CHAPTER 25.2.2
JORDAN's POV (CONT.)
"Alam na ba ng parents mo na nagkabalikan tayo?" nag-aalala ko pang tanong. Natatakot pa rin ako sa magiging reaksyon nila. Kahit na parang nakita kong balewala lang kay Kirsten ang nangyari ay hindi ko pa rin alam sa parte ng parents nila. At kahit pa sinabi ni Ty na tanggap ako sa kabila ng pagiging anak ako ng lalaking nagtangkang pumatay sa kanila ay hindi ko pa rin maiwasan ang mag-alala. Paano kung ilagay ko na naman sila sa alanganin?
"Uhummm..." Bahagya pa siyang tumango. "I'll bring you to a family dinner this week."
Natahimik ako sa kanyang sagot. Kinakabahan ako. Pero sana matanggap pa rin nila ako sa kabila nang pang-iiwan ko sa anak nila. Sana.
Banayad niya akong kinabig sa batok at agad na sinakop ng labi niya ang labi ko. Hindi ko alam kung pagsasawaan ko ba ang paghalik na iyon ni Ty dahil sa totoo lang ay masyadong nakakaadik.
"Jeez, Mahal ko..." aniya habang panay ang haplos sa aking mukha. "I will never get enough of you."
"Namamanyak ka na naman!" Banayad ko siyang tinampal sa braso at napahalakhak naman siya.
"As much as I wanted to make love with you right now, I have a lot of things to do." Napabuntong-hininga pa siya. "Kaya nga ba hindi kita makuhang personal secretary ko dahil paniguradong babagsak ang kompanya dahil baka ikaw na lang ang atupagin ko!"
"Siraulo!" Tama siya, hindi talaga puwede dahil kahit naman ako ay hindi ko magagawang magpaka-professional palagi. Baka tulad niya ay namamanyak na rin ako. Susme, hawang-hawa na ako sa pagiging pervert niya. "'Wag masyadong seryoso at masungit. Natatakot mga empleyado mo sa'yo," pasimpleng sermon ko pa.
Umiling lang siya at wala namang sinabi. Mabilis ko siyang hinalikan ulit sa labi bago tuluyang lumayo sa pagkakakandong niya.
"I'll see you later, Mahal ko," sabi ko pa.
"Most definitely, Mahal ko," sagot naman din niya sabay kagat nang mariin sa kanyang labi.
Noon na ako naglakad palapit sa pinto at napabaling lang ulit ako nang marinig ang pagtikhim niya.
"W-what-?" Kumunot ako at nakakaloko lang siyang ngumisi.
"You look so perfectly fine with that fitted skirt. I want to run my hands over them," pilyong sabi pa niya. Ang manyak talaga!
"Heh!" Nakangiting umirap ako at malakas lang siyang humalakhak. "I love you."
"I love you more..." aniya kasabay nang pagkabig ko sa pinto pasara. Wala pa ako sa sariling napahawak sa tapat ng aking puso at pigil na ngumiti. I am so in love with him. Tangna lang.
Mabilis na lumipas ang buong araw at halos hindi kami magkita ni Ty. Sa labas nga rin siya nag-lunch at may kausap lang daw siyang importanteng kliyente. Kitang-kita ko ang stress sa kanyang mukha at naawa talaga ako sa kanya. Alam ko naman na nahihirapan siya sa pagma-manage ng company, pero siguro nga ay ayaw na lang din niyang idamay pa ako kaya hindi siya nagku-kwento.
After office hours ay hindi pa rin siya dumarating. Tamang nag-text siya sa akin at ipapasundo na lang muna raw niya ako sa isa sa mga bodyguard niya na Joel daw ang pangalan. Kinontra ko siya dahil sa totoo lang ay kaya ko naman ang sarili ko. At tsaka sino ba si Joel? Hindi ko pa nga siya nakikita sa buong talang buhay ko. Kung sabagay, sa pagkakaalam ko ay ayaw ni Ty na masyadong visible ang mga bodyguards niya parang tulad ni Kirsten, pero nasa paligid lang sila.
