CHAPTER 11
SUMMER'S POV
Napapalingon ako kay Ice at agad naman akong nag-iiwas ng tingin. Imbis na nakatingin sa harapan namin kung saan iniintay namin yung tain...sakin siya nakatingin.
Napailing na lang ako. Hindi na ako magtataka kung dadaanan na kami nung train hindi parin niya nakikita. Mas busy pa ata siyang tignan yung muka ko.
"Stop staring at me. Focus. Kuya Thunder kasi dapat pinigilan mo yang sumama eh!"-me
"Ikaw ba napigilan mo?"-rain
Napasimangot ako ng marinig kong sumagot si Kuya Rain sa kabila ng listening device. Payag nga akong pumasok si Ice ang kaso may tiny hope ako na may pipigil sa kaniya.
Kaso wala eh.
Ang hirap kasing mag focus sa mission kapag kasama ko si Ice. Una dahil makulit siya, pangalawa titig siya ng titig sakin at pangatlo mamaya masaktan siya kapag sinunod na naman niya ang protective instinct niya.
Napakamot ako sa pisngi ko ng nag flying kiss pa si Ice mula sa kinatatayuan niya. Pareho kaming naka Chameleon Black Suit at nakasuot din kami ng Vision kaya kahit madilim nakakakita kami.
Napatingin ako kay Ice ng biglang may kumaluskos. Umangat yung kilay ko ng makita ko siyang may kagat-kagat na chocolate bar.
Boys Scout.
Tinginan niya ako at may kinuha pa siyang isa pero umiling ako. Ayoko ng kahit na anong distraction..at saka busog pa naman ako. Marami akong nakain kanina.
"Alam mo lalamagin ka diyan."-ice
"I'm fine."
"Mas maganda kung lalapit ka sakin at yayakapin ako. O kaya ako ang yayakap sayo."
I rolled my eyes at him. Binalik ko yung tignin ko sa harapan ko. Sa totoo lang naiinip narin ako..pero alam kong parating na yung train kaya kailangan kong mag-intay.
Masyado lang sigurong nae-excite ang mga natutulog na ugat sa katawan ko. Iisipin ko na lang excercise ang gagawin ko ngayong madaling araw.
...
...
Nagulat ako ng biglang tumayo si Ice at lumapit sakin. Mukang hindi na siya makatiis. Tumabi siya sakin at yumakap mula sa likod. Naramdaman ko na isinubsob niya ang muka niya sa leeg ko.
I bit my lower lip. Focus, summer..focus. Huminga ako ng malalim at pinabayaan ko na lang siya na nakayakap sakin. Malamig naman talaga ngayong gabi.
"5 more minutes."-rain
Siniko ko si Ice ng maramdaman ko na nasa bewang ko na yung kamay niya at gumagapang pataas. He chukled pero tumigil naman siya.
pasaway.
"Behave."-me
"Ma'am, Yes, Ma'am!"
"Pati mamaya. Behave."
"Opo!"
Napailing ako habang nakangiti. Hindi na ata talaga magbabago si Ice. Kung sabagay si Wynd nga hindi nagbago kahit tatay na at may asawa..para ngang mas lumala dahil hawahan sila ni Autumn ng mga kalokohan.
Ganon din yung ibang mga agents...si Daddy lang ata ang hindi nagtagumpay na pakulitin si Mommy. Kung sana mahawaan ni Mommy si Daddy ng pagiging seryoso..kaso immune si Daddy.
numero unong pasaway talaga.
"Sana may dumaang shooting star."-me
Para I-wiwish ko na sana tumino na ang daddy ko at hindi na maging sakit ng ulo ni Mommy. O kaya i-wiwish ko na maging normal silang dalawa ni Ice.
"Ako kahit hindi okay na."-Ice
"Bakit?"
"Bakit ko pa kailangang mag wish..if right now..
...
...
I'm holding the woman of my dreams. Hindi ko na kailangang humiling dahil nandito ka na sa tabi ko."
Napangiti ako sa sinabi niya. He can be really sweet sometimes. Kahit na makulit siya part ng pagkatao niya ang pagiging sweet. Maybe thats what makes him unique.
"Cheesy mo."-me
Hindi siya sumagot pero humigpit yung yakap niya sakin. Huminga ako ng malalim at sumandal ako sa kaniya. It feels so good being wrapped around his arms.
Para kaming wala sa mission ng mga oras na to. Parang ordinary day lang. Kung hindi lang sa suot namin baka isipin ng makakakita samin if ever meron nga eh nagdedate lang kami.
"Nakapag star gazing ka na ba dati?"-me
"Yes. Pero wala akong kasamang babae."
"Bakit?"
"Its not like...they'll appreciate the stars..siguradong.ano..nevermind."
