✔Welcome to the Asylum

By NoxVociferans

18.9K 2K 227

Read at your own risk. --- Bookcover credits to @KristelJinPorazo More

Welcome to the Asylum
PROLOGUS
UNUM
DUO
TRES
QUATTOUR
QUINQUE
SEX
SEPTEM
OCTO
NOVEM
DECIM
DUODECIM
TREDECIM
QUATTOURDECIM
QUINDECIM
SEDECIM
SEPTEMDECIM
DUODEVIGINTI
UNDEVIGINTI
VIGINTI
VIGINTI UNUM
VIGINTI DUO
EPILOGUS

UNDECIM

460 70 2
By NoxVociferans

---

"IF the warden breaks the rule, she'll get fired, or worse---killed."

Natulala ako sa sinabi ni Albert. Sa hindi ko malamang dahilan, mukhang pareho silang naaaliw ni Richard sa ideyang ito. Hindi ko naman sila masisisi. Kung totoo nga ang sinasabi nila, maaaring ang batas na 'yan ang nag-iisang alas namin sa lugar na 'to.

So, if the warden doesn't punish our nurses... she'll die?

'At least now you know the warden isn't invincible, that's good news,' a voice inside my head taunted.

Sa kabila nito, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon sa nalaman ko. Ngayon nauunawaan ko na kung bakit ako pinagbantaan ni Nurse Isabelle kanina. Alam niyang obligado rin ang warden na parusahan siya sa oras na may makita silang sugat sa'kin pagkalipas ng alas-diyes ng gabi. Pero may hindi pa rin ako maintindihan.

"Sino ang papatay sa warden? I-Ibig sabihin ba nito, may mas nakatataas pa kaysa sa kanya?"

Isang makahulugang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Eyeless Einstein. Alam kong hindi siya nakakakita, pero bakit pakiramdam ko nakatitig siya sa'kin? Marahan akong napailing. I'm just being paranoid again. Malamang epekto ito ng mga gamot na ipinapainom nila sa'kin.

"Sa tingin mo, Asmodeus... sino kaya ang tumatali sa kamay ng tagapangalaga ng impyerno?"

"A-Ano naman ang ibig mong sabihin?"

"HAHAHAHAHAHAHA!"

Imbes na sagutin ako nang maayos, kumawala ang isang mahinang pagtawa sa pasyente. Isang walang-buhay na halakhak ang pumunit sa katahimikan ng hardin. Nang marinig ito ni Richard, hindi nagtagal, tumawa na rin siya at paulit-ulit na sinipa ang mga bulaklak. Sa di-kalayuan, napansin kong umiiyak na ulit ng dugo si Bloody Mary habang binubulungan ang isang rosas. Paminsan-minsan siyang sumusulyap sa direksyon ko na para bang ako ang pinag-uusapan nila.

Damn. Mga baliw nga sila.

Huminga ako nang malalim at inisip ang sinabi nila kanina. The unspoken rule. If the warden was bound to it, then that surely means someone has more power over this asylum. May mas makapangyarihan kaysa sa kanya. At posibleng ang taong 'yon ay ang---

'Shit! C-Could it be...?'

"Ang naunang warden."

Huminto sila sa pagtawa.

That was the only confirmation I needed.

Ang nagpanukala mismo ng batas na 'yon ang tumatali sa mga kamay ng kasalukuyang warden. Hindi ko alam kung bakit, pero lalo lang akong nakaramdam ng kaba ngayong naiisip ko ito. Kung ginawa niya ang batas na 'yon, ibig sabihin may pakialam siya sa mga pasyente, hindi ba?

Pagkakataon ko na ito. Baka pwede niya akong tulungang makaalis dito kapag nakita niya mismong hindi ako nasisiraan ng bait. If I could only give him proof that I'm not a lunatic, then maybe I can escape this inferno unscathed.

"Is the previous warden still here? Kailangan ko siyang makausap!"

