Bailey POV
Kamusta na namiss niyo siguro ako. Kung ang iniisip niyo ay kung totoo bang nagbago na si Christine well masasabi kong naging successful nga ang mga ginawa namin. Masyadong matagal tagal din namin itong binabalak dati Flashback ko na nga lang.
FLASHBACK
Nandito ako ngayon sa classroom namin. Kadadating ko lang kasi may pinag usapan kami ni Aron
"Christine may sasabihin daw sayo si Bailey" sabi ni Aron na agad naman akong napalingon dinadama ko pa ang hangin sa may pinto ei
"Ha bakit ako??" tanong ko sa kaniya
"Kaya mo na yan at saka ikaw naman nakaisip niyan eh" sagot niya
Wala naman akong sinasabing ngayon gagawin ei hayy naku aron
"Ano bang sasabihin mo Bailey??" tanong ni Christine na nagtataka
Hawak niya libro niya
"Gusto ko mag-deal tayo" sagot ko sa kanya habang nakatayo pa rin sa harap niya
"Tungkol saan??" tanong niya at sinenyasan nya akong umupo sa harap niya kasi andun din si aron naka upo na
"Tungkol sa pagbabago mo" sagot ko ulit
Ano kaya gagana haha sana
"Ano namang deal ang gusto mong gawin??" lito niyang tanong
"Saka ito na ako ngayon ei may mababago pa ba.. "tanong niya uli
"Ganito may mga jokes kami na sasabihin sayo at kapag natawa ka kailangang magbago ka na pero kapag hindi ka natawa hindi kami susuko hanggang sa mapatawa ka namin" sabi ko
Na hindi pinansin yung kasunod niyang tanong.
"Okay..." walang ganang sabi niya
"Christine anong masarap sa tinapay??" tanong ko
"Ano??" sabi niya pero wala pa ring gana
Parang napipilitan lang
"Edi kapag nasa bunganga mo na HAHAHA" sabay na sabi namin ni Aron pero wa-effect pa rin sa kaniya
nakatingi lang sa amin kaya siniko ko si aron
"Christine sabihin mo lang samin kung pagod ka na sa ugali namin ha" sabi ni Aron na lantang lanta kalay talong HAHA ito namang si Christine naka tutok pa rin sa libro
"Bakit??" tanong ni Christine na agad tumingin sa amin
"Kase kung pagod ka na ibibili ka namin ng energy drink" sabi ko
"Hahhahaha" tawa namin ni Aron
Napatingin kami kay Christine habang tumatawa at napatigil kami dahil hindi siya natawa sa joke namain. Binaling na lang ulit niya ang atensiyon sa binabasa niyang libro.
"Christine Anong butter ang lumilipad??" tanong ni Aron
"Ano??" sagot ni Christine
Pero ang atensyon pa rin niya ay nasa libro
Sana libro na lang ako
"Edi BUTTERfly" sabi ni Aron pero wa-effect pa rin
"Christine anong gulay ang bakla??" tanong ko
"Ano??" tanong niya
"Edi malungGAY" sabi ko
"Eto na talaga Christine...Anong lugar ang nawawala??" tanong ni Aron
"Ano??" sagot ulit ni Christine
"Edi Lostcena (Lucena)" sabi ni Aron
"Pwede ba tigilan niyo na yang mga corny jokes niyo kase kahit anong gawin niyo hindi niyo ako mapapatawa" sabi ni Christine samin
"Sinusubukan lang naman namin" sabi ko
"Tama na Bailey. Hayaan na muna natin siya" sabi ni Aron sakin at umalis na kaming dalawa
Pumunta na lang kami sa labas ni Aron at nagpahangin kasama sina Dave at Jun.
KINABUKASAN
Naglalakad kami ngayon kasama si Christine. Papunta na kami sa room dahil malapit ng mag-time. Nakita naman namin si Jun na tumatakbo palapit samin.
"Bailey!!!" tawag sakin ni Jun habang tumatakbo palapit samin
"Bakit??" sigaw ko sa kaniya
"May naghaha-- Aaaaaaahhhhhhhhh" naputol ang sasabihin niya ng bigla siyang matapilok.
Ngayon ay parang bumagal ang pag-ikot ng mundo dahil kitang-kita ko kung paano matumba si Jun.
*BOOGSH* (tunog po yan ng pagbagsak ni Jun)
Lumapit naman kami sa kaniya at tinulungan siyang tumayo. Habang pinapagpagan ni Jun ang damit niyang napuno ng alikabok bigla na lang humagalpak ng tawa si Christine.
"Bwahahahhahah epic yung mukha ni Jun kanina,kung sinabi mong madadapa ka edinsana inihanda ko cellphone ko HAHAHAH" sabi ni Christine at tumawa ng tumawa
"Hahahahha oo nga brad at saka bakit diyan ka lumalangoy alam mo namang walang tubig diyan" sabi naman ni Aron
"Anong lumalangoy ang sinasabi mo diyan eh natapilok nga ako" mangiyak-ngiyak na sabi ni Jun
"HAHAHHA at saka Jun wala ka na bang makain at pati lupa ay kinakain mo na rin" sabi ni Dave
"Isa ka pa" sabi ni Jun
"HAHAHAH aray ang sakit na ng tiyan ko. Grabe ka Jun bakit hindi ka nagsabi samin na gusto mo palang kumain ng lupa" sabi ni Christine na tuloy pa rin sa pagtawa.
"Hahahha pero in fairness Jun ha napatawa mo si Christine " sabi ni Aron
"Christine ung usapan natin "tumingin ako sa kanya at kinidatan siya
" Kung alam ko lang na yan ang magpapatawa kay Christine edi sana kahapon ko pa tinulak si Jun" dagdag ko
"Tigilan niyo na nga ako. Anong klase kayong mga kaibigan" pagdadrama ni Jun
"Kami yung mga kaibigan mo na tutulungan ka muna bago tawanan para naman hindi nakaka-guilty" sabi ni Dave
"Bahala nga kayo diyan" sabi ni Jun at naglakad na palayo
"Jun ano yung sasabihin mo sakin??" tanong ko bago pa siya makalayo
"Hinahanap ka ng adviser niyo" sabi ni Jun pero tuloy lang sa paglalakad.
Pumunta na agad kami sa kaniya-kaniya naming room dahil malapit ng mag-time.
End of FLASHBACK
So yun ganon ang naging dahilan ng pagtawa ni Christine kaya ayun ayos na ung pinag usapan namin. Pero hindi naman ganun kadaling magbago pero ayos na un at napatawa namin siya hayys
Christine POV
Nasa bahay ako ngayon dahil sabado kaya walang pasok. Kung inaakala niyong tuluyan na akong nagbago well hindi. I'm just pretending, yung araw na napatawa nila ako dahil sa pagkatapilok ni Jun dun ako nagsimulang mag-pretend.
Bakit ako nagpapanggap?? Siyempre dahil sa isang dahilan.
FLASHBACK
Nasa room ako at sinusubukan akong patawanin nina Bailey pero hindi ako tumawa dahil masyadong corny ang jokes nila kaya napagsabihan ko sila.
"Pwede ba tigilan niyo na yang mga corny jokes niyo kase kahit anong gawin niyo hindi niyo ako mapapatawa" sabi ko sa kanila
"Sinusubukan lang naman namin" sabi ni Bailey
"Tama na Bailey. Hayaan na muna natin siya" sabi ni Aron kay Bailey at umalis na silang dalawa.
1 hour later
Uwian na kaya naman inayos ko na yung mga gamit ko at isinakbit na ang bag ko. Lumabas na ako at pagdating sa gate may mga lalaking humarang sakin.