Hindi ko na tinanong kung ano yung ibig niyang sabihin. Alam ko na kasi kugn ano ang ibig niyang sabihin. Kung sakaling may pumatol na sumama sa kaniya dito..siguradong hindi star gazing ang gagawin nila.
Pero I doubt it..sigurado akong walang sasama sa kaniya ng flings niya dito. Sigurado nagrereklamona ang mga yon bago pa lang sila makaapak sa damuhan dito.
Let alone pahagain o paupuin mo sila sa damuhan. Hindi din naman nila maapreaciate yung katahimikan at yung stars dahil si Ice ang siguradong gusto nilang i-enjoy.
"It's all in the past."-ice
"Wala naman akong sinabi."
"But you're thinking about it."
"No, I'm not."
Hindi siya sumagot pero alam kong alam niya na yon ang iniisi ko. Freaky man pero mukang masyadong siyang connected sa utak ko dahil kabisado niya kung ano ang iniisip at ang kilos ko.
Stalker ang peg.
Kung sa iba nahihirapan ilang alamin ang iniisip ko. Pagdating kay Ice madali lang ang lahat. Easy as breathing. Kaya minsan parang unfair..kasi ako nahihirapang alamin ang mga baga-bagay na iniisip niya.
...
...
pareho kaming hindi kumilos ni Ice ng may maramdaman kami. Tumingin ako sa paanan namin at kita na may bahagyang vibration yung mga maliliit na bato na hindi pinalagpas ng suot namin na contact lense.
Nandito na.
Nag simula kaming magbilang ni Ice. Umayos na rin siya ng tayo sa tabi ko. I flex my hand a little,,,may suot akong sticky. Napatingin ako ng makita ko yung pinaka unang part ng train.
Binilang namin ni Ice yung mga parts...kailangan namin yung malapit sa likod.
Nang malapit na doon lumingon ako kay Ice. Tumango siya at biglang tumakbo. Nakasunod ako sa kaniya..I'm fast enough...pero nagkamali ako ng apak kaya na distract ako.
I cant miss..dahil kapag hindi ako nakaakyat that means kailangan kon umakyat sa ibang part at mahihirapan pa akong humabol. Binilisan ko pa yung takbo ko.
...
...
I almost fell..buti na lang nahawakan ni Ice yung kamay ko at hinila ako pataas. Inilapat ko yung mga kamay ko sa train. Napabuga ako ng hangin.
that was close.
Magkatulong na binutasan namin yung salamin gamit nung Pierce. Sinigurado namin na kakasya kami doon. Nang matapos kami ay marahang inalis ni Ice yung salamin. Umakyat siya at pumasok sa loob.
Sa training namin isa sa pinapractice namin ay ang makarinig ng malinaw. Pero kahit ganon hindi ko naririnig ang yabag ni Ice. Like a ghost.
Umakyat na ako. Nagulat ako ng biglang may humawak sa bewang ko at tinulungan akong makapasok. Napangiti ako ng makasalubong ko ng tingin si Ice.
"Hi, bestfriend."-me
Nagpout siya. Naaalala ko na naman yung sinabi niya kanina. Talagang balak niyang mag-intay ng matagal at tanggap niya na mag kaibigan lang kami..with an excemption of a kiss.
Napataas yung kilay ko ng makita kong ang dami palang gamit dito. Parang tinambak lang...mas lalo kaming mahihirapang mag-hanap.
But whatever...may Vision naman.
Inilibot o yung paningin ko. Pero wala kong makita ni Isang jewelries...puro gamit na kung ano-ano lang. Nag-hiwalay kami ni Ice para makapaghanap kami ng mas mabilis.
"I cant see anything here."-me
"Hindi kaya natatakpan?"-ice
"It's impossible..Vision can see pass through anything making it easier to find anything you want to find. Kahit natatakpan man yan ng damit makikita niyo."-rain
Bumuntong-hininga ako at naghanap na ulit. Hindi kami pwedeng magtagal dito dahil baka may pumasok na tao. Mabuko pa kami ng wala sa oras.
...
...
Napahinto ako ng may maisip ako bigla.
"Vision can see pass through anything kaya madali nating makikita yon. But if they put it somewhere where vision cant see pass through?"-me
Narinig kong napatigil si Ice sa paghahalungkat sa kung saan. Si Kuya Rain naman natahimik din. Alam namin kung gano ka useful ang Vision..pero ang tagal na ng last na inupgrade siya.
What are the chances?
"Thats a possibility. Find something that you cannot see."-rain
Tahimik na nag-ikot ikot ako. Nagkabanggan pa kami ni Ice ng biglang sumulpot sa kung saan. Ngumiti siya sakin at nag beautiful eyes bago nagpatuloy siya sa paghahanap.
