Ang Babae sa Kabilang Classro...

By juanmandaraya

19.5K 325 65

Heto na ang prequel ni Juan ng "Ang Babae sa Kabilang Pinto" Tunghayan ulit ang love story ni Juan na hindi m... More

Ang Babae sa Kabilang Classroom
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Final Chapter

Chapter 23

502 11 0
By juanmandaraya

“Wala, olats. Pang-third lang tayo.” Si Ada. Kasalukuyan kaming magkaharap na namumulutan ng French fries sa kalapit na fast food. Break time.

 

            “Ganun? Bakit?”

            “Third tayo sa basketball, second lang sa volleyball tapos yung cheering squad zero.”

            “Zero?”

            “Talo, ano pa nga ba?”

            “Kala ko ba kumuha sila ng dancer para dun?”

            “Oo nga. Ayun, nagmukhang sayaw yung resulta. Pang special number.”

            Napailing ako. “Tsk tsk tsk…kung andun lang ako e di sana champion tayo sa basketball. Malamang second tayo nun.”

            “Wow ha? Superstar ka pala e. Asa. Sisihin mo yang pota-potassium mo.”

            “Tsss…wag ka na.”

            “Oy loko ka seryosohin mo yan. Next time na umatake yan, delicates ka.”

            “Hindi yan, sus. Ako pa?”

            Nilagok muna nito ang Coke bago nakapagsalita. “Oo, ikaw pa. Ikaw pang nag-iinom at nagpupuyat, tsss…puwede naman kasi matulog ng maaga. Ano ba pinaggagagawa mo at madaling-araw ka natutulog? Don’t tell me natuto ka na rin mag-drugs?”

            “Drugs pala e. Praning ka pala e. Pan-date nga wala akong budget, droga pa?”

            Nangiti siya. Pinagpatuloy ang pamamapak ng mamantikang patatas.

            Nag-check ako ng cellphone. Walang text. Kanina ko pa binabantayan yung text ni Lyla. Sabi kasi niya magte-text siya pagkatapos ng klase nya. Anong oras na, tsss.

            “Di ba sabi mo may manliligaw ka na?”

            Tumango lang siya.

            “Asan na? Ano na balita? Kayo na no? Talaga naman…di man lang nagkukuwento ang bata…”

            “Tumigil ka nga, anong kami na? First date pa lang e, kami na agad? Ano naman akala mo sa bestfriend mo, just-just?”

            “Just-just?”

            “Basta-basta!” sabay tawa. Tumalsik tuloy sa kamay ko yung nginunguya nyang fries. Di ko naiwasan sa sobrang bilis. Nagkatawanan kami. Napatingin tuloy yung mga nasa tabi namin.

            “Kadiri naman ne’to!”

            “Uy sori! Sori!” natatawa pa rin sya habang pinupunasan niya ng tissue yung kamay ko.

            “Magdyo-joke ka tapos ikaw rin matatawa. Sira-ulo ka talaga. Okey na yan.” Awat ko sa kanya.

            “Sori, di ko napigilan e.”

            Inamoy ko yung kamay ko. “Yuck ang baho! Amoy panis na laway!” sabay tawa.

            “Yabang mo a!”

            “Joke lang, hehe.” Nilagok ko muna yung pineapple juice. “Ano na? Nag-date na pala kayo di ka man nagkukuwento?”

            “Boplaks, kaya nga kita nilibre dito kasi nga ikukuwento ko. Atat ka rin e.”

            “Malay ko ba.”

            Nagpunas-punas muna siya ng daliri, uminom ng Coke saka sumandal. Medyo sumeryoso. “Basted, best.”

            “Ganun? Basted agad? Bilis naman? First date nyo pa lang di ba? Kelan ba kayo nag-date?”

            “Nung Linggo lang.”

            “Aaaaa…okey. Kaya pala di nagpaparamdam ang bata. Bisi-busy-han. O tapos? Pano kayo nag-date? San kayo nagpunta?”

            “Simba muna kami sa Columban. Tapos kumain sa Jollibee. Naglakad-lakad kami. Kuwentuhan. Dapat pupunta kami ng Baywalk kaso tinamad. Ayun, bagsak namin sa Volunteers.”

            “Yuck, Volunteers. Ang sweet a? Sa harap ng ilog?”

