Kolehiyo
Hinabi ka ng panahon
Simula pagkabata hanggang ngayon
Ilang hatak, ilang tulak
Ilang lusot, kayod, hirap
Ilang sugat na ang natamo
Ilang bala na ang sinalo
Daig mo pa Si Rizal sa pagkamartir mo
Tingin mo, sasaya ka sa dulo?
Teka! Sandali! Hinto!
Humarap ka sa'kin ng taas noo
Kulubot man ang balat, ito ay tanggap ko
Hawak ko na ang diploma na bunga ng paghihirap mo.
"Salamat..." tanging nasambit mo.
Kasabay ng luha na nagmumula sa mga pagod na mata mo.
-Ee-jay