Meet My Professor ✓

By DamianLane

56.8K 3.4K 107

Series #1 Lana Iya Velasco had a very strange experience during their first-ever bar hopping. She met a DJ wh... More

Meet My Professor
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 12.1
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 19.1
Chapter 20
[SEASON 2]
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Special Chapter
Special Chapter (Part II)
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Epilogue

Chapter 30

479 51 0
By DamianLane


Season 2 – Chapter 30


"Ano 'yong binigay sa'yo ni Sir Van kahapon?" tinignan ko si Anne na nakaupo sa tabi ko.


"Hm...Japanese books tapos 'yong nasa CD Japanese vocabulary. Parang speech exercise, gano'n, maganda siyang pakinggan matututo ka talaga," sagot ko rito habang inaayos ang bag ko.


"Ah." Tumigil ito saglit at para bang may iniisip.


"Bakit? Gusto mo bang hiramin? Pwede ko naman ipahiram."


Umiling it bago nagsalita, "Hindi, hindi naman iyon ang iniisip ko."


"Ah, 'e ano ba?"


Ipinatong nito ang mga braso niya sa lamesa at tsaka ko tinignan ng direkta sa mga mata. "Nagtataka lang kasi ko, parang hindi ka na ilang kay Sir Van? I mean, nakalimutan mo na ba 'yong mga nangyari noon? 'Yong sa club?"


Sa club?


Napa-'ah' naman ako nang maalala ko ang sinasabi niya. "'Yong kiss incident?" hininaan ko ang pagkakasabi ko sa salitang kiss. "Ngayong nabanggit mo 'yan naalala ko 'yong mga nangyari noon."


"Kaya nga hindi ko maiwasang magtaka sa inyo kahapon. Para kasing ang lapit niyo na sa isa't isa kung ikukumpara noon."


Napaisip naman ako sa sinabi nito, "Hmm...siguro kasi ang dami na ring nangyari? I mean...may mga bagay na nangyari sa'min in between na nagpabago sa pakikitungo naming sa isa't isa."


"At ang mga bagay na 'yon ay...?" halatang nakaabang ito sa maaari kong ikwento sa kanya.


Ngumiti ako rito, "Secret." Tinawanan ko na lang ito nang makita ko ang ekspresyon niya. Para bang batang nawala ang excitement.


"Pero seryoso," umayos ako nang pagkakaupo ko. "Parang kalian lang no'ng nakilala natin sila sa bar tapos ngayon ito na tayo. Kapag naaalala ko 'yong siya noon, para bang ibang tao sa pagkatao niya ngayon. Kung dati, immature tingin ko sa kanya; ngayon teacher na teacher na tingin ko."


"Lalo lang akong nacu-curious sa kung ano'ng mga nangyari sa inyo na hindi namin alam. Pero agree ko na parang mas mature siya ngayon kumpara noon."


"'Di ba?" napatigil kami sa pag-uusap nang maupo sa tapat namin sila Shei at Jade.


"Nagugutom na ba kayo? Fifteen minutes' pa ang waiting time." Pagbungad na tanong ni Shei sa'min, katulad ng dati sila ulit ni Jade ang umorder ng pagkain namin.


"Ayos lang," pagsagot ko rito.


"Wait, may internet ba kayo?" nabaling ang tingin ko kay Jade na nakatingin sa cellphone niya. "Sinend na raw ni Pres 'yong power point presentation ni Sir Anilao."


"Saan niya sinend?" pagtatanong ko.


"Pinost niya sa group natin. Kaso hindi ko ma-open, ang bagal ng wi-fi dito."


"Teka," kinuha ko 'yong cellphone ko. "May net ako," sagot ko rito.


Nasa isang kainan kami sa mall ngayon. Kaya kami nandito kasi wala kaming klase sa Agrarian subject namin dahil nasa seminar 'yong prof. Iniwan na lang daw niya 'yong power point presentation niya para sa lesson namin ngayong araw sa President naming. Kailangan kasi naming aralin 'yon dahil malapit na ang midterms exam. Iniisip ko nga kung paano ko maiintidihan 'yong lesson kung self-study lang, ang sakit kasi sa ulo.


"Ito, na-download ko na," pag-anunsiyo ko sa kanila. "Send ko na lang sa group chat natin."


Natigilan ako saglit nang makita ko ang mute icon sa group chat naming. Inilagay ko nga pala sa mute 'tong group chat at 'yong mga individual chat nila sa'kin dahil sa sunod sunod nilang mga messages noon. Wala kasi ko noon sa mood basahin mga messages nila at naiirita rin ako sa tunog ng notif ng messenger. Pagbukas ko ng group chat namin, samu't saring unread message ang bumungad sa'kin. Tinanggal ko muna ito sa pagkakamute bago ko binasa ang ilan sa mga huling messages dito.


Jaydel Paulette:

Lhia, okay ka na ba? Hindi ka na nmin nakitang umuwi


Clarisse Anne:

nakuha mo nman lhat ng gamit mo? Nsa kin COR mo


Sheila Ly:

ingat ka beh, pagaling ka


Kailan pa ba nila sinend 'to? Bakit ngayon ko lang nakita? Tinignan ko 'yong petsa, June **, 20**. Napaisip naman ako, hindi ba araw ng pasukan 'yon? Tinignan ko pa 'yong ibang old messages, mga noon pa ito nasend, month of May pa. Puro pangangamustang mensahe ang laman nito. Bigla akong napaisip, kalian ko nga ba ako huling nag-online? Noong chineck ko 'yong Facebook account ni Orlando? Kailan pa ba 'yon? Hindi ko na maalala.


Tinignan ko ang ibang unread messages ko matapos kong i-send sa group chat naming 'yong power point. Inisa isa ko ang pag-unmute sa mga account nila. Hindi na ko nag-abalang basahin 'yong mga messages dahil halos pare pareho lang, puro pangangamusta.


Napatigil ako sa isang message na nakuha ko mula sa hindi inaasahang tao, si Jasmin. Hindi ko naiwasang bahagyang mapakunot noo nang makita ko ang pangalan nito. Parang sa loob ng tatlong taong pagiging magkaklase namin, ngayon lang niya ko minessage.


Jasmin sent a photo.


Iyon ang naka-display sa kanya. Ano kayang photo 'to? Binuksan ko ito at hindi ko maiwasang magulat sa sinend nito.


Jasmin:

Hi, Lhia

Sorry, nakikita ko kasi mga post mo noon. Parang kasing kamukha ni Sir Lan 'yong boyfriend mo.

**attached photo**


Parang tumigil ang mundo ko sa sinend nito. Tinitigan ko ang sinend nitong picture. Picture namin noon ni Orlando sa kotse niya, ito 'yong Valentine's day. Hawak hawak niya 'yong bouquet ng flowers, natatakpan nito 'yong mukha niya maliban sa mga mata niya. Habang nasa likuran ko naman 'yong malaking teddy bear, iniakbay ko pa ang mga braso nito sa'kin.


"Here's your order, ma'am."


"Beh, braso mo," napatingin ako kay Shei nang hawiin nito ang mga braso kong naipatong ko na pala sa lamesa.


Pinanuod ko 'yong paglapag ng crew sa mga order naming. Umalis din naman ito agad pagkatapos niyang gawin ang dapat niyang gawin.


"Beh," muli akong napatingin kay Shei nang abutan ako nito ng kutsara't tinidor na pinunasan niya. "Bakit ka ba nakatulala d'yan?" tanong nito sa'kin nang kinuha ko ang inaabot niya.


"Naisend mo na ba 'yong power point? Pwede namang mamaya na, kain na muna tayo."


Tinignan ko si Jade, "Naisend ko na."


"Ayun pala, kain na tayo," naghanda na ito sa pagkain.


"May kausap ka ba? Bakit ayaw mong ibaba 'yong phone mo?" nagtatakang tanong nito.


Napalunok ako, hindi sumagi sa isip ko nab aka may makakilala kay Orlando, makakilala sa kanya bilang boyfriend ko. Binitawan ko sa may plato ko ang hawak ong kubyertos. Napatingin sa'kin 'yong tatlo dahil sa ingay na ginawa nito.


"Lhia?"


"Paano..." hindi ko alam kung paano ako magsisimula. "Paano kung may makaalam na boyfrie—I mean ex-boyfriend ko si Orlando? Ano'ng pwedeng mangyari?"


Natigilan silang tatlo sa tanong ko. "Ano'ng ibig mong sabihin?" si Jade ang unang nakabawi sa kanila.


Tinignan ko ang screen ng cellphone ko bago ko iniharap ito sa kanya. Pare pareho silang tumingin dito, medyo napatayo pa nga si Anne sa pwesto niya para makita ito.


"Shocks!" nagkatitigan kami ni Jade. "Alam niya?"


"Hindi ko alam...siguro...kasi sinend niya sa'kin 'to 'e," naguguluhang sagot ko rin dito.


"Teka, ha? Kailan pa ba niya 'to sinend?" may pinindot si Shei sa screen. "Noong June pa? August na ngayon. Ngayon mo lang ba 'to nakita?" tumango ako rito.


"Wait!" huminga nang malalim si Jade. "Kumalma muna tayo." Napahinga naman ako nang malalim sa sinabi nito. "Una, saan niya nakita 'yang picture? Pinost mo ba 'yan?"


"Oo, pinost ko noong Valentines' day."


"First step, baguhin mo 'yong privacy ng post mo. Gawin mong 'only me' o kung kaya mo na...i-delete mo."


I-delete?


"Girl, hindi tayo sigurado sa kung ano'ng pwedeng mangyari kapag nalaman ng mga kaklase natin. Sa ngayon, hindi tayo sure kung si Jasmin pa lang ba ang nakakaalam o kung pati mga kaibigan niya. Ang magandang gawin natin ngayon ay itago 'yong mga proof na naging kayo ni Orlando." Pinakinggan kong mabuti ang bawat sinasabi at sasabihin nito.


