CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (...

נכתב על ידי fedejik

53.9M 758K 54.3K

Si Tyrone Greene ay anak ng kilalang business tycoon at multi-billionaire na si Sebastian Greene. Lumaki ma... עוד

Synopsis & Author's Note
Beginning
Chapter 1.1.2
Chapter 1.2.2
Chapter 2.1.2
Chapter 2.2.2
Chapter 3.1.3
Chapter 3.2.3
Chapter 3.3.3
Chapter 4.1.3
Chapter 4.2.3
Chapter 4.3.3
Chapter 5.1.2
Chapter 5.2.2
Chapter 6.1.2
Chapter 6.2.2
Chapter 7.1.4
Chapter 7.2.4
Chapter 7.3.4
Chapter 7.4.4
Chapter 8.1.5
Chapter 8.2.5
Chapter 8.3.5
Chapter 8.4.5
Chapter 8.5.5
Chapter 9.1.4
Chapter 9.2.4
Chapter 9.3.4
Chapter 9.4.4
Chapter 10.1.4
Chapter 10.2.4
Chapter 10.3.4
Chapter 10.4.4
Chapter 11.1.4
Chapter 11.2.4
Chapter 11.3.4
Chapter 11.4.4
Chapter 12.1.3
Chapter 12.2.3
Chapter 12.3.3
Chapter 13.1.2
Chapter 13.2.2
Chapter 14.1.4
Chapter 14.2.4
Chapter 14.3.4
Chapter 14.4.4
Chapter 15.1.3
Chapter 15.2.3
Chapter 15.3.3
Chapter 16.1.2
Chapter 17.1.2
Chapter 17.2.2
Chapter 18.1.2
Chapter 18.2.2
Chapter 19.1.2
Chapter 19.2.2
Chapter 20.1.2
Chapter 20.2.2
Author's Note
Chapter 21.1.2
Chapter 21.2.2
Chapter 22.1.5
Chapter 22.2.5
Chapter 22.3.5
Chapter 22.5.5
Chapter 23.1.4
Chapter 23.2.4
Chapter 23.3.4
Author's Note
Chapter 23.4.4
Chapter 24.1.2
Chapter 24.2.2
Chapter 25.1.2
Chapter 25.2.2
Chapter 26.2.4
Chapter 26.3.4
Chapter 26.4.4
Chapter 27.1.4
Chapter 27.2.4
Chapter 27.3.4
Chapter 27.4.4
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30.1.2
Chapter 30.2.2
JorTy Readers
Epilogue
Special Greene Chapter
Special Announcement
Special Greene Chapter & TV Movie @ TV5

Chapter 22.4.5

464K 7.8K 405
נכתב על ידי fedejik

CHAPTER 22.4.5

JORDAN's POV (Continuation) 

            

"I plan to sell MRC so, that you can stay with your job and I'll be gone in your life for good."

"Ty, h-hindi mo kailangang gawin, ako na lang ang aalis."

Saglit siyang napatitig sa akin at nag-iwas nang tingin.

"I'll leave, Jordan. So, you can have a peaceful life without me."

Hindi ko alam, pero tumulo na lang ang luha ko nang hindi ko namamalayan. Nangalog ang aking tuhod at agad akong napasandal sa barandilya.

"Mahal ko..." Gulat pa siyang napadalo sa akin at agad na pinunasan ang luha ko gamit ang kanyang mga daliri. "Please, don't cry... Ayoko lang na nahihirapan ka kaya gagawin ko 'to."

"Ty, kasi—"

"Naiintindihan kita."

"Ty?" Napakurap lang ako at pilit na hinanap ang katotohanan sa kanyang mga mata. Anong alam niya?

"Come on, let's eat. I'm starving." Pilit pa niyang pinasaya ang kanyang boses at inakbayan ako.

Tumango na lang ako at nagpadala na lang sa kanyang mood. Siguro nga, baka mas mabuti pa ang paraan niya. Hindi ko alam kung ano ang rason na alam niya, pero siguro nga ay mas mabuti 'yun para sa aming dalawa. Baka nga... Baka nga.

Matapos ang lunch namin kasabay ang mga taga Finance ay nagdiretso na rin kaagad sila sa Function Room. Hindi ko na alam kung ano pa ang nangyari doon dahil hindi naman nga ako kasama. Gusto ko sanang mamasyal na lang muna kaya lang ay ayoko rin namang mag-alala pa si Ty kapag hindi niya ako naabutan sa suite.

Nanood na lang muna ako ng t.v. habang nagpapalipas nang oras. Pero dala siguro nang lamig ng panahon ay hindi ko naiwasan ang makaramdam nang antok at nakatulog na pala ako.

