CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (...

By fedejik

53.9M 758K 54.3K

Si Tyrone Greene ay anak ng kilalang business tycoon at multi-billionaire na si Sebastian Greene. Lumaki ma... More

Synopsis & Author's Note
Beginning
Chapter 1.1.2
Chapter 1.2.2
Chapter 2.1.2
Chapter 2.2.2
Chapter 3.1.3
Chapter 3.2.3
Chapter 3.3.3
Chapter 4.1.3
Chapter 4.2.3
Chapter 4.3.3
Chapter 5.1.2
Chapter 5.2.2
Chapter 6.1.2
Chapter 6.2.2
Chapter 7.1.4
Chapter 7.2.4
Chapter 7.3.4
Chapter 7.4.4
Chapter 8.1.5
Chapter 8.2.5
Chapter 8.3.5
Chapter 8.4.5
Chapter 8.5.5
Chapter 9.1.4
Chapter 9.2.4
Chapter 9.3.4
Chapter 9.4.4
Chapter 10.1.4
Chapter 10.2.4
Chapter 10.3.4
Chapter 10.4.4
Chapter 11.1.4
Chapter 11.2.4
Chapter 11.3.4
Chapter 11.4.4
Chapter 12.1.3
Chapter 12.2.3
Chapter 12.3.3
Chapter 13.1.2
Chapter 13.2.2
Chapter 14.1.4
Chapter 14.2.4
Chapter 14.3.4
Chapter 14.4.4
Chapter 15.1.3
Chapter 15.2.3
Chapter 15.3.3
Chapter 16.1.2
Chapter 17.1.2
Chapter 17.2.2
Chapter 18.1.2
Chapter 18.2.2
Chapter 19.1.2
Chapter 19.2.2
Chapter 20.1.2
Chapter 20.2.2
Author's Note
Chapter 21.1.2
Chapter 21.2.2
Chapter 22.1.5
Chapter 22.2.5
Chapter 22.3.5
Chapter 22.4.5
Chapter 22.5.5
Chapter 23.1.4
Chapter 23.3.4
Author's Note
Chapter 23.4.4
Chapter 24.1.2
Chapter 24.2.2
Chapter 25.1.2
Chapter 25.2.2
Chapter 26.2.4
Chapter 26.3.4
Chapter 26.4.4
Chapter 27.1.4
Chapter 27.2.4
Chapter 27.3.4
Chapter 27.4.4
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30.1.2
Chapter 30.2.2
JorTy Readers
Epilogue
Special Greene Chapter
Special Announcement
Special Greene Chapter & TV Movie @ TV5

Chapter 23.2.4

457K 7.7K 388
By fedejik

I just want to dedicate this part to my web sis SHYNN.  Basta.  Thank you sa lahat-lahat.  Sa suporta at pagmamahal.  Thank you.  Hope to meet you someday.  You're one of the nicest person I've met here in watty.  Love you. mwaaaaah!

********

CHAPTER 23.2.4

 JORDAN's POV (Continuation)

       

Nagpatuloy lang siya sa paghalik sa akin hanggang sa maramdaman ko ang kanyang dila na tila humihingi nang pahintulot na papasukin ko. At ako namang si gaga ay sumobra ang pagpaparaya at hinayaan siyang galugarin ang bibig ko at gan'un din ang ginawa ko sa kanya. Hindi ko naiwasang mapaungol sa sarap at napangiti lang siya sa aking labi. Nakakahiya ka, Jorge!

"You want me to stop?" nanunukso pang tanong niya habang paunti-unting hinahalikan ang palibot ng aking labi.

Nahigit ko lang ang kanyang damit dahil kahit gusto kong isagot na oo ay hindi magawang lumabas sa bibig ko!

"Beg me to kiss you..." Panay pa rin ang maninipis na halik niya! At sobrang bitin na bitin ang pakiramdam ko! Shit!

"N-no~" Masyado pa rin akong lasing sa pag-asang itutuloy niya ang paghalik sa akin habang wala ako sa sariling mahigpit pala ang pagkakahigit ko sa kanyang damit.

"Beg, Jordan..." Oh, no! No! No!

"P-pleaseee..." Oh, no! Malandi ka!

Napangiti lang ulit siya sa aking labi at noon na ulit niya ako hinalikan. Idiniin niya ang kanyang katawan sa akin at ramdam ko rin ang matigas na alaga niya sa aking tiyan ko. Naiisip ko pa lang kung ano 'yun ay nababaliw na ako!

Natigil lang kami sa aming mainit na palitan nang halik nang biglang may magpalakpakan sa ibaba. Ang Finance!

"Tama na muna 'yan, sir! Breakfast na!" Si Sir Martin na abot-tainga pa ang ngiti sa amin. Gusto ko nang lumubog!

