Final Chapter

848 17 3
                                    

Nakakailang tagay na ko, pero parang malayo pa ang dalaw ng espiritu ng alak. Ilang bote na ang natutumba, ilang subo na ng pulutan at halos maka-isang kaha na sila ng yosi, pero ayos pa rin ang paningin ko. Nakakapanibago. Gusto kong mabasag sa alak. Kahit ngayon lang.

 

                Inaya ko ang buong banda na mag-inom, pati na si Rica. Walang tumanggi. Alam nilang bibihira akong mag-first move pagdating sa inuman. At pag ganun na ang siste, alam na nilang may problema. Wala pang isang oras, kumpleto na kami kila Tuds.

                Pero ang totoo, wala naman talagang problema. Siguro. Nami-miss ko lang talaga siguro mag-inom. Parang si Lyla. Nami-miss ko na din. Ayaw ko man siyang isipin, pero maraming bagay ang nagpapaalala sa kanya. Kahit itong baso ng alak na hawak ko ngayon, ayaw na ayaw ito ni Lyla. Simula ng maging kami, madalas na kong absent sa inuman session. Naintindhan naman ng tropa. Pero siyempre, may mga pagkakataong kelangang magsinungaling, sa ngalan ng uhaw na atay. Dahil wala na rin namang maninita at magbabawal, bumalik ako sa dating bisyo. Hindi  kasali ang yosi.

                Ang totoo, hindi hangover o pagta-transform na maging war freak ang habol ko sa inuman. Mahirap man intindihin ng iba, pero yung samahan at social connection ang totoong nabubuo sa isang session. Hindi na counted ang pagsuka, pag-ihi sa pader, paglanghap ng usok ng yosi at pagpapak ng pulutan. Totoong merong happenings at happiness ang simpleng inuman, mapa-sosyal man ang alak o hindi. Ano't ano man ang nakahain sa mesa, basta merong gitara at 'matalinong debate', masaya na ang ambiance. Dito mo kasi nailalabas ang laman ng utak mo, pati na ang pagiging emo. Puwede kang magmura, tumawa ng tumawa, maglabas ng sama ng loob at maging instant-henyo kahit sandaling oras. Yan ang mga kombinasyong eksena na madalang na madalang mong magagawa kapag normal ka. Para bang alak ang susi ng espiritu ng bawat tanggero upang ilabas ang tunay na pagkatao ng isang manginginom. Magiging palatawa at palabiro ang seryoso, magiging madaldal ang tahimik, green minded ang mga conservative at kupal ang mga kunwang matitino. Instant transformation.

                Mas maraming panget na image ang pag-iinom kahit ikatwiran ko pang meron din (kahit papano) advantages. Istorbo sa kapitbahay. Gastos. Puyat. Hangover. Health complication. Suntukan/saksakan/patayan. Kung mamalas-malasin pa, may mabubuntis. Pero gaya ng sabi ko, meron at meron din namang advantages ang pag-iinom. Puwede kang makakuha ng panibagong set of friends dahil lang sa pakikisama sa daloy ng tagay. O makahanap ng bagong pag-ibig. Maging masaya kahit walang-wala. Makalimot sa problema. Ma-stress out. Makapag-unwind. Makapagreklamo sa gobyerno, o kahit sa personal na buhay. Higit sa lahat, makatulog ng maaga. Solve ang problema ng mga insomniacs.

                Hindi mo puwedeng sisihin ang alak ano't ano man ang panget na side effect sa'yo. Sarili mo din naman ang kalaban mo dahil unang-una, hindi alak ang mismong nag-recruit sa'yo para gumawa ng masasamang bagay. Tinulungan ka lang niyang ilabas ang tinatago mong secret identity, at nasa sa'yo na yun kung paano mo sisirain ang pagkatao mo. Hindi nagkulang sa paalala ang mga commercial sa media na maging responsable sa pag-inom. Dapat maintindihan ng lahat na hindi kabawasan sa pagkatao ang pagtanggi sa tagay, lalo pa kung hindi na kaya at wala ng space sa bituka. Ang pagiging dare-devil dahil sa alak ay hindi magandang eksena pagtapos ng inuman, ano man ang nainom o trip sa buhay. Katawa-tawa ka ngayon, bukas nakakahiya ka na. Walang kasalanan ang alak. Sariling ego at pride ang sisihin mo.

*             *             *

"Kelan daw balik nya?" Si Archie habang naglalagay ng yelo sa pitsel. Si Lyla ang tinutukoy niya.

                "Di ko alam. Yaan mo na siya."

                "Hindi niya sinabi kung kelan siya babalik?"

Ang Babae sa Kabilang ClassroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon