CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (...

By fedejik

53.9M 758K 54.3K

Si Tyrone Greene ay anak ng kilalang business tycoon at multi-billionaire na si Sebastian Greene. Lumaki ma... More

Synopsis & Author's Note
Beginning
Chapter 1.1.2
Chapter 1.2.2
Chapter 2.1.2
Chapter 2.2.2
Chapter 3.1.3
Chapter 3.2.3
Chapter 3.3.3
Chapter 4.1.3
Chapter 4.2.3
Chapter 4.3.3
Chapter 5.1.2
Chapter 5.2.2
Chapter 6.1.2
Chapter 6.2.2
Chapter 7.1.4
Chapter 7.2.4
Chapter 7.3.4
Chapter 7.4.4
Chapter 8.1.5
Chapter 8.2.5
Chapter 8.3.5
Chapter 8.4.5
Chapter 8.5.5
Chapter 9.1.4
Chapter 9.2.4
Chapter 9.3.4
Chapter 9.4.4
Chapter 10.1.4
Chapter 10.2.4
Chapter 10.3.4
Chapter 10.4.4
Chapter 11.1.4
Chapter 11.2.4
Chapter 11.3.4
Chapter 11.4.4
Chapter 12.1.3
Chapter 12.2.3
Chapter 12.3.3
Chapter 13.1.2
Chapter 13.2.2
Chapter 14.1.4
Chapter 14.2.4
Chapter 14.3.4
Chapter 14.4.4
Chapter 15.1.3
Chapter 15.2.3
Chapter 15.3.3
Chapter 16.1.2
Chapter 17.1.2
Chapter 17.2.2
Chapter 18.1.2
Chapter 18.2.2
Chapter 19.1.2
Chapter 19.2.2
Chapter 20.1.2
Chapter 20.2.2
Author's Note
Chapter 21.1.2
Chapter 21.2.2
Chapter 22.1.5
Chapter 22.2.5
Chapter 22.3.5
Chapter 22.4.5
Chapter 22.5.5
Chapter 23.1.4
Chapter 23.2.4
Chapter 23.3.4
Author's Note
Chapter 23.4.4
Chapter 24.1.2
Chapter 24.2.2
Chapter 25.1.2
Chapter 25.2.2
Chapter 26.2.4
Chapter 26.3.4
Chapter 26.4.4
Chapter 27.1.4
Chapter 27.2.4
Chapter 27.3.4
Chapter 27.4.4
Chapter 28
Chapter 30.1.2
Chapter 30.2.2
JorTy Readers
Epilogue
Special Greene Chapter
Special Announcement
Special Greene Chapter & TV Movie @ TV5

Chapter 29

439K 7.8K 2.6K
By fedejik

Photo Edited by Bebe Jhane

Thanks ulit bebe!

#TeamJorTy   #TeamMahal  pa rin ba???

********

CHAPTER 29

Jordan

Halos dalawang linggo na ako rito sa beach sa Batangas. Wala akong kilala rito. Si Isaac ang tumulong sa akin para lumayo kay Ty. Oo, iniwan ko na naman siya. Kahit na napakahirap sa akin ay iniwan ko pa rin siya. Umalis ako nang walang paalam tulad nang ginawa ko dati. Ayoko lang maburo sa akin si Ty gayong walang kasiguraduhan na magkakaanak pa ako. I love Ty so much at mas deserved lang niya ang babaeng mabibigyan siya nang maraming anak. At iyon ang possibleng hindi ko maibigay sa kanya.

"Jorge, kumain ka muna." Si Isaac. Halos isang buwan na rin siyang nakaalis sa MRC at namasukan na lang sa resort na tinutuluyan ko ngayon.

"Salamat, pero medyo busog pa kasi ako." Bahagya pa akong umiling. Ayoko sanang humingi nang tulong, pero wala na akong ibang malapitan. Si Cary naman ay nasa Canada na rin at hindi pa rin makauwi.

"Jorge..." Malalim pa siyang napabuntong-hininga at naupo sa katapat kong upuan. "Bakit 'di ka na lang bumalik kay Ty? Alam mo, nagagamot naman daw ang symptoms ng PCOS (Polycystic Ovary Syndrome). Puwede mo pa rin siyang mabigyan ng anak."

"Please, Isaac..." Umiling ako at mapait na ngumiti. "I love Ty so much..." Hindi ko na naman mapigilan ang magluha. "Gusto ko lang malagay siya sa siguradong babae at hindi sa katulad kong magiging puro baka sakali."

"Alam mo, hindi kita maintindihan, e." Malungkot pa siyang napatitig sa akin. "Mahal na mahal mo si Ty, pero nagagawa mo siyang talikuran nang gan'un-gan'on na lang?"

"Akala mo ba madali?" Kinagat ko nang mariin ang aking labi para sana pigilan ang pag-iyak, pero bigo ako. Dahil parang gripo pa ring tumutulo ang luha ko. "Hindi, Isaac. Hindi." Nag-iwas ako nang tingin dahil pakiramdam ko ay nasasaktan ko rin siya. "Pero handa akong tiisin ang pag-iisa maging buo lang ang kaligayahan niya."

"Naisip mo man lang ba na baka ikaw lang ang kaligayahan niya?"

"Maraming ibang babae diyan, Isaac. Higit pa sa akin."

"Siguro nga." Napahugot siya nang malalim na buntong-hininga at mapait na ngumiti. "Marami pang higit sa'yo, pero paano kung ikaw lang ang kaya niyang mahalin, Jorge? Ito na lang ba ang palagi mong solusyon? Ang tumakbo palayo?"

"Dahil iyon ang desisyong makakabuti para sa kanya."

"Sigurado ka bang iyon ang mabuti para sa kanya, Jorge? Hindi mo ba naiisip na baka hanggang ngayon, hinahanap ka pa rin niya?"

"Magsasawa din 'yun..." Madaling sabihin, pero gumuguhit ang sakit naiisip ko pa lang. "Sa ginawa ko bang pag-iwan sa kanya sa palagay mo hahabulin pa ako n'un? Maiisip niya na hindi ako karapat-dapat sa pagmamahal niya at magmamahal siya nang iba. Wala siyang ibang mararamdaman sa akin kundi galit at madali niya akong makakalimutan."

"You knew too little about my love for you, Jordan."

Agad kaming napalingon ni Isaac sa pinanggalingan ng boses. Bumungad ang nagdidilim na mukha ni Ty.

Pakiramdam ko ay literal na tumigil ang puso ko sa pagtibok at mariin ko lang kinagat ang labi ko. I missed him so much...

"Hey, Isaac! I saw you. You held her hand the other day. Do you really want to die?" What? Nandito siya the other day?

"Sorry, pare, na-carried away lang! Seloso mo masyado!" Napahalakhak lang siya at iiling-iling na sumenyas na aalis na. "Huwag mo na nga sa akin pabantayan, kung mabibilis lang ang buhay ko sa'yo!"

"Yeah, right. Fuck off!" nakasimangot na sagot naman ni Ty. Ano bang nangyayari?

Nang makaalis na nang tuluyan si Isaac ay hindi ko pa rin nagawang makagalaw sa kinakaupuan ko. Nagtaas lang ng kilay sa akin si Ty at umiling-iling. Sobrang gwapo pa rin niya kahit na parang mamula-mula ang kanyang balat. Naka-white sando lang siya at may nakapatong na tila Hawaiian theme na polo shirt, naka dirty white na shorts at tsinelas lang. At kahit pa gan'un lang ang suot niya ay para ba siyang supermodel sa mga sikat na magazine.

"I can't believe na ginagawa mong hobby ang pag-iwan sa akin, Jordan," nakaismid pang sabi niya at naupo sa pasimano ng munting balcony ng villa na iyon. Itinaas niya ang isang paa habang bigay todo ang pagkakasandal sa sulok.

"P-paano mo-?"

"You really think I'll let you leave me just like that again, huh?" masungit na sabi lang niya at nakasimangot pa rin.

"You deserve better," mapait na sabi ko at agad ko na namang nasalubong ang madilim niyang mukha.

"Will you please stop saying that? You're a better choice for me, Jordan. Minsan ba ipinaramdam ko sa'yo na hindi ka deserving?!" Napaigtad ako nang bahagya sa lakas ng boses niya. Obvious na naiirita na sa akin.

"After all these years, wala ka pa ring ipinagbago," mapakla pa niyang sabi. "Ipipilit at ipipilit mo lagi ang iniisip mo."

Nanatili akong tahimik dahil hindi ko malaman ang dapat na sabihin.

"Why is it so easy for you to leave me, Jordan? Ano na nga bang nangyari sa pagmamahal mong higit pa sa iniisip ko?"

"I love you, Ty... nang sobra-sobra. At ginawa kong lumayo para sa kaligayahan mo."

"Really, Jordan? You love me? Or you loved leaving me behind?"

Hindi ko nagawang makakibo sa sinabi niya. Nagtatalo pa rin ang isip at puso ko.

"I already predicted that you'll runaway again, kaya pinabantayan kitang mabuti." Bumuga pa siya nang hangin at bahagyang kumunot.

"Pinabantayan?" Kumunot ako at diretso lang niya akong tinitigan.

"I've been staying next to your room, Jordan. Keeping a close eye on you. It seems to me that you're in love with me, pero mas pinipili mo akong layuan dahil lang sa iniisip mo," may paghihinampo pang tono niya.

"B-baka hindi kita mabigyan ng anak, Ty..." Yumuko ako at nag-iwas nang tingin.

"I don't fucking care kung hindi mo ako mabigyan ng anak dahil mahal kita! Ikaw lang ang mahalaga!" tiim bagang niyang sabi at nag-iwas din nang tingin. "And your case is not hopeless, Jordan. The symptoms can be treated, for Pete's sakes!"

Hindi ko na napigilan ang maiyak at mapahikbi. Tangna, ang immature ko pa rin ba talaga?

