✔Welcome to the Asylum

By NoxVociferans

18.9K 2K 227

Read at your own risk. --- Bookcover credits to @KristelJinPorazo More

Welcome to the Asylum
PROLOGUS
UNUM
DUO
TRES
QUATTOUR
QUINQUE
SEX
SEPTEM
OCTO
NOVEM
DECIM
UNDECIM
DUODECIM
TREDECIM
QUATTOURDECIM
QUINDECIM
SEDECIM
SEPTEMDECIM
UNDEVIGINTI
VIGINTI
VIGINTI UNUM
VIGINTI DUO
EPILOGUS

DUODEVIGINTI

390 60 8
By NoxVociferans

---

"P-PAPA... Tama na po... N-Nasasaktan na po ak---AAAAAAH!"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla na lang niyang hinampas ang tubo sa bibig ko. It almost smashed all my teeth. Alam kong pumutok ang labi ko dahil sa dami ng dugong tumulo sa sahig, tuluyan nang tinakpan ang naunang mantsa roon. Habang nakayuko ako at umiiyak, nakatulala na lang ako sa mga patak ng dugo sa tahanan namin.

Some drops were days old. Some were just a few minutes fresh...

All of them came from a painful experience.

Humagulgol lang ako ng iyak at pilit lumalayo sa sarili kong ama. Nasanay na ako sa mga "pagdidisiplina" niya, pero may ilang pagkakataong hindi na nakakayanan ng katawan ko. I was just a kid. I didn't know any better. Ni hindi ko nga alam kung kailan nagsimula ang ganitong mga pangyayari sa loob ng apat na sulok ng maliit naming bahay.

I'm surprised the police never interfered.

"Bakit ba hindi ka na lang mamatay? Tangina, palamunin ka lang dito sa bahay eh. Ayan 'yong kutsilyo. Pakamatay ka na lang!"

Nanghihina akong umiling. Alam kong magagalit na naman si mama dahil namantsahan na naman ang puti kong uniporme. Nang dumako ang mga mata ko sa orasan, napansin kong huli na pala ako.

I was an elementary at that time. Alanganin na rin akong maka-graduate.

"M-Male-late na po ako, papa... Kailangan ko na p-pong umalis."

Tumalim ang kanyang mga mata at muli na naman niyang pinulot ang malaking tubo. Natataranta akong gumapang papalayo sa kanya at sinubukang lumabas ng bahay nang bigla niya hinila ang bag na nakasukbit sa likod ko. Walang-awa niya akong kinaladkad pabalik.

"ANO? MAGSUSUMBONG KA? IPAPAKULONG MO AKO?! DEMONYO KA TALAGANG BATA KA!"

I screamed when the pipe smashed my head again.

Paulit-ulit.

Hinayaan ko na lang. Ang sabi ni mama, normal lang na disiplinahin ako ni papa, lalo na kapag "nakahithit" na naman siya. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin 'non noong mga panahong iyon, pero malakas ang kutob kong may kinalaman ito sa mga kending tinatago niya sa cabinet namin.

*

Inside the chest freezer, I tried to keep myself from losing consciousness.

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na akong nanginginig sa lamig. Natatakot na ako sa dilim, at pakiramdam ko hindi na ako babalikan nina papa. Nanghihina at kumakalam na ang sikmura ko. Wala na akong ibang magawa kundi yakapin ang putol na braso. Aasa na lang akong may makahanap man lang sa bangkay ko mamaya.

Hindi ko alam kung naroon pa sa labas ng bahay namin ang mga diyablong tinatakasan ni papa.

Iniisip ko na lang na mabait talaga ang papa ko. Mahal niya ako. Gusto niya akong iligtas sa mga diyablo kaya itinago niya ako rito sa chest freezer ng kapitbahay namin.

"Pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit gusto niya akong magyelo at mamatay dito."

Nakangiti kong kinausap ang putol na braso. Hindi ko na alintana ang masangsang nitong amoy.

Bakit ba hindi pa rin ako mahanap dito ng mayaman naming kapitbahay?

Kung sabagay, kinain nga pala namin 'yong mga aso niya noong isang araw. Naabutan ko na lang sina mama na may kinakatay sa kusina. Nang tinanong ko ito sa kanya, ang tanging sinabi lang niya sa'kin ay...

"Kakainin natin 'yong mga hayop sa kabilang bahay."

Hindi na lang ako umimik nang mapansin kong may mga duguang damit sa basurahan namin. My curiosity wanted to get the best of me, but I pushed it aside. Palaging may masamang nangyayari tuwing nananaig ang kuryosidad ko. Noong mga sandaling 'yon, hindi na lang ako nagtanong. The meat tasted delicious, but at the same time, it didn't.

I still couldn't understand why I saw a human tooth floating in the soup.

Hindi na lang ako nagtanong.

'Baka nga galit ang kapitbahay namin dahil kinain namin ang mga aso niya.'

Baka iyon ang rason kung bakit hindi pa rin nila ako nahahanap dito sa loob ng chest freezer.

Pero bago pa man ako tuluyang angkinin ng kadiliman, bigla na lang nagkaroon ng liwanag. Sumilip sa'kin ang isang pamilyar na mukha...

*

BANG!

Umalingawngaw ang tunog ng baril sa magulong lansangan. Sandaling katahimikan ang bumalot sa kalye habang nakatulala ako sa batang natamaan ng bala sa dibdib. Nang mapagtanto ko ang nagawa ko, hindi ko na napigilan ang panginginig ng mga kamay ko sa takot. My eyes widened as I weakly held the gun. The smell of gun powder made my stomach churn.

Binalutan ng tensyon ang paligid.

'A-Anong ginawa ko?'

Unti-unting lumingon sa'kin ang iba pa naming kalaro. Katulad ng inaasahan ko, tumakbo sa takot ang ilan sa kanila, habang ang iba naman ay pinalibutan na ako.

They started stalking towards me with those empty eyes again.

Hindi ko alam na totoo ang baril na nahanap ko sa gamit ni papa. Hindi ko sinasadya!

Aksidente lang. Aksidente lang...

Then again, nobody gives a damn whether I'm telling the truth or not. Tuluyan ko nang nabitiwan ang baril nang paulanan nila ako ang sunod-sunod na suntok at sipa. Sinisisi nila ako sa nagawa ko sa kaibigan nila.

'Sana may kaibigan rin akong magtatanggol sa'kin.'

They stepped on my head and blessed me with a black eye. I tasted my own blood once again. That bitter and rusty taste of blood.

"Mamamatay-tao ka!"

"Sana pala hindi na lang kami nakipaglaro sa'yo."

"You fucking weirdo!"

Pagak lang akong natawa habang ginugulpi na nila ako. Namimilipit na ako sa sakit, sa gitna ng maruming kalsada. Nang mag-angat ako ng tingin, doon ko napansing marami na palang nanonood sa'min.

Pero walang ni isang tumulong o umawat man lang.

Ang nakakatawa pa rito, para silang masayang makita ako sa ganitong sitwasyon. Walang bahid ng awa. Walang may pakialam sa'kin. Kahit pa ang mga demonyong palaging nanggugulo sa buhay ko, pinagmasdan lang akong halos lagutan na ng hininga.

Hindi na ako nagulat.

Palagi namang abnormal ang tingin ng lahat sa akin. Everyone hated me like my whole existence is a sin.

If I drop dead, no one will care.

Oo, hindi na ako nagulat. Nasanay na ako.

Pero hindi ibig sabihin 'non, hindi ako nakakaramdam ng sakit.

*

"Tumayo ka na diyan bago ka pa makita ng papa mo. Nakakadiri ka."

Walang-gana akong tumayo at inayos ang suot kong damit. Naikuyom ko na lang ang mga kamao ko habang pinagmasdan kong kumuha ng panibagong sigarilyo si mama, sinindihan ito, at bumalik sa higaan nila ni papa na para bang hindi niya ako minolestiya na naman kagabi.

'Masanay ka na. Ilang taon ka na bang inaabuso ng sa sarili mong mga magulang?' mahinang paalala sa'kin ng boses sa isipan ko. Huminga ako nang malalim at nanghihinang nagtungo sa banyo.

I was fifteen years old and I spent the next two hours trying to clean myself.

But I fucking can't.

Hindi ko alam kung paano ulit umabot sa ganito ang buhay ko. Mahina akong napamura at sinuntok ang pader.

Hindi ko na napigilan ang mga luhang namuo sa mga mata ko.

"Bakit ba ganito ang buhay ko?"

Hindi ko alam kung paano ko nakakayanan. Nakakapagod na rin kung paulit-ulit ka na lang umaasa sa mga bagay na alam mong hindi mangyayari.

Pakiramdam ko, malapit na akong sumuko.

Nang tapos na akong makapag-ayos, inis akong lumabas nang bahay. Sa kasamaang-palad, nakasalubong ko pa si papa habang may pinagbebentahan na naman siya ng droga (oo, nalaman ko nang "droga" pala talaga ang tawag sa mga "kendi" niya). May ilang kalalakihan na namang nakatambay sa sala namin. Ang iba sa kanila ay may ginagawang milagro sa mga kasama nilang babae. I tried not to think too much how those girls looked like minors. Hindi ko alam kung hanggang kailangan ko maatim ang mga ganitong kaganapan sa tahanan namin.