"Excuse me" sabi ko pero hindi sila tumabi
"Christine right??" sabi nung isa
"Paano mo nalaman ang pangalan ko??" tanong ko dun sa nagsalita, leader yata nila
"HMMMMMM..syempre may id ka kaya alam ko pangalan mo at kalaban namin yung mga kasama mo kaya naman kung sino ang mga taong malapit sa kanila kinikilala namin" sabi niya
Kalaban as in Gang sila
"Pero kung ayaw mong mapahamak kumampi ka na lang samin" sabi naman nung isa
Wala naman palang kwentang kausap itong mga to parang sira
"Ayaw ko" sabi ko
"Magpapakilala muna kami. Ako si Rex Min ang leader ng Matryoshka Gang" pakilala nung unang nagsalita
"Ako naman si Skyler Han" sabi naman nung pangalawang nagsalita kanina
"Ako si Eros Yang" sabi nung isa
"Ako naman ang pinsan ni Eros. Ako si Nikuro Yang" sabi nung isa pa
Wala akong paki sa mga pangalan nila tsh.
"Sure ka na bang ayaw mo?? Akala ko ba gusto mong maghiganti??" sabi ni Rex
Bat niya alam. Yun nga pala kinikilala nga pala niya yung malalapit sa anung ganga nga nila bailey ewan basta un
"Sayang gusto ka pa namang gawing kanang kamay ni Rex" sabi ni Nikuro wowww ambilis naman ah pero parang ayos to ah
Hmmmm anu kayaa ....
"Sige pumapayag na ako " sabi ko
Gusto ko ring makagantii ansakit kayaa lintekkkk
"Okay madali ka naman palang kausap" sabi ni Eros
Kayo ei to the point agad kayo
"Simple lang naman ang gagawin mo eh" sabi ni Skyler
"Magpapanggap ka lang na nagbago ka na at kapag narinig mong pinag-uusapan kami ng Black Hunter X ay irereport mo lang samin" sabi ni Rex
"Sobrang simple diba??" sabi ni Nikuro
"Bye the way Welcome to the group...Welcome to Matryoshka Gang" sabi ni Rex
"Sige una na kami at sana hindi ka magtaksil samin" sabi ni Skyler at umalis na sila
Magtaksil tanga ba sila bat nila ako nilapitan akala ko ba kinikilala nila mga walang utak pala to ei
Umuwi na ako sa bahay pagkatapos ng naging usapan namin ng Matryoshka Gang. Pagka-uwi ay agad akong nagbihis at kumain. Pagkatapos kumain ay natulog na agad ako.
End of FLASHBACK
Kaya kung inaakala niyong nagbago na talaga ako wag na kayong mag-akala dahil hinding-hindi mangyayari yun, hinding-hindi ako magbabago. Ang lahat lahat ng pagtawa ko at pagbabagong yun ay peke.
Rex POV
"Rex sigurado ka ba sa desisyon mong isali si Christine sa grupo??" biglang tanong sakin ni Skyler
"Hahahha hindi naman talaga natin siya isasali sa grupo" sagot ko sa kaniya
"Anong ibig mong sabihin??" tanong naman ni Nikuro
"Gagamitin lang natin siya para matalo ang Black Hunter X" sagot ko kay Nikuro
"Ibig sabihin sinabi mo lang sa kaniyang gagawin mo siyang kanang kamay para mas lalo siyang makumbinsing sumali satin, I mean para makumbinsi siyang gawin ang gusto mong gawin niya" sabi ni Eros
"Tama, kaya kailangan niyong magpanggap na tinatrato niyo siyang kanang kamay ko" sabi ko
"Kung yan ang gusto mo" sabi ni Skyler at binaling ulit ang kaniyang atensiyon sa binabasa niyang libro
Ganon lang pala kadaling kumbinsihin ang babaeng yun hindi man lang ako nahirapan.
Sa bagay heartbroken nga pala yun HAHAHAH kaawa awa
-RianeMich-