CBS#3: Babysitting Dakota

By ImperfectPiece

60K 1.7K 325

Clingy Boys Series#3: Babysitting Dakota Sasha needs money. ASAP. Kaya kahit na maging katulong siya sa kabil... More

Babysitting Dakota
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14

Chapter 9

1.8K 83 6
By ImperfectPiece


BABYSITTING DAKOTA
C H A P T E R - 9
Selfish.

Matagal na yata akong nakanganga sa harapan niya na para bang engot. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit, ano at paano at nagulantang na lang ako sa rebelasyon niya! Bakit ba hilig ng mga tao ngayon ang manggulat?

"Wehhh?" Sa dami ng matinong sagot, tanging 'yan na lamang ang lumabas sa bibig ko.

Bahagya siyang natawa ng mahina na ikinakunot naman ng noo ko. "Hindi ka ba naniniwala?"

Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. "Alam mo magaling kayong magbiro sir, ano po?" Iniwas ko ang tingin sa kanya at tumawa-tawa na parang hibang.

Kapag kuwan ay napalitan ng pagkaseryoso ang kanyang mukha. "I'm telling the truth."

Napatigil ako sa katangahan at this time eh nakaramdam na ako ng inis. Bakit ba nagsisinungaling silang dalawang magina? Halos isang taon na mula ng i-anunsyo nilang kamaganak sila ni Dakota, na alam naman naming lahat na isang kalokohan dahil wala na itong natitirang kamaganak. Ang dalawang anak lang ng magasawang Villazarco ang nabuhay sa aksidente. Tapos ito? Itong lalakeng ito, sasabihin niya na stepbrother siya ni Dakota? Ito yata ang tunay na nahihibang.

"Pwede ba sir, huwag niyo na 'ho akong lokohin. Hindi po ako naniniwala at isa pa, binabawi ko na ang sinabi ko. Hindi po kayo magaling magbiro." Naningkit ang mga mata ko habang nakatingala sa kanya. Bakit ba kasi ang tangkad nito?

Pero mas matangkad naman si Dakota.

Ayan na naman siya sa pagkukumpara kung kaya't inayos niya ang sarili sa harapan ng lalake. "Hindi kita niloloko—"

Naputol ang sasabihin niya ng lalake ng biglang magbukas ang pinto ng kwarto ni Dakota na nasa harapan lamang nilang dalawa.

Kaagad namang nabaling ang mga mata niya rito. Lumabas itong nakahubad baro at nakasweatpants lamang at agad ding lumanding ang mga mata nito sa kanya pagkatapos ay sa kausap niya kaninang si Devlin.

"What're you doing here, Asha? It's late." Siya ba ang tinatanong ni Dakota? Eh bakit kay Sir Devlin ito nakatitig?

"Ah—eh, kasi sana ano— ano siya..." Dinuro niya ang kaninang kausap.

Hindi niya na masambit pa ang sasabihin at nagkandagulo-gulo na ang mga salita sa kanyang utak ng makita ang dalawa na sa kanya na nakatitig.

"Come here—" Hinigit siya ni Dakota.

Ngunit siya rin ang paghigit ni Devlin sa isa niyang kamay kung kaya't natigilan si Dakota.

"She's coming with me." Ani ni Devlin na mahigpit ding nakahawak sa kanyang kamay.

Ano bang ginagawa nilang dalawa?

Pabaling-baling naman ang mga mata ko sa kanilang dalawa. Hindi malaman kung ano ba ang problema at hinihigit nila akong dalawa. Hello? Hindi ito tug of war!

"Pwede bang bitawan niyo—" Hindi siya pinatapos ni Dakota ng sagutin nito si Devlin.

"Who are you to say that she's coming with you?" Napapikit siya sa higpit ng hawak ni Dakota.

Aray ko po! Para bang mababalian pa yata siya ng buto sa daliri. Bakit ba pinaghihihila siya ng mga ito? Mga hindi na ito naawa sa liit niya kumpara sa dalawang lalake!

Nagulat siya ng hawakan ni Devlin ang balikat niya para lalo siyang mapunta dito.

"She insist." Madiing pakikipagtalo ni Devlin.

Nanlaki naman ang mga mata ni Asha sa sinabi ng bisita. Hoy anong—"

"She did?" Umigting ang panga ni Dakota sa narinig.

"Uy hindi ko sinabi—" Hindi niya na natapos muli ang sasabihin ng sabay siyang hilain ng dalawa mula sa magkabilang kamay niya na hawak ng mga ito.

Pakiramdam ni Asha ay mapupugto na ang dalawa niyang braso! Ano ba kasi ang problema ng dalawang ito at isinasali siya?!

