CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (...

By fedejik

53.9M 758K 54.3K

Si Tyrone Greene ay anak ng kilalang business tycoon at multi-billionaire na si Sebastian Greene. Lumaki ma... More

Synopsis & Author's Note
Beginning
Chapter 1.1.2
Chapter 1.2.2
Chapter 2.1.2
Chapter 2.2.2
Chapter 3.1.3
Chapter 3.2.3
Chapter 3.3.3
Chapter 4.1.3
Chapter 4.2.3
Chapter 4.3.3
Chapter 5.1.2
Chapter 5.2.2
Chapter 6.1.2
Chapter 6.2.2
Chapter 7.1.4
Chapter 7.2.4
Chapter 7.3.4
Chapter 7.4.4
Chapter 8.1.5
Chapter 8.2.5
Chapter 8.3.5
Chapter 8.4.5
Chapter 8.5.5
Chapter 9.1.4
Chapter 9.2.4
Chapter 9.3.4
Chapter 9.4.4
Chapter 10.1.4
Chapter 10.2.4
Chapter 10.3.4
Chapter 10.4.4
Chapter 11.1.4
Chapter 11.2.4
Chapter 11.3.4
Chapter 11.4.4
Chapter 12.1.3
Chapter 12.2.3
Chapter 12.3.3
Chapter 13.1.2
Chapter 13.2.2
Chapter 14.1.4
Chapter 14.2.4
Chapter 14.3.4
Chapter 14.4.4
Chapter 15.1.3
Chapter 15.2.3
Chapter 15.3.3
Chapter 16.1.2
Chapter 17.1.2
Chapter 17.2.2
Chapter 18.1.2
Chapter 18.2.2
Chapter 19.1.2
Chapter 19.2.2
Chapter 20.1.2
Chapter 20.2.2
Author's Note
Chapter 21.2.2
Chapter 22.1.5
Chapter 22.2.5
Chapter 22.3.5
Chapter 22.4.5
Chapter 22.5.5
Chapter 23.1.4
Chapter 23.2.4
Chapter 23.3.4
Author's Note
Chapter 23.4.4
Chapter 24.1.2
Chapter 24.2.2
Chapter 25.1.2
Chapter 25.2.2
Chapter 26.2.4
Chapter 26.3.4
Chapter 26.4.4
Chapter 27.1.4
Chapter 27.2.4
Chapter 27.3.4
Chapter 27.4.4
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30.1.2
Chapter 30.2.2
JorTy Readers
Epilogue
Special Greene Chapter
Special Announcement
Special Greene Chapter & TV Movie @ TV5

Chapter 21.1.2

442K 7.6K 765
By fedejik

CHAPTER 21.1.2

Jordan

Kumpara ng mga nakakaraang araw, ngayon ay medyo mas magaan ang pakiramdam ko. At kahit pa maaga kaming nagkita ni Ty ay hindi na niya ako sinungitan tulad nang dati. Maganda-ganda rin ang kanyang aura at malamlam na ulit ang mga titig niya sa akin. Haist... at mukhang hindi rin tama na ganito. Kung maglalapit na naman ang loob naming dalawa, hindi ba mas magiging mahirap na naman para sa akin ang iwanan siya?

Smooth ang buong maghapon ko at nakapagtrabaho rin ako nang mas maayos. Sobrang abala ni Ty sa kanyang trabaho at halos magkulong lang doon buong maghapon. Hindi ko alam kung may nag-aabala man lang bang dalhan siya ng pagkain kaya sumimple ako nang tanong d'un sa secretary niya na si Luhan.

"Ms. Luhan, nadadalhan ba ng pagkain si Sir Tyrone?"

"Naku, hindi. One time na nagtanong ako, 'wag ko na raw siyang pakialaman. Siya na lang daw ang bahala sa sarili niya. Nakakatakot kasi, walang may gustong pumasok not unless tinawag ni Sir," halos pabulong pa niyang sabi. Gan'un? Kawawa naman. Kaya pala parang namayat siyang bigla nang mapunta siya rito sa company dahil walang nag-aasikaso sa pagkain niya.

"Saan kumakain 'yun? Jusko, e, baka naman paglamayan ang amo natin nang wala sa oras," naiinis ko pang sabi. E hello, secretary siya! Hindi naman siguro masama kung tanungin niya ang kanyang amo kung gustong kumain. Ang takaw pa naman n'un. Or nagbabaon man lang kaya siya? Pero hindi, e. Madalas ay laptop lang niya ang dala niya at wala nang iba.

"Parang hindi mo naman kilala 'yun. Ikaw nga nasungitan sa audition! Hindi ka ba natakot noon?!"

