Nightfall (Complete)

By claudinewrites

658 175 114

Nɪɢʜᴛғᴀʟʟ (𝚂𝚃𝙰𝙽𝙳𝙰𝙻𝙾𝙽𝙴) Kiara Samantha Davidson, a girl who have a rare allergy. She's allergic t... More

Nɪɢʜᴛғᴀʟʟ (𝚂𝚃𝙰𝙽𝙳𝙰𝙻𝙾𝙽𝙴)
Characters
Prologue🖤
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
«Author's Note»
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Epilogue
Kiara's letter for Dark
«Author's Note»

Chapter 13

19 7 4
By claudinewrites

Dark's POV

   Maaga akong nagising para ipagluto si Kiara ng pagkain at i-surprise siya dahil 1st monthsarry na namin ngayon

   Umalis na din naman si ate Amber kanina para di niya kami maistorbo

   Nagluto ako ng paborito niyang pagkain at nagsulat ng letter

   Kinuha ko na din ang husky na tuta na binili ko kahapon

   Pagtapos kong i prepare lahat pumunta ako sa kwarto namin at niyakap siya saka hinalikan sa noo

   "Good morning mahal happy 1st monthsary" sabay bigay ko sa kaniya ng isang rose at chocolate dahil mahilig siya dun

   "Aww thank you happy monthsary" saka niya ko niyakap at tumayo na

   Nilapag niya muna yung rosas sa vase na binili namin kahapon at chocolate sa gilid ng kama niya saka dumiretso sa cr para maghilamos

   Dali dali kong kinuha yung husky bago pa siya makalabas sa cr

   "Surprise!" sabay naming sabi kaya natawa kami parehas

Kiara's POV

   Kinuha ko sa ibabaw ng salamin ang isang box ng sapatos dahil luma na din ang sapatos na ginagamit niya sa pag basketball pagtapos maghilamos

   "Surprise!" sabay naming sabi

   "Wow puppy" saka ko binuhat yung Siberian husky at iniabot sa kaniya yung sapatos

   "Thank you mahal" sabi niya saka halik sakin

   "Thank you din mahal" pagtapos nun inaya niya na ko papuntang kusina at tumambad sakin lahat ng paborito kong ulam

   "Tikman mo muna baka hindi masarap" saka kamot sa batok niya na tila ba nahihiya kaya napangiti ako

   Pagtikim ko sa niluto niya pinakita kong hindi ko nagustuhan

   "Sabi na dapat nagpaturo ako-" pinutol ko ang sinabi niya

   "Masarap" saka ako tumawa dahil sa reaksyon niya

   Pagtapos nun kumain ako ng marami dahil sobrang sarap ng niluto niya

   "Grabe nabusog ako" sabay himas ko sa tyan ko

   "Ako na maghuhugas" sabi niya saka sinumulang iligpit yung pinagkainan namin

    "Ako na" saka ko kinuha sa kaniya yung mga pinagkainan

   Hindi ko na hinantay ang sasabihin niya at nagsimula na maghugas ng pinggan

   Habang naghuhugas ako ng pinggan biglang nagring yung telepono ni Dark

   "Mahal si mama" tumango naman ako pero hindi siya lumabas

   "Anak" bungad ni tita pagsagot ni Dark sa telepono

   "Po? Ma"

   "Sabi ng papa mo nagka-emergency sa company natin sa Italy hindi naman kami makaalis dito sa Pampanga kung pwede daw ikaw muna pumunta" tumingin naman si Dark sakin

   "Ilang days po ba?" tanong ni Dar
 
   "2 weeks daw anak kailangan ka na daw bukas" napabuntong hininga naman si Dark

   "Sige po ma tawagan ko nalang po ulit kayo mamaya" saka binaba ni Dark yung tawag

   "Mahal-" agad kong pinutol ang sasabihin niya

   "Mahal ayos lang 2 weeks lang yun magkikita pa naman tayo" agad na sabi ko

   "Stay away from sunlight ok?" sabi niya habang niyakap niya ko mula sa likod dahil hindi pa ko tapos maghugas

   "Syempre naman magkikita pa tayo" nakangiting tugon ko

   "I love you mahal" saka niya ko hinalikan sa pisngi

   "I love you more mahal"

