Black Magic : HEAL (COMPLETED)

By iamyourlovelywriter

284K 7.3K 329

Her past's immaturity leads her to her present turmoil. Will his forgiveness heal her troubled heart Date of... More

TEASER
1 - STETHOSCOPE
2 - ANESTHESIA
3 - SCALPEL
4 - MRI
5 - SUTURE
6 - ELECTROCARDIOGRAPHY
7 - NEBULIZER
8 - MEDICINE KIT
9 - AMBULANCE
10 - HOT COMPRESS
12 - DEFIBRILLATOR
13 - X-RAY
14 - SPHYGMOMETER
15 - CPR
EPILOGUE

11 - ENDORPHIN

16.3K 464 38
By iamyourlovelywriter

"THANK YOU for saving me." Tinanggap ni Xelena ang hot chocolate na ibinigay sa kanya ni Dorothy. Best friend ito ng kanyang kakambal at nakababatang kapatid ni Darren, kung hindi niya ito nakitang sumisilip sa bahay nila ay baka kasama na niya ngayon ang mag-ama.

"Kinikidnap ka ni Xenon?" pasimpleng inalis niya ang tingin mula sa kausap. "Mukhang kulang nalang ay itulak niya ako sa bangin nang lumabas ka mula sa kotse niya."

Hindi siya kumibo sa pagbibiro nito dahil alam niyang nangunguha lang ito ng impormasyon laban sa kanya. Kahit na hindi tsismosa si Dorothy ay mas mabuti ng iilan lang ang may alam ng tungkol sa mga pinaggagawa niya.

"The guy obviously likes you--." Bigla siyang napaubo sa narinig niya dahil iyon na yata ang pinakamasamang biro na pwedeng marinig niya sa buong buhay niya. "What? Lahat ng mga kapitbahay natin ay iyon ang nakikita. Don't tell me hindi mo napapansin ang mga pinaggagawa niya?"

Sinamaan niya ng tingin si Dorothy dahil hindi niya gusto ang mga sinasabi nito. "Stop that Dorothy, he doesn't have any feelings for me. Kung meron man ay utang na loob lang iyon dahil nakakapagsalita na ang anak niya."

Napansin niya ang pagkakakunot ng noo nito. "Kailan pa hindi nakakapagsalita si Neon? And Neon is not his son, he is single, anak siya ni Fe."

Nagdugtong ang kilay niya. "Fe?"

"Older sister ni Xenon at ni Radon, namatay siya dahil sa isang aksidente dalawang taon na ang nakakaraan at kasama sa aksidenteng iyon ang bata. Dahil sa nangyari ay hindi naging palakibo ang bata at mas gustong mapag-isa but it doesn't mean he can't talk." Napaawang ang kanyang labi sa sinabi ni Dorothy, napatitig siya sa kausap alam niyang hindi ito nagsisinungaling. Walang bahid ng pagbibiro sa mukha nito kaya alam niyang nagsasabi ito ng totoo. Nanginginig ang brasong ibinaba niya ang tasa na may lamang hot chocolate sa center table at pagak na napatawa.

"All this time ay niloloko lang pala niya ako ganoon? Pinaglalaruan at pinagtatawanan?" isang mapait na ngiti ang rumehistro sa kanyang mga labi.

"Hey, hindi naman sa ganoon. Maybe he had his reasons why he lied."

Gusto man niyang pigilan pero bakit hindi niya magawa? Kusang tumulo ang luha sa kanyang mga mata at naitakip niya sa kanyang palad sa kanyang bibig upang hindi nito mapansin ang kanyang pag-iyak. May control siya sa kanyang emosyon pero bakit hindi niya iyon napigil ngayon?

"Oh my God, Xelena, I didn't mean to offend you or anything. I swear walang masamang balak si Xenon sa iyo he is a descent guy I bet my life for that."