Umiling-iling ako at tinalikuran na siya para magpunta sa pantry. Saan kaya siya kumakain nitong mga nakakaraang araw kung gan'un? Alangan namang nagpapakagutom siya?! Tss, pasaway din, e!

Kaya naman nagdesisyon akong ipinagtimpla siya ng orange juice at ipinaggawa ng clubhouse. Buti na lang at halos kumpleto pa ang mga stocks sa pantry. Matapos kong maigayak iyon ay lakas loob akong nag-buzz sa office niya at agad naman ding nagbukas iyon. High tech naman kasi ang office nila dun at puro de button na halos lahat para magbukas. Ang headquarters na nga lang ang medyo naiwan ng teknolohiya at luma na rin kung tutuusin.

"W-wha--?" nakakunot-noong bungad pa niya, pero napalitan nang gulat ang ekspresyon ng kanyang mukha nang ako ang nakita niya.

"Dinalhan ko lang po kayo ng merienda, Sir." Tipid akong ngumiti at tila wala naman siya sa sariling tumango.

Lumapit ako sa kinalalagyan niya habang alam kong ang mga mata niya ay nakatutok sa akin. Inilapag ko sa gilid niya ang meriendang ginawa ko sabay tingin sa kanya. Agad kong nasalubong ang malamlam niyang mga mata at kumalabog na naman ang puso ko. Napalunok ako at nagkunwaring wala lang.

Medyo magulo ang kanyang buhok at mukhang iyon ang napagdidiskitahan niya sa pagka-stress sa trabaho. Wala ako sa sariling lumapit sa kanya at bahagyang hinawi ang buhok niyang nagtayo na. Nakita ko ang bahagyang pagkagulat niya sa ginawa ko, pero nagkunwari pa rin akong wala lang.

"May nakakain ka ba rito?" kaswal na tanong ko gayong wala akong nakitang bakas ng pagkain doon.

"Biscuit lang at juice sa ref." Inginuso pa niya ang personal ref malapit sa pinto ng comfort room.

"M-may laman pa ba 'yan?" Agad akong lumapit sa ref at binuksan iyon. Mayroon naman nga pala. May soda, may iba't-ibang klaseng juice, may beer at mineral water. May biscuits din sa ibabaw na mukhang kakabili lang. "Anong lunch mo?"

"Iyan ang lunch ko." Umismid siya at muling itinuon ang atensyon sa kanyang laptop.

"Nagbibiro ka ba? Lunch ang biscuit?" Balak na ba niyang magpakamatay?! May tama rin ang isang 'to!

"I have no time for that. Ang daming trabaho. Nakakalimutan ko," walang pakialam na sagot lang niya at nagta-type na naman sa kanyang laptop.

"Dapat magbilin ka sa secretary mo. Hindi puwedeng puro biscuit ang kinakain mo!" Hindi ko namalayang napataas ang tono ng aking pananalita at tinaasan lang niya ako nang isang kilay. Tipid siyang ngumiti at umiling-iling.

"I'm glad you're concern, Jordan," sabi pa niya habang seryosong nagta-type pa rin.

"Pumapayat ka na kasi. Hindi rin mabuti sa kalusugan mo ang nagpapabaya ka. Magpadala ka ng pagkain kay Tiffany," suhestiyon ko pa sabay kagat nang mariin sa aking labi. Bakit ko nga ba sinabi 'yun?! Aish, Jorge!

"That was a great suggestion," tipid na sagot niya.

"Sige na, una na ko. Kung may kailangan ka, magpasabi ka kay Ms. Luhan hindi iyang nagtitiis ka nang gutom." Noon na ako naglakad palapit sa pinto nang maringgan ko na naman siyang nagsalita.

"I like it."

Huh? bumaling ako sa kanyang gawi at nakita ko ang diretsong titig niya sa akin habang nakasandal sa swivel chair.

"You like what?" Kumunot ako.

"I like it when you act like my girlfriend," seryosong sabi niya sabay kagat sa kanyang labi na para bang nagpipigil mangiti nang maluwag.

Napaiwas lang ako nang tingin at pakiramdam ko ay nakikita niya ang pagra-riot sa loob ng aking puso.

"Alis na ako." Noon na ako tuluyang lumabas at pigil na ngumiti. Baliw ka na, Jordan kapag nahulog ka na naman sa ganyang banat ni Ty!

Hindi ko alam kung anong oras 'yun, pero gulat na gulat ako nang makita ko si Ty kasama si Tiffany na lumabas ng building. Tangna naman, oh. Bakit ba hindi ko maiwasan ang makaramdam nang selos lalo pa nga't kitang-kita ko ang paghawak ni Ty sa baywang nito. Alam kong hindi tamang nagseselos ako dahil may ibang mundo na siya. Hindi pa man sila kasal ni Tiffany ay may anak na sila? Wait? Hindi pa nga ba kasal? Oh no, what if kasal na? Ano ba 'to?! Hindi ba dapat wala na akong pakialam?! Haist!

