✔Welcome to the Asylum

By NoxVociferans

18K 2K 226

Read at your own risk. --- Bookcover credits to @KristelJinPorazo More

Welcome to the Asylum
PROLOGUS
UNUM
DUO
TRES
QUATTOUR
QUINQUE
SEX
SEPTEM
OCTO
NOVEM
DECIM
UNDECIM
TREDECIM
QUATTOURDECIM
QUINDECIM
SEDECIM
SEPTEMDECIM
DUODEVIGINTI
UNDEVIGINTI
VIGINTI
VIGINTI UNUM
VIGINTI DUO
EPILOGUS

DUODECIM

440 63 6
By NoxVociferans

---

APRIL 12, 2017

Hindi ko alam na ang babaeng nakilala ko kanina ay ang susunod nilang pasyenteng ooperahan. She was such a sweet and innocent girl... I heard Dr. Rabbit almost killed her today. Palaging ganito sa Eastwood Asylum. When they see it fit or when the doctor gets bored, they'll perform a surprise surgery. Of course, the warden enjoys this. Kinakaladkad nila sa loob ng opisina ni Dr. Rabbit ang  malas na mga nilalang at doon nila pinagkakatuwaan ang pag-oopera sa kanila. Noong isang linggo, may pinutulan sila ng mga kamay at paa. The body parts were hidden somewhere in the asylum. They say that they're doing this to "fix" us, but I know they're not. Nakakalungkot lang isipin na ang babaeng pasyenteng nakausap ko kanina ay sumailalim na sa lobotomy. They cut open her head in hopes of curing the madness this place gave her.

Matagal kong tinitigan ang pahina. Pakiramdam ko pilit akong hinihila ng kulay itim na tintang humulma sa mga salitang nakasulat dito. Still, I couldn't help but notice the way the writer's handwriting became messier at the end. Para bang nanginginig ang mga kamay niya nang isulat niya ito. Sa hindi malamang dahilan, nararamdaman ko ang takot niya.

'This place isn't fixing us; it's slowly murdering us!'

Huminga ako nang malalim at isinara ang lumang journal. Hanggang ngayon, wala pa rin akong ideya kung sino ang dating pasyenteng nagmamay-ari nito. I don't know why this felt important or how this journal got under my bed. Paulit-ulit akong naghahanap ng sagot sa mga pahina nito, pero para bang ayaw nitong isiwalat ang lahat ng mga sikretong itinatago nito.

Ibinalik ko na lang ito sa ilalim ng unan ko. Ilang sandali pa, dumako ang mga mata ko sa bintana.

'May paraan kaya pa makalas ko 'yong mga rehas?'

Out of curiosity, I grabbed my crutches and limped towards the direction of the high window. Kumikirot pa rin ang nabali kong binti, pero hindi ko na muna ito ininda. Marami pang mas mahahalagang bagay kaysa sa nabali kong buto. Kung kailangan kong magsakripsyo ng mga binti o kamay para lang makaalis dito, gagawin ko.

I'll get out of here even if it means I have to crawl out of those gates half-dead.

"Shit."

Mahina akong napamura nang mapansin kong masyado palang mataas ang maliit na bintana. Sumulyap ako sa loob ng silid para maghanap ang anumang matutungtungan ko. But aside from the bed, there's nothing else here. Sa kondisyon ko ngayon, hindi ko ito magagawang itulak papalapit dito.

Huminga ako nang malalim at sinubukang abutin ang mga rehas. Nangangalawang na ang mga ito, kaya posibleng may magawa akong paraan para kalasin ito. I'll need to figure out a plan B on my own.

Halos banatin ko na ang mga buto ko sa braso habang pinipilit itong abutin. Nanghinang bigla ang mga tuhod ko sa pwersa. Pakiramdam ko makakalas na ang mga buto sa balikat ko. Ang isa ko namang kamay, nanginginig nang nakakapit sa saklay na sumusuporta sa bigat ko. Napadaing ako sa sakit nang halos mawalan ulit ako ng balanse.

I can feel my fingers grazing the cold, rusty metal bars.

'Almost there.'

Agad akong nataranta nang marinig kong bumukas ang pinto.

"Asmodeus?"

Shit!