Tumango lang si Ty sa kanila at hinila na ako pabalik sa loob. Isip ko'y doon na matatapos ang halikan naming dalawa, pero gayon na lang ang gulat ko nang bigla siyang maghubad ng t-shirt at mabilis na lumapit sa akin para halikan ulit ako.

Hindi ko alam kung papaanong humantong kami sa kama habang patuloy kaming naghahalikan. Pakiramdam ko ay sobrang nangangapal na ang aking labi dahil sa gigil na paghalik niya. At kahit pa parang gusto ko siyang pigilan ay hindi ko na magawa at dalang-dala na ako sa sensasyon. Nang mahipo ko ang katawan niyang nakapatong sa akin ay naramdaman ko ang kanyang init. Para siyang nilalagnat!

"Oh God, I m-missed y-you..." Panay pa rin ang palitan namin nang halik. Nahawakan ko na rin ang lahat ng parte ng kanyang katawan sa sensasyong dala ng kanyang labi. At gan'un na lang din ang gulat ko nang maramdaman ang kamay niyang nakahawak sa aking dibdib! Nahawi na pala niya ang bra ko nang hindi ko namamalayan! "I am so inlove with you, Mahal ko... Still very much in love with you..." Napatitig lang ako sa kanyang mga mata na tila nagsusumamo at nagnanasa.

"T-ty..." Kinagat ko nang mariin ang aking labi habang unti-unti kong nararamdaman ang pagbaba ng kanyang kamay sa loob ng shorts na suot ko.

"As much as I wanted to make love to you right now, Mahal ko... I just don't want you to regret anything." Malalim siyang napabuntong-hininga at mapait na ngumiti. Agad siyang umalis sa pagkakadagan sa akin at naupo sa gilid ng kama.

"Ty?"

"It fucking hurts..." Kinagat niya ang kanyang labi at iiling-iling na bumuntong-hininga. Huh? Ano bang masakit? "Magsuot ka nang maayos na damit at mag-breakfast na tayo," nakangiwi pang sabi niya at parang nakita kong hinapyawan niya nang tingin ang kanyang ibaba. Ohh... Hindi ko tuloy maiwasang makunsensya dahil sobrang lapit na namin. Pero ibibigay ko naman. Anong pumipigil sa kanya?

Mabibigat ang paa na nagmartsa siya palabas ng balcony at tumingin sa malayo. Gusto ko sana siyang sundan, pero natatakot ako sa maaari niyang itanong. Baka hindi na niya mapigil na usisain ako sa rason nang pag-iwan ko sa kanya noon.

Kaya naman nagpalit na lang ako ng damit tulad ng kanyang sabi. Nang makalabas ako ng banyo ay naabutan ko siyang nakaupo sa kama at nakabihis na ulit.

"Let's go." Inilahad pa niya ang kanyang kamay at inabot ko naman 'yun nang walang pag-aalinlangan. Second day namin ngayon. Second day...

Agad kaming dumiretso sa kainan nang hawak-kamay at naabutan namin ang finance na nakamata na naman sa aming dalawa. Bakas pa rin sa kanilang mga mukha na tila hindi makapaniwala, pero wala pa ring naglalakas-loob magtanong. Si Ma'am Janice naman ay palaging masama ang tingin sa akin. Hindi talaga maikakaila ang pagkakagusto niya kay Ty.

Hindi naman din nagtagal ay dumating na ang breakfast namin. Mukhang hindi rin sila morning person at puro mga nanlalata pa.

Nasa kalagitnaan kami nang pagkain noon ng may kung sinong tumawag sa akin.

"Mamay Jorge!" Giro? Anong ginagawa niya rito? Paglingon ko sa kanyang likuran ay agad kong nasalubong ang malamlam na mga mata ni Isaac.

"Giro!" Mahigpit ko naman siyang niyakap at kinandong. Miss na miss ko na rin siya. Matagal-tagal ko na rin siyang hindi nakikita sa opisina. Mukhang iniiwas na rin sa akin ni Isaac.

Nakita kong tumango si Isaac sa mga taga-finance at alanganin ding bumati kay Ty na pormal naman ding sumagot bago ibalik ulit ang tingin sa akin.

"Anong ginagawa ninyo dito?" Tumingala pa ako kay Isaac na gwapo ring tingnan sa suot na t-shirt at khaki shorts.

"Nagbakasyon lang kasama ang pamilya. Anong ginagawa mo rito?" Kumunot nang bahagya ang kanyang noo nang mapasulyap nang tingin kay Ty na noo'y nananahimik lang.

"Huh, e... may seminar ang finance."

Nakita ko ang lalong pagkunot ng kanyang noo, pero pinigilan niya ang kanyang sariling magtanong.

"Mamay, sama ka naman sa amin ni Daddy mamasyal. Miss na miss na kasi kita."