            “E ano naman?”

            “Wala. O, tapos? Ba’t mo binasted?”

            “Di ko pa binabasted. Di pa niya alam na basted na siya. Di pa kasi kami nagkikita.”

            “Pero magka-text kayo?”

            Tumango lang siya.

            “E ba’t di mo sabihin sa text?”

            “Nahihiya ako e.”

            Napasandal na rin ako. Dinila-dilaan ang mga asin sa daliri. Medyo natatawa sa facial expression niya. Parang timang na kawawang bata. “Ba’t ka nahihiya?”

            “Di ko kasi alam kung pano ko sasabihin.”

            “A, okey. Sabagay. Mahirap nga yan. Asahan mo na sasama loob nun. Tapos isusumpa ka. Kakalat sa campus yung date nyo. Syempre magiging topic yung lalake. Pag naging topic yung lalake, tatawanan siya ng mga babae. Tapos, masisiraan ng bait yung lalake. Pag nasiraan na siya ng bait, baka mag-drop na siya sa kahihiyan. Pagka-drop niya, saka ka niya ipapakulam. Kukulot yang buhok mo, tutubuan ka ng tagyawat sa ilong, mga lima, sabay-sabay. Tapos magkakapigsa ka sa puwet, tatlo. Lalagnatin ka na parang may dengue hanggang sa mangayayat ka, pero lolobo ang tiyan mo. Tapos…”

            “Tumigil ka na nga! Isa ka pa e! Kaya nga kita nilibre para i-comfort ako e, tapos mang-aasar ka pa!”

            Natawa ako. “Joke lang, di na mabiro. Teka nga, sino ba kasi yan?”

            Di siya nakasagot. Binaling ang ulo sa bintana. Umiwas ng tingin sa’ken.

            “Huy! Sagutin mo yung tanong ko…”

            “Wag na. Basted naman e. Di na importante yun.”

            “Tingnan mo ‘tong batang to, magkukuwento lang, di pa kumpletuhin. Pag ako naman, detalyado. Tapos pangalan lang, nagpakilala ka na ng ugali. Huuu…wala. Ganyanan na.”

            “Drama mo a? Yun lang e.”

            “Yun nga lang di mo pa masabi. Sino ba kasi yun?”

            Bumuntong-hininga muna siya bago nakasagot. “Si Jobert…”

            Tang-ama, tama ba narinig ko, si Jobert?

            “Si Jobert???”

            Di siya nakaimik. Kibit-balikat na nakatingin pa rin sa bintana.

            “Teka, lilinawin ko lang a? Si Jobert-angas na nakaaway ko?”

            Tumango lang siya.

            Napabuntong-hininga ako ng wala sa oras sabay patong ng dalawang kamay ko sa ulo. Di ko alam ang ire-react. Sa dami-dami kasi ng puwedeng manligaw kay Ada, si Jobert-angas pa.

            Hindi kasi maganda history namin sa campus. Badtrip kasi siya. Panira ng performance namin last year. Acquaintance nun, tumutugtog kami sa Hard Rock kasama ng dating Glee club. E nakainom ata ang puta, bigla na lang kaming binato ng basang tissue! Mabuti na lang naharang ko yung gitara ko, kun’di sapul ako sa mukha! Di ko muna pinansin. Pagtapos ng tugtog, saka ko siya sinugod. Pero di naman kami nagpang-abot, andun kasi yung dean. Minura-mura ko lang naman. Inawat ako nila Ada pati ng ibang club. Maaga tuloy ako umuwi sa sa badtrip.

            Hanggang ngayon, badtrip pa rin ako sa kanya. Kung tutuusin, puwede ko siyang sapakin everytime na magkakasalubong kami. May record lang ako kaya umiiwas ako sa gulo. Mahirap na, baka ma-kickout pa ko. Dati pina-fuck you ko siya pag nagkikita kami sa baba. Di naman siya makapalag, puro jologs din naman kasi mga tropa niya. Hanggang ngayon badtrip pa rin ako sa kanya. Umiiwas na siya sa’ken pag nagkakasalubong kami. Buti nga wala siya ng acquaintance.

            “Okey, okey, pagpalagay na nating nakalimutan ko na yung ginawa niya, sige. Sa dami ba naman ng tatanggapin mong manliligaw, yun pa?”

