CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (...

By fedejik

53.9M 758K 54.3K

Si Tyrone Greene ay anak ng kilalang business tycoon at multi-billionaire na si Sebastian Greene. Lumaki ma... More

Synopsis & Author's Note
Beginning
Chapter 1.1.2
Chapter 1.2.2
Chapter 2.1.2
Chapter 2.2.2
Chapter 3.1.3
Chapter 3.2.3
Chapter 3.3.3
Chapter 4.1.3
Chapter 4.2.3
Chapter 4.3.3
Chapter 5.1.2
Chapter 5.2.2
Chapter 6.1.2
Chapter 6.2.2
Chapter 7.1.4
Chapter 7.2.4
Chapter 7.3.4
Chapter 7.4.4
Chapter 8.1.5
Chapter 8.2.5
Chapter 8.3.5
Chapter 8.4.5
Chapter 8.5.5
Chapter 9.1.4
Chapter 9.2.4
Chapter 9.3.4
Chapter 9.4.4
Chapter 10.1.4
Chapter 10.2.4
Chapter 10.3.4
Chapter 10.4.4
Chapter 11.1.4
Chapter 11.2.4
Chapter 11.3.4
Chapter 11.4.4
Chapter 12.1.3
Chapter 12.2.3
Chapter 12.3.3
Chapter 13.1.2
Chapter 13.2.2
Chapter 14.1.4
Chapter 14.2.4
Chapter 14.3.4
Chapter 14.4.4
Chapter 15.1.3
Chapter 15.2.3
Chapter 15.3.3
Chapter 16.1.2
Chapter 17.1.2
Chapter 17.2.2
Chapter 18.1.2
Chapter 18.2.2
Chapter 19.1.2
Chapter 19.2.2
Chapter 20.1.2
Chapter 20.2.2
Author's Note
Chapter 21.1.2
Chapter 21.2.2
Chapter 22.2.5
Chapter 22.3.5
Chapter 22.4.5
Chapter 22.5.5
Chapter 23.1.4
Chapter 23.2.4
Chapter 23.3.4
Author's Note
Chapter 23.4.4
Chapter 24.1.2
Chapter 24.2.2
Chapter 25.1.2
Chapter 25.2.2
Chapter 26.2.4
Chapter 26.3.4
Chapter 26.4.4
Chapter 27.1.4
Chapter 27.2.4
Chapter 27.3.4
Chapter 27.4.4
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30.1.2
Chapter 30.2.2
JorTy Readers
Epilogue
Special Greene Chapter
Special Announcement
Special Greene Chapter & TV Movie @ TV5

Chapter 22.1.5

447K 7.8K 396
By fedejik

Dear Readers/Angels

At dahil mahal na mahal ko kaya at nakakaloka ang pagflood ninyo ng messages sa inbox ko, haha!  fine!  eto ang pambitin kong UD para sa lahat.  Be sure na i-secure ang mga panty next year dahil tatanggalan natin ng garter yan lahat! hahaha  assumera lang ang peg lol XD.  At wag na kayo magcomment ng BITIN kasi short UD lang ito at BITIN talaga! hahaha!  ibahin nyo naman at new year na! hahaha

Sana po maintindihan nyo... hindi ko alam when ulit ang kasunod.  Need ko po i-rush ang editing ko ng LSG.  Wish me luck guys. 

Mag-UD din ako ng TAMING A CASANOVA.  Thanks po sa walang sawang suporta.  Mahal ko kayo!  Sana maging mas masagana ang Year 2015 para sa lahat!

Be Cool.  Be You.  But Always BE GOOD.

Powerhugsss peeps!

Love,

Ate Mommy Dean

********

CHAPTER 22.1.5

Jordan

Nang mga sumunod na araw ay naging mailap na ulit sa akin si Ty. At ako namang si gaga, hindi mapakali! Ewan ko ba, matapos niya akong halikan ulit ay nagulo na naman ang utak at puso ko. Pati ang pader na hinarang ko sa pagitan namin ay natibag nang ganoon lang! Haist, I miss him so bad... Tangna naman, oh. Ano bang nangyayari sa akin?! Kinulam ba ako ng gagong 'yun?!

"Jorge, ipinapatawag ka ni Sir Tyrone sa office niya." Si sir Martin. Actually, sobrang gwapo rin nitong si Sir Martin. Pero ewan ko ba, pati ang magka-crush sa iba ay hindi ko na magawa dahil kay Ty.