Hinihingal kong nilingon ang direksyon ng boses. Bigla akong namutla nang makita ko roon si Nurse Isabelle na may pekeng ngiti na naman sa kanyang labi. She forced herself to look calm, but I can clearly see the hostility in her eyes.

"N-Nurse Isabelle..."

The metal door slammed shut behind her. It made an eerie sound inside the room, only making me even more nervous. Napansin kong may bitbit siyang clipboard at ballpen. Nang makita niyang tinitingnan ko ang mga ito, walang-imik siyang naglakad papalapit sa kama at naupo sa gilid nito.

"Pinapunta ako rito ni Dr. Rabbit para kamustahin ka. When the warden told him that you weren't taking your medicine yesterday, he wasn't too happy about it..." Nakatitig pa rin siya sa'kin gamit ang walang buhay niyang mga mata. She patted the spot beside her, urging me to sit down.

Napalunok ako.

'Just do it, Asmodeus. You don't want to have a trip to the underground levels again, do you?' mahinang pagkumbinsi sa'kin ng isip ko.

Sa huli, wala na akong nagawa kundi paika-ikang maglakad papalapit sa kanya at umasang wala siyang tinatagong kutsilyo sa kanyang uniporme. Tuwing naiisip ko ang pagbabantang ginawa niya sa'kin kanina, hindi ko maiwasang alalahanin ang "unspoken rule" ng lugar na ito. Alam kong magagamit ko itong alas kay Nurse Isabelle kung sakali. As heartless as it sounds, but if she tries to stop me, I'll be left with no choice.

Kung pipigilan niya ang pagtakas namin, ipapasalo ko sa kanya ang magiging parusa ko.

Richard was right.

To survive this asylum, you have to play dirty.

Kabado akong ngumiti sa nurse. Kahit na nahuli niya ako kanina, hindi ako pwedeng magpahalata. Hindi niya pwedeng malaman ang tungkol sa plano naming pagtakas sa katapusan ng buwang ito. Or else, all my efforts will be put to waste.

"Mukhang umeepekto naman ang mga gamot. In fact, they taste good. I feel better now."

Pagsisinungaling ko sa kanya. In fact, there's no way in hell I'll say that those fucking pills taste "good". Mas masama pa ang lasa ng mga ito kaysa sa karne ng alagang aso ng kapitbahay namin noon. Wala na kasi kaming pambili ng pagkain, kaya naisip nina papa na patayin at lutuin ang mababangis na mga alaga ng mayaman naming kapitbahay. My mother told me to close my eyes as they skinned the funny looking meat inside our kitchen. Noon lang yata ako nakatikim ng matinong hapunan.

Pero hanggang ngaton, nagtataka pa rin ako kung bakit bigla ring naglaho ang kapitbahay namin matapos ng insidenteng iyon.

Wala namang pagbabago sa ekspresyon ni Nurse Isabelle. Nang akala kong nakaligtas na ako delubyong paparating, bigla siyang nagsalita...

"Alam ko kung anong ginagawa mo kanina."

Pakiramdam ko nanlamig ang buong katawan ko sa pinaghalong kaba at takot na namamayani ngayon sa dibdib ko. Biglang nanuyo ang lalamunan ko habang nakatitig pa rin ako sa kanya. She really looked like a walking corpse. Sunken cheeks and lifeless eyes. Not to mention her petite frame.

No matter what happens, I need to get out of here.

Pagak akong natawa at napahawak sa batok ko. "Hahahaha! Yeah, I just wanted to see the view outside. Hindi ko naman inaasahan na masyado palang mataas ang bintanang 'yan."

"Sinadya 'yan para walang tumakas na pasyente," she plainly answered and glared at me. Muli na namang naging aktibo ang mga demonyong nakamasid sa'min mula sa madidilim na sulok. Their amused blood red eyes were trying to pry into my very soul. Kailan kaya sila titigil?

Ibinalik ko na lang ang atensyon ko kay Nurse Isabelle. Pero bago pa man ako makasagot, marahas niya akong itinulak sa kama at pumaibabaw sa'kin.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang ginawa niya. Pinilit kong kumawala pero nakadagan siya sa nabalit kong binti. I yelped in pain. Her arms supported her weight as she gave me tha cold look again. "Nagsasayang ka lang ng pagod, Asmodeus. Hindi ka makakatakas rito sa Eastwood Asylum. Palaging nakamasid ang warden sa mga kilos natin, kaya 'wag mo na akong idamay sa kalokohan mo."

"L-Lumayo ka sa'kin..."

"Isa kang pasyente rito. Tinutulungan ka lang naming gumaling!" She growled.

Agad kong napansin ang lapit ng kanyang mulkha. Muli na namang nabuhay ang isang alaalang matagal ko nang isinasantabi. Sa isang kisapmata, imbes na si Nurse Isabelle, ang nakakakilabot na ngiti ni mama ang bumungad sa'kin. Hindi ko makakalimutan ang gabing 'yon, kahit pa gusto ko na itong burahin sa nakaraan ko.

Hindi ko na namalayang kinakapos na pala ako ng hininga.

Damn this.

"LUMAYO KA SA'KIN!"

Marahas kong itinulak papalayo si Nurse Isabelle at hinihingal na naupo sa kama. Namuo ang pawis sa gilid ng noo ko habang pilit kong pinapakalma ang sarili ko.

Nurse Isabelle just stared at me with a blank expression, "Oo nga pala. Nakalagay nga pala sa history mo na inabuso ka ng---"

"Shut the fuck up."

She just nodded. Maya-maya pa, tumayo na siya at inayos ang nagusot na damit.

"Ikaw lang ang nagpapahirap sa sarili mo. The warden won't allow you escape. You're just gonna get yourself killed," may bahid ng awa sa boses ni Nurse Isabelle.

"May mali sa asylum na ito."

"And you think the outside world is different? May mali sa mundo. May mali sa pamantayan ng lipunan. May mali sa lahat...at minsan, wala na tayong magagawa pa para baguhin 'yon."

Hindi ko alam kung bakit ganito ang mga nurse dito, pero malakas ang kutob kong minamanipula lang sila ng warden. Ramdam kong natatakot lang rin si Nurse Isabelle na madamay sa pagtakas na gagawin ko. Baka iyon ang rason kung bakit para na siyang isang robot---walang emosyon at walang pakialam. Can I really blame her? I don't know why, but I'm starting to see her as a victim.

Huminga ako malalim at seryoso siyang tiningnan. I know I'm taking a risk that can get myself killed. Pero wala naman masama kung susubukan, hindi ba? Besides, I still need a plan B just in case I can't convince the former warden...

"Help us escape the asylum, Nurse Isabelle. And if you change your mind, you can come with us."

Lalo siyang napasimangot sa sinabi ko. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan niya. Sandali lang siyang natahimik bago niya kinuha muli ang kanyang clipboard at ballpen. Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad papalabas.

"Nababaliw ka na nga kung inaasahan mong tutulungan ko kayong tumakas. Ire-rekomenda ko kay doc na dagdagan ang gamot mo."

The door clicked shut behind her.

*
Hindi ako kinausap ulit ni Nurse Isabelle kahit pa noong kinailangan niya akong i-checkup para sa kanilang daily report. She was as silent as a stone, but she avoided looking directly at me. Kahit pa gusto ko siyang tanungin kung isinumbong na ba niya ako sa warden, pinili ko na lang itikom ang bibig ko.

'Ano ba kasing kalokohan ang pumasok sa isip mo kanina, Asmodeus? Paano kung alam na pala ng warden ang tungkol sa plano mong pagtakas? Damn, you'll get another round of punishment for sure.'

Hindi na lang ako nakipag-away sa isip ko. Nakakapagod na rin. Madalas lang akong natatalo

My mind loved playing tricks on me. Hindi ko na lang pinapansin ang mga pugot-ulong sumasayaw sa harapan ko o ang pagkurap ng mga mata ng pader.

Soon, Nurse Isabelle exited the room without uttering a single word.

Nakahinga lang ako nang maluwag nang muli na namang nagsara ang pinto. Akmang kukunin ko na sana ang journal nang bigla kong narinig ang boses niya sa labas ng silid ko.

"Ikaw na mag-lock ng pinto ng kwarto niya. Kailangan ko nang i-submit ito sa warden. It's almost 10:00 p.m."

Hindi sumagot ang kausap niya.

'Malamang si Nurse Bruce. Damn. Does that man even know how to talk?' I shifted slightly to adjust my leg. Kung tatakas kami sa asylum na ito, kailangan ko nang mag-ingat. Another injury might be a burden for the escape.