"I can't believe that after two weeks, you still have the same thinking, Jordan. It's frustrating!" Ramdam ko ang sama ng loob sa boses niya. Malayo ang tingin niya at nakatitig sa kawalan habang ako ay panay ang iyak sa kinakaupuan ko. "I see you everyday and yet, I can't even touch you. I am giving you all the space you needed because I knew you're hurting too for losing our baby." Nabasag ang boses niya at agad na nagtubig ang kanyang mga mata. "But you know what hurts the most?" Noon na niya ibinaling ang tingin sa akin. "It was always so easy for you to leave me..." Mariin niyang kinagat ang kanyang labi at muling nag-iwas nang tingin.

Hindi na ako nakakibo pa sa mga huling sinabi niya at tanging iyak na lang ang nagawa ko. Masyado nga yata akong mahina. At kulang ako nang pagtitiwala sa pagmamahal niya. At kahit na may mabuti akong intensyon ay nakakasakit pa rin ako. At palagi ko na lang siyang sinasaktan. Masyado nga akong nagpapaanod sa emosyon ko at ang pagmamahal na pinapakita niya sa akin ay naiisip kong palaging ilusyon lang. At darating ang panahon na magsasawa din siya. Dahil sino ba naman ako? Isang simpleng babae na wala man lang pinagtapusan. Walang yaman o kahit na ano man. Samantalang siya ay hawak na niya halos ang mundo sa kanyang mga kamay. Nasa kanya na lahat. Sino bang hindi mag-iisip na ilusyon lang ang lahat? Isang prinsipe magkakagusto sa isang pulubi?

"Looks like you need more time again, huh?" mapakla pang sabi niya at noon na umalis sa pagkakaupo sa pasimano. "You knew where to find me, Jordan. I'll be waiting for you no matter how much you hated being with me." At noon na siya tumalikod. "But if you still choose to runaway... Don't worry. I will let you go this time." Tila patalim ang kanyang mga salita na diretsong bumaon sa puso ko.

Gusto ko sana siyang habulin, pero tila walang lakas ang mga binti kong tumayo. At ang nagawa ko lang ay humagulgol sa isang tabi habang pinagmamasdan ko siya palayo.

Tyrone

I couldn't believe that I've been stalking Jordan for two weeks! Pathetic am I? Jeez, mukhang tama nga yata si Vaughn. For the first time in my life ay mukhang aayunan ko si Vaughn sa sinabi niyang let her go, dude. But what can I do?

I love Jordan.

Kahit pa nakakalalaki na ang ginagawa niyang pang-iiwan sa akin, I love her so much. It's just hard to let go.

Kakatapos lang namin mag-usap ni Dad. Mukhang kailangan ko na talaga bumalik sa Manila. He needed me there. Nakakapagod man itong ginagawa kong pagluwas-luwas every other day, tinitiis ko because I missed her so bad. Hindi ko naman magawang ipagkatiwala kay Isaac ang pagbabantay kay Jordan dahil sa pag-aalala ko na agawin lang siya ng gagong iyon sa akin! But it seems like I have no choice, eh?

Paglabas ko ng villa bitbit ang aking maleta ay agad kong natanawan si Jordan na nakatingin sa akin. Hindi pa rin siguro makapaniwala na sa katabing villa lang niya ako, pero never pa niya akong nakita, not even once. Gusto ko sana siyang yakapin at halikan, pero umiral ang pride ko. Nangingibabaw ang tampo ko sa kanya. Mahal niya ako and yet willing, siyang iwanan ako? I still don't get it! I really don't!

Agad kong pinatunog ang sasakyan at ipinasok ang maleta. Ang Prado ni Dad ang dala ko kaya hindi rin talaga niya makikilalang ako ang may-ari. I've wasted two weeks for nothing!

Pasakay na ako ng sasakyan noon nang may maramdaman akong kamay sa braso ko. Hipo pa lang ay alam kong si Jordan na iyon.

"Mmm?" Kunot-noo akong bumaling sa kanya. Ni hindi ko man lang namalayang nakalapit na pala siya.

"I'm sorry..." malungkot pang sabi lang niya sabay mariing kagat sa labi niya.

"You're forgiven." Mapait akong ngumiti at noon na sumakay ulit sa sasakyan. As much as I wanted to just kiss and make up with her, I couldn't deny the fact that I was badly hurt by her actions. Maybe I should just let her go? Oh no, the thought was already killing me.

Mabilis kong pinaandar palayo ang sasakyan at nakita ko sa side mirror ang malungkot niyang mukha. I will surely miss you, Mahal ko, but this chase was just so tiring...


Continue Reading

You'll Also Like

363K 10.2K 61
Ako si Baylee Marie Pias/BAMs for short. I'm just your typical and normal girl but my life is AB normal. Ang daming gulo,sakit at galit ang naiwan s...
24.2M 707K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
11.5M 251K 52
Story written by Pinkyjhewelii Copyrighted, 2014
18.5M 331K 87
Dalton Ace Samaniego, nag-iisang anak at total Casanova. Kahit na minsan ay 'di siya nagseryoso sa buhay at naging mapaglaro sa mga babae. Malaya n...