Black Magic : HEAL (COMPLETED)

By iamyourlovelywriter

284K 7.3K 329

Her past's immaturity leads her to her present turmoil. Will his forgiveness heal her troubled heart Date of... More

TEASER
1 - STETHOSCOPE
2 - ANESTHESIA
3 - SCALPEL
4 - MRI
5 - SUTURE
6 - ELECTROCARDIOGRAPHY
7 - NEBULIZER
8 - MEDICINE KIT
9 - AMBULANCE
11 - ENDORPHIN
12 - DEFIBRILLATOR
13 - X-RAY
14 - SPHYGMOMETER
15 - CPR
EPILOGUE

10 - HOT COMPRESS

14K 402 12
By iamyourlovelywriter


SINUBUKAN ni Xelena na igalaw ang mga braso pero may mabigat na bagay na nakadagan doon. May mabigat na bagay din na nakapatong sa kanyang beywang at sa kanyang mga binti. Para siyang na-trap sa gitna ng dalawang malalaking bato. Binuksan niya ang mga mata at napatingin sa kulay abong kisame, napalingon siya sa kanyang tabi at napangiti nang makita ang natutulog na si Neon. Nakayakap ito sa kanya at ito ang nakahiga sa kanyang brasong kanina pa niya pilit na ginagalaw. Naputol ang pagtitig niya sa bata nang maramdamang may humapit sa kanyang beywang at may mainit na hiningang tumatama sa kanyang leeg. Hindi na niya kailangan pa na manghula kung sino ang nakahiga at nakayakap sa kanya mula sa kanyang likuran.

"Good morning." Her whole body stiffened and she felt bothered all of a sudden when she heard Xenon's over sexy morning voice. "You smell good." Bulong nito at mas lalong hinila ang katawan niya palapit dito.

"Xenon!" she hissed trying to wriggle away from him.

"Don't move you'll wake him up." Kumunot ang kanyang noo at napatingin kay Neon, magigising nga niya ang bata sa kakalikot niya. "Let's sleep more."

"I'm awake." Totoong nagising na siya. "Get off me." She hissed again.

"No." Tulog pa ba ito?

"Ang kulit mo." Mas lalong isiniksik nito ang mukha sa kanyang leeg at naramdaman niyang inamoy na nito iyon. Malakas na hinampas niya ito sa braso nitong nakapatong sa kanyang beywang. "Ano ba?"

"Stay."

"Ano ang tingin mo sa akin aso? You—stop sniffing my neck."

"Daddy, Mommy, what are you doing?" para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang makita si Neon na inosenting nakatingin sa kanila.

"We are cuddling." Natigil siya sa pagpupumiglas dahil sa bata pero mahina niyang kinurot si Xenon kaya napasinghap ito.

"Good morning Mommy." Sa wakas ay hinayaan siya ng lalaki na makalayo dito. Agad naman na lumapit sa kanya si Neon at pinugpog siya ng halik sa mukha. Sanay na siya dito dahil ganoon siya nito binabati noong nasa bahay pa ito. Napasulyap siya kay Xenon na kunot-noong nakatitig sa kanila ng anak nito.

"Neon, wash your face and brush your teeth first." Utos ni Xenon sa anak nito.

"Opo." Masaya itong tumalon mula sa kama at nagpunta sa banyo.

"Xelena." Napatingin siya kay Xenon at muntik na siyang mapatili sa sunod na ginawa nito. "Good morning." Hinalikan siya nito sa noo na naging dahilan ng maaga niyang kamatayan. May balak talaga itong patayin siya sa cardiac attack. Hindi siya nito hinayaan na makapagreact dahil mabilis nitong sinundan sa banyo ang bata at naiwan siyang nakatanga sa ibabaw ng kama at pilit na kinakalma ang puso niyang tinukso nito.

Calm down pretty little heart, don't be weak. Huwag kang marupok!

Napatingin siya sa kanyang sarili, suot pa rin niya ang suot niya kagabi. Amoy hospital pa rin siya kaya nagtataka tuloy siya ng sabihin nitong mabango siya. Nanakit pa rin ang kanyang balikat dahil sa tadyak ng lalaking iyon. Wala naman siyang sprain pero sigurado siyang may malaking pasa siya doon.

"You can use the bathroom first." Napasulyap lang siya kay Xenon na lumabas mula sa banyo bitbit ang anak nito. Naghilamos lang ito pero parang ang laki ng nabago sa mukha nito. He looks good when he's still fresh from bed and another level when after washing his face. "I'll prepare our breakfast."

"Dito lang ako, Daddy. I'll help Mommy." Nagpumiglas ang bata na hawak nito pero hindi hinayaan ng lalaki na makalayo ang anak nito.

"You are going to help me prepare breakfast."

Umiling si Neon. "No! Sabay kaming maligo ni Mommy like sa house niya." Gustong-gusto ni Neon na sabay silang naliligo kaya tumango siya kay Xenon pero mas lalong naningkit ang mga mata nito habang nakatitig sa bata.

"You are going to help me cook the pancake."

"Pancake? Okay." Mabilis na lumabas ang dalawa habang siya ay hinintay na mahimasmasan bago naisipang kumilos. Humarap siya sa malaking salamin na nakadikit sa wall ng kwarto ni Xenon at hinubad ang suot na blouse. Tiningnan niya ang kanyang likod at muntik ng mapamura ng makitang halos okupahin ng pasa ang likod niya.

"Xelena—."

"What the hell Xenon?!" She shrieks in surprise when he suddenly shows up. She immediately covered herself but not fast enough to hide the huge bruise on her back and she knew he saw it. "I know this is your place but can't you knock first?"

"What was that?"

"Ang alin?" she feigned innocence.

"Come on Xelena, I know what I saw." Naningkit ang mga mata nitong mabilis na tinawid ang distansya sa pagitan nila. Nataranta siya pero hindi agad nakakilos nang tingnan nito ang kanyang pasa. She heard his cursed loudly and even gritted his teeth.

"It's okay." Pilit niyang tinago dito ang kanyang mga pasa.

"Okay? Halos kalahati ng likod mo ang may pasa at alam kong hindi okay iyan, damn it!" napamura uli ito. "Did that guy do this?"

"It was an accident--."

"Accident?!" tumaas ng ilang decibel ang boses nito at iyon ang unang pagkakataon na narinig niya ang ganoong tono ng boses ni Xenon. Madalas ay malumanay ang boses ng lalaki, he is as gentle as a flowing river but not this time. "At hindi mo sinabi sa akin?"

"Well, nakalimutan ko. Pagod na pagod ako kagabi sa nangyari kaya hindi ko na naasikaso. Pasa lang iyan wala namang masakit." She lied. Hanggang ngayon ay sumasakit pa rin ang kanyang likod dahil sa tadyak ng walang hiyang lalaking iyon. "Ililigo ko nalang ito." She again saw him grit his teeth. "You know I'm almost half naked, I'd appreciate it more if you'll give me time to freshen up."

"I'll call doctor En-."

"I'm a doctor, Xenon." Pigil niya sa pagkakataranta nito. "Just get me some ice." Iyon lang ang nasabi niya para lang umalis ito. Mas siya ang natataranta sa ideyang halos hubad na siya sa harap nito. "I'll fix myself first."

"I'll get some." Nakahinga siya ng maluwang nang makalabas na ito kaya nagmadali siyang ayusin ang sarili sa loob ng banyo nito. She can't take shower that would be over the top since this is not her place and she doesn't have anything to wear. Paglabas niya ay nandoon na sa silid si Xenon at si Neon.

"Kumain na ba ng breakfast ang bata?" salubong niya kay Xenon.

"He ate his pancake, he will be joining us again for breakfast. Sit here." Wala siyang nagawa kundi ang sumunod dito. "Neon, can you hold mommy's shirt up?" mabilis niyang nayakap ang sarili dahil sa utos nito.

"No need, sa bahay nalang--."

"Kung ayaw mo dito ay ihahatid na kita sa inyo mas mabuting ako ang magsabi kay Tita at Tito tungkol sa malaking pasa mo sa likod."

