Nightfall (Complete)

By claudinewrites

658 175 114

Nɪɢʜᴛғᴀʟʟ (𝚂𝚃𝙰𝙽𝙳𝙰𝙻𝙾𝙽𝙴) Kiara Samantha Davidson, a girl who have a rare allergy. She's allergic t... More

Nɪɢʜᴛғᴀʟʟ (𝚂𝚃𝙰𝙽𝙳𝙰𝙻𝙾𝙽𝙴)
Characters
Prologue🖤
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
«Author's Note»
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Epilogue
Kiara's letter for Dark
«Author's Note»

Chapter 3

25 7 0
By claudinewrites

Kiara's POV

   "Ahhh!" agad na sigaw ko ilang minuto palang ang nakakalipas paglabas ko ng bahay

   "Anong nangyare baby?" tanong ni papa

   "Ang k-kati papa m-mahapdi siya gusto ko na p-pumasok sa bahay" agad akong kinarga ni papa papasok

   "Papa ang sakit" pagtuloy ako sa pagiyak habang pinupunsan ni papa ng towel sa basa ang katawan ko

   "Shh mawawala din yan baby pupunta na tayong ospital" agad niyang tinawagan ang tito ko

   "Robert pumunta ka muna dito saglit dalhin natin si Kiara sa ospital...namumula yung balat niya...sige"

   "Kiara dadalin ka na nila papa sa ospital" sabay hawak ni ate sa kamay ko

   Hindi pa rin ako tumitigil sa pagiyak hanggang sa dumating si tito

   Pero nawalan na ko ng malay bago pa kami makarating sa ospital

   Nagising akong pawis na pawis at hingal na hingal

   "Baby kain na- anong nangyare?" tumabi si papa sakin habang hinahagod yung likod ko

   "Napanaginipan ko po ulit yung nangyare nung nalaman nating may allergy ako" nanatiling tahimik si papa sinandal ko yung ulo ko sa dibdib ni papa

   "Pa nahihirapan na ko" dun na sunod sunod tumulo ang luha ko

   "Kaya mo yan anak ok? Nandito lang kami para sayo walang susuko ok?" tumango tango naman ako alam kong naiiyak din si papa pero hindi niya pinapakita samin

   "Gusto ko pa isang araw makapanood po ako ng sunset" lumayo naman si papa at tinignan ako

   "Alam mo namang hindi pwede yun diba?" tumango naman ako

   "Alam ko po pero ayokong mamatay nang di nasisilayan yung ganda ng langit tuwing nilalagyan yun ng liwanag ng araw" tumulo na din yung luha ni papa

   "Gagawin natin yan pero hindi pa ngayon ok?" tumango tango naman ako sa ibinalik ang pwesto ko kanina kay papa

   Ilang minuto din kaming nanatiling ganun hanggang sa nagaya na kong bumaba para kumain

   "Good morning ate" tumango lang naman siya saka sinimulan nang kumain

   "What happened?" seryosong tanong ni papa kay ate

   "Nireject lang naman ako ni Dark" nagulat naman kami parehas ni papa

   "What? Pano ka niya nireject? You don't even have a crush on him" natatawang sabi ni papa

   "Papa naman eh crush ko siya dati pa umamin ako kagabi sabi niya may iba siyang gusto" lumungkot naman yung itchura ni ate

   "Hayaan mo na yun anak maraming lalaki sa mundo, maraming lalaking nagkakandarapa sayo" tama si papa maraming nanliligaw kay ate

   "Pero si Dark lang yung gusto-"

   "Hindi mo pa kasi nakikilala ang lalaking para sayo you don't have to rush things like this Amber" pagputol ni papa sa kaniya

   Nanatili ang katahimikan samin hanggang sa pumasok na si ate sa school hindi nakapunta dito si Jas ngayon dahil may thesis siyang kailangang gawin

   "Ok ka lang ba Kiara? Is there something bothering you, if you want bukas nalang natin ito ipagpatuloy" tanong ni Ms. Alvarez sakin

   "Pwede pong bukas nalang? Medyo sumama po kasi pakiramdam ko" medyo nabasa din kasi ako ng ulan kagabi

   "Sure, gusto mo bang tumawag na kami ng doctor?" umiling iling naman ako

   "Wag na po thank you po Ms. Alvarez" tamango naman siya saka lumabas na ng kwarto