"Bakit daw po?" Bigla akong na-excite sa sinabi niya. Gustung-gusto ko lang ulit siyang makita nang matagal-tagal.

"Nagugutom yata. Baka magpapabili ng pagkain sa'yo 'yun."

"Ah, okay po. Sige po, Sir." Tatalikuran ko na sana siya nang bigla na naman siyang magsalita.

"Sorry nga pala sa ginawa ni Sir Ty noong audition. Ewan ko ba d'un, ang ganda-ganda naman nang pagkakakanta mo. Dapat ikaw na lang ang napili, e," iiling-iling pang sabi niya habang pinaglalaruan ang ballpen gamit ang mga daliri niya.

"Okay lang po. Hinarass lang din ako ni Aling Mameng."

"Oh well, sayang kasi. Your rendition of that song was just really good. May makabagong feel noong ikaw ang kumanta."

"Thanks po, pero okay lang po talaga."

"Hmm... sige na, pumunta ka d'un, huh. Later gators!" Noon na siya naglakad papunta sa office at ako naman ay sa headquarters muna nagtuloy.

Napagdesisyunan kong ipagluto siya ng pancit canton at dalawang itlog na nilaga. Baka kasi hindi man lang siya kumain nang umagahan.

Matapos kong iluto at mailagay sa Tupperware ay naglagay din muna ako nang kaunting powder sa mukha at nagpisik nang kaunting cologne. Shit. Bakit ba kinakabahan ako? Aish, Jorge! Nagdadalaga gan'un?! Napailing ako sa aking repleksyon sa salamin at ngumiti. Wala nababaliw ka na naman.

Pagpunta ko sa office niya ay tsaka ako inatake nang kaba. Bakit ba ngayon pa ako nate-tensyon? Palagi naman din kaming nagsosolo sa office niya, ah. Hindi nga lang kami nag-uusap...

Pagpasok ko sa loob ay hindi ko inaasahang may kasama pala siya roon. Ang bagong head ng Finance, si Ma'am Janice. Nakaupo si Ty sa kanyang swivel chair habang si Ma'am Janice ay nakayuko sa gilid niya na para bang may itinuturo. At ang landi lang, huh?! Tama bang yumuko nang yumuko kung alam namang makikitaan na siya sa sobrang baba ng kanyang neckline?!

Saglit kong nahuli ang tingin ni Ty na para bang napakunot-noo pa at napatingin din d'un sa tinitignan kong halos lumuwang dibdib ni Ma'am Janice. Ibinalik niya ang tingin sa akin at bahagyang ngumisi. Nage-enjoy ka pa, huh?!

"What do you think, Sir? Attend ba ang buong Finance Department sa seminar kasama ka?" malanding tanong pa ni Ma'am Janice. Gosh, sarap itapon sa kanya ang niluto kong pancit canton, huh.

"Hmm..." Saglit pa siyang napaisip bago tumango. "Okay then. Tomorrow 'til Friday it is."

"Yes!" pigil pa ang tuwang sabi ni Ma'am Janice.

"Thank you, Ms. Janice." Aish! Pa-cute pa 'tong kuyumad na 'to!

"Thank you din, Sir Tyrone." Kinikilig pa yata! Sus!

Naglakad palapit sa pinto si Ma'am Janice at bahagyang ngumiwi lang noong mapatapat sa akin. Anong kangiwi-ngiwi sa kagandahan ko? Sarap patirin! Kainis!

Pagkasara niya ng pinto ay tsaka na ako tuluyang lumapit sa kinalalagyan ni Ty. Bakit ba siya nakangisi?

"May nakakatawa ba?" Sumimangot ako sabay ngumuso.

Umiling siya at nagkibit-balikat.

"Bakit mo nga pala ako pinatawag?"

"I'm just starving."

"Nahulaan ko nga, kaya eto ipinagdala kita ng pancit canton at itlog. Kainin mo na lang kung trip mo." Ibinaba ko sa harapan niya ang niluto ko at tinanggal ang takip ng tupperware. "Kung hindi mo naman kakainin, 'wag mo na lang ipakain kung kani-kanino at itabi mo na lang para sa akin," masungit pang sabi ko. Nakakairita talaga! Aish!

"W-w-wait—" Itinaas pa niya ang isang kamay sa aking harapan. "What are you trying to point out, huh? Ako ang kumain nang dinala mo the other day."

"Sinungaling." Umirap ako at kahit na nakaraan na ay nakakairita pa rin. Shit, Jorge! Matuto kang konrtolin ang bibig mo!