Akmang aalis na sana ako para hanapin ang opisina niya nang hablutin ni Richard ang braso ko at marahas akong hinila pabalik. Napadaing pa ako sa sakit nang bumaon ang mga kuko niya sa balat kong puno pa rin ng sugat. Sinamaan ko siya ng tingin, "What the fuck? Let go of me!"

"Hindi yata na-diagnose ni Dr. Rabbit ang may katangahan ka rin pala. It seems like you're suffering from both insanity and stupidity! HAHAHAHA!" Humagalpak ng tawa si Richard. Nagtatago ang panganib sa likod ng kanyang malalaking mata. "Magsasayang ka lang ng pagod, Asmodeus. The old warden isn't here anymore. Bumibisita na lang siya rito tuwing katapusan."

"Katapusan?"

Sa gilid ng mga mata ko, nakita kong tumango si Albert. "He's right. The former warden is one of the founders of Eastwood Asylum. Ayon sa usap-usapan ng mga nurse, nagkaroon siya ng 'personal problems' kaya siya bumitiw sa pagiging warden. Though, he visits the asylum every last day of the month. Wala siyang tiwala sa kasalukuyan nating warden kaya siya dumadalaw. He doesn't like how she ran this place after he left."

Sandali akong napaisip. Kung ganoon, babalik siya rito sa katapusan.

Nineteen days.

I have exactly ninteen days before his arrival. Kung tutol pala siya sa pamamalakad ng warden namin ngayon at siya mismo ang nagpanukala ng unspoken rule noon para maprotektahan ang mga pasyente, malaki ang posibilidad matutulungan niya akong makalabas dito. Hindi ko na kailangang mamatay at mabulok sa lugar na ito.

Finally, a glimpse of hope.

"Tatakas ako..."

Agad akong tinitigan ng dalawang pasyente. Maging si Mary, panandaliang hininto ang pagkukwentuhan nila ng kanyang mga "anak". Namayani ang katahimikan sa hardin pero ramdam kong nakabantay sa'min mula sa malayo ang mga gwardiya. Their menacing stares sent a chill up my spine, but I paid no attention to them. Mabuti na lang at hindi nila kami naririnig mula rito.

"Tatakas ako," pag-uulit ko. Sa pagkakataong ito, mas may diin ang boses ko.

Buo na ang desisyon ko.

Hindi ko sasayangin ang buhay ko sa asylum na ito.

Tulad ng inaasahan ko, pagak na natawa ulit si Richard at pabiro akong hinampas sa balikat. May bahid ng pang-aasar sa kanyang mga mata nang ngumisi siya sa'kin, "Nakainom ka na ba ng gamot mo? HAHAHAHAHA! Wala na. Parang wala ka nang pag-asang gumaling, pre."

Alam kong anumang oras mula ngayon, bigla na namang susulpot si Nurse Isabelle para sunduin ako.

Tinabig ko ang kamay niya at inis na nagsalita.

"Damn it, Richard! I'm serious here! Tatakas ako rito sa asylum."

"You're being a very bad boy Asmodeus. Hindi ka ba natatakot sa kung anong pwedeng gawin ni warden sa'yo? You can't escape this place..." Mary stood up and spoke in a creepy tone. Her voice sounded hollow and empty, "they are always watching us."

Pinilit kong isantabi ang kabang nararamdaman ko at huminga nang malalim. Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko, pero wala na akong ibang maisip na paraan. Tinitigan ko silang tatlo at lakas-loob na nagsalita, "Tama ka. Siguro nga hindi ko kayang tumakas sa lugar na 'to nang mag-isa. But if we can work together---!"

"Work together?" Hindi makapaniwalang sabat ni Albert. He sighed and shook his head in disappointment, "I know a lot of people who are crazy geniuses, but I think you're just plain crazy, Asmodeus. Hindi basta-basta ang seguridad sa Eastwood Asylum. Imposibleng makatakas sa lugar na ito! It defies even the laws of physics!"