Ilang sandali pa, umalingawngaw sa katahimikan ng asylum ang mga yabag niya papalayo. Tila ba nagmamadali at hinahabol ang oras. Naghintay muna ako ng ilang sandali bago ko kinuha ang journal. Nang akmang bubuklatin ko na sana ito, nabigla na lang ako nang dahan-dahang bumukas ang pinto.

Agad kong itinago ang journal sa likod ko at nagtatakang pinagmasdan ang pagpasok ni Nurse Bruce sa silid ko. May nakakalokong ngiti sa kanyang mukha. Masama ang kutob ko rito. 'Bullshit! Ang akala ko ba pina-lock na sa kanya ni Nurse Isabelle ang pinto?'

I glared at him. "Anong ginagawa mo rito?"

Huminto siya sa gitna ng silid at pasimpleng sumulyap sa kanyang orasan.

Nagulat ako nang sa kauna-unahang pagkakataon, nagsalita ang lalaking nurse. Sa isang baritonong boses, mahina siyang sumagot. I couldn't help but notice the danger lacing in his tone.

"Nasa labas ako ng kwarto mo kanina. Narinig ko ang usapan niyo tungkol sa pagtakas."

Damn.

Now I wish he never spoke at all.

Literal na tumindig ang balahibo ko sa sinabi niya. Alam na niya. Ang ibig sabihin ba nito, alam na rin ng warden ang pinaplano ko? Shit. Hindi na ako magugulat kung may kakaladkad na naman sa'kin papunta sa underground level. This time, I'm pretty sure she'll torture me to death.

Tumingin ulit si Nurse Bruce sa kanyang relo at may kinuha sa bulsa ng kanyang uniporme. Naaninag ko sa liwanag na nagmumula sa maliit na bintana ang isang foldable pocket knife. I should know---my father almost ended my life with that kind of knife once.

"She'll pay for always bossing me around. Nawa'y maging leksyon na rin ito sa inyo."

Bago pa man ako makalayo, biglang isinaknak ni Nurse Bruce ang patalim sa kamay ko. The knife passed through my hand until the blade hit the surface of my bed. "AAAAAAH! SHIT!" Napasigaw ako sa sakit. Ramdam kong may tinamaang buto ang patalim. Maya-maya pa, nanghihina kong pinagmasdan ang pagdanak ng dugo sa kama.

I weakly pulled the knife out and cradled my hand. Nanginginig na ang katawan ko sa panibagong sakit na nararanasan ko. My own blood stained my white shirt.

"It's past 10:00 p.m. Alam mo naman ang ibig sabihin nito, 'di ba?"

Nurse Bruce smirked demonically and took the knife. Kumuha siya ng panyo at pinunasan ang dugo bago ibinalik sa kanyang bulsa. Para bang walang nangyari. Mahina akong napamura at sinamaan siya ng tingin, "Sa ginawa mong ito, madadamay ka rin sa parusa ng warden..."

Marahan siyang umiling.

"Si Nurse Isabelle ang nurse na naka-assign sa'yo, Asmodeus. I am just merely her assistant. Kaya siya lang ang mapaparusahan. Now, if you'll excuse me, I need to report this little 'incident' to the warden."

Matapos 'non, umalis na rin si Nurse Bruce.

Lumipas ang kalahating oras, sinapawan ng nakabibinging mga sigaw ni Nurse Isabelle ang ingay sa mga pasilyo ng Eastwood Asylum.

---

The devil whispered in my ear,

an enticing voice, a seductive ring;

She mocked my soul and reminded me,

that I am just another puppet tied with her strings.

---NoxVociferans

Continue Reading

You'll Also Like

123K 3.9K 50
FEROCIOUS The exhibiting or given to extreme fierceness and unrestrained violence and brutality. Kung malapit na ang katapusan ng sangkatauhan, mamam...
15.6K 2.3K 49
Neverwoods never die... "Save yourself, human!" Everick Neverwood is anything you want him to be---a sadist, a womanizer, an immortal crow-shifter...
55.6K 5.3K 48
Neverwoods never die... "Entertain me, human!" Evarius Neverwood can play many roles: a deadly joker, a cunning masochist, or a secretive mind-reader...
2M 32.9K 32
Psychopath Series #1 She has a genuine smile, her heart is fragile, kindness is her appearance and love is what she gives. But people take advantage...