Pursuing Pat (Dawson Universi...

By hiraethelle

939K 17.3K 4.2K

whirlwind romance More

♥️
1: Snob Starbucks Guy
2: The Transferee
3: Metallica
4: A Different Kind Of Horror
5: Clumsy Girl
6: Tattooed Back
7: Red
8: Authorized Personnel Only
9: Worth It
10: Nevermind
11: Legend of the Missing Eye Cream
12: Yes, With Feelings
14: Hot Seat
15: He Said What?
16: The Trouble With Eavesdropping
17: Daing Na Bangus
18: Housewarming
19: Sepanx
20: Café Americano
21: Sunny Side Up
22: Sana All
23: Pa-raffle ni Priscilla
24: Metallica > EHeads
25: Campus Crash
26: Forget Me Not
27: Asian Penguin
28: Si Ana, si Boyet, at si Norma
29: Midnight Kisses
30: Stop the Chase
31: The Plan
32: A Change Of Heart
33: Eight
34: Mr. Chua
35: AngryPopo x papacologne

13: Afternoon Escapades

21.3K 589 133
By hiraethelle

P A T

Axl offered to drop me by my classroom after we both left the library. I know that I agreed to go on a date with him, but frankly, I still wasn't sure whether to feel nervous or excited about it.

He had both his hands inside his pockets the whole time, and we just walked together in mutual silence until we finally reached the front of the Educ building.

"Second floor?" he asked curiously, tilting his head up and eyeing the area as if it was his first time stepping foot there.

I nodded my head.

"B-Bakit?" tanong ko nang mapansin ang matipid niyang pagngiti.

Inilabas niya ang kanang kamay mula sa bulsa ng pantalon niya at saka pinunasan ang dulo ng ilong niya na tila ba nahihiya. "Ganito pala kapag naghahatid ng . . . babae . . . sa room."

"Haha. Bakit?" ulit ko. "Never mo pa ba na-try?"

Dahan-dahan siyang umiling. "Ikaw pa lang," mahinang sagot niya.

Pinigilan ko ang sarili kong ngumiti. Gusto ko pa sana siyang makausap pero natanaw ko na mula sa malayo sina Mads at Ganja kaya pinili ko nang magpaalam.

"Uhm. T-Thank you, Axl!" bulalas ko.

Mabilis akong tumalikod sa kaniya at saka dali-daling kumaripas ng takbo papasok sa loob ng building namin.

"Pat—" Narinig ko pang tinawag niya ang pangalan ko pero hindi ko na siya kinibo at tuloy-tuloy na lang na naglakad upang maunahan ang mga kaibigan ko paakyat sa itaas.

Isang minuto na akong nakarating sa room namin bago sila dumating na dalawa. Malalim ang pinag-uusapan nila at kapwa rin sila may nakakalokong ngiti sa mga labi kaya nasisiguro kong tungkol na naman sa love life ang usapan nila.

"Anong chika?" medyo hingal ko pang tanong kay Ganj na umupo sa kanan ko.

Pabiro siyang umirap habang naglalabas ng alcohol sa bag niya. "Alam mo naman 'yang friendship nating napakahaba ng hair. Every week, may bagong protégé," aniya habang nagpupunas ng kamay.

"Haha." Tawa ko. "Sino naman ngayon?"

Gusto ko sana talagang ireto si Denver kay Mads. Bagay kasi sila. Sayang nga lang at sila na pala ni Kara.

Tinaasan ako ng kilay ni Ganja bago ngumuso sa gawing harapan namin kung saan nakaupo si Mads katabi ang isa sa mga kaklase naming lalaki.

"Si Dave?" Pinandilatan ko siya.

"Yep." Nakangiting tango niya.

Lima lang ang lalaki sa section namin at isa si Dave ro'n. Anak siya ng isa sa mga pinakatanyag na loveteam noon sa bansa kaya't namana niyang talaga ang artistahing itsura ng mga magulang niya. Dahil do'n, masasabi kong siya ang pinakasikat na estudyante sa buong Educ at talaga namang maraming mga babae ang nagkakamatayan mapansin lang niya.