Paglabas ko sa lobby ng building ay may sumalubong kaagad sa aking lalaki na hindi naman din katandaan ang edad, pero malaki ang pangangatawan at aakalaing galing sa army. Blanko rin ang ekspresyon na akala mo robot.
"Ma'am Jordan, ako na po muna ang maghahatid sa inyo sa hotel sabi po ni Sir Tyrone," pormal na sabi niya sabay turo sa nakaparadang Chevrolet.
"I-ikaw ba si Joel?"
"Yes, Ma'am." Tumango siya, pero hindi pa rin ngumingiti. Pinigilan kong huwag paikutin ang aking mga mata dahil tulad nang dati, gagawin at gagawin pa rin talaga ni Ty ang gusto niya.
"Sige..." Hindi na rin naman ako nakatanggi at sumakay na sa likuran ng sasakyan.
Narating namin ang hotel nang walang usapang naganap. Mukhang aral na aral siya. Gusto ko sanang kausapin, pero pakiramdam ko ay susupladuhan lang naman niya ako kaya hindi ko na itinuloy.
Pagpasok namin sa lobby ng hotel ay nakipagtanguan lang si Joel sa isa sa mga receptionist ni Ty na agaran din namang lumapit sa akin bitbit ang kahong kulay puti at matamis na ngumiti.
"Ma'am Jordan, ipinapabigay po ni Sir Tyrone," nakangiting sabi pa nito sabay abot sa kahon.
"Huh? Ano 'to?" takang tanong ko pa.
"Isuot n'yo raw po 'yan at magpaganda raw po kayo. Around seven o'clock ay susunduin ko po kayo para dalhin kayo sa kanya."
"Huh? Bakit may ano?"
"Wala na po akong alam na ibang impormasyon, Ma'am. Pasensya na po," nahihiya pang sabi niya at nagbigay daan sa akin para sumakay sa exclusive na elevator patungo sa penthouse.
Anong pakulo na naman ng kumag na 'yun at may paganitong epek pa? Tangna, bakit ba parang nae-excite at kinakabahan ako at the same time? OA mo Jorge, huh.
At kahit na masyado akong napu-puzzle kung ano ba ang mayroon ay sinunod ko na lang ang bilin nang minamahal kong boyfriend. Naligo muna ako bago ko isuot ang dress at shoes na nakalagay sa box na ibinigay n'ung receptionist. Simple lang naman ang damit, pero sobrang elegante. Kulay dirty white siya na lagpas tuhod lang ang haba at full lace ang upper part ng dress. Sakat na sakat sa katawan ko at super sexy tingnan. Katerno ng dress ay isang dirty white stiletto din at may anklet pang kasama. Mukhang formal dinner yata ang puntahan naming, ah. Hala, mada-diet pala ako ngayong gabi. Hindi pa naman ako nakapag-merienda! Haist! Nakakahiya naman kasi kumain nang marami kapag nasa sosyal na lugar. Akala mo pagkain ng ibon ang dami at sobrang bitin!
Saktong seven o'clock nang gabi ay may kung sinong nag-doorbell sa pinto at pagbukas ko ay nabungaran ko kaagad ang receptionist kanina na hindi ko naman alam ang pangalan. Pero according sa name plate na nasa uniform niya ay Belle ang pangalan.
"Ma'am Jordan, sundan n'yo lang po ang rose petals," nakangiting sabi niya at noon ko na nga lang napansin ang rose petals sa sahig. Tangna. Anong nangyayari?!
"A-anong-" Hindi pa man ay agad na nanginig ang katawan ko. Agad na nablanko ang aking utak at wala ako sa sariling sinundan ang rose petals na patungo sa elevator. Nakangiting nakasunod pa rin sa akin si Belle hanggang makasakay na kaming dalawa at agad niyang pinindot ang button patungong ground floor.