"I am not lying, Jordan. Ako talaga ang kumain. Paano mo naman nasabi na hindi ako ang kumain wala ka naman ditto, 'di ba?" May mga mata ako! Gusto kong isigaw.

Aish! Ipinapahamak mo ang sarili mo, Jorge!

"May lipstick 'yung baso mo." Tangna. May sarili yatang isip ang bibig ko!

Nalaglag ang panga niya sa isinagot ko bago nakakalokong ngumiti sa akin. Nakakainis!

"Ah, that..." Iiling-iling pa siyang sumandal sa swivel chair at diretsong tumitig sa akin. "Uminom si Tiff sa baso ko. Hindi ko na napigilan. Pero naubos ko na ang clubhouse mo, even before she came."

"Oh? Nagse-share na rin pala kayo, 'no?"

Lalo lang lumaki ang ngisi niya sa sinabi ko at bahagya pang napahalakhak.

"I really like it when you're jealous, Jordan."

"M-me? Feeling mo!"

"Pagpasok mo pa nga lang dito sa office ko nagseselos ka na," iiling-iling pang sabi niya.

Napaawang lang ang labi ko para sana sumagot, pero parang bigla kong nakalimutan ang dapat na sabihin. Tangna. Ngayon pa ba ako ma-blanko?

"Anyway, thanks sa canton at itlog..." Hinimas pa niya ang kanyang tiyan na para bang nagugutom na talaga. "I think I always have these in me."

"Huh?" Kumunot ako at nang ma-realize ko kung ano ang ibig niyang sabihin ay malakas ko siyang sinapak nang sinapak sa braso at napahalakhak siya nang malakas. "Bastos!" Pakiramdam ko ay nag-init nang husto ang aking pisngi sa joke niyang iyon. Bastos talaga!

"Stop! Stop!" Gan'un na lang ang gulat ko nang bigla niya akong hinapit sa baywang at napaupo ako sa kanyang kandungan. Niyakap niya ako kasama ang mga kamay ko kaya't hindi ko na rin nagawang makakilos dahil sa higpit nang hawak niya. "My God, Jordan. Ang lakas mo na manapak, huh!"

"B-bitiwan mo nga ako!" Piglas ko pa kahit na parang gusto kong manghina sa amoy ng kanyang katawan. Sobrang lapit niya at ramdam ko ang paghinga niya sa aking leeg.

"Nag-cologne ka ba?" Parang may kung anong kuryenteng gumapang paakyat sa ulo ko sa ginawa niyang pag-amoy sa leeg ko. Nangilabot agad ako sa kanyang ginawa at pilit na kumawala sa kanyang yakap.

"Ty, ano ba?!" Nagpumiglas pa rin ako, pero halos hindi ko man lang siya matinag.

"Damn, Jordan... you smell like a baby!" Naramdaman ko ang manipis niyang paghalik sa aking leeg. Shit! Shit! Hindi puwede 'to! "Nagpapabango ka ba para sa Isaac na 'yun?"

"Huh?" Noon na ako napatitig sa kanya at nasalubong ko kaagad ang madilim niyang mukha. Niluwagan na rin niya ang yakap sa akin at noon na ako umalis sa pagkakakandong sa kanya.

Bahagya kong inayos ang nalukot kong uniform at nakasimangot na sinalubong rin ang tingin niya.

"Bakit naman ako magpapabango para sa kanya?"

"Then para kanino?" Salubong pa rin ang kilay niya.

"W-wala," iwas pang sagot ko at naglakad na palayo sa kanya. "Kumain ka na. Maglilinis pa ako."

Hindi naman na siya nagsalita pa at narinig ko lang ang malalim na paghugot niya nang buntong-hininga.

Saglit akong sumulyap sakanya bago tuluyang lumabas sa pinto, pero hindi na siya nakatingin sa akin atsa halip ay nakaharap na siya roon sa full glass wall na nasa likod niya. Aish...Hindi rin pala nakakatuwa ang nakikita ko siyang gan'un. Nagseselos atnasasaktan siya nang dahil na naman sa akin. Haist...

Continue Reading

You'll Also Like

21.4M 698K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
24.1M 707K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
202K 5.2K 44
💍 Featured Story in ChickLit 💍 DUOLOGY | COMPLETED Book 1: "My Mary Christmas" published under PSICOM BOOK 2: "Marry Me, Mary" is compiled in t...
10.7M 218K 24
Seven years ago, Sheenalyn Ybarra made a mistake of joining a fraternity, seven years later, Sheenalyn Ybarra made a mistake of entering Sancho Consu...