Base sa ilang buwang pagkakakilala ko sa kaniya ay wala naman akong nakitang hindi katuwa-tuwa. Mabait naman siya at masasabi kong matalino rin. Hindi niya naman siguro sasaktan si Mads kung sakali.

"Wow." Iyon na lang ang nasabi ko habang nakangiting pinagmamasdan ang likuran nilang dalawa. "Mads for the win."

"Haha. Mads for the win talaga!" pagsang-ayon ni Ganja.

Nagkukuwentuhan lang kaming dalawa nang mahagip ng tingin ko ang isang matangkad na aninong nakatayo sa labas ng room namin at nakamasid sa akin.

Muntik na akong mapatalon sa kinauupuan ko dahil sa gulat, ngunit napabuntonghininga na lang ako nang makilala kung sino 'yon. Wala naman kasi akong ibang kilalang estudyante ng Dawson na kasing-tangkad niya maliban na lang do'n sa isa ring kaklase niya na nakahuli sa akin no'ng School Fair.

"U-Uhm," bulong ko kay Ganja habang hindi inaalis ang tingin kay Axl. "Uhm. Naiwan ko yata 'yong ballpen ko sa library, mamsh. Babalikan ko lang," palusot ko.

"May extra akong ball—"

"Okay lang, mamsh!" pagpupumilit ko. "Babalik din ako kaagad!"

Madali akong tumayo mula sa upuan ko at saka kabadong nilingon si Axl sa kinatatayuan niya. Buti na lang at walang ibang nakapansin sa kaniya maliban sa akin. Grabe pa naman kung manukso ang mga kaibigan ko.

Matapos magpaalam ay tinalikuran ko na si Ganja at saka madaling naglakad papunta sa may pintuan. Pagkalabas ko ng classroom ay nilapitan ko kaagad si Axl at saka kinapitan ang braso niya upang hilahin siya sa dulo ng hallway.

"Axl, anong—"

"Wala akong number mo," bulong niya na tila ba 'yon ang pinakamalaking problema sa mundo.

"H-Ha?" Kumunot ang noo ko nang marinig ang sinabi niya. Sinadya niya ba talagang umakyat pa rito para lang do'n?

"Anong number mo?" ulit na tanong niya, sabay kuha sa cellphone niya mula sa bulsa ng suot niyang pantalon.

Dumaan sa likuran niya ang tatlo sa mga kaklase kong babae at lahat sila ay sigurado akong narinig ang paghingi niya ng number ko. Naramdaman ko tuloy na nag-init ang pisngi ko lalo na nang makita kung paano nila interesadong pinasadahan ng tingin si Axl.

Hindi sa nagyayabang ako, pero hindi hamak na mas pogi siya kay Dave at mas malakas din ang dating. May shortage kami ng mga lalaki sa course namin kaya hindi na ako nagulat na nakuha niya ang pansin ng mga babaeng kaklase ko.

"Uhm," bulong ko. Hindi inaalis ni Axl ang tingin niya sa akin, dahilan kung bakit tila nagsimulang lumipad sa ere ang isip ko.

Pumasok na sa loob ng room namin 'yong mga kaklase ko, pero kahit wala na sila ay nagsimula namang magdatingan ang iba pang mga estudyante sa floor namin na kapwa mga nakamasid din kay Axl at halatang naguguwapuhan sa kaniya.

Sino ba naman kasing hindi?

Matangkad siya. Chinito. Maayos pumorma.

Kahit sa malayo ay talagang kapansin-pansin na ang itsura niya. Lalo na sa malapitan dahil mukha talaga siyang binuhay mula sa isang Japanese anime o kaya ay manga.

