✔Welcome to the Asylum

By NoxVociferans

18.9K 2K 227

Read at your own risk. --- Bookcover credits to @KristelJinPorazo More

Welcome to the Asylum
PROLOGUS
UNUM
DUO
TRES
QUATTOUR
QUINQUE
SEX
SEPTEM
OCTO
NOVEM
DECIM
UNDECIM
DUODECIM
QUATTOURDECIM
QUINDECIM
SEDECIM
SEPTEMDECIM
DUODEVIGINTI
UNDEVIGINTI
VIGINTI
VIGINTI UNUM
VIGINTI DUO
EPILOGUS

TREDECIM

414 66 9
By NoxVociferans

---

SOMETIMES, I don't want to fall asleep.

Hindi ko alam kung normal ba ito o ako lang ang nakakaranas ng ganito. Wala naman akong mapagtanungan. Palagi akong nangangapa tuwing may mangyayaring kakaiba sa'kin. Mind you, I don't have any friends to talk with, so I can't tell if this was a consequences of my mind playing tricks on me again or not. Hindi na nga siguro ako magugulat kung utak ko lang na naman ang may pakana kung bakit hindi ako nakakatulog.

I imagine monsters coming out from under my bed and bloody corpses running rampage in my head.

Hindi ko alam kung normal pa ba ito. Hindi ko sigurado.

Alam mo kung ano ang hindi ko pa rin sigurado?

"Asmodeus..."

Hindi ko sigurado kung ang utak ko lang na naman ang may pakana noong narinig ko ang nakakakilabot na boses ni mama. May kakaiba sa boses niya, pero huli na noong mapansin ko ito. Hatinggabi na noon at binabalutan ng kadiliman ang maliit naming tahanan. Nakita ko pang walang malay na nakahandusay sa sahig si papa.

Kung hindi lang dahil sa nagkalat na mga "kendi" sa paligid niya, baka napagkamalan ko na siyang patay.

"Asmodeus."

Gulat pero mabilis kong ibinaling ang atensyon ko sa boses na tumawag na naman sa'kin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong katabi ko na pala si mama. Amoy na amoy ko ang alak sa kanyang hininga at kapansin-pansin rin ang kakaibang tinging ibinibigay niya sa'kin.

"M-Ma? Anong ginagawa mo rito?"

I think I was only ten years old that time. I didn't know.

When my own mother inched closer towards me and pulled my shorts down...I didn't know.

"M-Ma...?"

Namayani ang kaba sa'kin noon. Kahit kailan, hindi naging malambing sa'kin ang mama ko kaya alam kong may mali rito. Kumunot ang noo ko nang sinimulan niyang maghubad sa kaharapan ko. Nasisinagan ng kakarampot na liwanag na nagmumula sa poste sa labas ang kanyang hubad na katawan. Nanginginig na ang mga kamay ko sa kaba. Pero bago pa man ako makalayo, mabilis niya akong hinawakan sa braso.

Halos mapasigaw na ako sa sakit ng pagkakahawak niya sa'kin. Pakiramdam ko tuluyan na akong mababalian ng buto.

Siguradong may daragdag na naman sa mga pasa ako.

"M-MA! A-Ano po bang ginagawa mo?!"

"Manahimik ka na lang." Garalgal niyang sagot bago niya ako marahas na itinulak sa sahig.

Tumama ang ulo ko sa doormat na nagsisilbing higaan ko, pero wala na itong nagawa para gawin akong kumportable.

Puno ng pagtataka at pandidiri ang naramdaman ko noon. Naipikit ko na lang ang mga mata ko at mahinang nagdasal na sana matapos na ang gabing iyon.

Kaya siguro ilang buwan rin akong hindi nakatulog.

Society is wrong again.

Sometimes, even boys are victims.

"M-Ma...t-tama na po..."

Nang maramdaman kong may nakatitig sa'kin, awtomatiko na akong nagising. Para bang nararamdaman ng katawan kong may kanina pa nakamasid habang natutulog ako. Nang dahil sa alaalang nagmulto na naman sa'kin, natataranta akong umupo at umusog papalayo sa kung sinumang naroon.

Tila ba naaalala ng katawan natin ang anumang traumang naranasan nito. It felt like a dirty touch that lingered longer than necessary on your skin, slowly turning into acid.

Pero nang mapagtanto ko kung sino ang nakaupo sa gilid ng kama ko, agad akong nakahinga nang maluwag. Napalitan ng pagtataka at pag-aalala ang ekspresyon ko. 'Ano bang ginagawa niya rito? Akala ko talaga pinatay na siya ni warden.'

Well, you can't blame me for thinking like an emotionless sadist, can you?

"Nurse Isabelle."

Hindi siya ngumiti sa'kin. Inaasahan ko na 'yon. Siguro nga mas magugulat ako kung bigla na lang siyang ngingiti matapos ng naranasan niya kagabi. Baka akalain kong nasisiraan na rin siya ng bait kapag nangyari 'yon.

Muli na namang bumalik sa alaala ko ang nakapangingilabot niyang mga sigaw kagabi. Believe me, it was horrible. It made my skin crawl whenever I think about it.

"Kagabi...Si Nurse Bruce---"

"Alam ko," huminga siya nang malalim at nag-iwas ng tingin. Noon ko lang napansin ang trolley sa di-kalayuan. Imbes na mga pagkain at mga tableta ng gamot, isang first-aid kit ang nakapatong doon. Nang maalala ko ang sugat ko sa kamay, saka ko lang napansing nakabenda na rin pala ito.

"Matagal nang may galit sa'kin ang isang 'yon."

Dumako ulit ang mga mata ko sa nurse na pinipilit itago sa'kin ang mga pasa at galos niya sa mukha. Dark bruises lined the side of her pale face and her lips were smashed and bleeding. Hindi rin nakaligtas sa obserbasyon ko ang mga kalmot niya sa leeg.

Hindi ko na gugustuhin pang isipin kung anong ginawa sa kanya ng warden kagabi.

"Okay ka lang?"

Sinamaan niya ako ng tingin. Sumiklab ang galit sa kanyang mga mata at noong mga sandaling 'yon, I wanted to believe that hell was trapped inside her eyes.

"Sa tingin mo ba 'okay' ako? Mas baliw ka pa pala kaysa sa inaasahan ko, Asmodeus."

Hindi na lang ako umimik.

Nasasanay na rin siguro ako sa ugali ng mga tao rito sa asylum. Isa pa, hindi ko rin naman siya masisisi. Even I would be in a bad mood after being tortured overnight. Sa kabila ng mga nagawa niya sa'kin dati, nakaramdam ako ng awa para sa kanya. 'The tables have been turned,' I thought. Huminga ako nang malalim at seryoso siyang tinitigan, "Hangga't nandito tayo sa asylum, palagi tayong nasa panganib."

Nurse Isabelle sighed, like she was tired of everything. "Tigilan mo na ang kalokohang ito. Wala kaming magagawa! Hindi siya naaawa. The warden keeps our hands tied behind our backs. She treats the nurses like puppets." Isang walang-buhay na ngiti na naman ang pumunit sa tuyo niyang mga labi.

Hindi na nga ako magtataka kung pati sila, unti-unti na ring nasisiraan ng bait. Bahagya akong umayos ng pagkakaupo nang maramdaman ko na naman ang kirot sa binti ko. Idagdag pa rito na hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang sakit ng sugat sa kamay ko.

I can still feel the knife burrying into the flesh.

"Pare-pareho tayong mamamatay rito kung wala tayong gagawin."

Pagak siyang natawa.

"Patay na nga tayo. Hindi mo ba napapansin? Hahahaha!"

Namayani ang pagtawang 'yon sa apat na sulok ng maliit at marumi kong silid. Sa gilid ng mga mata ko, nakikitang kong lumalapit na rin ang mga demonyo at sinusubukan akong hablutin. Kabado akong lumayo sa kanila at inis na hinawakan sa magkabilang balikat ang nurse.

If she wants to rot in this hellhole, well, I don't.

"Please... Kung ayaw mong sumama, tulungan mo na lang kami. I'd rather die outside this asylum than die everyday with insanity!"

Huminto siya sa pagtawa.

She gave me that blank expression again, pero may kung anong emosyong naglaro sa likod ng kanyang mga mata. Sa hindi ko malamang dahilan, nakaramdam na naman ako ng kaba. Mabilis akong lumayo sa kanya at pinilit 'wag ipahalata ang takot na unti-unti na namang pumipiga sa puso ko. I felt goosebumps on my skin. A cold and shameless sense of foreboding pounding against my temples.

Bullshit. Ano ba 'tong nararamdaman ko?

Sa wakas, napabuntong-hininga si Nurse Isabelle, tumayo, at mahinang sumagot.

"Tutulungan ko kayo, but I am warning you, Asmodeus... Hindi ito magiging madali. You can try to run, but the warden is always watching. Always."

That creepy smile never reached her eyes.

And just like a mannequin, Nurse Isabelle walked out of my room, pushing that trolley. Gumasgas ang mga gulong nito sa sahig at noon ko lang mapansing may bahid ng dugo sa talampakan ng kanyang puting sapatos. Nakakatuwa pang isipin na pakiramdam ko, nagmula ang dugong iyon sa ilalim ng kama ko.

*

Mary Flora Bell, o mas kilala sa asylum na ito bilang "Bloody Mary".

I couldn't agree more with that nickname.

Gusto kong isipin na imahinasyon ko lang na naman ito, pero habang tinititigan ko ang kulay pulang luhang umaagos mula sa mga mata niya, it seemed too damn real to be just a figment of my imagination. I wanted to ask her why she's crying blood again, but I don't want to offend her. Lalo na ngayong hinehele niya ang kanyang "anak".

She was humming that creepy "ring around the rosie" nursery rhyme. It reminded me of that crazy pity party again.

Huminga ako nang malalim at tinitigan ang mga bulaklak sa harapan namin. Napagdesisyunan namin kahapon na magkita rito para pag-usapan ang plano, pero magmula nang dumating ako rito, ni hindi niya ako kinausap. Nakaupo lang kami ngayon sa damuhan. Sa di-kalayuan, nakikita ko ang ilang mga gwardiyang pinagti-tripan ang isang pasyente. Ginugulpi nila ito at tinututukan ng baril sa sentido. The patient just laughed even when he was bleeding from the injuries.

Napasimangot ako. "They're devils."

At times like these, I wanted to ask why they're not the ones inside the cells. Mas kailangan yata nila ng gamot kaysa sa'min.

Sandaling nanahimik si Mary at binalingan ako sa kauna-unahang pagkakataon. Ilang segundo niya lang akong pinagmasdan. Noong mga sandaling 'yon, gusto ko sanang tingnan kung may pulso pa ba siya. She seemed too pale and innocent---

"They're all fucking devils, aren't they?"

---or maybe not.

Tumango na lang ako, "Um...tapos mo na bang patulugin ang mga anak mo?"

Sumulyap siya sa kanyang gilid at ngumiti nang nakapangingilabot bago muling bumaling sa'kin. "Hindi ko alam kung humihinga pa ba sila. Nasakal ko yata sila kanina. Poor babies... Naaawa na nga ako sa kanila eh. Do you know their daddy forced me into abortion when I had them? Hindi ko sila nailigtas noon. Walang ibang nakaalam na nagbuntis ako."

This is really getting creepy.

"Asmodeus?"

"Hmm?"

"Kapag nakatakas na tayo rito, hindi ko alam kung paano ko bubuhayin ang mga anak ko. H-Hindi ko alam kung mapapakain ko ba sila nang maayos o kung mapag-aaral ko sila... G-Gusto ko silang mabigyan nang maayos na buhay, pero hindi ko alam kung kaya ko. Masama ba akong ina?" Sinimulan na naman niyang umiyak ng dugo. Humihikbi na siya. Tinitigan ko lang kung paano pumatak ang dugo niya sa damuhan. Magmantsa pa ito sa luntiang paligid. Alam kong hindi na 'yon mabubura.

Huminga ako nang malalim. 'Ano ba ang dapat kong sabihin?'

Sandali akong nag-isip bago ako nakapagsalita ulit, "Magiging mabuti kang ina. Most mothers out there don't care about their children. Your kids are lucky to have you. Makakatakas din tayo rito, Mary. We'll escape this asylum together."

Another lie.

Dahil wala akong planong isama sila.

I was just using them, afterall.

Alam kong mali itong gagawin ko, pero mas magiging delikado kung makakalabas sila sa asylum na ito. Mga pasyente sila rito...mga nasisiraan ng bait. Mga taong matagal nang itinapon ng lipunan. Mas lalo lang silang mapapahamak kung tatakas rin sila. To put in in simple words, they belong here.

I don't.

Alam kong tama ang desisyon kong ito.

Nang matapos na naming pag-usapan ang magiging parte ni Mary sa plano, naramdaman namin ang presensiya ng isang guwardiya sa likuran namin. Agad akong naalarma, pero bago ko pa man makuha ang saklay ko, mabilis niya itong sinipa papalayo at sinamaan kami ng tingin. The guard had a devious expression plastered on his face.

Ngumisi ito sa amin. "Nagtatago pa kayo, ha! Hahahaha! Ano namang milagro ang ginagawa niyo rito? Tangina. Pati pala mga baliw, nagiging mapusok. Can't keep those hormones to yourselves, eh? Digusting."

Mahina akong napamura.

Si Mary naman, itinapat ang daliri niya sa bibig. "Shhh! Magigising mo ang mga anak ko."

Tinitigang maigi ng gwardiya si Mary. Para bang hinuhubaran na niya ito gamit ang kanyang mga mata, "Shut up, you little lunatic. Or do you want me to shove my dick in your mouth?"

'Shit!'