Pagsapit ng five o'clock nang hapon ay hindi pa rin nakakabalik si Ty. Siguro nga ay hindi na siya babalik at abala sa date ng ina ng baby niya.

At kahit na parang nawala na naman ako sa kundisyon ay nilinis ko na lang ang opisina niya. Kinain naman pala niya ang dinala ko kanina, pero may bakas ng lipstick aung baso ng orange juice. Hmp! Don't tell me ipinakain niya d'un ang pinaghirapan ko?! Aish, kainis!

"Nakasimangot ka yata?" Shit. Si Isaac! Hindi ko napansin na nakatayo pala siya sa pintuan ng headquarters namin.

"Hindi ka pa umuuwi?"

"Kakatapos ko lang din linisan ang lobby." Oo nga pala, sa kanya na napunta ang lobby. Pinaka-ayaw na parte ko nga 'yun dahil palaging marumi.

Sumulyap ako sa wallclock na malapit sa may fire exit. Six o'clock na rin pala kaya nagugutom na ako.

"Tinatanong kita. Bakit kako nakasimangot ka?" Aish! Sa totoo lang ayoko nang kausap ngayon. Kung puwede ko lang sabihin. Haist...

"W-wala... pagod lang," pagsisinungaling ko pa at pumasok sa loob.

Pagpasok pa lang ay agad kong nabungaran ang pagkain sa mesa.

"Dala mo?"

"Yup." Nakangiti pa siyang tumango. "Nakita ko kasing wala ka pang pagkain kaya binilhan na kita."

"Hindi ka na sana nag-abala pa." Minsan talaga gusto ko ring mainis dito kay Isaac, e. Ayoko lang din kasi paasahin pa siya. Hindi ko talaga siya kayang mahalin tulad nang gusto niyang mangyari.

"Gusto kong gawin 'to para sa'yo, Jorge."

"Isaac..."

Mabilis pa siyang lumapit sa akin at mahigpit akong niyakap.

"Ako na lang, Jorge. Please, ako na lang," sumamo pa niya. Ramdam ko ang lungkot sa kanyang boses.

"Isaac... please..." Bahagya ko siyang itinulak, pero halos hindi ko siya natinag.

"May girlfriend na si Sir Tyrone, Jorge. Magkaiba ang mundo ninyong dalawa. Hindi kayo bagay..."

"At sinong mas bagay?! Kayo?!" Halos malaglag na naman ang puso ko nang marinig ko ang boses ni Ty! Juskong lalaking 'to, magkakasakit ako sa puso nang dahil sa kanya!

"Oo, mas bagay kami," matigas namang sagot ni Isaac at hindi rin tuminag sa pagkakayakap sa akin.

"Isaac, please." Muli ko pa siyang itinulak, pero sadyang mahigpit ang hawak niya sa akin.

"Fuck off!" Matalim na tumitig si Ty kay Isaac at kuyom ang kanyang kamao.

"Hindi mo siya pag-aari, Sir," matapang pa ring sagot ni Isaac.

"I said fuck off my girl!" galit na sigaw pa niya.

Gayon na lang ang pagkabigla ko nang bigla niyang hinablot si Isaac at malakas na itinulak. Sumalya si Isaac sa pader dahilan para mas lalo siyang nagalit. Pero bago pa man siya makalapit kay Ty ay humarang na ako sa pagitan nila!

"Tumigil nga kayong dalawa!" malakas pang sigaw ko kaya't natahimik naman silang dalawa. "Isaac, please!"

"Pero—"

"Please!" Mariin akong napapikit nang gumuhit ang sakit sa mukha ni Isaac. "I'm sorry, Isaac... Please."

Bumagsak ang kanyang balikat at malungkot na umalis.

I'm sorry, Isaac. I'm really sorry... Pero hindi rin ako makakapayag na saktan niya si Ty.

Hinding-hindi.



********

Dear Readers,

Posted ko na din po ang TAMING A CASANOVA.  Pasensya na ulit sa mga chosen words niya.  Masyadong blunt! hahaha!  Patnubay ang kailangan okay?  Ingat sa lahat! 

Loves,

Ate Mommy Dean

Continue Reading

You'll Also Like

26.7M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
7.8M 200K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
342 53 8
Started: August 27, 2016 Ended: November 24, 2022 Ksenia just met the saddest eyes on earth. And the guy who owns those is Lander. When she first saw...
257K 7.7K 68
[BX5 SERIES 2] Everything can be Endless. Endless can be forever. We all promised an Endless love to someone. But then, Reality strucks the both of u...