Slaughter High 2 : Terror Nev...

By Serialsleeper

3.4M 106K 59K

[REVISED] They thought it was over, little do they know, it was only the beginning. More

Author's Note
Prologue
Chapter 1 : Battle scars
Chapter 2 : The Restless Lover
Chapter 3 : Trapped
Chapter 4 : Punishments
Chapter 5 : Hear my voice
Chapter 6 : The blame game
Chapter 7 : The call of death
Chapter 8 : The man with the plan
Chapter 9 : Project Slaughter
Chapter 10 : Portrayal of Murder
Chapter 11 : The Brotherhood
Chapter 12 : He from her past
Chapter 13 : Freakshow
Chapter 14 : A night of Terror
Chapter 15 : String of Slaughter
Chapter 16 : Light of my darkness
Chapter 17 : Goodbye, Erin
Chapter 18 : The Devil he became
Chapter 19 : Team Timang
Chapter 21 : Darren
Chapter 22 : Welcome to Slaughter
Chapter 23 : Take One
Chapter 24 : Hear Me Out
Chapter 25 : Hormones and Heartaches
Chapter 26 : Here goes the past
Chapter 27 : Lights, Camera, Slaughter
Chapter 28 : When things go boom
Chapter 29 : Play by the rules
Chapter 30 : Pool of Suspects
Chapter 31 : Captured
Chapter 32 : Together Forever
Chapter 33 : Perfect Storm
Chapter 34 : Raising the white flag
Chapter 35 : The face of evil
Chapter 36 : Pretensions of a Psychopath
Chapter 37 : Her Script
Chapter 38 : Forgotten Rule
Chapter 39 : His Script
Chapter 40 : The final act
Game Over
Epilogue

Chapter 20 : Stop the feels

64.6K 2.2K 1K
By Serialsleeper

20.

Stop the feels

Erin's Point of View

Naka-empake na ang lahat ng mga bagahe at handang-handa na kaming umalis. Hinihintay nalang namin ang pagdating ni Milo kasi sasakyan niya ang gagamitin namin.

“Saan kaya tayo magsho-shoot?” Naguguluhan ako but at the same time excited. Sa meeting kasi namin noong nakaraang araw, sabi ni Sir Guzman na maga-out of town daw kami. Siya na ang bahala sa lahat ng expenses kaya kung tutuusin para narin tong bakasyon para sa amin.

“Omg! Paano kung sa Boracay?” Halos magtatalon si Kitty sa tuwa dahil sa naisip.

“Gaga too good to be true na yan.” Biro ko kaya agad siyang ngumiwi.

“Sana sa tagaytay tayo o sa baguio!” Biglang sambit ni Ria kaya kapwa kami nagkatinginan ni Kitty habang nakakunot ang noo.

“Ria I love you and I hate to burst your bubble but hindi ka naman kasali diba?” Tanong ni Kitty.

“Kasali kaya ako sa staff! Si Kuya lang ang hindi!” Ngumisi si Ria kaya napakamot ako sa dulo ng kilay ko.

“Ria seriously though. Alam ba to ni Robbie?” Tanong ko kasi parang sigurado ako na ang mga Chen mismo ang hindi sasali.

Umiling si Ria, “Hindi niyo naman ako isusumbong diba? Hihi”

“But he’s your brother. Diba dapat sumunod ka sa kanya?” Nagdadalawang isip na tanong ni Kitty.

“Eh kasi… Hindi naman sa tinatraydor ko ang kuya pero vacation nato eh. Gusto kong magbakasyon kasama kayo. And besides ito ang unang beses na susuway ako sa kanya, handa akong tanggapin ang kahit na anong parusa. Please wag niyo akong isusumbong sa kanya.” Pakiusap ni Ria habang ngumunguso kaya muli kaming nagkatinginan ni Kitty.

Hindi namin alam anong gagawin o sasabihin. Kaibigan namin ang magkapatid. Ayaw naming kumampi sa kahit kanino.