"No!" mabilis niyang sagot dahil sigurado siyang mas malala pa dito ang matatanggap niyang sermon at baka nga ay pakiusapan nalang siya ng Nanay na huminto. "Fi-fine." Itinaas niya ang likod ng kanyang shirt at naramdaman niya ang presensya ni Neon sa kanyang tabi. She felt relieved knowing that the child is with them dahil safe siya, hindi siya makakapag-isip ng masama laban sa lalaki.

"Mommy, hurt?"

"A little hurt lang, baby." Hinalikan niya ito sa pisngi. "Kiss me more and it will not hurt anymore." Pinugpog siya ng halik ni Neon kasabay ng malakas na pagsinghap ng may dumamping mainit na bagay sa kanyang likod. Hindi iyon masakit nagulat lang siya.

"Doc Enriquez said that applying heat will help in boosting the circulation and increase the blood flow. This will also help in clearing away the trapped blood after the bruise has already formed." Mukhang tumawag nga ito sa doctor na tumingin ditto noon.

"Tha-thanks." Ani niya at pilit na kinakalma ang puso. Marahan siyang bumuntong-hininga dahil kahit anong iwas niya dito, kahit anong tago niya sa nararamdaman niya ay talagang hindi na ito kailanman mawawala sa kanyang sistema. She loves him, she will always love Xenon but she doesn't deserve him, he is way too good for her.

"Do you often experience this?"

"Kagabi lang, it was my fault dahil hindi ako maingat." She heard him sigh. He continued pressing the warm compress for quite some time.

"Do you need to take some medicines? Pain relievers?"

"No need, hindi naman masakit." That was a lie though but the pain is quite bearable so there is no need for medications. Binaba na nito ang shirt niya kaya malaya na siyang nakakagalaw. "Thank you and please don't tell my parents about this. I don't want them to worry." Tumango ito sa kanyang pakiusap.

"Bumaba na tayo para kumain."

"Sama ako Mommy." Akmang bubuhatin niya ang bata nang maunahan siya ni Xenon.

"Mommy is not feeling well, you are heavy I'll carry you." Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa pagkatapos ay may binuksan na cabinet doon. "You can wear my shirt for a while to make yourself more comfortable. Don't worry it's clean."

"Thanks." Nauna na uling bumaba ang mag-ama at mabilisan niyang isinuot ang shirt nito pero mali yata ang sinabi nitong mas magiging komportable siya dahil nababaliw na naman ang mga cells niya sa katawan lalo pa at naaamoy niya ang mabangong amoy nito mula sa shirt. Pagkababa niya ay natagpuan niya ang dalawa sa sala, naglalaro si Neon habang seryosong may kinakausap si Xenon sa phone nito. Nang mapansin siya ng lalaki ay pinutol na nito ang tawag nito at nakangiting bumaling sa kanya.

"Let's eat." Pagdating niya sa dining table ay may mga pagkain na doon. Kumunot ang kanyang noo dahil sigurado siyang hindi enough ang time nito para maghanda ng mga pagkain. "I ordered food." He sheepishly smiled at her.

"Tabi tayo 'My." Ngumiti siya kay Neon. This child really makes her feel at ease. Narinig niya ang mahinang pagtikhim ni Xenon habang nilalagyan ng pagkain ang kanyang plato.

"Don't disturb your Mommy Xelena, Neon. She needs to eat."

"Opo."

"Okay lang naman. Hindi ako baldado at kaya ko pa rin na kumilos, I appreciate this Xenon but you don't have to fuss over my bruise."

"You've been taking care of me and Neon, maliit lang ito sa mga naggawa mo." Utang na loob. Ano pa ba ang ine-expect niya sa mga pinaggawa nito sa kanya? Ito iyong ayaw niya kapag may nararamdaman siya sa isang tao, kahit na anong gawin nito ay pakiramdam niya ay may meaning kahit na ang totoo ay wala.

"You don't have to return the favour. It's really fine besides you knew the reason why I did that." Binigyan niya ito ng isang maliit na ngiti. "By the way I will out of the country for a few months." Kumunot ang noo nito pero hindi ito nagsalita at hinintay lang ang sunod niyang sasabihinin. "I need to attend a short course class and a seminar at the same time. Malapit na kasi ang residency examination ko at isa iyon sa requirement ng hospital. I think this will be the right time for Neon to separate from me."

"Mga ilang buwan?"

"Three, four months? Hindi ko alam ang fix na date."

"Kailan ka aalis?"

"Hinihintay ko nalang ang approval ng VISA ko at kapag nakuha ko na ay aalis na rin ako. I made sure that my departure date are days after my sister's wedding." Iyon ang pinakiusap niya sa kanyang immediate superior.

"Paano kung ayokong umalis ka?" taas ang magkabilang kilay niya sa biglang tinanong nito. "Is there any other way for you not go?"

"Nope, kasali iyon sa description ng trabaho ko. This is really important." Iyong ibang nagreresident ay hindi nabibigyan ng ganoong chance at ayaw niyang sayangin ang pagkakataon na iyon para mas palawigin pa ang kabihasnan niya sa propesyon pinili niya. "And I really want to go, I need the certificates for the seminars. Kailangan ko iyon kung sakaling gusto kong magtayo ng sarili kong clinic o kaya naman ay maisipan kong magtrabaho abroad." Tinapos niya ang pagkain.

"Where?"

"New York." Siguro naman pagbalik niya ay hindi na niya kailangan pa na magtago dahil troubled siya sa kanyang nararamdaman para dito.

Pagkatapos kumain ay nagpaalam na siyang umuwi at kahit na sinabi niyang hindi na siya nito kailangan pang ihatid kaso nag-insist ang mga ito na sa ihatid siya. Nang makarating sa harap ng kanilang bahay ay nagpasalamat siya dito.

"Salamat sa paghatid, mauna na kayo." Aniya dito.

"Pumasok ka muna." Dahil pagod na rin siya kaya binuksan niya ang pinto ng bahay pero naka-lock iyon. Kumatok siya pero tila walang tao sa loob at hindi niya dala ang susi ng bahay. Patay din ang kanyang cellphone kaya hindi niya ma-contact ang mga ito. "What's wrong?"

"Mukhang umalis sila Nanay at Tatay, can I borrow your phone? Tatawagan ko lang sila."

"Sure." Ibinigay nito sa kanyang cellphone nito at kahit na kaninong number ang ginamit niya ay walang sumasagot sa kanya. Nanlumumong ibinalik niya kay Xenon ang cellphone. "May problema ba?"

Tumango siya dahil wala rin namang maggagawa ang kanyang pagsisinungaling. "Babalik nalang ako sa hospital, wala sila dito at hindi ko sila ma-contact. Doon nalang ako matutulog-."

Nagdugtong ang dalawang kilay ng lalaki. "Stay in my place."

"No need--."

"Come here." Hinila siya nito pabalik sa kotse. "I can't let you stay anywhere not when you still have the big bruise in your back. Alam ko rin na pagod ka kaya hindi maganda ang bumiyahe ng malayo."

"Ayokong abusuhin ang kabaitan mo."

"I don't really mind." Nagtataka siya sa tono ng boses ng lalaki dahil parang may hint iyon ng kasiyahan doon. "Let me buckle the belt." Hindi siya nakakilos dahil sobrang bilis ng pangyayari. Mabilis itong nakalapit sa kanya kaya habang inaayos nito ang seatbelt ay hindi maiwasang pasimpleng nadidikit ang mga labi niya sa pisngi nito. And if only he will lean a little closer she is pretty sure he will hear that raging beat of her heart. "All set." At bago ito bumalik sa nauna nitong pwesto ay inipit muna nito ang ilang hibla ng buhok sa likod ng kanyang teynga. Pakiramdam niya tuloy ay hindi ang likod ang nagkapasa dahil sa mga oras na iyon ay tila may hot compress na nakadagan sa kanyang puso. His actions make her worry, she hasn't moved on and yet he is making her fall for him over again.

TBC

PHOTO CTTO

<3 <3 <3

A/N: Madaliang upload lang muna mga babies, kailangan ko lang tapusin itong sinusulat kong Review of Related Literature. Thankies!

Love,

INANG

Continue Reading