Chapter 11

579 8 3
                                    

“Anong balita sa gig?” tanong ni Tuds.

            “Nakausap ko na si Kleng kahapon,” humitit muna ng yosi saka nagpatuloy si Andi, “Tinanong niya kung game daw ba banda natin bukas. Kasado na daw kasi lahat ng naka-line up dun. Bale yung mga taga-Cavite at Manila, ihuhuli. Lam mo na, dayo. Special treatment…”

            “Ano sabi mo?” tanong ni Archie.

            “Ayun…sabi ko tuloy naman tayo. Tinanong ko na din kung puwede bang medyo huli slot natin kasi nga hahabol si Sa-i.”

            “Tapos?”

            “Titingnan pa daw kasi yung ibang banda ganun din ata request…”

            Wala ng nagkomento. Alam ko na iniisip nila: delikado ang slot dahil sa’ken. Nakasalalay ang tugtog ng banda depende kung aabot ako sa oras. Guilty ako, pero wala naman akong magagawa. Ilang beses ko ng naipaliwanag sa kanila ang sitwasyon ko, at ilang beses na din silang tango lang ng tango. Alam ko namang hindi pa rin sila kumportable sa paliwanag ko.

            Bukas na ang party at gig kaya ngayon na napagkasunduan ang praktis. Yung para sa glee, mamaya pang alas sais. Mabuti at may praktis ang ilang prof sa presentation at pag-aayos ng lugar, kaya yung ibang subject e attendance na lang. Si Tuds at Archie, hanggang tanghali lang ang pasok kaya wala na din klase. Tumakas naman si Andi sa ngalan ng praktis. Mabait na estudyante. Medyo nahuli kami ng ilang minuto sa pagdating dito sa studio kaya halos isang oras pa kami maghihintay. May nauna ng banda. Hindi din naman namin in-expect na may magpapraktis ng ganitong oras. Sabagay, maaga pa naman. Pasado alas-dos pa lang. Sakto lang din pagbalik ko sa school mamaya.

            “Nakita ko na yung line up. Isang taga-Cavite at isang taga-Maynila, tapos yung iba, puro taga-rito na at Bataan. Komedi pa nga yung isang band name…” Pagpapatuloy ni Andi.

            “Anong pangalan?” tanong ni Tuds.

            “Diablo killers!” sabay tawa. Medyo natawa din kami. Tiniris nito ang upos ng yosi sa katabing pader.

            “Tangina pangalan pa lang parang kakainin na tayo ng buhay! Hahaha!” sabog-laway si Archie.

            “Malay mo naman mabigat yung bagsakan nila?” tanong ko.

            “Inang yan kun’di pa naman katakutan ang banda nila, ewan ko na lang. Next band, Diablo Killers!” hagalpak ulit sa tawa si Andi. Pati kami nahawa na sa tawa niyang parang hinihika.

            “Syat ba tayo maya?” tanong ni Tuds saka lumapit sa puwesto ko.

            Umiling ako.

            “Di ako puwede. Babalik ako sa school pagtapos. May praktis din kami.”

Ang Babae sa Kabilang ClassroomWhere stories live. Discover now