Black Magic : HEAL (COMPLETED)

Von iamyourlovelywriter

284K 7.3K 329

Her past's immaturity leads her to her present turmoil. Will his forgiveness heal her troubled heart Date of... Mehr

TEASER
1 - STETHOSCOPE
2 - ANESTHESIA
3 - SCALPEL
4 - MRI
5 - SUTURE
6 - ELECTROCARDIOGRAPHY
7 - NEBULIZER
9 - AMBULANCE
10 - HOT COMPRESS
11 - ENDORPHIN
12 - DEFIBRILLATOR
13 - X-RAY
14 - SPHYGMOMETER
15 - CPR
EPILOGUE

8 - MEDICINE KIT

14.2K 413 14
Von iamyourlovelywriter

"I don't have favorite ice cream, kinakain ko lahat ng flavor." Siya na mismo ang kumuha ng tub ng ice cream. "Let's get this." Tahimik na nakasunod sa kanya si Xenon habang papunta siya sa cashier. "Kukuha lang muna ako ng water."

"Ako na, hindi naman iyon mabigat." Presenta nito. Hinintay niyang dumating ang lalaki na may dalang tubig at pina-scan na iyon.

"I'll pay." Mabilis niyang ibinigay sa cashier ang pera dahil baka maunahan na naman siya nito. Pagkatapos magbayad ay umupo sila sa mesa na nasa loob ng convenience store, nakakandong pa rin sa kanya ang bata.

"Mukhang ayaw ng humiwalay sa iyo si Neon. He really likes you." Sinubuan niya ng ice cream ang anak nito.

"He's really cute and he is really getting better. Nakikipaglaro na siya sa kapwa niya bata mukhang exposure lang sa ibang mga tao ang kailangan niya." Ani niya dito. Biglang nawala ang kinang sa mga mata ng kausap sa kanyang sinabi pero nakangiti pa rin ito. "Sooner ay pwede na siyang pumasok sa isang normal school."

"Sabi ni Doctor Uy ay baka naging maganda ang development ni Neon dahil sa iyo." Hinawakan nito ang kanyang palad at dahil hawak niya ang anak nito ay hindi niya agad nabawi ang kamay niya. "Sobra-sobra ang pasasalamat ko sa iyo Xelena. Hindi ko alam ang gagawin ko kung hindi ka dumating sa buhay namin." She made sure that her face won't show any emotion. Sincere ang lalaki sa pagpapasalamat nito sa kanya at kung katulad pa rin siya dati ay baka binigyan na niya ng meaning ang ginawa nitong paghawak sa kanyang palad.

Being with him makes her realized some things, hindi na niya kailangan pang tumakbo dahil na-master na niya ang pagtatago ng kanyang tunay na nararamdaman sa panahon na tulad nito. Sa halip na hilahin ang palad gaya ng ginagawa niya lately ay binigyan niya ito ng maliit na ngiti, it's a sincere smile as well.

"Destiny really knows how to play, right? Sabi ko sa iyo noong nagkita tayo na gagawin ko ang lahat para makabawi sa lahat ng mga naggawa ko sa iyo dati. Good thing ay ang ibinigay sa akin ng tadhana na paraan para maggawa iyon ay si Neon." Hinila na niya ang palad na hawak nito at hinawakan ng maayos ang kargang bata. "I really like your son, he is sweet and very nice. Hindi ako mahilig sa mga bata dahil akala ko ay wala akong affinity sa kanila, marunong lang akong magpaanak pero hindi ako marunong mag-alaga." Sobrang weird man pero hindi na ganoon ka-aloof ang feelings niya para dito. "Neon made me realized that I am capable of taking good care of a child."

"Mukhang mali yata ang pag-aakala mo sa sarili mo Xelena. You are normally gifted when it comes to children, si Radon ay isa sa mga example na iyon. Kung naalala mo pa ay masyadong masungit at rebelde ang kapatid kong iyon pero nagawa mo siyang paamuin dati."

Nagdugtong ang dalawang kilay niya. "That's because he likes to eat, madali lang paamuin ang kapatid mo. Bigyan mo ng lollipop at kakapit na iyon sa iyo na para bang life saver ka niya."

"And I didn't know it back then, madalas niya akong inaaway dahil hindi ko alam kung ano ang kailangan niya. Yes, he likes to eat but whenever I fed him he always throw it away."

Inalala niya ang nakababatang kapatid nito dahil parang hindi naman ganoon ang description ng batang iyon. "Really? Hindi ko maalala na may ganyang ugali pala ang kapatid mo. The first time we saw each other ay hiningi lang niya iyong pagkain na ibibigay ko sana sa iyo, itatapon ko na sana iyon nang tanggihan mo pero hiningi niya. He said he is hungry and he will eat anything edible." Madalas ay nalalamog ang mga ginagawa niyang pagkain dito dati, lahat naman kasi ng paborito nito ay may mild allergies siya kaya hindi niya iyon nakakain. Wala pa sa isip niya na maraming mga batang nagugutom sa mundo kaya maaksaya siya sa pagkain. Mabuti nalang at naging lifesaver niya ang kapatid nito. "Radon is really nice and sweet, magkasing-ugali lang sila ni Neon."

"I'm also sweet and nice." Natawa siya sa sinabi nito.

"Yeah." Kaya nga ako na-fall sa iyo dati, dahil masyado kang mabait at sweet. She cleared her throat. Okay na sa kanya na maging civil kay Xenon pero hindi pa niya feel na maging attached na naman ang feelings niya para dito.

"Matagal na rin ba kayong magkakilala ni Zyros?" tumaas ang isang kilay niya sa tanong nito.

"Sort of, simula noong lumipat si Xylee dito at madalas akong tumatambay sa Summer Café."

"Matagal ka na dito?"

Tumango siya. "Two to three years na rin pero hindi ako dito naglalagi, sa bahay namin ng Tatay ko. Mas malapit kasi iyon sa university na pinapasukan ko kaya mas convenient sa akin, ang original na nakatira dito ay sina Xylee at si Nanay at dito ko rin nakilala sina Zyros." Wika niya.

Bahagya itong natahimik at nagsimulang kumain ng ice cream. "Are you two close?"

Close ba kami ni Zyros? She wrinkled her nose and tried to assess their closeness. They shared some secrets, may be they are close. Hindi pa kasi siya nagkakaroon ng friend na lalaki kaya hindi niya iyon alam.

"Siguro close na kami."

"Mommy eat." Sinubo niya ang kutsarang may lamang ice cream na ibinigay ni Neon. "Yummy?" ngumiti siya sa bata at tumango.

"Yes, the ice cream is yummy."

"The ice cream is yummy." Sinunod nito ang kanyang sinabo.

"Is he courting you?"

"Hmn?" hindi niya masyadong narinig ang tanong nito dahil abala siya sa pakikinig sa tawa ni Neon. "Ano iyon?"

"Nothing." Sa gilid ng kanyang mga mata ay nakikita pa rin niya na nakatitig lang ito sa kanya, medyo naco-conscious siya sa paraan ng pagtitig nito. "Is he courting you?" mas maliwanag na niyang narinig ang tanong nito.

"Sino? Si Zyros?" habang napapatitig sa binata ay hindi niya maiwasang hindi mag-isip ng kung anu-ano. Pero sa halip na gamitin ang kaibigan ay mas minabuti nalang niyang sabihin ang totoo. Wala naming silbe ang pagsisinungaling. "Of course not, may binakuran na iyon na kapitbahay din natin."

"How about your co-doctor? What's his name again, Sebastian?"

"He is married and his wife is pregnant, huwag ka ngang gumawa ng issue baka mag-away pa kami ng asawa niya."

"Oh, he is married." Mukhang bumalik ang sigla sa mga mata nito sa kanyang sinabi. Ramdam niya ang malakas na tibok ng kanyang puso ng mga sandaling iyon at kung ididikit lang ni Neon ang pisngi nito sa kanyang dibdib ay malamang maririnig iyon ng bata. "How about--."