Namuo ang tensyon sa pagitan naming apat. Maging sina Richard at Mary, mukhang nag-aalinlangan rin sa sinabi ko. Base sa kanilang mga ekspresyon, hindi na ako magtataka kung tatanungin nila ako ulit kung nainom ko na ba ang mga gamot ko ngayong umaga.

Nakakapanghina ng loob.

'What the fuck? Ano bang problema ng mga ito?'

"Don't look at me like that," I grumbled out of frustration.

"Like what?" Richard asked.

"Don't fucking look at me like I'm some kind of madman! Hindi ako nababaliw! Wala akong ginawa para mapadpad sa impyernong ito... I-I don't deserve to be here."

Napayuko na lang ako. Tangina, ano bang nangyayari sa buhay ko?

Hindi ko na alam.

Nabigla na lang nang yakapin ako ni Mary. Natuod ko sa kinatatayuan ko. She smelled like roses, but her body was as cold as a corpse. Pilit siyang ngumiti sa akin, isang makahulugang tingin sa kanyang mapupungay na mga mata. Naroon ang awang matagal ko nang iniilagan.

"Tanggapin mo na lang ang kapalaran mo, Asmodeus. Palaging nakabantay ang warden. Itulog mo na lang 'yan, dahil sa panaginip ka na lang makakatakas sa Eastwood Asylum."

No. Damn it. Inaasahan ba nilang tatanggapin ko na lang ang kapalaran ko rito? Ang daming tanong na gumugulo sa isipan ko. Pinipilit kong alalahanin ang mga nangyari sa'kin, pero sumasakit lang ang ulo ko. But as crazy as it sounds, a part of me wanted to know the truth. Gusto kong malaman kung bakit ako nandito.

Gusto kong malaman kung totoo bang may pinatay ako.

And if I can prove to the former warden that I don't deserve to be here, then it's worth a shot.

Kailangan ko ng ebidensiya na nagpapatunay na hindi ako nasisiraan ng bait. Kailangan kong kumbinsihin ang dating warden na nagkamali lang sila nang ipinasok nila ako rito. Lihim akong napangiti. 'Kailangan kong makuha ang records ko sa opisina ng kasalukuyang warden. Tama nga sila...hindi ko ito magagawa nang mag-isa.'

Huminga ako nang malalim at kumalas sa malamig na yakap ni Mary.

Desperado na ako. Bahala na.

I will not let my soul burn in this inferno.

"Gusto niyo ba talagang mabulok dito?" Seryoso ko siyang tinitigan. "Mary, kung makakaalis tayo rito sa asylum, you can talk to your children everyday. Wala nang mga nurse na mang-aabala sa inyo. Magiging masaya na kayo ng mga anak mo. Maipapasyal mo sila sa parke at maigagala sa Eastwood. Don't you want what's best for your kids?" Walang emosyon kong tanong sa kanya.

'If I need to manipulate and lie to them, I will. Kailangan ko ang tulong nila.'

If the Eastwood Asylum wants to turn me into a monster, then a monster I will be.

"T- Talaga?"

Agad kong nakitang panandaliang bumalik ang kinang sa kanyang mga mata ng dalaga. Umaliwalas ang kanyang mukha at masiglang binalingan ang kanyang kaliwa, "R-Ria, narinig mo 'yon? Maipapasyal ko na kayo ni Roan. Maybe I can even take you to an amusement park!" Mary excitedly clapped her hands.

Bingo.

Sunod kong tiningnan si Richard na may nakakaloko pa ring ngiti sa mga labi. "May naiwan ka bang pamilya sa labas ng asylum?"

His smile faded.

"Err..."

"Ano?"

"Oo. I-I have a brother... Siya na lang ang natitira kong pamilya."

"Malamang hinihintay ka niya, Richard. Alam kong gusto mo nang makasama ng kapatid mo. You want to make him laugh and be with him, don't you? Kapag nakatakas na tayo rito, wala nang hahadlang sa'yo." Kailangan kong makumbinsi si Richard. He's an asset. Kung may nakakaalam sa mga pasikot-sikot dito sa asylum, siya 'yon.

"So...?"

