypay na gusto niya.

Kaya pagkatapos ng ginagawa ni Clifford sa akin ay tumayo ako at nagsimula ng maglakad papunta sa kinaroroonan nila Kelby. Hindi ko na pinansin ang pagtawag nila at nag dere-deretso lang ako.

"Kelby!" tawag ko dito kaya naman agad siyang napalingon sa akin.

"Mira bakit?" tanong niya ng makalapit siya sa akin..

"Gusto kong labanan mo ko sa larong yun" turo ko sa larong nasa di kalayuan sa amin. Madali lang ang larong yun dahil kailangan mo lang na tumakbo habang iniiwasan ang ibat ibang harang sa daan. Ang unang makarating sa dulo ay siyang panalo.

Napatingin ako kay Kelby ng hindi siya sumagot sa sinabi ko. Nakita ko siyang nakangiti habang nakatingin sa akin na tila ba nagtataka.

"Seryoso ako Kelby" malamig na saad ko. Wala na akong pakealam kung anong dating nun sa kanya ang gusto ko lang magawa ay makuha ang pamaypay at maibigay iyun kay Viviane.

"Ano namang kapalit?" nakangiti paring tanong niya sa akin.

"Ang AdvaMeri." Tukoy ko sa pamaypay na nakuha nila bilang premyo kanina. Base palang sa itsura nito ay alam ko na isa itong uri ng sandata na ginagamitan ng Adva.

"Pano naman kung ako ang manalo?" tanong niyang muli na naging dahilan ng paglingon ko sa kanya.

Ano nga bang maibibigay ko sa kanya kapag siya ang nanalo sa laban namin. Wala naman akong pagmamay-ari dito sa lugar na ito.

"Tinatanggap ko ang hamon mo Mira. Saka ko nalang pag-iisipan ang hihilingin ko sayo pagkatapos ng laban" saad niya sa akin at saka nagsimula ng maglakad.

Bago siya tumalikod ay kita ko pa ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi na para bang may binabalak siyang masama. Hindi ko alam kung ano ang plano niya pero isa lang sisiguraduhin ko.

Ako ang mananalo sa laban naming dalawa.

Nakahanda na siya ng makalapit ako sa kanya. Katulad kanina ay nanduon parin ang nakakaloko niyang ngiti na pinagsawalang bahala ko nalang.

Di ganun kalayo ang dulo ng tatakbuhin namin pero alam kong mahihirapan parin ako sa dami ng kailangan kong daanan. Marami ang kung ano anong nakaharang sa daan at kailangan talagang maging alerto dahil may mga kung ano-ano pa ang bigla nalang lumabas.

Tinignan ko ang paligid at napansin na medyo madami dami din ang nanonood sa amin. Kagaya ng nakagawian panay ang bulungan nila pero hindi ko nalang sila pinansin at tinuun ang sarili sa gagawing pagtakbo.

Ito nalang ang huling pagkakataon ko para makuha ang sandatang iyon at maibigay ko kay Viviane. Kaya kailangan ko talagang gawin ang lahat para lang dito.

Napansin ko ang pagtaas ng isang lalaki na kulay puting tela. Nakalebel ito sa amin at sa oras na iangat niya iyon ay hudyat na simula na ang laro.

Ipinusisyon ko ang aking sarili at saka tinignan si Kelby sa aking tabi. Katulad kanina ay nandun parin ang nakakaloko niyang ngiti habang nakatingin din sa akin.

Kung sa ibang pagkakataon lang yun marahil na namula na ang aking pisngi dahil sa lapit naming dalawa pero nandito kami ngayon sa harap ng maraming estudyante at kalaban ang turing sa isa't isa.

Itinuon ko na ang atensyon ko sa harapan ng mapansin ko na nakaayos na ang lahat. Hindi ko dapat pang aksayahin ang pagkakataon na ito at kailangan kong manalo.

Mula sa pagkakaluhod ay iniangat ko na ang puwetan ko at handa ng tumakbo ng bilang may tumabe sa akin. Agad naman akong binalot ng pagtataka ng magpagtanto kung sino ang tumabi sa akin habang nakahanda nadin sa pagtakbo.

Nakakunot ang noo na tumingin ako sa kanya pero sa halip ay isang ngisi lang naman ang iginanti niya.

Anong ginagawa ng sardinas nato dito?

Tanong ko sa isipan ko. Nginisihan lang ako nito na maslalong nakapagpataka sa akin pero sa halip na matuwa ay tila maslalo pang nadagdagan ang lakas ng loob at kailangan kong manalo dito.

Hindi ako makakapayag na matalo ako ng sardinas na to.

Muli ay saad ko sa aking isipan.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya ng diko na mapigilan ang sarili ko.

"Sa tingin mo ba kaya mo siyang talunin?" tanong din naman niya sa akin saka itinuon ang mga mata sa harapan namin.

Inirapan ko lang siya dahil sa sinabi niya. Minamaliit niya ba ako?

Kaya maslalo kung kinumbinsi ang sarili ko na kailangan kong manalo laban sa dalawang ito.

"Sa tingin mo ba anong gagawin ko dito kung hindi?" muli ay tanong ko sa kanya at saka ko siya tinignan. Kita ko ang matatalim niyang tingin pero hindi sa akin kundi kay Kelby na nasa kabilang gilid ko naman. Kapwa sila natatalim ang tingin sa isa't isa na nakapagpakunot ng noo ko.

Itinuon ko nalang pansin ko sa harap at sa lalaking may hawak ng puting tela. Mabilis niyang iniangat ang tela na hudyat para kami'y tumakbo.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at mabilis ng tumakbo. Kita ko pa ang gulat ng dalawa ng bigla akong tumakbo at saka lang nila napansin ang tela na ngayon ay naka angat na.

Hindi ko na sila pinansin at saka mabilis na tinalon ang malaking bato sa harapan ko. Masbinilisan ko pa ang takbo ko ng mapansin ko na nakakahabol na silang dalawa.

Agad akong dumausdos sa lupa ng makita ang papalipad na mga palaso sa harapan ko. Hindi ko alam kung saan yun nanggaling pero wala na akong pakealam dun.

Rinig kong naguusap yung dalawa sa likod pero hindi ko nalang sila pinansin dahil 'di ko rin naman maintindihan ang pinaguusapan nila at sa halip ay masbinilasan ko pa ang takbo.

Muli ay tumalon ako ng makita ang biglaang pagsulpot ng mga kung ano ano sa lupa. Muntikan pa akong tamaan sa mukha ng lumipad na bato buti nalang ay agad akong nakayuko at muling tumakbo.

Isang malakas na talon ang pinakawalan ko ng makita ang tila putik na daan. Mukhang kumunoy yun base narin sa itsura nito. Napalingon ako sa dalawa at napansin ko ang pagka seryoso nila. Bahagyang nakakunot ang noo nila habang tumatakbo parin.

Hindi ko na sila pinansin at muling dumausdos sa lupa para iwasan ang lumilipad na palaso at kita ko ang apoy dito.

Mabilis akong tumayo at muling tumakbo ng pero agad akong napahinto ng may biglang kumapit sa paa ko. Nakita ko ang mga baging na nakakapit sa akin.

Agad ko iyong sinubukan tanggalin dahil kita ko na malapit na yung dalawa sa akin pero bigo ako. Pahigpit pa iyon ng pahigpit na siyang ikinainis ko. Mabilis akong naghanap ng maaring pangputol at nakakita ako ng bato.

Paulit ulit ko iyong pinukpuk hanggang sa matanggal iyon. Tinignan ko ang dalawa para lang malaman na nalagpasan na pala nila ako.

Agad kong hinagis sa kanilang dalawa ang baging at hinili iyon. Kita ko ang pagtumba nilang dalawa kaya ginamit ko na ang pagkakataon na yun para mabilis na tumakbo at lagpasan sila.

Unti unti namang kumorba ang ngiti sa aking labi ng makitang malapit na ako sa dulo. Ilang hakbang nalang ang layo ko sa dulo pero tila nanigas ang aking katawan dahil sa nakita ko.

Napahinto ako sa pagtakbo at tila ba hindi makakilos ng mapagtanto kung sino ang taong nakatayo malapit sa dulo. Nakatingin ito sa akin habang may mga ngiti sa kanyang labi.

Ang mga mata niyang kulay berde ay tila ba nanunuot sa sistema ko. Alam kong siya yung lalaking nakita ko kahapon dahil di ko makakalimutan ang kukay berde niyang mga mata.

Nakipag titigan lang ito sa akin habang kakakitaan ng ngiti sa kanyang labi habang ako naman ay tila ba naparalisa ang katawan dahil hindi makakilos kahit na manlang ang mga daliri ko.

Kagaya kahapon ay unti unti siyang naglakad papunta sa kumpol ng mga estudyante. Gusto ko siyang pigilan pero hindi ko maigalaw ang katawan hanggang sa hindi ko na siya makita.

Doon ko lang naigalaw ang katawan ko at tila ba hinang hina ako. Doon ko lang din napansin na tapos na pala ang laro at maslalo akong nanlumo ng makitang hindi manlang ako nakaabot sa dulo.

*******

"Mira handa kana ba?" natong muli sa akin ni Assana. Isang buntong hininga lang naman ang isinagot ko sa kanya dahil kahit ako ay hindi alam kung ano ang isasagot ko sa tanong niya.

Bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha gayun din naman kay Talya na tahimik lang na nakikinig sa amin.

Kahit na hindi pa kami nakakalabas ng kwarto namin ay halos marinig ko na ang kabog ng dibdib ko. Ngayon ang araw na uumpisahan na ang Eldoris kaya naman parang ayaw ko nalang na bumangon sa higaan ko kanina.

Hindi ko alam kung ano ang nag-iintay sa akin doon o kung ano ang maaring mangyari sa amin, sa akin.

Sila Assana at Talya naman ay hindi kasali sa Eldoris dahil mga Morgance sila. Maslalo pa iyong nakadagdag sa kabang nararamdaman ko dahil wala man lang akong maaring hingan ng tulong doon.

"Mira ayos kalang ba talaga?" napalingon ako kay Talya ng magtanong siya sa akin. Bahagya ko naman siyang nginitian at saka ako tumango.

Kahapon pa nila ako tinatanong kung ayos lang daw ako dahil simula ng matapos ang laro namin nila Kelby ay hindi na nila ako nakausap ng maayos.

Lagi nalang akong tulala at iniisip parin ang lalaking nakita ko. Hindi maalis ang kukay berde niyang mga mata sa isipan ko at ang paraan ng pagkakangiti niya.

Dalawang gabi na rin akong hindi makatulog ng maayos dahil sa lalaking iyon. Hindi ko alam kung bakit pero ang laki ng epekto sa akin ng presensya niya na para bang lagi siyang may dalang panganib.

Buti na nga lang ay walang nangyaring masama kahapon at laking tuwa pa ni Viviane dahil nakuha niya ang sandata na inaasam-asam niya.

Ang leader pala ng Omega ang nanalo kahapon sa laban namin kaya nakuha niya mula kay Kelby ang sandata. Hindi ko narin nagawa pang magtanong sa kanila dahil ang pagkaka-alam ko ay kami lang ni Kelby ang nag-usap patungkol sa premyong iyon.

Pero dahil masyadong okupado ang utak ko kahapon ay hindi ko na sila nagawang makausap. Natagapuan ko nalang ang sarili ko noon na nasa kwarto habang paulit-ulit na tinatanong nila Assana at Talya kung ayos lang daw ba ako.

Napanood pala nila ako kahapon at alalang alala daw sila ng makita na bigla nalang akong huminto sa pagtakbo. Hanggang sa pagtulog ay kinulit nila ako pero wala sila sa aking nakuhang sagot.

"Mira tara na, kanina pa kita tinatawag pero nakatulala ka na naman" saad ni Assana habang hinihila niya ako papalabas ng kwarto namin. Mababakas ang pag-alala sa kanyang mukha.

"Wag kana kayang sumali ng Eldoris" suhesyon ni Talya na ikinalingon ko sa kanya. Kagaya ni Assana ay mababakas ang pag-aalala sa mukha niya.

"Ayos lang ako. Sadyang hindi lang ako nakatulog kagabi" paliwanag ko sa kanilang dalawa na ikina iling ko din bandang huli.

Kung nandito si Chelsea ay paniguradong magtataka pa yun dahil nagpapaliwanag ako ng sarili ko. Alam niya kasing masgugustuhin ko pa na manahimik nalang ke'sa magpaliwanag sa iba.

Nagpakawala ako ng isang buntong hininga at kasabay niyon ay pinakawalan ko din ang lahat ng mga bagay na gumugulo sa isipan ko. Kailangan ko ngayong pagtuunan ng pansin ay ang gaganaping Eldoris sa loob ng ilang sandali.

Bahagya ko nalang din sila nginitian para ipakita na ayos lang ako dahil alam ko na kahit na hindi maging maganda ang pakikitungo ko sa kanila ay kaibigan na ang turing nila sa akin.

Nakarating kami sa field kung saan nandodoon ang mga estudyante. Halos lahat ay kinakabahan dahil anumang oras ay magsisimula na ang Eldoris. Pansin ko rin na kasama nila ang kani-kanilang mga grupo base na rin sa mga suot nila.

Kaya agad kong nilibot ang paningin ko at nakita ko ang grupo ng Omega na 'di kalayuan sa amin. Sakto namang nagpapa-alam na sila Assana at Talya dahil may gagawin pa daw sila kasama ang iba pang Morgance.

"Mauna na kami Mira. Mag-iingat ka" paalam sa akin ni Assana at saka nakangiting kumaway paalis. Nginitian ko din naman silang dalawa at saka nagsimula ng maglakad papunta sa grupo ng Omega.

"Ate Mira handa kana ba?!" masayang tanong sa akin ni Viviane ng makalapit ako sa kanila. Tinanguan ko lang naman siya at saka nginitian.

Parang balewala lang sa kanya kung ano ang mangyayari mamaya dahil kakakitaan parin ito ng malaking ngiti, hindi katulad sa akin na pinapagpawisan na kaagad kahit na wala pa kaming ginagawa.

"Para saan to?" tanong ko sakanila ng iniabot sa akin ni Viviane ang bato na kulay puti at itim.

Sa unang tingin palang ay alam ko na hindi ito ordinaryong bato dahil sa itsura nito. Kulay itim ito at sa pinakaloob niya ay kulay puti na tila nagliliwanag.

"Iyan ang magsisilbing susi mo para makapaglaro at manalo. Kailangan mong ingatan yan hanggang sa makapunta tayo sa gitna. Iyon ang prayoridad mo, ang prayoridad nating lahat. Hanggang kinakailangan, umiwas tayo sa pakikipaglaban sa sinumang makakasalubong natin, at sigurado ako na kakailanganin natin ng lakas kapag narating na natin ang sentro. Saka masmadali kung mahanap mo ang isa sa atin para may makasama ka" mahabang paliwanag sa akin ni Kailani.

"Sandali, anong ibig mong sabihin na kailangan ko kayong mahanap?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Hindi tayo magkakasamang magsisimula. Lahat tayo ay mag-isang papasukin ang inihandang pakulo ng mga kinakaukulan. Hindi natin alam kung sino ang makakasalubong, kung sino ang mga nangtanggal na sa laro, at kung sino ang mga natitira pa. Kaya naman doble ingat ang kailangan natin" muling paliwang sa akin ni Kailani. Napatango naman ako ng medyo maliwanagan na dahil sa mga sinabi niya.

"Paano naman matatanggal sa laro?" Muling tanong ko sa kanya para naman alam ko at para narin makapag ingat pa lalo.

"Sa oras na makuha ng iba yang bato na hawak mo mayroon kang limang minuto para bawiin ito subalit kung hindi mo yan mababawi kusa kang madadala sa labas at otomatikong tanggal kana sa laro" saad niya na muli ay ikinatango ko.

Muli ay ramdam ko nanaman ang kabang kanina ko pa pinipigilan. Idagdag pa ang ngayon ko lang nalaman na wala akong makakasama sa oras na magsimula ang laro.

Hindi ko alam kung anong klaseng laro ito dahil ito lang naman unang beses na makakasali ako dito. Hindi rin sapat ang mga sinabi nila Kailani sa akin para ihanda ang sarili ko dahil kagaya nga ng sinabi nila sa akin dati ay taon taon daw na binabago ng mga nakakataas ang laro kaya wala silang masyadong nalalaman.

"Viviane ang una mong prayoridad ay hanapin si Mira at magkasama kayong hanapin pa ang iba" nabalik ako sa malalim na pag-iisip ng marinig ang muling sinabi ni Kailani.

"Huh? Kaya kong protektahan ang sarili ko" mabilis na depensa ko sa kanila at saka bumaling kay Viviane. "Sa gitna tayo magkikita-kita Viviane hindi mo na ako kailangan hanapin" mabilis na sabi ko sa kanya.

Hindi ko alam kung ano ang nasa isip nila dahil kailangan pa na hanapin ako ni Viviane. Alam ko kung ano ang kakayahan ni Viviane pero hindi ko hahayang isugal niya ang sarili niya para lang mahanap ako.

"Kaya mong protekthan ang sarili mo sa isa o dalawa, pano naman kung isang grupo na ang makaharap mo sa daan? Tatakbo ka nalang ng tatakbo o 'di kaya'y susuko nalang at ibibigay sa kanila ang bato?" Nangaasar na saad ng leader nila na siyang ikina-inis ko.

"Kaya kong protektahan ang sari-"

"Gamitin mo ang bansi mo Viviane para madali mo siyang mahanap" pagputol niya sa sasabihin ko. Magsasalita pa sana ako kaso ay natigil ako ng hawakan ni Viviane ang kamay ko at saka ako nginitian.

"Wag kang mag-alala Mira hahanapin din kita" sinamaan ko naman ng tingin si Kai ng marinig ko ang boses niya. Bakit ba kailangan na hanapin pa nila ako kahit na sinabi ko na sa kanila na kaya ko ang sarili ko.

Ganun na ba kahina ang tingin nila sa akin at kailangan pa nila akong protektahan.

"At isa pa, hindi natin alam kung sino ang mga kalaban na makakaharap natin kaya hindi ako makakapayag na mailagay sa panganib ang isang miyembro ng grupong to" muling saad niya na ikinalingon ko sa kanya.

Seryoso lang ang mukha niya na nakatingn sa harapan naming lahat. Doon ko lang nalaman na nandoon pala si miss Eathelyn at nagsasalita. Pero kahit na anong gawin kong makikinig ay walang pumapasok sa isipan ko dahil sa mga sinabi niya.

Alam kong hindi namin alam kung sino ang makakaharap naming kalaban sa loob pero tila ba iba ang gusto niyang ipunto sa akin. Para bang sinasabi niyang may iba pa kaming kalaban na makakaharap doon.

Lalong kumabog ang dibdib ko sa naiisip ko at nakadagdag pa iyon sa kabang nararamdaman ko.

Nabalik lang ako sa reyalidad mula sa malalim ba pag-iisip ng maramdaman ko ang paghila sa akin ni Viviane hindi ko alam na hanggang ngayon ay hawak niya parin ang kamay ko.

Doon ko lang napansin na tapos na pala sa pagsasalita miss Eathelyn sa harapan at halos kakaonti nalang ang mga estudyanteng natitira.

Naglakad kami papunta sa isang moselle. Ganito rin yung sinakyan namin noong unang araw palang na dumating kami dito at noong hinatid ako nila mama dito.

Hindi ko alam kung bakit kailangan pa namin ng sasakyan dahil hindi naman ako nakinig sa mga sinabi ni Miss Eathelyn kanina, kaya sumunod nalang ako sa kanila at sumakay na din.

Pagkapasok ko sa loob ay nadatnan ko ang iba pang miyembro ng Omega na kapwa tahimik. Hindi ko alam kung bakit, pero maslalong kumabog ang dibdib ko ng magsimulang umandar ang sinasakyan namin na moselle.

Habang papalayo kami sa ibang mga estudyante ay siya namang lalong pagbilis ng kabog ng dibdib ko. Sobrang tahimik sa loob ng sasakyan pero tila umiingay dahil tila ba napakalakas ng tibok ng puso ko.

Ilang saglit pa ay huminto ang sinasakyan namin at bumaba doon si Clifford. Nginitian pa ako nito ng bahagya na siguro ay nahalata na kinakabahan ako. Noong una ay akala ko na lahat kami'y bababa pero napagtanto ko na siya lang pala.

Ilang minuto pa ang lumipas pero umaandar parin ang sinasakyan naming moselle at hindi ko alam kung saan kami pupunta.

"Kinakabahan kaba?" napatingin ako sa nagsalita at nakita ang leader ng Omega na nakatingin sa akin. Doon ko lang napansin na kaming dalawa nalang pala ang natira dito sa sasakyan.