"Bumalik na tayo sa meeting, kailangan kong malaman kung ano ang agenda dahil tatanungin ako ni Nanay mamaya."

"Aww." Narinig niyang hiyaw ni Neon habang nakahawak sa tiyan nito. "Ache."

"Did he eat too much ice cream?" bumangon ang pag-aalala niya sa bata. Binubuhay ng anak ni Xenon ang maternal instinct na akala niya ay hindi nag-e-exist sa katawan niya. "Let me check."

"Hindi na masakit pero sleepy na." nagdududang tiningnan niya si Xenon. "Please." Wala siyang naggawa kundi ang sundin ang gusto ng bata. Kung hindi lang siguro ito bata ay mapagkakamalan niyang nagpre-pretend lang si Neon na masakit ang tiyan kanina para hindi siya makaalis but he is still a kid, and kids don't lie.

"Let me carry him." Kinuha niya si Neon sa lalaki. "Hindi pa maganda ang lagay ng braso mo, baka bumuka uli ang sugat."

"But he is heavy."

"Kaya ko siyang buhatin, ako ang bumubuhat sa kanya kapag nakakatulog siya sa silid nina Nanay at Tatay sa bahay kaya kaya ko ng tantiyahin ang kanyang bigat." Medyo bumigat nga si Neon simula noong tumira ito sa bahay nila dahil alagang-alaga ng kanyang mga magulang. "Kapag nakabalik na si Neon sa bahay mo please do hire a nanny for him if hindi mo siya kayang matutukan ng husto." Napatingin ito sa kanya na magkadugtong ang mga kilay. "Huwag mo sanang isipin na nanghihimasok ako sa desisyon mo bilang tatay niya, napansin ko kasing mas masigla ang bata kapag may kasama sa bahay. At noong huli kong kunin ang timbang niya ay bumigat na siya, his weight and height matches his age already." Naramdaman niyang mas bumigat si Neon, marahil ay nakatulog na ito sa kanyang mga balikat.

"Pag-iisipan ko ang sinabi mo, sinasama ko si Neon sa office araw-araw."

"An gaga mo namang inexpose ang anak mo sa mga masasamang tao sa mundo. Don't lie, hindi lahat ng mga kliyente na pumapasok sa law firm ninyo ay inosente."

"Hindi ko siya pwedeng iwanan sa bahay at kahit bigyan ko siya ng yaya ay ayaw niyang makipag-cooperate. Sa bahay naman ng mga magulang ko ay hindi rin siya mapakali doon dahil hindi siya sanay sa presensya ng kanyang lolo at lola."

"But he is fine with my parents, subukan mo lang Xenon. Subukan mo uli, wala naming mawawala sa iyo kapag sinubukan mo."

"I will do that pero pwede mo ba akong samahan?"

"Ha? Bakit ako?"

"Mas mabuti ng nandoon ka para mas ma-assess mo ang magiging reaksyon ni Neon kapag kasama na niya ang lolo at lola niya. Iba pa rin ang observation ng babae sa lalaki, kung ayaw ni Neon ay nandoon ka na pwedeng ipacify ang feelings niya."

Napabuntong-hininga siya sa sinabi nito may punto kasi si Xenon. "Fine, gawin natin iyan."

"Dumaan muna tayo sa Blooms." Tukoy niya sa flowershop na pagmamay-ari ng kapitbahay nilang si Pamela. "My mother loves plants." Dahil kaharap lang ng convenience store ang shop kaya pumayag na rin siya. Pagpasok niya ay nabungaran niya ang working student ni Pamela na si April na nagbabasa.

"Good afternoon." Bati nito nang makita sila at dahil sa maiksi na ang kanyang buhok kaya hindi na nalilito ang mga tao sa kanila ng kapatid. "Welcome to Bloom's Station."

"Titingin muna kami April." Narinig niya paalam ni Xenon dito. Habang karga ang bata ay tumingin-tingin din siya sa mga halaman doon. Sa totoo lang ay gustong-gusto niya ang mga halaman. Sa quarters niya ay may mga succulents siya na inaalagaan, mas suited sa kanya ang mga iyon dahil hindi kailangan na palaging dinidiligan and she loves it planted in a cute pots.