"Huh, e... s-sige... kapag nasa seminar na sila mamaya." Alanganin pa akong napatingin kay Ty, pero hindi siya lumingon sa akin. Padabog niyang ibinalibag ang table napkin at mabilis na tumayo at naglakad palayo. Iniwanan niya ang kanyang pagkain. Gusto ko man sana siyang habulin ay bigla naman akong nahiya kina Isaac at Giro.

"Looks like somebody is jealous, e." Ngingiti-ngiti pang kumindat sa akin si Sir Martin. Nag-iwas lang ako nang tingin kahit na sa totoo lang pakiramdam ko ay ang pula-pula ng aking pisngi. Mukhang unti-unti na siyang nagiging at ease sa panunukso. "Are you on leave, Isaac?" baling pa niya kay Isaac na parang wala rin sa mood.

"Opo, Sir. Three days po."

"Oh, I see." Tumangu-tango lang si sir Martin at ipinagpatuloy ang pagkain. "Kumain muna kayo ni Giro," alok pa nito.

"H-hindi na po, Sir. Kakatapos lang," kaswal na sagot niya at banayad na hinila si Giro palayo sa akin. "Text mo na lang ako kung puwede ka."

"S-sige..." Marahan akong tumango at bigla tuloy ako nag-alangan dahil sa inasal ni Ty.

"Mamay, text mo agad si Daddy, huh. Hintayin ka naming," sumamo pa ni Giro. Paano ba ako tatanggi sa munting anghel na 'to?

"Sige, Giro. Wait mo ako, huh." Pinisil ko ang kanyang mapulang pisngi at maluwag naman siyang ngumiti sa akin.

Tipid namang ngumiti lang si Isaac, pero wala namang sinabi. Alam kong masama pa rin ang loob niya sa nangyari. Pero ayoko namang umasa siya sa wala. Hindi ko kayang dayain ang sarili ko at si Ty pa rin ang laman ng puso ko.

Nang makaalis na sina Isaac at Giro ay tsaka ako nagdesisyon na sundan si Ty sa suite namin. Mas mainam na rin kasi 'yun kaysa ako ang ma-interview ng mga taga finance nang wala sa oras. Pero sadly ay wala siya sa suite pagpasok ko. Saan kaya nagpunta 'yun? Haist, nagseselos siya alam ko... Ang possessive pa rin talaga niya hanggang ngayon. At mas lalo ko siyang minamahal sa ugali niyang iyon.

Tyrone

I am so fucking pissed off right now! I couldn't believe this! Sasamahan niya ang mag-ama habang nasa seminar ako?! Her answer actually wounded my jealous ego. Big time! Alam naman niyang three days na lang ang hinihingi ko. 'Yung ako lang! Pati ba naman 'yun mahirap pa ring ibigay?!

Nagmukmok ako sa function room ng hotel kahit na nga one hour pa bago kami magsimula. Baka nga gusto rin ni Jordan lumabas kasama ang Isaac na 'yun at ang anak nito kaya kahit tumututol ang kaloob-looban ko ay pinigilan ko ang magsalita. Maybe it's not really me who can make her happy. Come on, Ty, it took you three fucking years to realize that?! But I was always hopeful about us. Knowing the true reason behind her sudden disappearance, I was really hopeful. The crazy thing you did for love, eh? Should I really stop hoping now? Damn it.

I spent almost four freaking hours on that seminar and yet none of it gets into me. My mind was wandering somewhere else... someone else. For sure, she's having a time of her life. I fucking needed to breathe! Jeez!

"Sir, saan po kayo pupunta?" Si Martin. I don't know if he's playing dumb or what? Nakita naman niyang half naked ako, alangan namang mamamasyal sa park? Jeez...

"I'll be at the pool. If someone calls me, tell them I'm busy!" nanunupladong sagot ko at dire-diretsong naglakad papunta sa pool area with a shot glass and bottle of Tequila in my right hand. I didn't know if they allow liquors, but hell I care.

Pagdating ko sa pool ay wala ni isang tao ang nand'un. Which was kinda good for me, I guess. Parang bean shape ang pool at hindi rin naman kalakihan. Naupo ako sa isang tabi at nagsalin ng alak sa baso. Now, isn't the best time to be alone I know. Pero anong magagawa ko kung ang kaisa-isang babaeng gusto kong kasama ay kasama nang iba! I am so fucked am I? Nagpapakagago ako kay Jordan samantalang marami namang iba?! But I don't want anybody else...

I just want her!

Damn!

Continue Reading

You'll Also Like

21.4M 698K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
70.8K 1.3K 10
Man hater is not the best word to describe her. She thought she's just afraid of falling, that she might fall hard, and will hurt like hell. Kaya aya...
7.7M 199K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
192K 3.6K 55
The Teenager Mommy into Aimer La Maman Célibataire. SYPNOSIS Carisha was sixteen when she decided to go in a Bar. She was so careless at that time th...