At pagbukas nga ng elevator sa ground floor ay puro rose petals pa rin ang nakita ko patungo kung saan. Punung-puno rin nang maliliit at makukulay na balloons sa buong lobby. Nakamata sa akin ang mga empleyado roon na abot-tainga ang ngiti na para bang mas marami pa silang alam sa nangyayari kaysa sa akin. Napalunok lang ako nang unti-unting napalapit sa function hall ng hotel. Agad kong naringgan ang tila pamilyar na musika sa paligid. Nang tuluyan akong makapasok sa hall ay agad nang may kumanta. Si Ty!
https://youtu.be/NYApuwzWCno
♫♪ If I had to live my life without you near me
the days would all be empty
the nights would seem so long
With you, I see forever Oh, so clearly
I might have been in love before
but it never felt this strong... ♪♫
Nanindig ang balahibo ko sa katawan habang unti-unti siyang lumalapit sa akin. Nakasuot siya ng dirty white button down long sleeve na nakarolyo hanggang sa siko at black pants. Sa kanang kamay niya ay hawak niya ang mic na nakatapat sa kanyang bibig at sa kaliwa naman ay isang bungkos ng mga puting rosas!
♫♪ Our dreams are young and we both know
They'll take us where we want to go
Hold me now, touch me now
I don't want to live without you... ♪♫
Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Hindi ko na pansin kung ano pa ang nasa paligid ko. Natuon lang ang atensyon ko sa lalaking kinakantahan na naman ako sa pangalawang pagkakataon. Mabilis na nangilid ang aking luha kasabay nang walang kasing lakas na kalabog ng aking puso.
Lumabi siya nang mapansing para na akong iiyak. Hindi ko napigilang matawa kasabay ng luhang wala nang tigil sa pag-agos sa aking mukha. Maaliwalas ang kanyang mukha at sa mga mata niya'y para bang ako lang din ang nakikita niya.
♪♫ Nothings gonna change my love for you
You ought to know by now how much I love you
One thing you can be sure of
I'll never ask for more than your love
Nothings gonna change my love for you
You ought to know by now how much I love you
The world may change my whole life through
But nothings gonna change my love for you... ♫♪
Nang tuluyan na siyang makalapit sa akin ay iniabot niya ang mga roses at bahagyang pinunasan ng kanyang daliri ang aking mukha na basang-basa na pala ng luha. For sure ay nagkalat na ang kakaunting make-up na inilagay ko. Ang pangit ko na siguro!
♪♫ If the road ahead is not so easy
Our love will lead the way for us
like a guiding star
I'll be there for you if you should need me
You don't have to change a thing
I love you just the way you are... ♫♪
♪♫ So come with me and share the view
I'll help you see forever too
Hold me now, touch me now
I don't want to live without you... ♫♪
♪♫ Nothings gonna change my love for you
You oughta to know by now how much I love you
One thing you can be sure of
I'll never ask for more than your love
Nothings gonna change my love for you
You ought to know by now how much I love you
The world may change my whole life through
But nothings gonna change my love for you... ♫♪
Matapos noon ay saglit siyang huminto, pero nagpatuloy pa rin ang instrumental music. Noon ko na lang napagtuunan nang pansin ang aking paligid at agad kong nahapyawan ang live band sa may stage at lahat sila ay sa amin nakatingin at abot-tainga rin ang ngiti.
Halos mapuno ang buong hall ng mga fresh roses na sobrang gaganda! Mukhang imported pa yata at ngayon lang ako nakakita ng gan'un. May mga tulips din na iba't-iba ang kulay. Para bang mukhang garden ang buong paligid at sobrang bango! May mga kandila ring nakapaikot at maliliit na balloons na nagkalat sa sahig.
"A-ano 'to?" Pumiyok ako. Hindi ko maiwasan ang masyadong madala sa paligid ko. Ganitung-ganito ang mga napapanood ko sa t.v. noon! At hindi ako makapaniwalang ang tulad ko ay mararanasan ang ganito.
"Why are you crying?" natatawa pang tanong pa niya at dinukot ang kanyang panyo sa bulsa. Siya na mismo ang nagpunas n'un sa aking mukha.
"I-ikaw k-kasi..." Kinagat ko nang mariin ang aking labi sabay hampas sa kanyang matipunong dibdib. Napahalakhak lang ulit siya at mabilis akong hinalikan sa noo.
"Look, Mahal ko... Mag-dinner lang tayo. Ano bang iniisip mo?" nakangisi pang tanong niya.
Ngumuso ako at umirap. Muli siyang humalakhak at hinalik-halikan ako nang banayad sa buong mukha.
Hindi ko napigilan ang kiligin sa kanyang inasal at muli ko siyang hinampas sa dibdib.
"Hmmm..." Bigla siyang sumeryoso at humugot nang isang malalim na buntong-hininga. "We've been through a lot, Jordan..," panimula pa niya habang paunti-unti pa ring pinupunasan ang luha ko. "And, I won't be wasting time here." Bahagya pa siyang umiling bago ulit nagpatuloy.
"I am not waiting another three years for this, Mahal ko. I want to do this now and be with you not only for the next three years but a lifetime with you. I love you... I love you so much..." malambing pa niyang sabi habang titig na titig sa aking mga mata. Unti-unti na ring nagluluha ng kanyang mga mata.
"I love you more than I could express it in words or in actions."
May kung ano siyang dinukot sa kanyang bulsa at dahan-dahang lumuhod sa aking harapan. Ibinaba niya ang mic na hawak niya at binuksan ang maliit na black box.
My God, diamond ring!
Kinuha niya ang singsing mula roon at mahigpit na hinawakan ang aking kamay. Shit! Shit! 'Di ko na kinakaya 'to! Hindi ko na alam kung anong mukha ang naibigay ko sa kanya, basta't ang alam ko lang ay humahagulgol na ako kakaiyak!
"Let's be captivated with each other forever... Please, spend a lifetime with me? Please, be Mrs. Tyrone Greene?" Kasabay noon ay ang pagbabadya na rin ng luha sa kanyang mga mata.
Lalong bumuhos ang luha ko habang naglalaro sa utak ko ang huli niyang mga sinabi. Please, be Mrs. Tyrone Greene?
"Mahal ko?" Alanganin pa siyang tumitig sa akin. Tanga! Sasagot ka pala!
"Y-yes..." may kasama pang tango na sagot ko at parang hindi agad nagsink-in sa kanya ang sinabi ko.
"Y-yes?" Bahagya pa siyang napakunot-noo.
"Yes na yes!" sagot ko pa ulit sa mas malinaw na paraan. Ano bang akala niya? Pakakawalan ko pa siya, e, mahal na mahal ko rin siya!
"What the-"
Natatawa pa siyang parang hindi makapaniwala sabay suot ng singsing sa aking daliri. Noon na siya tumayo sabay sakop sa labi ko. Hinalikan niya ako na tila ba wala nang bukas at parehas kaming lumuluha sa kaligayahan. Nagkakagulo sa loob ng hall at puros sigawan, palakpakan at sipol ang maririnig na ingay. Halos matabunan ang background music sa sobrang lakas nang ingay.
"Tangna naman, Ty, ginulat mo ko!" Tinampal ko siya sa pisngi at napahalakhak lang din siya habang panay pa rin ang halik sa labi ko.
"Language, Mahal ko!" Niyakap niya ako nang sobrang higpit at ibinalik ko rin sa kanya ang yakap na 'yun.
"Hindi mo naman kailangan gawin 'to," bulong ko pa habang mahigpit pa rin kaming magkayakap.
Saglit siyang humiwalay sa akin at ikinulong ng mga palad ang aking mukha.
"I want to, Mahal ko. I don't want you leaving me again. I'll never give you that chance. Never."
"I will never leave you, Ty. Mahal na mahal kita nang higit pa sa iniisip mo, remember?"
"Yeah, me too, Mahal ko. Me too."
At muli niya akong hinalikan nang mariin. Wala na rin akong pakialam kahit pa nagfrench kissing kami sa harap nang maraming audience! Mamatay silang lahat sa inggit! Dahil simula sa araw na ito, akin na lang si Tyrone Greene. Akin na akin lang!
********
HAPPY HEART'S DAY ANGELS! Egzoited na ako sa movie date natin! See you on Sunday! Hihi