Chapter 12

600 11 2
                                    

Pagod na ko. Kagagaling ko lang ng praktis para sa gig mamaya kaya halos kararating ko lang dito sa resort. Ngayon naman, set-up ng instrumento para sa party. Mag-a-alas kwatro na kaya kelangan ng pasadahan ang line up ng kanta. Mahirap na baka magkapaan pa kami ng gamit mamaya.

            Okey din naman ang venue. Resort na malapit sa Subic kaya yung pagdarausan ng party e halos ilang metro lang ang layo sa dagat. Sinakto sa attire na pang-hawaiian. Ang kaso, medyo makulimlim. Parang anytime babagsak na ang ulan. Mukhang giginawin ang mga maglalakas-loob magpakita ng laman mamaya. Goodluck na lang talaga. Pero ako, as usual, kelangan kong magmukhang rakstar. Pake ko sa Hawaiian-hawaiian na yan! Basta medyo pormal at maayos tingnan, okey na.

            Maluwag ang venue para sa halos dalawandaang tao. Nakaayos na ang mga lamesa at upuan, samantalang yung stage e ngayon pa lang inaayos. Yung mga kasama ko naman, nagse-set up na rin ng gamit. Sa likod ng stage naman nagpa-praktis ang dance club. Yung ibang mga organizer at clubs e busy sa kung ano-ano.

            Lahat halos kumikilos sa club maliban kay Lyla na abala sa pag-aayos ng keyboard. Ako naman para hindi magmukhang walang ginagawa e kunwaring kinakalikot ang gitara. Masabi lang na may ginagawa. Pagod ako galing sa praktis at biyahe. Kelangan kong maka-recover para mamaya. Iilang mesa lang naman ang pagitan namin kaya maya’t maya ko siya sinusulyapan.

            “Wuy, kanina ka pa?” tawag sa’ken ni Ada na kasalukuyang inaayos ang jack sa amplifier. Kinawayan naman ako ng ilan.

            “Kararating ko lang!” sabay tango.

            “Ano, nakapag-praktis kayo?” lumapit na siya sa puwesto.

            “Oo kaya ngayon lang ako nakarating. Kanina pa kayo?”

            “Medyo…mag-i-isang oras na din,” sabay punas ng pawis sa batok. “Buti maaga kayo natapos?”

            Inayos ko ang katabing upuan saka inalok para maupo. Tumanggi lang siya.

            “Kalahating oras lang naman kami nagpraktis. Sinabi ko kasi na kelangang maaga ako makarating dito kasi nga magse-set up pa ng gamit.”

            “Ah…okey. Ano, ikaw na lang kulang…set-up mo na yang gitara mo para matimpla na din.”

            “Okey…” sumunod na rin ako sa kanya pagkalakad. Tinatamad man, pero kelangan ko ng kumilos.

            Halos magkasabay din kaming umakyat ng stage ni Lyla. Dali-dali akong lumapit para alalayan ang gamit niya. May kabigatan pa man din.

            “Salamat…” sabay ngiti.

            “Ang bigat pala nito. Pa’no mo nadala ‘to?”

            “Nagpahatid ako kay mama. Kaya mamaya pagtapos ng party, susunduin ako.”

Ang Babae sa Kabilang ClassroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon