Chapter 16

465 7 1
                                    

Nahihirapan akong huminga. Wala akong makita. Kahit san ako lumingon, iisa ang nakikita ko: wala. Sinimulan ko nang tumakbo pero kahit anong bilis ang gawin ko, para akong naka-slomo sa bagal. Tapos, bigla na lang ako nakaramdam ng pagyanig. Lumilindol? Napahinto ako sa pagtakbo. Naramdaman ko ang malalakas na pagyanig. Sunod-sunod. Pagkatapos, bigla na lang bumuka yung lupa! Gustuhin ko man makatakbo, pero huli na ang lahat. Nahulog ako sa butas na madilim. Nahuhulog ako pero hindi ko magawang sumigaw.

            “Wuy, may naghahanap sa’yo!”

            Nagising ako. Panaginip lang pala. Buti na lang ginising ako ni ate.

            “Wuy! Ano ba? May naghahanap sa’yo!”

            Hindi ako agad makasagot. Parang wala pa rin ako sa sarili.

            “Labasin mo na yung barkada mo dun, kanina pa yun,” sabay labas ng kwarto.

            Anong oras na ba? Medyo napasarap ang idlip ko. Antok na antok ako kanina pagkauwi kaya umidlip muna ko. Di ko na namalayan yung oras. Madilim na sa labas.

            Sino na naman kaya yan?

            Lumabas ako agad matapos makapagbihis. Babalik sana ako sa kwarto para kuhanin ang cellphone kaso nasa pinto na ko.

            “Tang ama kaya pala! Log-tu ang tropa!” bungad sa’ken ni Tuds. Magkakasama ang mga gunggong na medyo natatawa sa itsura ko ngayon. Medyo na-conscious tuloy ako kaya nagtanggal ako ng muta. Baka yun yung tinatawanan nila o etong suot kong boxer short na panggahasa. Muntik ko na ring hindi makilala si Tuds sa bago niyang hairstyle. Nagpagupit ang gago, buhok emo. Pinilit ibagsak lahat sa gilid yung bangs na may gel tapos gulo-gulo yung bandang likod.

            Ano na naman trip nitong mga to?

            “Puta, kala ko kung sino na,”

            “Di mo sinasagot yung cellphone mo. Buti nakita kami ng ate mo,” sabi ni Archie kasabay ng pagbuga ng usok. “Ano? Shot na!”

            “Naka-silent cellphone ko. Anong meron?” tanong ko.

            “Wala, shot lang. Nami-miss ka na daw ni Archie e,” sabi ni Andi.

            “Tanginamo nababakla ka na naman. Kakagising ko lang e, alak agad. Di pa nga ako kumakain,”

            “Walang problema kay pareng Archie yun. Dating gawi, pancit canton value meal,” sabi ni Tuds.

            “Ngayon na?”

            “Oo tara na! Bago pa magbago isip ni mokong. Tang ama minsan lang manlibre yan,”

Ang Babae sa Kabilang ClassroomWhere stories live. Discover now