"Axl," bulong ko. Pakiramdam ko ay nanunuyo na ang lalamunan ko sa labis na kalulunok. "Mag-usap na lang tayo mamaya. Baka kasi dumating na 'yong prof namin."

Tumango siya. "What time is your lunch break?"

Bawat segundong lumilipas ay mas lalong dumarami ang mga nagdaraanang estudyante at mas lalo kong nararamdaman ang mas lumalala pang pamumula ng mga pisngi ko.

"Siya 'yong nasa BOB no'ng Friday, 'di ba?" Narinig kong bulong ng isa sa mga babaeng dumaan.

"Siya nga yata! Kaso, wala na siya no'ng Awarding," sagot naman ng kasama niya.

"11:00," sagot ko. "11:00 - 01:00."

"Mag-jowa ba sila?"

Wala pa ring tigil 'yong mga babae sa pagbubulungan pero hindi lang sila binigyang-pansin ni Axl kahit sigurado akong pareho naman namin silang naririnig. Sa halip ay mas inilapit niya pa ang mukha niya sa akin at saka bumulong sa tainga ko, "Have lunch with me?" tanong niya.

Hindi ko na siya halos marinig dahil sa ingay ng mga nagdaraanang estudyante.

"Uhm." Apat na kaklase ko pa ang dumaan at tumingin sa amin bago pumasok ng room. "Okay," bulong ko. "Okay, sige."

Doon lang siya ngumiti at saka dumiretso ng tindig. "Sunduin kita mamaya."

"Ha? H-Hindi na." Mabilis na pag-iling ko.

Nakita ko ang maingat na pagtaas ng kanang kilay niya.

"Uhm. Magkita na lang tayo sa field," suhestiyon ko. "Doon sa bench na parati kong inuupuan. Naaalala mo pa ba?"

He tilted his head and looked at me curiously. "You don't want to meet me here?" tanong niya. "Puwede naman kitang daanan."

"Pat!" Boses 'yon ni Mads.

Sa pagkakataong 'yon ay literal na akong napatalon sa nerbiyos. Ewan ko ba, sa kakakape ko siguro ay dumadaloy na rin 'yon sa dugo ko kaya masyado na akong kabado.

Hawak ang braso ni Axl ay madali ko siyang hinila papunta sa may hagdanan para hindi kami makita ni Madeline.

"Pat!" Narinig ko pang sigaw ulit nito. "Time na!"

"Uhm." Napalunok ako. "Sige na, Axl! Kailangan ko na talagang bumalik sa loob. Magkita na lang tayo mamaya."

Tumingala ako sa kaniya at nakitang nakatingin na siya sa akin. Alam kong hindi nakatakas sa pansin niya ang ginawa kong paghila sa kaniya palayo sa classroom namin, pero tumikhim lang siya at hindi nagkomento tungkol do'n.

"Alright," bulong niya. "See you later."

Dumaan sa likod niya si Sir Ferdz at nakita ko pa itong ngumiti sa akin nang nakakaasar bago naglakad na rin sa direksyon ng classroom namin gaya ng mga kaklase kong naunang dumaan.

"See you," paalam ko kay Axl. "Uhm. Bye!" Gano'n-gano'n na lang ay tinalikuran ko siya sa pangalawang pagkakataon at saka patakbong tumungo sa room namin.

Nang makabalik ako sa loob at makaupo sa silya ko ay para na akong mahihimatay sa labis na hingal. Nag-usap lang naman kami kaya hindi ko maintindihan kung bakit labis-labis ang pagwawala ng puso ko.

"Good morning," bati ni Sir Ferdz sa unahan. "Sana all, may chupapi na inspiration for today's video," aniya habang kapansin-pansing nakatingin sa akin at nakangiti.

Natawa na lang ako. Kahit kailan kasi ay sobrang mapang-asar talaga siya.

Hanggang sa matapos ang klase ay pinag-iisipan ko pa rin kung ikukuwento ko ba kanila Mads ang tungkol sa mga nangyari sa amin ni Axl ngayong araw. Hindi ko kasi alam kung saan nanggaling ang kagustuhan ko na ilihim muna sa kanila ang tungkol sa magiging date namin at ang pagyaya niya sa akin ng lunch. I guess I just want to keep some things private for now. Harmless date lang naman, eh. Nakuwento ko na naman sa kanila ang tungkol sa mga nangyari no'ng Battle Of The Bands. Siguro naman ay hindi sila magtatampo kung pipiliin kong sarilinin na muna ang tungkol dito.

It was hard lying to them but I did it anyway.

For two weeks, in fact.

Every day, during lunch, whenever Axl and I would eat out together, I made my friends believe that I had just gone back home for a few hours. I made up a story that our house is being renovated and that my mom specifically asked me to look over the construction during my lunch break.

"Pinapagawa lang 'yong kusina," palusot ko sa kanila. "Kulang kasi sa shelf at counter space."

Naniwala naman sila sa akin at no'ng una nga ay hinatid pa ako sa labas ng campus hanggang sa makasakay ako ng taxi pauwi. Na-late tuloy ako nang 30 minutes sa usapan namin ni Axl, pero buti na lang ay naghihintay pa rin siya sa akin nang makarating ako sa meeting place namin.

"I thought you dumped me again," he said in relief when I finally walked up to him.

"Baliw." Pilit na tawa ko kahit sa totoo lang ay talagang kinakabahan ako.

Ito ang unang beses na makikipag-lunch ako kasama ang ibang lalaki na hindi si Justin. Natural lang naman siguro na ganito ang maramdaman ko.

Habang naglalakad nga ako palapit kay Axl ay talagang pinagpapawisan ako nang malagkit. Ang guwapo niya kasing tingnan lalo na at medyo nakakunot ang noo niya habang naghihintay. Siguro ay naiinitan siya dahil tirik na tirik ang araw at tanghaling-tapat.

Kinuha niya ang bag ko mula sa akin at magkasabay kaming lumabas ng campus.

Ikinuwento ko sa kaniya kung paano ako pinasakay ng mga kaibigan ko sa taxi at kung paanong binigay pa nila ang address ko ro'n sa driver. Buti na lang at hindi nainis si Kuya nang sabihin kong ibalik niya na lang ako sa Dawson after a few minutes.

"I made sure naman that I tipped him well," I told Axl. "Nakakahiya kasi naistorbo pa siya."

He was smiling at first but I noticed that he got quiet again. "Why don't you just tell your friends you're with me?" aniya habang naglalakad kami papunta sa parking building. "We're just having lunch. I'm sure they wouldn't mind."

Ilang segundo rin akong nag-isip ng isasagot.

I took one look at him just as we reached the campus gates and decided to tell him the truth. "I just want to make sure . . . you're worth introducing to them," maingat na sagot ko.

I don't go out with random guys for fun. Pumayag ako na makipag-date sa kaniya dahil alam ko sa sarili ko na gusto ko siyang makilala.

But I want to take things slow. Ayaw ko naman na ma-jinx kung ano man 'to. Isa pa, kung ikukuwento ko na kaagad sa mga kaibigan ko ang tungkol dito ay paniguradong bibigyan na kaagad nila ng kulay ang lahat at tutuksuhin ako.

Mahinang tumawa si Axl bago huminto sa harap ng isang itim na kotse. "Nakalimutan kong Educ ka," komento niya at saka ako pinagbuksan ng pinto.

"Ano naman kung Educ ako?" usisa ko.

"Parang may . . . assessment muna," bulong niya. "I need to score high to prove myself."

"Entrance exam?" Tawa ko.

I saw him cringe. "That doesn't sound right." Pigil na tawa niya. "More like . . . qualifying exam."

Isinara niya ang pinto bago naglakad sa harapan ng kotse upang makarating sa driver's side. Iniisip ko pa rin ang pinagkaiba ng entrance exam sa qualifying exam pero agad din namang nawala 'yon sa isip ko nang makaupo na siya sa tabi ko.

"Where do you want to eat, Ma'am?" pabiro niyang tanong nang makapuwesto na siya sa gilid ko.

I felt goosebumps quickly rise on both of my arms. No one has called me Ma'am before, and certainly not someone with a voice as husky as his.

"Uhm," I stammered. "K-Kahit saan."

He took me to a ramen restaurant that day. The next day, we had Chinese. And then we had pizza. And burgers. And pasta.

Minsan, siya ang namimili ng kakainan namin. Madalas ay ako.

I didn't expect to enjoy all the stolen hours we spent together especially because he is a bit aloof which is the exact opposite of my personality. For two weeks straight, we would meet in the field and drive somewhere to have lunch. It became a routine, although it didn't feel like one because I was genuinely looking forward to seeing him every day.

Axl is . . . a bit hard to get to know. I am an open book but he, on the other hand, is completely surrounded by walls. We don't talk about anything besides school—our programs, the courses we take, and pretty much our everyday struggles as college students. I'm not sure if he is being private on purpose, but I appreciate that he's not in a rush with me.

Truth be told, I'm not sure if I'm ready to start dating someone exclusively. I have only been in one relationship and that did not end well, so I am not exactly eager to jump into another one. Although I do have a strong feeling that Axl and I are heading that way.

"Puwede bang dumaan muna tayo sa amin?" tanong ko sa kaniya isang araw habang nagmamaneho siya papunta sa kakainan namin.

"Doon mo gustong kumain?" tanong niya, sabay bato ng isang mabilis na tingin sa akin.

Umiling naman ako. "Naiwan ko lang 'yong essay ko sa Creative Writing. Ngayon na kasi 'yong deadline. Ilang oras ko ring sinulat 'yon. Hindi ko pa natatapos pero ang sakit kasi sa ulo kung magsisimula ako ulit."

"What's the topic about?"

"H-Ha?" bulong ko. "Ano . . . about passion namin, gano'n. Wala namang binigay na specific na—"

"How many words do you need?"

"Minimum 3,000 words. Pero 'yong nagawa ko nasa 1,100 pa lang."

"Will you get a higher mark if you put in more words?"

"Uhm. Ewan?" Nagkibit-balikat ako. "S-Siguro?"

Tumango-tango lang siya. "I'll do it. Your class is not until 01:00, give me half an hour."

"H-Ha?" Napadiretso ako ng upo. "Hindi na. Huwag na! Nakakahiya naman."

"Come on." Ngumiti siya. "We're eating at a Teppanyaki restaurant today. It won't be quick, and you won't enjoy the experience if you're worried about your essay."

"Pero—"

"I can write essays in my sleep. Leave it to me."

Tumingin ako sa kaniya at pinigilan ang mapangiti. Kahit na tila ang yabang ng linyang binitawan niya ay hindi ko naramdaman na nagpapahangin siya sa akin o nagpapakitang-gilas.

"Okay." Iyon na lang ang nasabi ko bago humarap sa bintana at umiwas na ng tingin sa kaniya.

Gaya ng sabi niya ay dinala niya ako sa isang sikat na Teppanyaki restaurant sa Greenbelt. Buti na lang at kahit na lunch time na ay walang ibang tao maliban sa aming dalawa.

"Wow," bulong ko nang makapasok na kami sa loob. "Ang suwerte natin, nasolo natin! Ang hirap kayang maka-tsamba rito!"

Tumawa lang siya nang mahina bago ako inalalayan papunta sa puwesto namin. "Oo nga," bulong niya.

Mayroon kaming sariling private room kung saan sa harap mismo namin magluluto 'yong chef. Nagpakilala muna siya sa amin at nakipagkamay bago nag-umpisang magluto at maghanda ng iba't ibang mga putahe habang nanonood lang kami sa kaniya.

For the appetizers, hinainan nila kami ng iba't ibang sushi at sashimi. Mayroon din silang miso at nori soup na pareho rin naming nasimot.

Um-order din kami ng iba't ibang klase ng seafood at meat na lahat ay si Chef mismo ang nagluto sa harapan namin.

Shrimp, scallops, chicken, lamb, pork, beef—buong Noah's Ark na yata ay nakain namin ni Axl. Sa sobrang kabusugan nga ay para na akong maduduwal.

"You want dessert?" tanong pa niya nang makitang itinaas ko na ang puting bandera at nanlalambot na lang na sumandal sa likod ng upuan ko.

Pinandilatan ko lang siya ng mata. "Hindi ka pa busog?" tanong ko.

Pinagdikit niya ang mga labi niya at saka nagkibit-balikat sa akin. "We can share one order of ice cream if you want."

Madali akong umiling. "Ikaw na lang," bulong ko. Kahit yata tubig ay hindi na ako makakalunok. "Hindi ko na kaya."

Tumango lang siya sa akin tapos ay ibinalik na ang tingin sa menu. Napansin ko kaagad ang bahagyang pagsalubong ng kilay niya habang nagbabasa na tila ba nahihirapan siyang makapili ng sunod na o-order-in. "One wasabi ice cream, one lava cake, and . . ." Huminto siya at nakita kong bumalik sa unahang bahagi ng menu na nasisiguro kong hindi na parte ng dessert. "Two gyoza sets and a bowl of cold soba, please."

"Gyoza? Soba? Akala ko ba, dessert na?" natatawa kong tanong nang muli na niyang ilapag 'yong kopya ng menu sa gilid niya.

Tumawa lang siya at saka naglabas ng yellow pad at ballpen mula sa bag niya. "Just something to snack on while I work on your essay."

Oo nga pala. Sa sobrang abala ko sa pagkain ay nalimutan ko nang nagprisinta nga pala siya na gawin 'yon para sa akin.

Hindi na ako nagsalita at pinanood na lang siya habang sinimulan na niya ang dire-diretsong pagsulat sa yellow pad. Dumating na 'yong mga in-order niya at gamit ang kaliwang kamay ay sumusubo siya ng pagkain habang 'yong kanang kamay niya naman ay walang-tigil pa rin sa pagsulat.

Bumaba ang tingin ko sa tiyan niya at nakitang wala man lang umbok doon samantalang ako ay hindi na halos makahinga sa sobrang bloated ng pakiramdam.

May abs kaya siya?

Umiral siguro ang kademonyohan ng kamay ko at bigla na lang itong gumalaw. Buti na lang at napigilan ko ang sarili ko bago ko tuluyang nahawakan ang tiyan ni Axl.

Napahinto siya sa pagulat at saka nagtatakang napatingin sa akin.

"Uhm." Hindi ko alam ang sasabihin kaya agad ko na lang binawi ang kamay ko at nagpanggap na inuubo.

Sigurado akong namumula na ang buong mukha ko sa labis na kahihiyan.

"You have a passion for music," bulong niya sa gilid ko. "Right? You're into bands?"

Humarap ako sa kaniya at nakitang nakatingin na siya sa akin.

Akala ko ay magagalit siya sa ginawa ko pero walang bakas ng ano mang galit, inis, o pagkayamot sa mga mata niya kaya't bahagya akong nakahinga nang maluwag.

"Oo," matipid kong sagot.

"Good." Ngiti niya.

Gano'n-gano'n na lang ay kinuha niya ang kanang kamay ko at saka ipinatong 'yon sa may bandang hita niya.

"A-Axl—"

"I'm almost done," bulong niya, habang magkapatong ang mga kamay namin. "Just ten minutes more."

Hindi ko na alam ang mararamdaman.

Ang nararamdaman ko na lang ay 'yong kamay niya na nakaibabaw sa akin.