"Bakit naman ako kakabahan?" Balik na tanong ko sa kanya at saka tumingin nalang sa labas dahil 'di ako sanay sa presensya niya. Idagdag pa ang pagkausap niya sa akin.

Hindi naman na siya nagsalita kaya hindi narin ako nagsalita pero kahit na anong pilit ko sa sarili na hindi ako kinakabahan ay tila maslalo naman itong lumalala.

Muli ay huminto ang sasakyan kaya napalingon ako sa kanya. Nakatingin din pala siya sa akin na bahagya kong ikinagulat. Pero maslalo pa akong nagulat ng marinig kung ano ang mga sinabi niya.

"Wag kang mag-alala hindi ko hahayaang mapahamak ka... Hindi ko hahayang may mapahamak sa Omega" huling saad niya bago siya bumaba na siyang ikinatulala ko.

Maslalong kumabog ang dibdib ko at hindi ko alam kung dahil ba ito sa sinabi niya o dahil sa katotohanan na mag-isa nalang ako sa sasakyan at ano mang-oras ay mararating ko na ang lugar at magsisimula na ang Eldoris.

Marahas kong iniling ang sarili ko dahil sa naiisip ko. Malamang ang huli ang dahilan ng pagkabog ng dibdib ko dahil simula palang naman ay nararamdaman ko na ito.

Marahas ko ring ipinikit ang mga mata ko at saka nagpakawala ng isang buntong hininga at muling inalis sa isipan ko ang lahat. Ang kailangan kong pagtuunan ng pansin ngayon ay ang Eldoris na sisimulan ilang minuto mula ngayon.

Maslalong kumabog ang dibdib ko ng huminto ang sasakyan at hudyat na nakailangan ko ng bumababa. Malakas ulit akong bumuntong hininga bago ko binuksan ang pintuan at lumabas.

Sumalubong sa akin ang isang nakataas na pader. Halos malula ako ng tinignan ko ang pinaka dulo nito. Alam kong nasa loob parin kami ng Atlantis at ng Amphitrite University pero hindi ko inakala na meron palang ganito dito.

Sa 'di kalayuan ay nakakita ako ng isang pintuan at sa tabi niyon ay ang isang meredith na nagbabantay base narin sa uniporme nito.

Agad akong lumapit doon habang nililibot ang paningin. Sa 'di kalayuan sa akin ay meron din akong nakitang isang estudyante na nakatayo sa tapat ng isang pintuan sa tabi niya ay isang morgance.

"Binibini kailangan mo itong isuot at ano mang oras ay magsisimula na ang laro" pagkausap sa akin ng meredith na nagbabantay habang inaapon sa akin ang tila isang relo.

Kinuha ko nalang iyon at isinuot. Naipaliwanag naman na sa akin ni Assana at Talya ang tungkol sa bagay na ito kanina habang naggagayak kami.

Binigay ko rin sa kanya ang relo na binigay sa akin nila Assana noong bago pa mag-umpisa ang Avonmora. Nginitian lang naman niya ako at saka na siya umalis at sumakay sa moselle na sinakyan ko.

Ngayon ay ako nalang mag-isa ang nasa harap ng pintuan na siyang maslalong nakadagdag sa kabang nararamdaman ko.

Hinawakan ko ng mahigpit ang batong binigay nila sa akin kanina at saka muling napagkawala ng isang buntong hininga.

'kailangan ko lang umiwas sa mga makakasalubong kong estudyante at pumunta sa sentro para makita ang iba pang miyembro ng Omega'

Pagpapalakas ko sa loob ko habang pilit na inaalis ang kabang nararamdaman. Ilang saglit pa ay dahang dahang bumukas ang pintuan sa harapan ko at sumalubong sa akin ang pasilyo na binabalot ng kadiliman.

Muli, isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko hinayaan na lamunin ako ng kadiliman.

******

-Fantasystic-

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 62.3K 79
Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided to avenge them. This makes the...
16.4K 598 55
Xanthe Delos Reyes was known for being a 'Maria Clara' on her school.She have the brain,beauty and attittude.Lumaki si Xanthe sa isang maranyang pami...
232K 8.3K 113
HOURGLASS SERIES #2 Ang akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in th...
4.4M 110K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...