Napatingin siya sa mga cute na succulents na mukhang bagong lagay lang sa mga magagandang paso. Gustong-gusto na niyang bilhin ang mga iyon pero dahil may bitbit pa siya kaya dadaanan nalang niya iyon pagdating niya. Lumapit siya kay April para magpareserve.

"Umupo ka muna sa visitors' lounge, Xelena. Mukhang matatagalan pa ako sa pamimili ng halaman." It took him approximately more than ten minutes to choose, pay and pack the plants. "Wala kang pasok bukas hindi ba?" Tumango siya. "Pumunta tayo sa bahay nina Mama."

"Okay lang ba na magbuhat ka niyan? Pwede naman na ipadeliver."

"Its okay, these are not heavy." Ngumiti ito sa kanya at siya naman ay agad na nag-iwas ng tingin. Ayaw niyang nakikitang ngumingiti ito, her resolve is not that strong she might break another self-promise again. Wala na siyang natutupad sa kanyang mga pinangako.

Naglakad na siya papunta sa bahay nito nang may marinig na shutter sounds sa kung saan. Hinanap ng kanyang mga mata ang pinanggalingan ng ingay pero wala siyang nakitang tao na nakasunod sa kanila.

"What's wrong?"

"Nothing."

"Are you sure?" tumango siya.

"Uuwi na ba sa bahay mo si Neon ngayon?"

"Uh, can he stay with you for tonight? Pupuntahan ko si Doctor Enriquez para ipa-check-up itong braso ko at kung okay na ay susunduin ko si Neon."

"Okay." Iyon lang naisagot niya.

"Hi there lovers—oh my! Is that you, Xelena?" kunot-noo at magkadugtong ang kilay na hinarap niya ang nagsalita. "Don't tell me nakalimutan mo na ako? Ako iyong nanligaw sa iyo noong high school pero binasted mo dahil may nililigawan ka rin na iba."

"Ah..." pinilit niyang hinalukay sa isip ang pamilyar na mukhang iyon. Natawa ito dahil alam yata nitong hindi niya ito maalala.

"Jefferson San Jose."

"Oh, yeah I remember you now." Mas lalong lumiwanag ang ngiti nito nang makitaan na siya nito ng rekogasyon. Sumulyap ito kay Xenon.

"Are you married now?"

"N--." She is about to answer his question when Xenon blocked her view.

"Excuse me, we are really busy and in a hurry." Maanghang napatingin siya sa kasama. Nakangiti nitong hinarang ang kanyang sagot sana sa bagong dating. "Hope you don't mind catching up when we are not in a hurry." Tumabingi ang ngiti ni Jeff but still polite to smile in understanding.

"Sure, see you around Xelena." Paalam nito sa kanya at nagsimula na rin na maglakad sa ibang direksyon. Napatingin siya kay Xenon, gusto sana niyang itanong kung bakit nito ginawa iyon pero napansin niyang namamawis ang noo nito and when she touched him, he felt cold.

"Let's go." Mabilis niyang niyaya ito at nauna ng maglakad. Tahimik na sumunod ito sa kanya at kahit na siya ang unang pumasok sa bahay nito ay wala pa rin itong imik. Maingat na inihiga niya si Neon sa malaking sofa at mabilis na hinila ang lalaki. "Sit."

Takang napatingin ito sa kanya. "Why?"

"Sit down Xenon." Mariing utos niya. Sumunod naman ito na para bang bata na naghahanda na pagalitan ng nanay nito. Agad niyang natagpuan ang medicine kit na iniwan niya sa bahay nito at kinuha iyon. Pumasok siya sa kusina upang kumuha ng tubig, malamang ay hindi na naman nito ininom ang gamut na sinabi niyang inumin nito. "Drink this." Parang maamong tupa na kinuha nito ang gamut na ibinigay niya.