"Hoy, Asmodeus. Tara nga dito," pagtawag sa'kin ni papa.

Kinabahan ako.

Alam na kaya niya ang...?

"Ialok mo 'to sa mga kaklase mo."

Nagulat ako nang may bigla na lang siyang hinagis sa'kin. Nakabalot pa ito sa plastik at nakasulat ang presyo sa labas nito. Naguguluhan kong binalingan si papa na seryoso nang nakatingin sa'kin, "Wag kang uuwi hangga't hindi mo 'yan nabebenta. Balita ko maraming naghanap niyan sa high school niyo. Magkaroon ka man lang ng pakinabang sa'king gago ka."

Napalunok ako.

"SUMAGOT KA!"

"O-Opo."

Wala na akong nagawa kundi isilid sa loob ng bag ko ang "produkto" at mabilis na umalis ng bahay.

*

Halos hindi ko na matandaan ang naging buhay ko noong high school. Naging abala ako sa pagbebenta ng mga droga sa mga kaklase ko. Totoo ang sinabi ni papa. Marami ngang naghahanap nito rito. Kalaunan, napipilitan na akong sumama sa kanila. They'd kill me if I don't.

'Well, seems like everyone wants to kill you.'

Gusto ko nang kumawala.

Ayoko na sa ginagawa ko at alam kong isang araw ay posible akong mae-expel sa paaralang ito dahil sa "negosyo" ni papa. Palagi na akong kinakabahan na baka may magsumbong sa mga guro. Araw-araw akong natatakot na posibleng 'yon na ang huling araw ko sa paaralan.

Bukod pa rito, pakiramdam ko palaging may nakamasid sa'kin.

Palaging may nakabantay sa bawat kilos ko.

Napabuntong-hininga ako at hinigpitan ang pagkakahawak sa strap ng bag kong naglalaman na naman ng panibagong mga pakete. Nakakatawang isipin na mas marami pa ang mga ito kaysa sa mga gamit kong pang-eskwela.

"ASMODEUS!"

May tumawag sa'kin mula sa kabilang bahagi ng pasilyo.

*

Sumapit ang hatinggabi.

The demons around me laughed.

Mahina na rin akong nakitawa habang pinagmamasdan kong gumuhit ang blade sa pulsuhan ko. Nararamdaman ko ang sakit nito habang bumabaon sa balat, pero tuluyan na akong nawalan ng pakialam. I smiled in ecstasy as crimson puddles soon decorated our dirty bathroom floor. Katabi nito ay ang ilang pakete ng drogang pinilit ipagamit sa'kin ng mga magulang ko.

Nang tumingin ako sa repleksyon ko sa lumang salamin, doon ko nakita ang walang-buhay kong sarili. Puno ng mga pasa at sugat sa katawan. Mukha na akong isang bangkay.

"What have they done to you, Asmodeus?" I asked myself in a broken voice.

Behind the closed door, I can hear my parents fighting again. Hell, I wouldn't even be surprised if they killed each other. Ayoko na sanang maglinis ng kalat nilang dugo mamaya. Sana lasunin na lang nila ang isa't isa nang matapos na. Nahihirapan na ako.

Huminga ako nang malalim at napapikit. Sumandal na lang ako sa pader at binitiwan ang blade.

Bakit ba masakit mabuhay?

"If the good ones go to heaven and the bad ones go to hell, where do the crazy ones go after they die?"

---

I made a deal with the devil,

signed a contract with red ink;

I ask him to cleanse the world of evil

he replied, "it's not as easy as you think."

---NoxVociferans

Continue Reading

You'll Also Like

61.1K 7.5K 73
Once upon a time, the story never started... Red Ridinghood was expecting death. But it looks like fate gave her something worse than that---being dr...
18.3K 2.5K 50
Neverwoods never die... "Save yourself, human!" Everick Neverwood is anything you want him to be---a sadist, a womanizer, an immortal crow-shifter...
24.7K 2.7K 62
The GG Diaries #2 "Ako si Bambu, ang bampirang bungal. Nakakilala ng isang nilalang, sa itaas ng punong yakal. Pinatulog niya ako't hindi nagtagal ay...
2M 105K 33
Sampu silang umalis, sampu rin silang bumalik. Ang hindi nila alam, isa sa kanila ang naiwan. Sino ang nagbabalatkayo? Sino ang hunyango? (Watty Awar...