Chapter 5

660 10 8
                                    

Uwian na. Isang araw na naman ang nakalipas. Walang nakaplanong gimik o anumang session kaya malamang e diresto uwi na rin ako. Nasa meeting sila Alesi at King kasama ng ilang mga organizer ng acquaintance party kaya wala ding practice. Okey lang, makauwi lang din ng medyo maaga.

            “Ano p’re sama ka?” tanong ni Bryan sa’ken habang naglalakad.

            “Sama sa’n?”

            “Shot kami nila Kevin sa bahay nila.”

            Tsk tsk tsk…kala ko wala ng gala. “Sige kayo na lang. Di ko rin ka-close yung mga yun e.”

            “Putsa naman ‘to ang korni! Parang chicks a? Nakasama mo naman dati sa sportsfest sila Kevin di ba?”

            Alam ko, pero hindi pa rin kami close. “Kayo na lang. May inuman din sa bahay. Birtdey ng tropa.” Makagawa lang ng alibi. Baka sila-sila lang din mag-usap-usap dun. Tsaka ang alam ko, medyo malayo ang bahay nila Kevin.

            Humina ang boses niya. “Kahit kasama si Karen?”

            Bahagya ako napangiti sa narinig. May dalang tukso ang pangalang Karen sa’ken. Dati ko ng pangarap na maka-jamming si Karen, kahit sa inuman man lang. Eto na yung pagkakataon na yun, pero bakit parang wala ako sa kondisyon. “Weh? Hindi nga?”

            Umakbay siya sa’ken. “Yan ang sinasabi ko sa’yo e. Lam ko namang malakas ang tama mo kay Karen kaya alam kong sasama ka rin. Tsaka hindi lang si Karen ang nandun. Madami pang chicks. As in chicks pare!” tuwang-tuwa siya na parang nagse-sales talk.

            Wala na. Nalito na ko. May sa demonyo talaga minsan ang dila nito kaya minsan napapaisip na lang ako kahit hindi naman dapat.

            Gusto kong sumama dahil kay Karen. Ayoko, kasi malayo at baka dehado ako pag uwian. Baka madyaryo ako ng wala sa oras. Alam kong basagan ang inuman nila Kevin kagaya nung huling nakasama ko sila pagtapos ng sportsfest. Umuwi akong hindi ko kilala ang sarili ko. Sa sobrang bangag, sa labas ng bahay ako nakatulog. Maghapon akong nakahiga kakasuka. Parusa talaga.

            Umupo muna kami sa bakanteng bench bago siya nagpatuloy. “Ano p’re? Sama ka na? Tangina minsan lang yun, sige ka!”

            Nakapagdesisyon na ko, hindi ako sasama. “Sige kayo na lang. Birtdey nga kasi ng tropa. Naka-set na yun e. Baka magtampo pa sa’ken yung mga yun.”

            “Inang yan…e di alis ka ng maaga para makasunod ka sa kanila. Ano na?”

            “Kayo na nga lang. Next time na lang pre…”.

            “Sure ka?” tumayo na siya na parang nagmamadali. Tumango lang ako. Matapos ang pamamalaam na suntok-kamao, dali-dali na rin siyang umalis. Naiwan akong medyo nanghihinayang. Pero wala talaga ako sa mood gumala-gala kaya okey na rin sigurong manahimik muna.

Ang Babae sa Kabilang ClassroomWhere stories live. Discover now