Habang umiinom ito ng tubig ay isang malakas na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan. Na-fru-frustrate siya sa lalaki dahil sobrang tigas ng ulo nito.

"Xelena-." Tinapunan niya ito ng matalas na tingin. "What did I do?" Inosenting tanong nito.

"Xenon, ilang taon ka na?"

"Thirty three?" mas lalo siyang nainis dahil sa sobrang inosenteng pagsagot nito sa kanya.

"Right, matanda ka na hindi ba? Mas matanda ka pa nga sa akin pero bakit ang tigas ng ulo mo?" inis na tanong niya dito. "Alam mo bang gustong-gusto kitang gilitan ng leeg ngayon at sakalin, bakit ba hindi ka marunong makinig?" nakatitig lang ito sa kanya na parang tutang pinagagalitan. "I told you to drink your medicines but you didn't!" she is almost screaming. "Gusto mo ba talagang lumala ang lagay mo at maputulan ka ng braso? Hindi ka ba nag-iisip?" nasa verge na siya ng pagsapok dito sa inis na nararamdaman niya.

"Kapag naputol ba ang braso ko ay patuloy mo akong aalagaan at si Neon?" nakangiting tanong nito sa kanya. Hindi siya nito sine-seryoso. "I'm not joking."

"Neither I am, fine. Mas mabuti sigurong huwag muna akong makipagkita sa iyo—ay mali iyon. Hindi ka naman marunong makinig ng advise ng ibang tao maghanap ka ng pwedeng mag-alaga sa iyo at sa anak mo. I'm done with you and I won't see you again." Pagsuko niya.

Kahit na noong ilang beses siya nitong tanggihan dati ay hindi siya nakaramdam ng ganitong klaseng frustration. Inuubos nito ang lakas at pasensya niya. Kapag nagpatuloy ito ay baka hindi na siya maabutan ng bukas dahil mamamatay na siya sa konsumisyon. Kinuha niya ang medicine kit at ibinato sa espasyo ng sofa na katabi nito.

Narinig niya ang pagtawag ng lalaki nang lumabas siya ng bahay nito pero hindi niya iyon pinakinggan at mabilis na nakahanap ng paraan para makauwi sa kanyang bahay. Sinalubong siya ng kanyang ina pero ng makitang hindi maipinta ang kanyang mukha ay pumasok nalang ito sa kusina at hinayaan siyang pumasok ng kanyang silid.

TBC and PHOTO CTTO

<3 <3 <3

A/N: Naisip ko lang, mag-exercise kaya ako? Kaso naisip ko rin na nakakapagod, mind over matter, natalo ng pagiging tamad ko ang anumang rasyonal na bahagi ng isip ko. Magiging maid-of-honor kasi ako sa kasal ng friend ko. After twenty-eight years ay may nagdecide na rin na magpakasal sa mga friendships ko. Kung nababasa niyo na ang mga previous a/n sa mga naunang stories ko. May mga high school friends ako na nag-stick talaga sa akin after college. Iyong isa A.B Psychology ang major, the other one is BSED English ang major, and yes, matatalino ang mga friends ko. Nag-graduate din sila ng cum laude, so proud for them. Unfortunately, iyong BSED Eng na friend ko, she died two years ago due to thyroid cancer. Kaming dalawa nalang ang natira, at sa aming dalawa siya din iyon lapitin ng love and heartbreak. I'm a living witness of her up and down. And this year nagdecide na silang magpakasal, of course sabi ko sa kanya, mag-da-diet ako Aiz kapag June na (but still doubting it), but I'll try. Hindi ko minsan nakita ang sarili ko na nasa 75% ng mga babaeng payat. Most of my life, SEXY talaga ako kaya siguro nasanay na rin. HIndi nga susubukan ko lang, kahit isang beses lang, try ko kung magugustuhan ko o kaya naman ay tatalunin ako ng katamaran. Good luck to me!!!!!

P.S: Nagiging madaldal na naman ako dala ng death march na ginawa ko kanina. Soweee!

LOVE,

INANG

Weiterlesen