Hindi ko alam kung anong oras na noon, pero gan'un na lang ang gulat ko nang makita ang isang kamay na nakayakap sa baywang ko. Si Ty!

Napabalikwas ako at gumapang ang init sa aking pisngi.

"S-sorry... Did I wake you u-up?" pupungas-pungas pang tanong niya at bahagyang nagkusot ng mga mata.

"K-kailan ka pa rito?" Eto na naman ang puso ko!

"T-thirty minutes, maybe..." Humikab siya at dumiretso nang higa.

Tangka sana akong tatayo nang bigla niyang hinawakan ang aking kamay at pinigilan ako.

"Please, stay here..." sumamo pa niya. Malamlam ang kanyang mga mata habang diretsong nakatitig sa akin. "Please..."

At kahit na hindi man ako sigurado sa pinapasok ko ay tumango na lang ako. Banayad niya akong hinila palapit sa kanya at iniunan ko ang aking ulo sa kanyang dibdib. Mahigpit niya akong niyakap at langhap ko ang bango ng kanyang katawan. Naramdaman ko ang banayad na paghalik niya sa aking noo, pero wala naman siyang sinabi pang iba.

"K-kumusta ang seminar?" lakas loob ko pang tanong.

Malalim lang siyang napabuntong-hininga bago sumagot.

"It's okay. Learning new things," tipid namang sagot niya habang hinahangod ng kamay ang aking braso.

Mahabang katahimikan ulit ang namagitan sa aming dalawa dahil parang hindi gumagana nang maayos ang aking utak. Ano bang dapat kong itanong? Ang awkward naman kasi na hindi kami nag-uusap, pero at the same time ay ayokong umalis sa mainit na yakap niya. Mamimiss ko 'to nang sobra...

"I think it will be harder to let you go the next time around, Jordan. This will definitely break me into million pieces but I needed to feel you even for once," malungkot pang sabi niya at parang pinipiga ang puso ko sa sakit.

Kinagat ko nang mariin ang aking labi at agad na nagluha ang aking mga mata. No, Jorge. Don't cry. Don't!

"But I'm hoping..." Malalim pa siyang napabuntong-hininga. "I'm hoping that somehow you'll never leave me again and I'll accept whatever reasons you have for leaving me three years ago."

"Ty—" Tiningala ko siya at magsasalita sana, pero hinaplos niya agad ang labi ko na para bang ayaw niya akong pagsalitain.

"Ssssssh... You don't have to tell me anything, Jordan. I'll wait until you are ready and you would want me back into your life again."

Tinitigan niya ako gamit ang mapupungay niyang mga mata. Mapait siyang ngumiti at hinaplos ang aking mukha.

"Let's be together even in three days... This is all I ask of you."

Hindi ko alam kung papaanong nagawa kong tumango sa request niyang iyon. Nababaliw na nga yata ako. Magpapaka-selfish na ba talaga ako this time? Dapat ko na bang balewalain ang posibilidad na malagay sa alanganin ang safety niya at ng kanyang pamilya?

Kumislap ang kanyang mga mata sa sagot ko at walang pag-aalinlangang hinalikan niya ako sa labi. At kahit na punung-puno nang takot ang puso ko ay hinayaan ko ang sarili kong tumugon sa kanyang halik. Dahan-dahan siyang umayos nang hindi napuputol ang halikan naming dalawa hanggang sa ako na ang nasa ilalim niya at masuyo pa rin niyang inaangkin ang labi ko. Nakahawak ang isang kamay niya sa mukha ko at bahagya pa siyang kumiling para palalimin ang halikan naming dalawa. Narinig ko ang mahinang pag-ungol niya na para bang nagpipigil ng sarili. Kaya naman parehas kaming naghahabol nang hininga nang saglit siyang humiwalay sa akin at mataman akong tinitigan sa mukha. Para bang kinakabisado niya nang husto ang bawat parte ng aking mukha at mariin pa niyang kinagat ang kanyang labi nang mapadako ang kanyang titig sa labi ko.

"Damn, how to let go of something so beautiful?" May pait pa ang paraan ng kanyang pagkakasabi at parang gusto ko namang umiyak. Pero pinigilan ko ang aking sarili at sa halip ay kinabisado ko rin ang kanyang mukha.

Parehas pa ring mabigat ang aming paghinga habang nagtititigan. Ganitung-ganito kami noong may mamagitan sa aming dalawa noon.

Pero gan'un na lang din ang pagkadismaya ko nang tuluyan na siyang humiwalay sa akin at naupo na lang sa gilid ng kama habang sapo ng dalawang kamay ang kanyang ulo.

Napabangon din ako at tinitigan ang kanyang likod. Ano bang dapat kong gawin? Three days lang naman diba? Three days lang naman akong magpapaka-selfish? Three days lang.

"Kain na t-tayo..." lakas loob ko pang kayag sa kanya.

Napaangat naman ang kanyang tingin sa akin na para bang nagulat sa pagkayag ko.

"S-sure... I'll just c-change." Tipid naman siyang ngumiti at mabilis ngang nagbuklat nang isusuot sa kanyang travelling bag. "Gamitin mo ang damit na ipinabili ko kay Kirs." Inabot pa niya sa akin ang knapsack. Three days... Wala akong ibang gagawin kundi paligayahin din siya within those days.

"Okay..." Hindi ko na siya kinontra pa at naghanap na rin ako ng damit na puwede kong isuot.

Bandang huli ay isang floral long dress ang napili ko. Mukhang kahit isusuot ko ay filtered ng loko! Para kasing wala akong nakitang maikling damit, e. Hindi ko alam kung ano ang tawag sa damit na 'to. Sleeveless at pasalawal ang lower part na hanggang bukong bukong ko at flowing lang ang style niya. May maliit na belt din sa may waistline at sobrang lambot ng tela. Parang jumpsuit nga ba ang tawag d'un? Ewan ko ba! Kamalayan ko ba sa ka-sosyalan! Pero ang sarap lang din sa katawan. For sure, mamahalin 'to sa hipo pa lang ng tela. Parang malayung-malayo sa mga isinusuot ko na nabibili ko lang sa tabi-tabi. Matapos kong makapagpalit sa banyo ay naabutan ko pang half-naked si Ty. Jusko po! Ang tempting naman kasing titigan ng gago! Ang yummy ng abs, e. Tangna!

"I like that dress on you," nakangiting sabi niya sabay suot ng simpleng white t-shirt na humahapit sa well-defined muscles niya sa katawan. Tangna lang talaga...

"Thanks." Kinagat ko ang aking labi sa pagtitig na ginagawa niya. Ang sarap naman kasi niya tumitig. Parang hinuhubaran lang ako at nagpapahubad naman ako. Ang pervert ko lang!

"Come on. Nag-text na rin si Martin, hinihintay daw nila tayo sa Café Veranda." Isinuot na rin niya ang black jacket.

"Ah... okay..." Akala ko pa naman solo kami.

"Let's go." Inilahad pa niya ang kanyang kamay sa harapan ko.

"Magholding hands t-tayo?" Kumunot ako at hindi ko malaman kung tama ba ako nang interpretasyon sa gusto niyang mangyari. Hindi puwedeng makita nila kaming gan'un! Guguhit na kami at sigurado 'yun!

"Yes," seryosong sagot niya kasabay nang marahang pagtango. "Three days, Jordan. Just three days."

"Pero—"

"I don't care about any of them. Kahit ngayon lang isipin mo man lang ako." Parang kinurot ang puso ko sa kanyang sinabi. Kung alam mo lang Ty na para sa'yo naman itong ginagawa ko. Para sa'yo din 'to. "Please..."

Hindi ko na naman alam kung papaanong napatango na lang ako at inabot ang nakalahad niyang kamay. Siguradong laman kami nang balita sa gagawin naming ito. 'Wag ko sana pagsisihan sa huli ang desisyon kong ito. Wag sana...

Hawak-kamay naming binagtas ang daan patungo sa Café Veranda. Ibig kong panlamigan nang husto nang makita kong ilang hakbang na lang ay papasok na kami sa loob nang kainang iyon. Tangna! Bahala na nga!

At tulad nang inaasahan, laglag ang panga ng lahat nang makita nilang holding hands kami ni Ty. Nakapako ang tingin nila sa magkahawak naming mga kamay at walang nagkalakas ng loob na magtanong. Kahit si Ma'am Janice ay halos mamutla sa nakitang eksena at panaka-nakang hinuhuli ang iwas kong tingin.

"Have you ordered, Martin?" pormal na tanong ni Ty sa tulalang si Sir Martin.

"O-opo, s-sir," kandautal pang sagot niya at hinapyawan din ako nang tingin.

Nag-iwas ako nang tingin sa kanilang lahat at pakiramdam ko ay nahuhusgahan na ako hindi pa man.

המשך קריאה

You'll Also Like

103K 4.5K 51
[The Palmer Brothers: TRES] -We weren't characters of Shakespeare but why did we become Romeo and Juliet?
338K 25.8K 5
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
76.3K 2.3K 10
HELLO Band Series 1: Antenna fell in love with Shark the moment she saw him cry. Naniniwala kasi siyang iba magmahal ang mga lalaking iniiyakan ang m...