Narinig naming ang busina ng isang sasakyan mula sa labas kaya para kaming mga batang atat na atat nagtakbuhan pababa di baleng may dala kaming mabibigat na bagahe at iba pang kagamitan.

“Kittybabes dahan-dahan!” Giit ni Milo na nasa sala na pala kaya agad na napabuntong-hininga si Kitty at nagdahan-dahan sa pagbaba pero kami ni Ria at nagtakbuhan parin. Perks of not having a boyfriend. Haha!

“Mga bagahe niyo ma’am.” Nakangiwing sambit ni James na tila ba napipilitan lang na tulungan kami.

“Tulungan na kita Erin.” Sabi naman ni Curt na kabababa lang mula sa driver’s seat.

“Wag na, kaya ko to. Laking Tiki-tiki ako.” Biro ko kaso inagaw niya parin ang mga bagahe mula sa akin.

Matapos ang ilang sandali ng pag-aayos sa mga gamit namin ay uupo na sana ako kaso sa pinakalikurang bahagi ng van kaso bigla akong hinarang nila Milo at Kitty.

“Oops, kami ni Kittybabes sa likod.” Tumatawang sambit ni Milo.

“Whatever.” Pabiro ko silang tinasaan ng kilay kaso muli nila akong hinarang.

“Dun ka sa frontseat para may kausap si Curt habang nagd-drive.” Giit ni Kitty habang nakangisi.

“Si James na sa frontseat. For sure 24/7 gising si Curt pag yun ang katabi.” Giit ko at uupo na sana sa tabi ni Ria kaso bigla akong hinarang si James upang wag makapasok sa loob ng van.

“Ano?” Siya naman ang tinaasan ko ng kilay.

“Ikaw na sa frontseat. Di ko matagalan mukha ni Curt.” Giit ni James kaya agad akong napahalukipkip sa braso ko at tinaasan siya ng kilay.

“Teka ayaw mo bang makatabi si Curt?” Biglang tanong ni Ria ng ubod ng lakas kaya muli akong napangiwi. Sa sobrang lakas ng boses niya ay nakatingin tuloy silang lahat sakin.

Sa totoo lang mula noong nakaraang araw iniiwasan ko na talaga si Curt. Hindi naman ako galit sa kanya, umiiwas lang talaga ako. Pakiramdam ko kasi masyado na akong napapalapit sa kanya and knowing how much of a playboy Curt is, ayaw kong masaktan. Ayokong magkagusto sa isang taong marami ang gusto. I don’t like playboys and for sure masasayang lang ang friendship namin kung hindi ako mag-iingat.

“Awkward!” Biglang sigaw ni James.

“Idiot! Lalong naging awkward kasi sumigaw ka ng awkward!” Katwiran ni Kitty kaya napakagat na lamang si James sa hawak niyang stick-o.

“Erin iniiwasan mo ba ako?” Napalingon ako kay Curt at kinilabutan ako sa ngisi niya.

“U-umiiwas? Ba’t naman? Imagination talaga guys.” Pagmamaang-maangan ko at napilitan na lamang na sumakay sa frontseat katabi ni Curt na siyang magd-drive.

Oh God this is so awkward. Oh puso wag masyadong mahaggard. That’s just Curt okay? Curt is my bestfriend. He’s a playboy and maybe this is just some silly crush na mawawala lang bukas.

Upang maalis ang ilang ay pinaandar ko na lamang ng malakas ang stereo kaya agad na umalingawngaw ang kanta ng The Vamps na Last Night.

“Whoa-ah-ah-oh!” Biglang sigaw ni James bilang pagsabay sa kanta kaya lahat kami nagtawanan at nakisabay narin. Okay this is better.

Wake up in the morning with the sunlight in my eye

and oh my head don’t feel so bright

what the hell happened last night.

Oh yeah last night I think we were dancing

 singing all our favorite songs

 

Napakaingay naming lahat. Nagtatawanan habang nagbabatuhan ng chips sa loob ng sasakyan habang pakanta-kanta at pasigaw-sigaw, well except kay Curt na concentrate sa pagmamaneho habang patawa-tawa.

Life is still good kasi nakilala ko sila. Sana nga lang andito rin sa van na to si Robbie at ang iba ko pang friends.

Maybe if I’d die today, siguro masaya ako kasi nakilala at nakasama ko sila.

ROBBIE’S POINT OF VIEW

Napabalikwas ako mula sa kama nang makita kong magtatanghali na. Nyeta masyadong napasarap ang tulog ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagulat ako nang makitang napakarami na nitong missed calls at text mula kay Ria.

From Ria :

 

I know you’d be pissed and I’m sorry. Sana maintindihan mo, gusto ko lang naman makasama ang barkada. Hehehe. Promise mag-iingat ako palagi and susunod ako parati kay Ms. Marie.

 

From Ria :

 

Sana hindi ka galit. Hindi naman sa bine-betray kita, gusto ko lang kasing ma-experience ang bakasyon kasama ang barkada. Promise di ako sasali sa film process, manonood lang ako sa shooting. Sorry talaga kuya love you.

 

From Ria :

 

Kuya galit ka ba? Bat ayaw mo magreply :(((

Bawi ako promise. Love you :*

 

From Ria :

 

Wag kang magalit sa barkada. Sakin ka magalit. Ako ang nagpumilit. Sorry talaga kuya, see you next week hehehe. Wag moko susumbong kay Mommy at Daddy ha? Hehe.

 

Matigas ang ulo ni Ria at parati niyang gustong masunod ang kahit na anong gusto niya. Tanga ako para maniwalang susundin niya ako sa pakiusap kong wag kaming sasali sa shooting ng slaughter high.

Wala na akong magagawa. Kailangan kong sumama.

Suot ang kupas kong pantalon at university sweater habang bitbit ang backpack, dali-dali akong nagtatakbo papunta sa gate ng skwelahan. Para akong nabunutan ng tinik nang makita kong hindi pa tuluyang nakakaalis ang van na lulan nila Sophie.

“Robbie akala ko di ka sasama?” Tanong ni Ms. Marie nang pagbuksan niya ako ng pinto ng van.

“Ria went behind my back and went. Pwede ho ba akong sumabay?” Hindi pa nakakasagot si Ms. Marie ay bigla na lamang akong hinatak ni Sophie paupo sa bakanteng pwesto sa tabi niya.

“Robbie we know your skills when it comes to making movies. Sana sa magbago ang isip mo’t sumali ka sa film crew.” Nakangiting sambit ni Ms. Marie na nakaupo sa frontseat kaya ngumiti na lamang ako pabalik.

“Hi Robbie! You want?” Biglang sumulpot sa gitna namin ni Sophie ang nakangiting mukha ni Avery habang iniaabot sa akin ang hawak niyang chichirya.

Nakaupo pala sa likuran namin si Avery at napagitnaan siya nung Hiro at ni KC. Para silang mga timang kung titingnan. Napakamakulay ng suot ni Avery na bumabagay sa masigla niyang ngiti, idagdag pa rito ang weird niyang buhok na may dilaw na highlight sa dulo. Sa kaliwa niya ay ang naka-itim at tila ba galit sa mundong si Hiro na nakatulala lamang habang nakadungaw sa bintana samantalang sa kanan naman niya ay si KC, yung babaeng medyo emo, hindi lang sa asta kundi pati narin sa pananamit. Sa tuwing nakikita ko siya, parati siyang nakasuot ng itim na sweater at mini-skirt, idagdag pa rito ang ubod ng itim niyang lipstick. Chix sana kaso mukhang kasali sa kulto.

“Anong tinitingin-tingin mo?” Tinaasan ako ng kilay ni KC nang magtama ang tingin namin.

“Adik ka sa pusit.” Mahina kong sambit.

“Ano?” Muling tanong ni KC kaya umiling-iling ako’t nakikain sa chichirya ni Avery.

“Nagets ko yun.” Bulong ni Avery habang pigil sa pagtawa.

“Teka anong joke? Robbie ulitin mo! Dapat magets ko rin!” Giit naman ni Sophie kaya hindi ko napigilang matawa.

“Sinong hinahanap niya?” Biglang tanong ni Ms. Marie kaya lahat kami ay napadungaw sa bintana.

Nakunot ang noo ko nang makita ko ang isang matandang lalakeng mistulang may hinahanap. Hindi ko alam pero para bang nakita ko na ang lalakeng ‘to noon.

“Robbie tutal ikaw ang pinakamalapit sa pinto, pakitulungan naman ang mama. May ginagawa pa kasi ang guard.” Pakiusap ni Ms. Marie kaya agad akong lumabas ng van at nilapitan ang lalake.

“Sino pong hinahanap nila?” Tanong ko at agad niyang ipinakita sa akin ang tsapa mula sa bulsa niya.

“Ako si Detective Andromeda. Hinahanap ko ang guidance counselor.” Aniya.

“Wala po ang guidance counselor. Abala po kasi ang buong eskwelahan dahil sa kaliwat-kanang preparasyon ng lahat sa film fest, baka sa lunes pa po ang balik.” Sagot ko na lamang. “May problema po ba?” Dagdag ko pa.

“Hijo may kilala ka bang estudyante dito na Jared Flavier o Darren Javier?” Tila ba nagdadalawang isip niyang tanong.

“Ano pong  kailangan niyo sa kanya?” Hindi ko kilala kung sino ang hinahanap niya pero may kung ano akong gustong malaman sa pakay niya.

“Kilala mo ba ang isa sa kanila?”

Hindi ako sumagot sa tanong niya at nanatili lamang akong nakatitig sa kanya. Technically hindi ako nagsisinungaling, umiiwas lang talaga sa tanong para may malaman. Oo henyo ako.

“Kung kilala mo ang isa sa kanila sabihin mo dahil Importante to.” Giit niya kaya lalo akong nahiwagaan.

“Robbie let’s go!” Narinig kong tinawag ako ni Ms. Marie at binusinahan na ako ng driver.

 “Robbie Chen?” Tanong ng detective. Nyeta andami na talagang nakakakilala sakin dahil sa massacre.

Naalala ko na, isa siya sa mga detective na nag-imbestiga sa kaso namin noon. Kaya pala pamilyar siya.

Teka Darren Javier…. Posible kayang iisa lang sila ng Darren na naging kaibigan noon nila Dixon? Madaming Darren sa buong mundo pero bahala na.

“Ang Darren na hinahanap mo, konektado ba siya kay Dixon na bumiktima sa amin noon?” Tanong ko at nagulat ako nang biglang tumango-tango ang detective.

“Robbie we’re gonna be late!” Narinig kong muling sumigaw si Ma’am.

“Pahingi ng calling card mo. Magtatanong-tanong ako.” Giit ko at agad naman niya itong ibinigay sakin.

Nyeta Darren, sana wag kitang maging problema.

END OF CHAPTER 20

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Continue Reading

You'll Also Like

Lovely Little Sandy By bambi

Mystery / Thriller

615K 53.4K 55
An Epistolary Slasher-Thriller ✉ | Sandra didn't think much of it when her friends wrote down her phone number on a random twenty-peso bill. But whe...
Salakay By bambi

Mystery / Thriller

839K 32.6K 14
Isang marangyang subdivision ang sinalakay ng isang bandidong grupo at nakasalalay sa isang anak ang kaligtasayan ng kanyang pamilya. Hanggang saan...
1.6M 96.9K 35
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...
305K 7.9K 14
"Saan napunta ang kanilang mga katawan?"