   "Promise di ako mambababae manlalalaki lang" natawa siya pero sinamaan ko siya ng tingin

   "Joke lang mahal eto naman di mabiro" natatawang sabi niya kaya napailing iling naman ako

~°~

   "Ayos na lahat mahal tawagan mo ko lagi pagdating mo dun ha?" sabi ko sakaniya paglabas niya sa banyo

   "Oo naman mahal magvivideo call tayo lagi gigising ako ng maaga para makausap ka" tumango naman ako

   "Kapag busy ka wag mo na kong tawagan ayoko namang makaistorbo sayo mahal" umiling naman siya

   "Kahit kelan hindi ka naging istorbo sakin mahal" nakangiting sabi niya

   "Halika ka dito" saka niya ko hinatak at inihiga sa kama kaya napaibabaw ako sakaniya

   Agad niya kong siniil ng halik na parang ayaw na niyang umalis

   "Mamimiss kita mahal" sabi niya saka ako niyakap

   Bigla namang tumahol si Spark at nagpupumilit umakyat sa kama kaya binuhat ko muna siya at tinabi samin

   "I love you" sabi niya saka ako hinalikan sa noo

   "I love you more mahal tara na baka malate ka pa sa flight mo" sabi ko sasama ako sa kanila para ihatid siya dahil madaling araw naman ang flight niya

   Magkasama kami sa isang sasakyan at sa isa naman sila mama at ate para makapagpaalam kay Dark

   Habang nasa byahe kami puro paalala lang ang sinabi ko sa kaniya

   "Nako iho magiingat ka sa Italy" sabi ni mama saka niyakap si Dark

   Pati si papa niyakap siya at pinag-ingat din

   "Hoy Dark wag kang matutukso maraming magagandang babae dun-" naputol naman ang sasabihin ni ate nang sikuhin siya ni mama

   "Hindi po ate hindi po ako titingin sa kanila" tumango tango naman si ate

   "Mahal magiingat ka dun tawagan mo ko kung may kailangan ka" bigla niya kong niyakap

   "Opo mahal tatawag ako lagi araw araw" napangiti naman siya

   "I love you always remember that" saka ako nagwave sa sakaniya

   "I love you more" kinuha niya na yung gamit niya at naglakad na papunta sa entrance ng eroplano habang lumilingon samin

   Inaantay ko siyang mawala sa paningin ko ngunit bigla niyang binitawan lahat ng gamit niya saka tumakbo papunta sakin at niyakap ako ng mahigpit

   Bigla niya kong hinalikan alam kong naiiyak na siya dahil nararamdaman ko yun

   "Don't look back please" mapait kong sabi saka siya tumalikod sakin binitbit niya na yung gamit niya saka unti unting naglaho sa paningin ko

   "Tara na ma" pinilit kong ngumiti sa kanila saka ako pumunta sa kotse ni Dark na minamaneho ngayon ni ate

   Buong byahe tahimik ako at nakatingin lang sa labas ng bintana

   "Babalik siya bunso mabilis lang yung dalawang linggo kaya mo yan" sabi ni ate habang nakatingin sa rearview mirror na nakatapat sakin kaya tumango ako

   I swear sobrang mamimiss ko talaga siya pero kailangan kong kayanin dahil dalawang linggo lang naman siyang mawawala

   Pagdating ko sa condo namin ni Dark dun ko binuhos lahat ng luhang kanina ko pa pinipigilan

   Alam ko kasing hindi siya aalis kapag nakita niya kong umiiyak sinabi niya yun sakin kagabi

   Hindi pa ko nakakaisang minuto sa pagiyak naramdaman kong dinidilaan ako sa kamay ni Spark yung husky na binigay sakin ni Dark

   Kaya tumigil ako sa pagiyak saka siya binuhat

   Laking pasasalamat ko kay Spark dahil hindi na ko naging malungkot dahil pakiramdam ko nandito pa rin si Dark

   I badly going to miss him sana mabilis na lumipas ang araw at makasama ko na ulit siya

   Goodbye is the hardest thing to do

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

105K 2.9K 56
Club Red 7. Aldrei and Ruth. UNEDITED. Wattpad version.
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
1M 35.1K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
440K 6.2K 24
Dice and Madisson