For a moment, Laughing Richard looked like he was deep in thought. Hindi ko alam kung anong emosyon ang nakita ko sa kanya, pero agad din itong naglaho. Finally, he sighed and laughed at me, "Count me in! Nami-miss ko na rin ang kapatid ko. HAHAHAHAHAHA!"

Good. Now, all there's left is...

"Kung inaakala mong makukumbinsi mo ako, pasensya na, Asmodeus." Malungkot na bumaling sa'kin si Albert, "I don't think this is a good idea. Baka tuluyan na kayong patayin ng warden kapag nahuli niya kayo.  You have a 98% chance of failure."

"I have faith in that 2% chance of success, Albert... Kahit gaano kaliit pa ang posibilidad, handa kong ipusta ang kaluluwa ko. Ayokong mamatay rito. Please, you have to help us."

Umihip ang malamig na hangin na nakapagpanindig ng balahibo ko sa braso. Kasabay nito ang pangamba sa mga posible pang mangyari. Maraming kababalaghan ang nangyayari sa Eastwood Asylum, hindi makatao ang mga ginagawa sa'min, at hindi ko na kayang pagkatiwalaan ang sarili kong mga alaala.

Pero wala akong planong sumuko.

I will escape this "not-good-not-bad" place that turned out to be a den of nightmares.

Kung kailangan kong magsinungaling sa kanila at paniwalain silang isasama ko sila sa pagtakas ko, gagawin ko ito...

Plan A? Gagamitin ko sila para makuha ang records ko. Sigurado akong maipapakita nito na hindi ako baliw. Hindi ako kagaya nila. Kukumbinsihin ko ang dating warden gamit ang records na ito para pakawalan niya ako.

Just in case that doesn't work, I need a Plan B to get pass the security. At alam kong sa aming apat, si Albert ang makakatulong sa'kin para buuin ang plano...

'Pero mukhang malabo na ito.'

Kung may mga mata siguro si Eyeless Einstein, baka kanina niya pa ako tinitigan nang puno ng awa. It's a good thing he doesn't, or else I'll pull them out of his eye sockets and---

'What the fuck are you thinking, Asmodeus?'

Malapit na talaga akong masiraan ng bait sa lugar na ito.

"'In the middle of the journey of our life I found myself within a dark woods where the straight way was lost'," Albert spoke. "Sana hindi ka naliligaw ng landas, Asmodeus. Sana hindi mo ito pagsisihan sa huli. Hindi ako makikisali sa gulo ninyo."

At naglakad na siya papalayo.

Shit.

There goes my plan B.

Panandalian akong sumulyap sa bintana ng opisina ng warden. Hindi na ako nagulat nang makita ko siyang nakatayo roon habang nakamasid sa'kin. Walang-awa ang kanyang kulay itim na mga mata. Halang ang kanyng kaluluwa. Still, I bravely stared back at her. A silent challenge. Ngayong alam ko na ang kahinaan niya, gagamitin ko ito laban sa kanya. Gusto kong makaaalis dito. Gusto kong malaman ang totoo.

Higit sa lahat, gusto ko pang mabuhay.

"Aw. Too bad."

"Ano nang gagawin natin ngayon? HAHAHAHA!"

Nilingon ko sina Richard at Mary. Isang determinadong ngiti ang bumalik sa mga labi ko, "We'll talk about the escape plan."

---

I sat in the dark,

watching their madness unravel;

suddenly, I asked myself

"How can humans be this evil?"

---NoxVociferans

Continue Reading

You'll Also Like

18.3K 2.5K 50
Neverwoods never die... "Save yourself, human!" Everick Neverwood is anything you want him to be---a sadist, a womanizer, an immortal crow-shifter...
490K 30.3K 144
Once upon a time, the story never started... Snow White found herself in the most twisted situation she could ever imagine---being a slave to the Sev...
9.4M 396K 86
"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila ta...
61.1K 7.5K 73
Once upon a time, the story never started... Red Ridinghood was expecting death. But it looks like fate gave her something worse than that---being dr...