            “Ano magagawa mo, crush ko?”

            “Ha??? Crush??? Seryoso ka??? Kelan pa???”

            “Ewan ko nga e. Basta naging crush ko na lang siya kahit medyo maangas. Nito lang namang prelims yun. Magkaklase na kami. Di ko nga alam ba’t nakarating sa kanya na crush ko siya. Ayun, bigla na lang niyang kinuha number ko. Tapos inaya ako kumain sa labas. Nung una di naman ako pumayag, baka kasi joke-joke lang. E makulit. Syempre, crush ko e, so pumayag na ko.”

            “Landi mo rin e no? Best a, naninibago na ko sa’yo a. Parang nagi-iba ka na. Sabi mo sa’ken dati ayaw mo sa mga maaangas. Tapos si Jobert lang pala katapat mo. E dati nga galit na galit ka rin dun. Tapos all of a sudden, manliligaw mo na? Ano nangyari sa’yo? Tsaka ano ba nagustuhan mo sa sira-ulong yun?”

            “Weakness ko kasi long hair. Kaw naman parang di mo alam yun.”

            “Alam ko. E di crush mo rin ako, ganun?”

            “Kapal mo a!”

            “Baka nga naging close lang tayo kasi long hair ako. E kung magpakalbo kaya ako, bestfriend pa rin kaya tayo?”

            “Tumigil ka nga! Di naman yun yung isyu e. Ako ‘tong nagdadarama, agaw-eksena ka naman. Tulungan mo na lang kaya ako, no?”

            “Okey, fine. Pambihira naman kasi, dami-dami namag puwedeng manliligaw e…”

            “Tama na, okey? Kokotongan na kita e…”

            “Ano ba kasi magagawa ko dyan, di naman ako yung niligawan? Di naman ako yung mambabasted? Tsaka teka nga, ba’t mo ba kasi babastedin, bukod sa pagiging maangas ng lalaking yun?”

            “Ewan ko, ang boring kasi kausap.”

            “Tapos?”

            “Yun lang. Parang non-sense kausap.”

            “Tapos ikaw, may sense, ganun?”

            “Di naman sa ganun, kulit mo din e. Alam mo yun, yun nasayang yung isang oras namin na wala mang lang kaming napag-usapang maganda? Something interesting. Grabe, ako pa yung nagi-interview sa kanya, which is dapat siya yung nagsasalita, kasi nga, hello? Manliligaw nga e!”

            “So ano lang ginawa nyo dun? Nag-abang ng sirena?”

            “Ewan ko ba dun. Bahala na siya.”

            “So, ang gusto mo sa lalake, yung may sense kausap, kahit mukhang alien, ganun?”

            “Hindi naman, grabe ka! Kaw talaga, puro ka kalokohan? Ang laki ng naitutulong mo a? Salamat, bestfriend nga kita!”

            Kunwaring babatuhin ko sya ng tissue, saka ako nagsalita. “Okey, seryoso na. Well, tutal ako naman ang tinanong mo, bilang lalake e sasama talaga loob nun pag nalaman niyang basted pala siya. Sino ba naman ang matutuwa sa ganun, di ba? Masasaktan talaga yun, lalo na pa umaasa na ata kasi pumayag ka makipag-date…”

            “Malay ko ba naman kasi…”

            “Di pa ko tapos e, nagre-react ka kagad e.”

            Nangiti siya. Inayos-ayos ang pagkakatali ng buhok. “Sori, sige tuloy mo na…”

            “Ayun nga, pumayag ka kasi. Malay natin na umaasa na siya, OR, malay natin kung seryoso ba talaga siya sa panliligaw niya. Baka nanti-trip lang yan. Magte-take advantage lang sa’yo kasi nga alam niyang crush mo siya. Lam mo naman kaming mga lalake, mapagsamantala.” Sandali akong napatigil sa kati ng lalamunan. Medyo napaubo. “Well, sa tingin ko mas okey ng sabihin mo agad.”

            “Pano nga, di ko nga alam dialogue ko?”

            “Pambihira naman pati ba naman sasabihin mo ako pa rin mag-iisip? As if naman babae ako no? Di ko pa na-experience mambasted. Ganda mo kasi…”

            “Mag-isip ka na, dami pang intro e!”

            Pusang-gala talaga ‘tong batang ‘to, pati dialogue niya ako pa magi-isip! E paulit-ulit lang din naman naman litanya nila pag di nila gusto yung manliligaw:

            “Sorry ha, stricts parents ko e…” all time favorite.

 

            “Sorry, may boyfriend na ko e…” kahit NBSB naman.

 

            “Sorry ha, bawal pa ko mag-boyfriend e. Pagka-graduate na lang, kung gusto mo…” asa pa!

 

            “Puwedeng friends na lang?” kahitiiwasan na niya habambuhay.

 

            “May iba akong gusto e, sorry…” kahit hindi siya gusto ng gusto niya.

 

            “Di pa ko ready sa commitment e…” kahit kaka-break lang nila ng dyowa niya.

            Paulit-ulit lang yung reason, paulit-ulit lang din yung reaction naming mga lalake. Ni minsan, wala pa kong nabalitaang na-basted dahil nagsabi ng totoo yung babae. Yung total honesty.

            “Ayoko sa’yo, wala kang pera!”

 

            “Duh, hindi ka naman gwapo, ba’t ako mapapaligaw sa’yo? As if may abs ka?”

 

            “Cute mo sana, kaso ang baho ng hininga mo. Toothbrush ka muna, okey?”

 

            “Di kita type e, sorry. Pero ilibre mo pa rin ako sa Mcdo ha?”

 

            “Babae type ko e, sorry…”

 

            “Ang baduy-baduy mong pumorma e. Mag-ayos ka muna…”

 

            “Boring ka kasi kausap kayo ayaw ko sa’yo, okey?”

            Ewan ko ba sa utak ng mga babae. Kala nila porke nice yung pagkakasabi ng rejection nila, okey na. Either way, masasaktan pa rin naman kami. Basted nga e. Syempre sampal sa’ming mga lalake yun! Pero wala ng mas sasakit pa sa nagpa-asa. Ay pusang-gala, ang sarap sabunutan ng ganung babae hanggang sa makalbo! Yun bang inabot na ng tatlong pasko at birtdey, ilang stuff toys at kilong chocolate na yung nabigay, ilang sine at katakot-takot na effort na yung na-invest---sa huli, wala ka pa lang mapapala?! Di ko alam kung mapagsamantala lang talaga o grabe magpa-asa! Kaya nga mas okey na yung sa una pa lang, i-reject na para di na umasa. Pero bilib ako sa mga hindi sumusuko kahit sobrang harsh na ng nililigawan, kahit harap-harapan ng pinapahiya. May quota ata sa pagka-basted. Go lang ng go kahit mukha ng tanga at pinagmumukha ng tanga. Minsan ang ending, sasagutin lang dahil sa awa. Siguro naka-pitong basted muna. Pero pagkatapos ng isa o dalawang monthsary, ibe-break din. Sinubukan lang daw kung magwo-work. Ang sakit lalo. Nagsimula sa rejection, nabigyan nga ng chance, ending, termination. Walang pagkakaiba.

            “Ano na?” tanong ni Ada habang naglalagay ng alchohol sa kamay.

            “Ba’t di mo na lang kasi aminin na boring siya kausap kaya ayaw mo na sa kanya?”

            “As if naman madaling sabihin yun…”

            “Sabagay. Haay…babae nga naman. Okey, ganto na lang. Iwasan mo na lang siya. Ignore mo lahat ng text. Hanggat maaari, wag mo na kausapin. Mararamdaman naman niya yun. Pag nagtanong, sabihin mo busy ka. Basta, magdahilan ka na lang. Pag nag-aya ulit lumabas, mag dahilan ka na lang ulit. Basta, yun. Titigil din yun pag nahalata na niyang umiiwas ka. Unless, makulit siya.”

            “E kung mangulit?”

            “Nasa sa’yo na kung makukulitan ka.”

            “Haay…bahala na nga. Pero infairness a, okey din yung naisip mo. Medyo playsafe. Salamat ha? May silbi ka rin pala…”

            “Ang bright-bright ko e, nagtaka ka pa…”

            “Yabang!”

            Tinuro ko yung natitirang fries. “Di mo na ba kakainin yan?”

            “Kainin mo na, busog na ko.”

            “Himala, bilis mo mabusog.”

            Nag-text na si Lyla. Sn k? Dto ko s bba.

            On d way n jan. Dto kmi mcdo ni ada. Reply ko.

            “Tara na.” yaya ko.

            “Let me guess, nag-text si Lyla no?” inayos-ayos na rin nito yung dala-dalang bag.

            “Ano pa nga ba? Okey na?” tumayo na ko.

            “Tara na, papasok na rin ako.” sabay angkla sa’ken pagkalabas namin ng pinto. “Thanks best. Atlis alam ko na gagawin ko ngayon.”

            “No problem, basta libre mo ko ulit.”

            Bigla akong pinitik sa tenga. “Kapal talaga! Ako naman ilibre mo. Puro na lang si Lyla!”

            “Selos ka, ganun?”

            “Hindi no? Bestfriend ako, walang karapatang magselos…”

            “Nagi-emo na naman siya…”.

            “Nye-nye...”

            Malayo pa lang tanaw ko na si Lyla. Nakapayong. Hindi gaanong seryoso ang mukha. Medyo good mood ata.

            “Sige best akyat na ko.” nginitian at kinawayan nito si Lyla na sinagot din ng kaway. Dire-diretso na siyang umakyat pagkapaalam.

            “Break time?” tanong ko.

            “Oo. Kumain ka na pala, wala rin akong makakasabay.”

            “Fries lang naman kinain namin. May problema lang kaya nanlibre siya.”

            “Ano daw problema niya?”

            “Yung manliligaw niya. Di niya alam kung pano babastedin.” Naglakad-lakad na kami pero wala pang destinasyon. “San ka kakain?”

            “San ka ba nagla-lunch?”

            “Dun sa likod ng terminal…” sabay turo sa likod.

            “Sige, dun na lang.”

            “Okey lang sa’yo dun? Medyo maliit lang yung puwesto nun, baka di ka maging komportable.”

            “Okey lang, para maiba naman. Walang masarap sa canteen e.”

            Naglakad na kami papuntang kainan. Sana konti lang estudyante para di hassle.

            “Ikaw, pano mo ba sasabihin sa manliligaw mo na di mo sya type?”

            “Wala naman. Di ko pinapansin. Iniiwasan ko.”

            Sabi na e! Tama advice ko kay Ada!

            “E ba’t di mo na lang sabihin yung totoo?”

            “Matutuwa ka ba pag sinabi yung totoo?”

            Nga naman.

            “Syempre hindi.”

            “That’s the point. Hindi porke honest ka e okey na.”

            “So, basted pala ako kasi iniiwasan mo ko nun?” biro ko. Sana di siya ma-offend. Gutom pa naman ata. Buti na lang medyo ngumiti.

            “Nagsisimula ka na naman Juan Carlos Punzalan…”

            “Joke lang, to naman.”

            Mabuti at tatlong customer lang ang naabutan naming kumakain. Mga driver at konduktor ata. Seryosong nakatingin lang si Lyla sa mga ulam na naka-display. Parang hindi niya type yung menu.

            “Mam, Ser kain na kayo…” bati ni Ate Rose sa’min. Nakangiti sya. Parang gusto niyang sabihin sa’ken na sa wakas, babae naman ang kasama ko.

            “Lipat tayo?” bulong ko kay Lyla na nakatingin pa rin sa mga ulam.

            “Hindi, okey na dito.”

            “Sure?”

            “Ate magkano yung menudo?” di na ko pinansin.

            “Trenta lang po ma’am, puwede rin kalahati lang yung order.”

            “Sige yan na lang, tapos isang rice.”

            “Sa inyo ser, ano pong ulam?”

            “Dating gawi…” dalawang kanin tsaka kalahating kalderetang baboy at kalahating order ng munggo yung tinutukoy ko. Napatingin naman si Lyla sa’ken. Ngumiti lang ako. Kumuha na kong kutsara’t tinidor at dalawang baso. “San tayo?”

            Tinuro nito yung bakanteng mesa malapit sa kuhanan ng tubig.

            “Sige ako na magdadala.” Sabay kuha ng tray. Inabot naman nito yung pera, pero tinanggihan ko.

            “Kuhanin mo na kung ayaw mong magalit ako sa’yo.” Pero di naman galit yung tono niya. Ano pa nga bang magagawa ko?

            Pagkaalis ni Lyla, nakangiting bumulong sa’ken si Ate rose habang nagsasandok ng kanin. “Nobya mo?”

            “Hindi po. Nililigawan pa lang.”

            “A, hehe. Maganda siya. Suwerte ka diyan. Tsaka mukhang mayaman. Kaso parang mataray.”

            “Di naman po. Magkano lahat?” habang inaayos ko yung mga pagkain sa tray.

            “Wan handred ten lahat ser…” sabay abot ko ng pera.

            “Matagal ka na bang kumakain dito?” tanong ni Lyla sa’ken habang nililipat ko yung mga pagkain sa mesa.

            “Medyo. Nitong prelims lang din. Dati dun ako kumakain,” tinuro ko yung kainan malapit sa terminal ng dyip, ilang hakbang ang layo sa puwesto namin.

            “Ba’t lumipat ka?”

            “Iba na yung may-ari. Di na masarap. Tsaka mahal.”

            “A, okey.” Pinunas-punasan nito ng tissue yung kutsara’t tinidor.

            “Sa canteen ka lang ba lagi kumakain?”

            “Minsan. Madalas naman kasi nagbabaon ako. Minsan papalit-palit lang yung Chowking, Jollibee tsaka Mcdo. Depende pag no choice. Di ko naman kasi alam na may kainan dito.”

            “Now you know…”

            Ngumiti lang siya.

           

            “Madalas ba kayong kumain sa labas ni…Ada?”

            Tinapos ko muna yung nginunguya ko bago ko nakagsalita. “Medyo…pag trip namin kumain ng fries. Palitan lang kami kung sino manlilibre.”

            Tumango lang siya.

            “Ba’t mo naman natanong?”

            “Wala naman. Natanong lang.”

            “Okey…” nagpatuloy na ko sa pagkain. Inalok ko siya ng ulam ko, pero tumanggi siya.

            “Di ko mauubos ulam ko, bawasan mo na rin.” sabi niya. Napansin ko ring di niya kinakain yung pasas.

            “Di ka kumakain niyan?” tinuro ko yung pasas.

            “Hindi, gusto mo ba?”

            “Hind, okey lang. Ba’t ayaw mo?”

            “Di ko lang gusto yung lasa.”

            “Ahhhh…okey.”

            Tapos na ko kumain, pero hindi pa rin tapos si Lyla. Pinapanuod ko lang siya kumain.

            “Ang bagal ko ba?” tanong niya.

            “Hindi, okey lang. Mabilis lang talaga ako kumain. Take time, maaga pa naman.”

            “Anong oras ba klase mo?”

            “One-thirty pa. Ala-una pa lang naman.”

            Di na siya umimik.

            “Yung sukli mo pala…” sabay abot ng pera. Lumakad na kami pabalik sa school. Umistambay malapit sa pinto. Di muna kami umakyat.

            “Salamat…”

            “Champion pala kayo, congrats.”

            Ngumiti siya. “Wala naman akong naitulong dun. Anyway, musta na pakiramdam mo?”

            “Okey naman na. Parang walang nangyari.”

            “So, puwede ka pala sa sabado?”

            “Punta ulit ako sa inyo?”

            Napangiti ulit siya. Pero this time, mas maaliwalas na yung mukha nya. “Hindi, ako naman ang magyayaya kumain sa labas…”

            Ayoko ma-obvious, pero di ko mapigilang ngumiti ng sobra. As in, umaatikabong ngiti! Di na naman ako mapakali. Nae-excite na naman ako sa sabado. Thank you Lord! Senyales na ba to?

            “Seryoso ka?”

            “Mukha ba kong nagbibiro? Unless, may iba kang lakad, next time na lang…”

 

            Wala akong lakad! Cancel lahat ng lakad kung meron man! Hahaha!

            “Di naman ako busy nun kaya puwede ako.”

            “Good. Same time, same place.”

            “Tanong lang, anong meron?”

            “Pupunta ka ba o hindi?” medyo mataray yung boses niya.

            “Sorry, taray naman. Pupunta ako syempre, ikaw pa? Sobrang lakas mo sa’ken.”

            Ngumiti na siya ulit.

            

Continue Reading

You'll Also Like

20.9M 514K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
11.3M 482K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
121K 5.7K 44
Rival Series 3 -Completed- Book cover by: Rosehipstea