Ibinalik niya ang tingin niya sa sinusulat niyang essay at hindi na muling nagsalita. Maya-maya lang ay gumagalaw na ang hinlalaki niya sa ibabaw ng kamay ko at tila ba minamasahe ito.

Wala na namang nagluluto sa harapan namin at umalis na rin iyong chef kaya hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong pinagpawisan nang malagkit.

Bigla na lang din ay sobrang naging sensitibo ang kamay ko. Ramdam na ramdam ko ang init ng palad niya at maging ang bahagyang gaspang ng mga kalyo sa kamay niya na marahil ay dahil sa pagtutugtog niya ng gitara.

We aren't exactly holding hands. His hand is just on top of mine, so I have no reason to suddenly feel all these butterflies in my stomach.

"Done," biglang bulong niya.

Tila ako nagising sa isang panaginip at muling napatingin sa kaniya.

"D-Done?" tanong ko.

"3,192 words."

Ah . . . 'yong essay nga pala.

"Binilang mo?"

"I was counting in my head," sagot niya, bago tumayo at nag-unat.

Binitawan na niya 'yong kamay ko at saka inabot sa akin 'yong buong yellow pad niya. Maganda ang sulat-kamay niya at kaaya-aya sa mata. Hindi ko lang alam kung mahahalata ba ng prof namin na malayo 'yon sa penmanship kong tila kinalahig ng mga manok.

Hindi ko na ch-in-eck masyado 'yong essay dahil sa umpisa pa lang ay nakumpirma ko nang marunong siyang sumulat at maayos din ang grammar. Napangiti pa nga ako nang makitang gumagamit siya ng oxford comma. Nakakabilib din na naisabay niya ang pagsusulat at ang pagbibilang ng word count. Hindi ko kasi kayang gawin 'yon.

Nagpasalamat ako sa kaniya at saka inilagay sa bag ko 'yong yellow pad niya bago kami magkasabay na naglakad palabas ng private room.

"Until your next reservation, Mr. Sy!" pasasalamat no'ng butler nang madaanan namin siya.

Tumango lang si Axl nang isang beses sa kaniya bago kami tuluyang lumabas ng restaurant.

"Reservation?" tanong ko habang naglalakad kami papunta sa kotse niya.

"As you said, the place is always crowded."

"Oh, okay," bulong ko.

Nagpa-reserve pala talaga siya. Kaya naman pala walang katao-tao bukod sa aming dalawa kahit na kadalasan ay dinudumog talaga itong restaurant tuwing lunch at dinner.

Buong byahe ay tahimik lang kami ni Axl habang nagpapatugtog siya sa kotse. Nagpapababa pa kasi ako ng kinain at talagang inantok din ako dahil sa labis na kabusugan.

"Tomorrow, let's go somewhere special," he said, parking his car once we've reached the campus.

"H-Ha? Bakit?" tanong ko. Kuntento naman ako sa mga kinakainan naming fast-food at restaurant. Sobrang special na nga para sa akin ng pinuntahan namin ngayong araw.

Humarap siya sa akin bago maingat na binaklas ang seatbelt ko. Tumingala naman ako sa kaniya hanggang sa nagtama ang mga mata naming dalawa.

I surveyed his face leisurely.

It took me a while to realize it . . . but the walls that used to surround him are now gone.

I can see him.

The expression in his eyes.

The emotions in them.

I can see them now.

His eyes are so clear and they are telling me something.

Did he really put up walls? Or was I just too dense not to see through him before?

My heart is beating like crazy. Any second now, I'm pretty sure I would pass out from holding my breath for too long.

"Don't you think . . ." He licked his lips before swallowing hard, his adam's apple bobbing in his throat. "Don't you think it's time we take things to the next level?" he whispered.

Continue Reading

You'll Also Like

233K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
1K 57 4
Aiferniza Key Claramoza is a unique individual who doesn't conform to the typical social norms of being overly friendly, yet she has a strong sense o...
1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...