   Humiga muna ako at nagkumot dahil nilalamig na ko hindi naman ganun ka lakas yung aircon pero nilalamig ako medyo masakit din yung ulo ko

Jasmine's POV

   "Nako Jasmine tamang tama ang dating mo pakibantayan naman si Kiara maggo-grocery lang ako saglit" agad na sabi sakin ni tito pagpasok ko

   "Sige po tito ingat po kayo"

   "Pakibantayan nalang muna si Kiara ha? Mamimili lang ako saglit"

   "Ako na po bahala tito tawagan ko nalang po kayo pag nagkaproblema" tumango naman si tito saka umalis na umaambon ngayon kaya nagpalit muna ko ng damit bago pumunta dito

   Pagakyat ko nakita ko agad ni Kiara na nangangatog sa lamig

   "Nako" bulong ko paghawak ko sa noo niya nilalagnat siya

   Dali dali kong kinapa sa bulsa ko yung cellphone ko nakakapagtaka dahil wallet ko lang ang nandito

   Naalala ko na naiwan ko pala yung cellphone ko sa ibabaw ng desk sa kwarto ko

   Kukunin ko sana iyon pero hindi ko pwedeng iwan dito si Kiara

   Agad akong bumaba ng biglang may nag-doorbell

   "Uy bakit ka nandito? Pasok ka" tanong ko agad sa kaniya saka siya pinapasok

   "Bibisitahin ko lang si Kiara" nakaisip naman ako ng paraan

   "Nako Dark tamang tama nilalagnat kasi siya pwede pakibantayan siya? Kukunin ko lang yung cellphone ko sa bahay tatawagan ko si tito" tumango naman siya

   "Sige ako na bahala dito" tumango naman ako

   "Thank you talaga Dark babalik ako agad kunin ko lang cellphone ko, wala kang gagawin na masama kay Kiara ok? Malilintikan ka sakin kapag may ginawa kang masama sa kaniya" pagbabanta ko sa kaniya

   Kilala ko si Dark marami siyang babaeng nakakasama araw araw pero landian lang hindi niya ginagalaw saka pag ayaw niya ayaw niya talaga

   "Wala akong gagawin na masama sa kaniya aalagaan ko lang siya" sabay kindat niya sakin inirapan ko naman siya

   Ayaw ko man iwan si Kiara na kasama si Dark hindi pwede dahil kailangan kong ipaalam kay tito na nilalagnat si Kiara

   Sana tama lang na pagkatiwalaan ko si Dark

Dark's POV

   Agad akong naglagay ng tubig sa planggana na may kasamang pamunas at nilagyan ng konting alcohol medyo nahirapan ako sa paghahanap dahil hindi ako pamilyar kung saan nakalagay yung gamit nila

   Pero naalala ko kung saan kumuha si ate Amber ng alcohol dahil pagtapos naming kumain nagalcohol siya

   Kaya dali dali kong kinuha yung alcohol kung saan din kinuha ni ate Amber yun

   Pagtapos kong gawin yun umakyat ako papunta sa kwarto ni Kiara nakita ko siyang nangangatog sa lamig kaya pinatay ko muna yung aircon at pinunasan siya gamit ang pamunas na may tubig at alcohol

   Labas palang ng bintana ni Kiara alam kong madilim na pero nakakagulat parin dahil mas higit pa yung dilim neto sa naiisip ko tanging lampshade lang ang ilaw nila

   Tinted din yung bintana ng kwarto niya pati yung baba nila nakakapagtaka dahil ginagamit lang yung tinted na bintana para hindi makita yung loob saka para walang makapasok na sunlight

   Nakakagulat dahil bigla na lang tumulo ang luha ni Kiara habang natutulog parang hirap na hirap siya

   Hindi sapat ang kumot para hindi siya lamigin kaya tinabihan ko siya at niyakap

   "Wag mo kong iwan" bulong ni Kiara kahit hindi ko alam kung ako yung tinutukoy niya sumagot parin ako

   "Nandito lang ako Kiara hindi kita iiwan" hinaplos haplos ko yung buhok niya at pinagpatuloy ang pagyakap sa kaniya

Itutuloy~

Continue Reading

You'll Also Like

340K 5.9K 48
CELESTIAL SERIES INSTALLMENT #1 The moon is meant to be with the stars but he still chose to be with the sun, even though the love that they have is...
996K 31.6K 41
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
2M 24.9K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...