"Wala na kayong relasyon, oo, pero hindi natin alam kung mapapalagpas 'yon ng Dean's office kapag nalaman nila. Alam mong mahigpit 'yong college natin, at talagang inaapply nila 'yong Code of Ethics for Teachers sa'tin." Napatango tango ako sa sinabi nito. Totoo 'yon, mula first year – first sem hanggang second year – second sem tinatadtad nila kami no'n. Paulit ulit, magsasawa ka.


"Isa na do'n sa Code of Ethics ay 'yong pakikipagrelasyon ng teacher sa estudyante. Bawal 'yon, lalo na't estudyante ka niya ngayon."


May bigla namang pumasok sa isip ko dahil sa sinabi niya, "Iniisip ko na 'to noon pa, pero ang dahilang kaya ng pakikipaghiwalay niya sa'kin ay dahil sa rule na 'yan?"


Hindi agad sumagot si Jade, ilang sandal pa bago ito nagsalita. "Siya lang ang makakasagot niyan."


"So, iyon nga, iyon ang tingin kong dapat mong unahing gawin. Pangalawa, magandang makausap mo ng sarilinan si Jasmin tungkol dya'n."


Nakagat ko ang labi ko. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako.


"Pero ibang klase rin si Jasmin ha?" nabaling ang atensyon ko kay Shei. "Hindi naman gano'ng kita ang mukha ni Orlando sa picture pero nakilala niya."


Tinignan ko ang screen ng cellphone ko. Totoo nga, halos natatakpan na nga buong mukha nito pero nagawa pa niyang makilala.


"Sige, ipa-private ko 'yong mga post na related kay Orlando. Tsaka susubukan ko ring kauspin bukas si Jasmin."


"Mabuti pa nga pero bago 'yan," tinignan ko si Shei. "Kumain muna tayo." Akala ko naman kung ano pa ang sasabihin nito. Parang gusto ko na lang mapa-irap sa sinabi nito.


Kinagabihan, agad kong binago ang privacy ng mga post ko na kasama si Orlando. Marami rami rin ito kaya natagalan ako. Nag-message pa nga ako kila Jade kasi 'yong ibang photos ay sila ang nag-post. Cooperative naman sila kasi agad nilang binago privacy no'ng mga 'yon.


Napasandal ako sa sandalan ng inuupuan ko nang matapos ako. Wala na naman siguro kong nakaligtaan pa. Habang nakatitig sa profile ko naisipan kong tignan 'yong bio ko. Napatigil ako sa may ibaba nang makita ko ang relationship status ko.


Relationship status: In a relationship


Hindi na makikita kung kanino ako naka-in relationship. Tinanggal na kaya ni Orlando 'yong kanya? O talagang wala na lang siyang account?


     ~

"Accept my request," napatigil ako sa pagkain at napatingin kay Orlando.


"Accept what?"


Iniharap nito sa'kin ang screen ng phone niya.


RELATIONSHIP

In a relationship ↓

Lana Iya Velasco

(awaiting confirmation)


Napakunot ang noo ko at napatingin sa kanya. "Accept my relationship request."


Hindi ko naiwasang matawa sa kanya. Naiiling na ibinaba ko ang kinakain ko sa mesang nasa harap naming at tsaka inilabas ang cellphone ko. Pagka-connect ko sa wifi nitong kainan, agad na lumabas sa'kin 'yong request niya. Lumabas ito sa notification ko.


'이재신 tagged you in a post.'


'이재신 listed that you two are in a relationship. To add this to your timeline, go to Timeline Review.'



Pinindot ko 'yong pangalawang notification.


Timeline Review

이재신 listed that you two are in a relationship.

IGNORE CONFIRM


Umusad ako papalpit sa kanya, hanggang sa magtama na mga braso naming. Iniharap ko sa kanya ang phone screen ko. Tinignan naman niya ito at ipinakita ko sa kanya ang pagpindot ko sa 'CONFIRM' button.


"There."


Naramdaman ko ang mga labi nito sa may ulo ko. "Thank you." Napangiti na lang ako sa sinabi nito.

     ~

Napabuntong hininga ako. Isa na naman sa mga alaala niya. Ilang segundo akong nakatitig lang sa cellphone ko bago ako napagdesisyong baguhin na ang relationship status ko. Pinindot ko ang 'edit' at mula sa pagiging 'in a relationship' ginawa ko itong 'single'.


Ngayon, isa na lang ang kailangan kong gawin. Pinuntahan ko 'yong messenger at hinanap ang pangalan ni Jasmin. Kailangan ko siyang makausap agad bukas. 



Lana Iya:

Hi, Jasmin. Sorry, ngayon ko lang nabasa 'tong message mo. About this, pwede ba tayong mag-usap bukas?




Jasmin:

Sure :)


Continue Reading

You'll Also Like

17.4K 334 125
Recommended Stories in Wattpad Part 1: Discover a captivating collection of stories in "Recommended Stories in Wattpad," a curated selection of the m...
2.4K 108 22
ALL IN | In which, stray kids debuts with 9 members. Mi-sun, Bang Chan, Lee know, Changbin, Hyunjin, Han, Felix, Sungmin, I.N " You make stray kid...
86.3K 2.6K 31
Pag maliit kailangan!! ipamukha ? xDD.
110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...