Mabilis niyang pinahid ang luha sa kanyang mga mata. "I'm okay, I'm fine." She murmured. Pero malayo sa okay at fine ang kanyang nararamdaman ng mga oras na iyon. Alam niyang nag-aalala ito sa kanya.

"May nasabi sa akin si Xylee noon tungkol sa iyo at kay Xenon." Napatingin siya dito. "Matagal mo na siyang mahal hindi ba? You don't have to lie about that, sinabi na sa akin ng kakambal mo ang lahat pero huwag kang mag-alala you can trust me about your secret."

Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan at mahinang tumango. "I think there's no need for me to explain since you already knew everything. Tama ka first love ko si Xenon, I was naïve and crazy back then when I fell for him and thought that he is the one for me. I chased him like a madwoman and became a stalker." Malungkot na tumawa siya. "Pinupuntahan ko siya sa university niya at alam ko kung saan siya nagpupunta. Kinakaibigan ko rin ang lahat ng mga nagiging kaibigan niya hanggang sa dumating sa point na naghihiwalay sila ng mga naging girlfriend niya ng dahil sa akin." Tiningnan niya ang naging reaksyon nito at kahit na masama pa rin ang loob niya ay hindi niya maiwasang hindi matawa sa naging reaksyon nito sa kanyang sinabi na kahit si Xylee ay walang alam.

"You did that?"

"And all... and worst." And worst... Dahil may naggawa pa siyang hindi nito alam at wala ni sinong may alam dahil iyon ang naging dahilan kung bakit siya natauhan at kung bakit siya na mismo ang nag-alis sa sarili niya mula sa kumukulong mantika. Literal na nabaliw siya sa lalaki at hindi na iyon naging healthy para sa kanya.

"Ako din ang naging dahilan kung bakit napilitang maghiwalay ang mga magulang namin ni Xylee. Walang alam ang kakambal ko sa nangyari at mas mabuting wala siyang alam, hindi rin iyon sinabi nina Nanay at Tatay sa amin pero alam kong ako ang dahilan."

Kumunot ang noo ni Dorothy sa kanyang sinabi. "You can tell me everything."

"I can't." umiling siya. "Dahil kahit ako ay hindi matanggap na naggawa koi yon. I can't tell you."

"You don't have to force yourself, kapag handa ka na ay pwede mo akong lapitan and you know you can also tell your sister about it. Pareho nating alam na kahit tayo pa ang mali ay tayo pa rin ang kakampihan niya." Ngumiti ito sa kanya.

"Thank you." Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya pero hindi para kay Xenon at sa ginawa nitong pagsisinungaling sa kanya.

"DOC, someone is calling." Untag sa kanya ni Amor nang makita ang notification sa kanyang cellphone.

"Hindi importante." Si Xenon ang tumatawag sa kanya at wala siya sa mood para sagutin ang lalaki. Iniisip pa rin niya kung paano mawawala ang nararamdaman niyang galit para sa lalaki dahil sa ginawa nitong pagsisinungaling sa kanya. Madali lang naman siyang kausap at kung iniisip nitong hahabulin pa rin niya ito kaya sinabi nitong anak nito si Xenon para ma-turn off siya ay hindi na nito kailangan pa na gawin iyon dahil kahit na may nararamdaman pa siya sa lalaki at ganoon din ito sa kanya ay walang magiging sila.

"May love quarrel ba kayo ng boylet mo?"

"I'm single." Nang matapos ang tawag ay mabilis niyang na-i-block ang number ni Xenon para hindi na ito makatawag sa kanya. Iisipin lang nitong busy siya sa kanyang trabaho hanggang sa mapagod na rin ito at hindi na siya abalahin."At kapag may naghanap sa akin sabihin mong wala ako o kaya naman ay nasa operation room ako at may inooperahan ng more than twelve hours."

"Why?"

"I'm busy." Iyon ang palaging iniuutos niya sa mga kasamahan. Wala siyang tinatanggap na tao ngayon kung walang prior appointment. Habang naglalakad pabalik sa kanyang clinic ay namataan niya si Sebastian.