"Pwede ba!" Kinalas niya ang kamay sa pagkakahawak ng dalawang binata. "Kung ano man ang problema niyo," Dinuro niya ang dalawa. "Kayo na lang ang magaway! Tsk. Jusko isinasali niyo pa ako at balak niyo pa akong balian ng—"

Hindi niya na namalayan. Ganoon na lamang kabilis at bigla ay nakatayo na siya sa loob ng kwarto ni Dakota. Magkaharap sila niyo at nakasara na ang pinto.

Nakakunot ang noo nito sa kanya at nakahalukipkip na ang mga braso nito. "Its late, Asha. Why are you talking to him?" He was pissed.

Hindi siya makapaniwala. Inaakusahan ba siya nito na lumabas lang ng kwarto niya para makipagusap lang ng disoras gabi?

Siya din ay humalukipkip at pinantayan ang tindi ng titig nito sa kanya. "Hoy, hoy, hoy, Sir. For your information, hindi ako nandon para makipagusap sa kanya. Nasa labas ako para sayo pero—"

"You were outside because of me? Then why didn't you just knock? Why were you two talking too close?" Naging sunod-sunod ang tanong nito.

Napairap siya sa hangin. Kelan ba siya patatapusin nito sa pagsasalita? At isa pa, bakit ba napakadami nitong tanong?"

"Baka tulog ka na kasi." Habaan mo ang pasensiya, Asha. "Bigla ko siyang nakita na lang at nagugutom daw siya kaya sana ipaghahain ko siya."

Napagpasyahan niyang wag na munang sabihin dito ang nalaman niya. Siguro sa susunod na araw o sa tamang oras niya na lang tatanungin ito. Dapat siyang lumugar.

"Obviously, I'm still awake." Bigla ay lumapit pa ito ng dalawang hakbang. Biglang nagbago ang ihip ng hangin sa paligid.

"O-oo nga." Bakit biglang ang init ng kwarto niya?

Papalapit... at lalo pang lumapit.

"Did Devlin touch you?" Itinaas nito ang kamay. Ibinaba ang mukha dahilan para magisang dangkal na lamang ang kanilang mga mukha at saka ipinadaan ang hintuturo nito sa gilid ng kanyang mukha, papunta sa pisngi, paraan sa labi at baba.

Madilim ang mukha ng binata. Ito ang unang beses niyang makita ang ganitong emosyon sa mga mata ni Dakota.

Napalunok siya sa nadaramang kiliti. Ayan na naman ang dibdib niya, nagwawala ang puso niya sa kabog. "D—Dakota..."

Nahigit niya ang hininga ng itulak siya niyo at mapahiga sa kama. Hindi na niya naituloy pa ang pagtukod ng dalawang braso para tumayong muli ng agad siyang daganan ng binata. Itinukod nito ang siko sa gilid ng kanyang ulo at ang isa naman ay nakalagay lamang sa kanyang tagiliran.

"You know, Asha... I've been being selfish lately." Inamoy nito ang kanyang leeg.

Napapikit siya ng mariin sa hatid na kilabot nito sa kanyang buong katawan. Para bang kinukuryente siya at hindi niya maipaliwanag ang nadarama.

Wala sa isip na inilagay niya ang palad sa hubad baro nitong dibdib upang magkaroon man lamang ng kaunting pagitan sa kanila. Ngunit bigo siya ng naramdaman ang init ng katawan nito, parang mas lalo ay gusto niyang dumikit pa ang binata sa kanya. "Ka—Kailangan ko nang bumalik ng kwarto ko..."

"Shhhh..." Hindi nito pinansin ang daing niya.

His hands begins to wander. He touched her soft skin, smelled her fresh showered hair. He was intoxicated.

Para bang mapupugto ang kanyang paghinga ng haplusin ni Dakota ang kanyang puson. Hindi niya mapigilan ang magsarado ng mga daliri sa paa sa kiliting idinulot nito sa kanya.

"You smell so good, Asha. So good that I just want to—"

Dumaan ang ilan pang segundo at nagulat siya nang may humila sa kanya patayo sa higaan mula sa pagkakadagan ni Dakota.

"What are you doing with her, Dakota!"

Hinihingal siya na napatingala sa galit na sumigaw at nakayakap sa kanya palayo sa direksyon ni Dakota.

Si Devlin!

"You bastard! Don't you dare touch her!" Gumanti ng sigaw si Dakota at sa isang iglap ay natumba si Devlin at nabitawan siya nito.

Nanlalaki ang mga mata niya sa nangyayari. Nagsusuntukan sila sa kanyang harapan at hindi niya alam ang gagawin!

Jusko po bakit ba napunta siya sa ganitong sitwasyon gayong cellphone niya lang naman ang gust niya!




***

ImperfectPiece






***

ImperfectPiece

Continue Reading

You'll Also Like

12.1M 535K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
139K 6.4K 76
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
24.4M 712K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
39.9M 1M 49
She's pregnant and... a virgin.