"Did you know you just sent me a dozen of summer's pictures?"-rain
Napahalakhak ako. Kaka-beautiful eyes niya na send siguro kay Kuya yung picture ko since sakin siya nakatingin. Natatawang naglakad na ako paalis.
Hindi ko alam kung babata pa ako sa kakatawa kay Ice o tatanda dahil sa kunsimisyon. para kasi siyang nescaffe..all in one. Sweet, Makulit at gwapo.
Bipolar attitude at bipolar characteristics.
...
...
napatigil ako ng makita ko yung isang case na bakal. Kasing laki yon ng normal na speaker ng radyo. Kahit anong tingin ko don hindi ko makita yung loob non.
"I got it."-me
Biglang sumulpot si Ice sa tabi ko. Nagkatinginan kami at sabay na sinubukan naming buksan yon. Kinuha ko yung code cracker namin..after a few minutes of punching the commands..
bumukas yon.
"Wait!"-rain
Napatigil kami sa urgency sa boses ni Kuya Rain...pero nabuksan na namin yung box. The moment na binuksan namin yon ng tuluyan..biglang may lumabas na kung ano sa isang side non.
a timer..
...
...
"A bomb."-rain
Nagkatinginan kami ni Ice. Hindi kami pwedeng basta na lang umalis dahil siguradong mapapahamak ang mga tao dito. Maybe we can throw it somewhere pero kami naman ang mapapahamak. At hindi din kami sigurado kung gano kalakas yon at baka umabot pa sa train.
shit.
"Relax. Focus. Nakakabit pa yung code cracker. We need to do this together. I can see the time..you have exactly five minutes."-rain
"Thunder..there's a 50 chance..50 f@cking chance that we'll die. I'll do it..summer bumalik ka na muna ng BHO-"-ice
sunod-sunod na umiling ako.
Hindi pwedeng maiwan si Ice. Nothing will happen to us. We can do this. Umiling si Ice at pilit na pinatatayo ako para umalis pero hindi ko siya sinunod.
"We'll do this together. I'm not gonna leave you..dont make me do something that I will regret forever. If I leave and you survive this, I'll hurt myself with just the thought of me turning my back on you."-me
Magsasalita pa sana siya pero hindi ko na siya pinansin. Nag-simula na akong kumilos. Hindi ako taga experiment department pero dahil elites ako may alam ako pagdating don.
I know I can do this.
Tinulungan ako ni Ice. Pareho na kaming pinagpapawisan ng malamig...we're both worried..not for ourselves but for each other. Maybe because nothing would hurt more than losing each other.
...
...
Kinabahan ako ng makita ko yung timer.
20 seconds.
Kinakabahan na ako. Pero tinutok ko yung paningin ko sa ginagawa ko.
19
18
"Leave me."-ice
"No."
17
16
Naririnig ko sa kabila ng listening device si Kuya Rain..may mga boses na nadagdag at alam kong sila Daddy yon. I can hear the urgency in their voices.
"Do something. damn it. Get the plane..or the helicopter, anything!"-daddy
"Mishy, ilabas mo muna sila bree at kat."-tito Pj
"No, Hindi ako aalis PJ. Anak natin ang nandiyan!"
Napalunok ako.
Walang mangyayaring masama samin. Hindi pwede...tumingin ako kay Ice at kulang na lang ay ihulog niya ako sa labas para umalis ako. I guess he's thinking about doing it.
I smiled shakily at him. Tumingin ako ulit don sa timer.
8
7
6
5
4
3
...
...
lumikha ng nakakabingin tunog yung box. For a moment I thought that it'll explode. Pero biglang huminto yung timer. Inilagay ko sa muka ko yung mga kamay ko.
damn it. That's the first time na nalagay ako sa ganong ka-intense na panganib. Ilang beses na akong sumabak sa mga missions...pero eto yung klase na akala ko hindi ko na malalagpasan.
Nagulat ako ng bigla akong niyakap ni Ice.
Nang mag-hiwalay kami ay inilagay namin sa pouch yung heirloom na nasa ilalim nung timer. Saktong kapapasok ko lang non sa loob ng suit ko
...
...
ng biglang bumukas yung pinto.
Nagkatinginan kami ni Ice. Ngumiti siya sakin at nakangiting tumayo kaming dalawa. Hinarap namin yung mga lalake na nakatingin samin ngayon at may hawak ng mga baril.
kung pano nila nailusot hindi ko din alam.
"Ready?"-ice
I move my shoulders at ngumiti ako sa kaniya. Hindi namin pinapansin yung mga lalaki na palapit na samin ngayon. Ngumiti ako kay Ice..then I planted a soft kiss on his cheeks.
Humarap na kami sa kanila. Binilang namin lahat.
"Hating kapatid."-ice
"Deal."