Ilang sandali pa, sinimulan na niyang lapitan ang dalaga at hawakan sa hita. Sinimulan na niyang haplusin ang katawan ni Mary. Natuod naman ang dalaga habang nanlalaki ang kanyang mga mata. Nang marahas na siyang inihiga niya guwardiya sa damuhan, doon na siya nagsimulang pumalag.

"A-Ayoko...s-stop! Please..."

"Ayaw mo? Pakipot ka pa eh. 'Yan ang gusto ko. HAHAHAHA!"

Wala siyang kalaban-laban.

Hindi ako halos makatayo pero pinilit kong hatakin ang gwardiya papalayo sa kanya. Mas malaki ang pangangatawan niya sa'kin kaya nahihirapan ako. Hindi rin nakatulog na may sugat pa ako sa kamay. I tried to push him off her but he just kicked my injured leg. Malutong akong napamura sa sakit nito. 'Fuck this!'

"T- TAMA NA! A-AYOKO!"

Mary's cries drifted through the garden. Walang ibang nakakarinig nito at kung mayroon man, wala na silang pakialam.

Natataranta na ako.

I scanned the surroundings until I spotted a large rock. Nanghihina man, mabilis kong dinampot ang batong 'yon at paika-ikang naglakad papalapit sa kanila. I gritted my teeth in anger and smashed the rock against the guard's skull.

"GAAAH! WHAT THE FUCK ARE YOU--?!"

I smashed it again and again.

Paulit-ulit ko itong hinampas sa ulo niya habang bumabalik na naman sa mga alaala ko ang bangungot ko kagabi. Naging sariwa na naman ang sakit at masasamang karanasan sa isipan ko.

"MAMATAY KA NA! HAHAHAHAHA!"

A blind rage.

Hindi ko na makilala ang boses ko.

Nanginginig pa rin ang mga kamay ko kahit pa noong pinigilan na ako ni Mary. She held my bloody hand and smiled at me. Noon ko lang napansin pati siya, natalsikan na ng dugo.

"Tama na, Asmodeus. Patay na siya."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko iyon. Kabado kong sinilip ang bangkay ng gwardiyang halos hindi na makilala ang mukha. He had his zipper open and his brains splattered on the grass. Binalutan ng dugo ang obra maestrang ito na naging dahilan para tuluyan kong mabitiwan ang mabigat na bato.

I killed him.

"A-Anong...h-hindi ko..."

Hindi ko alam kung ano nang gagawin ko.

On the other hand, Mary seemed calm. Almost like she'd done this before. Ngumiti siya sa'kin at hinawakan ang kamay ko. Her bangs clung to her forehead with sweat. "Kailangan nating itago ang bangkay."

Tumango ako. Hindi pa rin maiproseso ng utak ko na nakapatay ako. Fuck. I just killed someone! Huminga ako nang malalim at pilit pinakalma ang sarili ko. 'Just hide the body, Asmodeus. Isipin mo na lang na ginawa mo ito para ipagtanggol si Mary.'

Pero nang sinimulang maghukay ni Bloody Mary sa lupang kinatitirikan ng makukulay na mga bulaklak, hindi ko maiwasang magtanong. "Paano kung may mahanap sa kanya diyan?"

Umiling siya. "Don't worry. So far, they didn't find the other ones. This is the perfect hiding spot."

Napanganga ako sa sinabi niya.

"T- The other ones?"

Mahinang natawa si Mary na para bang ako ang nababaliw sa aming dalawa. "Hindi ka ba nagtataka kung bakit magaganda ang mga bulaklak dito sa hardin ng asylum? Corpses are a good fertilizer."

Napahinto ako sa paghuhukay.

Doon ko lang napansing sumilip sa'kin ang inuuod na binti sa lupang pinaghukayan ko.

---

Society's standards are fairly simple:

They want a girl who's pretty, sexy, fair, and achieving,

They want a boy who's handsome, rich, and a saint worth stalking,

To sum it up, society simply doesn't want a human being.

---NoxVociferans

Continue Reading

You'll Also Like

HIDDEN FILES 3 By avy

Mystery / Thriller

3.2K 245 29
[03/03] complete | unedited In the end of the tunnel filled with only darkness there shall be light and new beginning. Jade Cesaire and Bryce Valeron...
4K 728 53
"I am a Dreamcaster." "But you don't have any dreams?" "Does it matter?" He challenged. She glared back. "It does." After his mentor's retirement, tu...
40K 3K 24
Daisy is plagued by nightmares she can't understand. Little does Daisy know, she's not the only one getting them.
22.4K 1.9K 62
"Nico, she's been dead for over a decade! Mahihirapan tayong i-identify ang biktima." "Well, we have no choice, Nova," the greatest detective in East...