"Pwedeng sumama sa operasyon mo mamayang gabi? I want to assist or observe you." Hindi pa man siya nito nababati ay inunahan na niya ito. "I need more exposure before my certification." Minadali na rin niya ang kanyang pagpunta sa New York para sa kanyang seminar.

"Oh well, I really need an assistant."

"Good, I'll prepare now." Nagtataka man ay hindi ito nagtanong ng kung anu-ano sa kanya at pabor din sa kanya ang bagay na iyon. Muling nagvibrate ang kanyang cellphone at papatayin sana niya iyon nang mabasa ang pangalan na naka-register sa screen. Mula iyon sa kanyang kakambal kaya sinagot niya ang tawag. "Yes?"

"Anong yes? Final fitting na ng gown mo para sa wedding, saan ka na?" naipilig niya ang kanyang ulo at pilit na inaalala ang date na iyon. She gasps and her sister heard it. "Don't tell me nakalimutan mo?"

"I forgot." Totoong pag-amin niya. "I'm sorry." Narinig niya ang malakas na buntong-hininga nito. "Hindi ako pwedeng lumabas dahil may operasyon ako thirty minutes from now pwede bang si Dorothy nalang ang mag-fit para sa akin magkasingkatawan kami." Mas matangkad lang si Dorothy ng kaunti keysa sa kanila pero sa tantiya niya ay hindi sila nalalayo ng sizes.

"May magagawa pa ba ako? Hindi naman pwedeng magtantrums ako dito dahil wala ka, magfi-fitting din ang mga entourage ni Darren at ikaw na lang ang kulang." Kumabog ang dibdib niya sa narinig niyang sinabi ni Xylee. Ibig sabihin ay kasama si Xenon at nandoon din si Neon. Inaamin niyang namimiss na rin niya ang bata sa kabila ng nalaman niya. Alam niyang walang kinalaman si Neon sa ginawa ng tiyuhin nito, he is innocent at nadamay lang sa kung anong plano ni Xenon sa kanya.

"I'm really busy right now, ngayon ko lang din nahawakan ang cellphone ko na namatay dahil low battery. I-o-off ko rin ito after this call dahil may operation ako."

"Ganoon ba?" narinig niya ang malungkot na boses ng kapatid at nagu-guilty siya sa ginagawang pagsisinungaling pero kailangan na niyang panindigan ito. "Keep safe."

"Thanks Xylee and don't worry about me, hindi ako mawawala sa wedding mo with or without a gown."

"Baliw ka." Kahit papaano ay sumigla ang boses nito kaya napanatag na ang puso niya dahil okay lang ang kanyang kapatid. Pagkatapos ng tawag ay pinatay na niya ang cellphone at kinuha ang kanyang work phone. Naghanda na rin siya sa pag-aassist kay Sebastian sa operasyon nito.

Walang naging problema sa operasyon, hindi naman kasi iyon komplikado at kahit si Sebastian lang ang nandoon ay magiging successful pa rin iyon. But at least it occupied most of her time, kailangan niyang maging busy at kailangan niyang may gawin. Pagkatapos ng operasyon ay nilapitan siya ng kanilang head para sa isang close door meeting. Nag-apply siya ng fellowship sa hospital pagkatapos ng kanyang certification kaya iyon ang pinag-usapan nila ng kanyang head.

"XYLEE!" Gulat na sambit niya sa pangalan ng kakambal nang paglabas niya ng banyo para maligo ay nakita niya itong naka-upo sa kanyang kama.

"Ginawa mo ng bahay itong quarter mo dito sa hospital, mas comfortable ka yata dito." napatingin siya sa orasan, pasado alas otso na ng umaga at matutulog na sana siya kung hindi lang ito dumating.

"Marami kasing pasyente ngayon at mas pabor sa akin na dito muna sa hospital keysa mag-travel pauwi. Saka na kapag rest day ko na." paliwanag niya dito.

"Rest day? Hindi ka naman umuwi last week."

"Nag-cover ako ng shift ng kasamahan ko dito dahil may emergency sa kanila at saka may balak kasi akong magleave a week before your wedding so I need more rest days to do that." Napabuntong-hininga ito.

"Nag-aalala na sina Nanay at Tatay sa iyo dahil hindi ka na nila nakikita, please lang Xelena huwag mong masyadong sagadin ang katawan mo."

"Hindi ko naman pinababayaan ang sarili ko, malapit na kasi ang residency certification so I need to focus."

"Speaking of which, hindi mo pinapaliwanag kay Nanay at Tatay ang tungkol diyan. Kailan mo sasabihin sa kanila na may seminar ka sa New York?"

"Sa susunod na rest day ko sana sasabihin sa kanila, na-approved na rin ang VISA ko at bibiyahe ako pagkatapos ng wedding mo."

"Well, explain that to our parents. Alam mo bang nalaman kong sa New York ka pupunta dahil kay Xenon--."

"Alam mo hindi ba?" natigilan ang kapatid sa tono ng boses niya at sa pagputol niya sa sasabihin nito. "Alam mo ang totoo, right?"

"Ang alin? Ang ano?"

"May alam ka Xylee, plano mo ba ito?" Kumunot ang noo ng kakambal at maniniwala sana siya kung hindi lang niya ito kilala. Alam marahil nito na wala itong lusot sa kanya kaya wala itong naggawa kundi ang tumango at hindi niya alam kung ano ang iisipin sa ginawa ng kapatid.

"You made him pretend?" she stopped herself from yelling at her sister.

"No! Hindi ganoon Xelena. Tinulungan ko lang siyang mapalapit sa iyo like inviting him during dinner." Kumunot ang kanyang noo.

"Hindi mo plano na gamitin si Neon at magpanggap na hindi nakakapagsalita para maloko ako?" Her sister mirrored her confused expression.

"Bakit mo naisip na kaya kong gamitin ang isang inosenting bata para lokohin ka? Wala akong plano na saktan ka I just want to pair you with him because I know you still love him. Hindi nawala sa puso mo si Xenon at huwag mong i-deny sa akin iyan. Noong makita ko siya at napagkamalan niyang ikaw ako ay alam kong may chance pa na maging kayo ay gumawa na ako ng paraan para mas mapalapit kayong dalawa." Xylee carefully explained and she knew she wasn't lying.

"I appreciate your effort Xylee pero sana ay hindi mo na ginawa iyon, I may have feelings for him but I don't have any plans of having him in my life." Ani niya sa kapatid.

"But why? Hindi mo ba napapansin na gusto ka niya? If he lied to you hindi ba iyon pwedeng maging basehan mo na may gusto na siya sa iyo?" pangungumbinse nito sa kanya.

"Ilang taon na rin ang nakalipas nang tapusin ko ang paghabol ko sa kanya hindi rin ba pwedeng maging basehan iyon na ayaw ko na? Hindi madali ang paulit-ulit na mareject ng iisang tao at ang maging tanga ng dahil sa kanya. Ayoko na, kahit may nararamdaman ako sa kanya ay hindi rin ako papayag na magkaroon ng kami." Tumayo si Xylee.

"Masyado kang matigas Xelena, bakit hindi mo siya bigyan ng chance na i-prove na may gusto siya sa iyo?"

Umiling siya. "He is no longer my priority anymore, my feelings are no longer my priority." Inalis niya ang titig mula sa kapatid at ang narinig mula sa kanya ang nakapagpatahimik dito. Napansin niya ang gulat sa mukha nito sa kanyang sinabi. "Hindi lang naman ang pag-ibig ang namamayani sa mundo, Xylee. My world and yours, they are not the same. Huwag mong itulad sa mundo mo ang mundo ko dahil kahit na magkakambal tayo ay hindi pa rin tayo magkapareho."

Napatayo ito at naningkit ang mga matang nakatitig sa kanya. "You are speaking nonsense Xelena! Paano mo ako mauutusan na magpretend na walang posibleng maging kayo kung kitang-kita ng mga mata ko na pareho kayong may nararamdaman sa isa't isa at wala kang balak na gawin para mangyari iyon. This is very frustrating!" kulang nalang ay magsisigaw ang kapatid sa harap niya.

"He doesn't have feelings for me." Kumunot ang noo nito at mas lalo itong na-frustrate sa kanya. "Ang nakikita mo lang ay ang gusto mong makita at i-interpret. Maaaring nagsisinungaling lang siya, or pretending that he cares because he wanted to have a revenge. Sa dami ng masasamang ginawa ko sa kanya dati baka naisip niyang time na rin na gumanti siya. Ilang relationship na ba ang nasira ko? Kung hindi dahil sa akin ay baka may sarili na rin siyang pamilya ngayon."

"Kung gusto niyang magkapamilya ay matagal na niyang ginawa iyon, pareho nating alam na hindi imposibleng mangyari iyon." Totoo ang sinabi ng kapatid niya.

"He's bored." Bakit parang sampal sa kanya ang sinabi niya? Bored lang ito sa buhay at siya ang napagtripan nitong maging past time entertainment?

"Hindi kaya ikaw ang na-bored sa kanya kaya itinigil mo ang paghahabol mo sa kanya noon?" nagdugtong ang dalawang kilay niya sa sinabi ng kapatid. "You don't really love him, past time mo rin siya dati at nang ayaw mo na ay basta ka nalang tumigil."

"Wala kang alam sa nangyari!" now its her time to yell at wala siyang pakialam kung may nakarinig man sa kanya. Iyon din ang unang beses na muli siyang napasigaw ng ganoon sa kapatid. Again, may control siya sa kanyang emosyon pero nasaid na nito ang lahat ng control na meron siya. "Wala kang alam."

"Kasalanan ko ba kung wala akong alam at wala akong maintindihan? Kapatid mo ako Xelena, worst, I'm your twin sister. I am your friend, your bestfriend pero ikaw ang lumayo at ikaw ang unang nagtago. Pilit mong tinatago ang nararamdaman mo and you are driving anyone away from your life kaya sino sa tingin mo ang may kasalanan kung bakit walang nakakaintindi sa iyo?" nanginginig ang kanyang mga tuhod habang kausap ang kapatid niya.

Nagsimula ng tumulo ang mga luha mula sa kanyang mga mata. "Akala mo ba hindi ko alam na ang naging dahilan kung bakit naghiwalay sina Nanay at Tatay ay dahil sa iyo?" mas lalong lumakas ang kanyang paghikbi. "Pero sinisi ba kita? Hindi, wala kang narinig sa akin dahil naiintindihan kita at akala ko kapag nalayo ka ay babalik ka na sa dati. Masayahin at palaging may positive outlook sa buhay na bigla nalang nawala. When your depression was cured I thought I can have my twin sister back, my bestfriend back but I was wrong. Bumalik ka pero nag-iba ka na, hindi na ikaw ang Xelena na kilala ko."

Naramdaman niya ang pagyakap ng kapatid niya sa kanya. "I thought it's your way of coping up with everything but I was wrong. Dapat pala ay mas naging pro-active ako sa pangungulit sa iyo, I should have done better. I want to know what happened and I want to know why you changed. Why can't you trust me with that?" she clenched her sisters dress for support as she poured her heart out. "I want my endorphine back, you are our source of happiness, we want it back."

Maybe she can trust her sister with her darkest secret, the main reason why she changed. Baka kapag may nasabihan siya ay gagaan ang kanyang pakiramdam at hindi na siya magiging ganito. She just need someone who can listen to her and won't judge her and no one can do the job better than her sister.

TBC

PHOTO CTTO

<3 <3 <3

A/N: Enjoy reading babies. 

Love,

INANG

Continue Reading