in Another Lifetime

By imPaulsterz

1.7K 34 8

"People don't have the ability to manipulate or control the laws of time. But time has the ability to control... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31

Chapter 26

23 0 0
By imPaulsterz

Naging tahimik at madilim ang buong paligid. Lahat ng tao sa loob ng auditorium ay nag aabang na sa mga susunod na mangyayari. Bago pa man magsimula ng tuluyan ang pagtatanghal, tumungo sa gitna ng entablado si mr. Abalos upang magbigay ng introduction upang ipakilala ang aming grupo at magbigay kaalaman tungkol sa gagawin naming pagtatanghal. Nasa gilid kami ng stage kaya kitang kita namin ang dami ng tao. Nung una, talagang kinakabahan ako pero simula nung pinalakas ni Liza ang loob ko, hindi na ko kinabahan at tuloy tuloy na ang pagkagaan ng loob ko dahil nakahawak pa ng mahigpit si Liza sa kamay ko. Pagkatapos ng intro ni mr. Abalos, unti unting lumiwanag ang entablado at nagsimula nang tumugtog ang orchestra. Narinig na rin namin ang malakas na palakpak ng mga tao, lalo kaming ginanahan dahil dun. Nang tumugtog na ang orchestra, senyales na iyon para itanghal na namin ang unang parte ng palabas. Ang unang kanta na itatampok namin lahat. Maayos naming nasimulan ang kantang "WE ARE YOUNG". Isa isa kaming pumasok sa stage ayon sa inensayo namin. Tumatayo ang balahibo ko hindi dahil sa kinakabahan ako., kundi dahil sa sobrang excite ko at saya dahil sa mga palakpak ng tao. Nakita ko rin na pumapalakpak ang pamilya ko pati sila Arianna at aling Maria. Todo bigay kaming lahat sa opening song namin. Pagkatapos nun, dali dali kaming umalis pabalik ng backstage upang magpalit at maghanda sa susunod na palabas. Naging maganda at maayos ang mga sumunod naming performance. Halos sa tuwing lalabas na kami papunta sa entablado, nagsisitayuan sa palakpak at wagayway ng mga banner ang mga tao. Hindi ako makapaniwala na ganito pala talaga kami sa mga tao rito sa campus. Pakiramdam ko ay mga artista kami. Sa normal na pamumuhay kasi, pag nasa campus lang ako, parang yung mga kakilala ko lang din ang nakakakilala sakin pero nagulat na lang ako ng may nakikita akong banner na nakasulat ay ang pangalan ko at ang galing galing ko raw pero hindi ko naman kilala ang may hawak. Hindi lang naman din ako ang may ganun, halos lahat ata kami ay may kanya kanyang banner kaya nagagalak kami at lalo kaming ginaganahan para mag perform sa entablado. Matagumpay ang mga naunang kanta na itinanghal namin. Pagkatapos naming itanghal ang kantang "SMOOTH CRIMINAL" na kaming mga lalaki lang sa grupo ang nagtanghal at talagang pumatok sa mga tao, naiwan akong mag isa sa gitna ng stage. Hindi na ko bumalik ng backstage dahil nakadamit na ko agad ng tuxedo. Ito na rin kasi ang damit na suot ko para sa solo kong kanta na itatanghal ko na sa mga oras na iyon. Nag simulang maging malumanay ang ilaw sa buong paligid. Tumugtog na ng napakalamig na himig ang orchestra at lumabas na ang mga babae naming kasamahan upang mag interpretative dance sa kakantahin ko. Lahat ng babaeng kasamahan ko ay lumabas mula sa stage pero hindi ko nakita si Liza. Nagtaka tuloy ako kasi hindi naman ganito ang inensayo namin. Napatingin pa ko kay mr. Abalos sa gilid ng stage pero nakangiti lang sya at parang may sorpresang tinatago. Napa isip ako nung una pero hindi ko rin agad inintindi ang bagay na iyon dahil nasa gitna ako ng pagtatanghal.

Sinimulan ko ang aking kanta na ipinamagatang "SO CLOSE" ni Jon Mclaughlin. Maayos ko itong sinimulan. Tahimik ang buong paligid habang kinakanta ko ito. Isina puso ko ang kanta kaya nakanta ko ito ng maayos. Habang kumakanta ako, naiisip ko ang mga nakaraan. Naisip ko bigla si Maan. Bigla ko syang naalala sa gitna ng pagkanta ko. Kung tutuusin kasi, nakaka relate ako sa mensahe ng kanta ko dahil parang ako nga talaga ang nasa mensahe ng kanta. Sobrang malapit nga kami ni Maan sa isa't isa pero napakalayo naman ng puso ko sa kanya, ni hindi ko nga magawang masabi sa kanya ang tunay kong nararamdaman noon. Pero bago pa man matapos ang kanta ko, Nagulat na lang ako dahil biglang nagbabago ang naa alala ko. Imbis na si Maan ang maalala ko, nagiging si Liza. Lahat ng mga masasayang nangyari sa amin ni Maan ay nagbabago dahil imbis na si Maan ang kasama ko, nagiging si Liza ang naaalala ko na kasama ko. At tuluyan nang nabalot ni Liza ang isipan ko habang kumakanta ako. Bigla akong nagtaka sa mga oras na yun dahil hindi ko bigla maalis sa isip ko si Liza. Hindi ko napansin na natapos na pala akong kumanta at napatingin na lang ako sa mga nagsisi palakpakan na mga tao. Napangiti na lang ako dahil natuwa sila sa pagkanta ko pero umalis ako ng entablado na may halong pagtataka. Pagtalikod ko, biglang pumalakpak uli ang mga tao. Nagtaka na naman uli ako dahil dun. Pagharap ko, alam ko na hindi na ako ang pinapalakpakan nila dahil wala na sa akin ang spotlight. Sinundan ko kung saan nakatutok ang liwanag ng spotlight, nakatutok ito sa kabilang parte ng entablado. Nasilaw ako nung una at tinakpan ko ng panyo ang mata ko pero nung maayos ang paningin ko at nakita ko kung sino ang taong tinututukan ng liwanag, bigla akong napatigil sa kinatatayuan ko at nabitawan ko ang hawak kong panyo. Hindi ako nakagalaw dahil sa nakita ko. Napakaganda ni Liza ng lumabas sya sa entablado. Naka gown sya na bulaklakin at may parang korona rin sya na bulaklak. Parang yung gown ng isang hollywood singer na si Shania Twain mula sa music video nya na "You've got away". Pero para sakin, mas dinaig nya ang itsura ng singer na yun. Mas maganda si Liza. Hindi ko mapili ang pinaka magandang salita para mailarawan sya dahil halos lahat ng pinakamaganda at maaaring ilarawan sa kanya ay bagay at tama. Para syang maamong diwata, anghel na bumaba sa lupa, babaeng hindi marunong gumawa ng kasalanan, babaeng pinakamaganda sa buong mundo at......babaeng hindi maiiwasang mahalin, kalingain at pahalagahan habang buhay. Hindi ko talaga maihakbang ang mga binti ko nung nakita ko si Liza. Pakiramdam ko ay magko collapse ako sa sandaling ihakbang ko ang mga paa ko. Nung napatingin sakin si Liza habang papunta sya sa harapan ng entablado, nginitian nya ko at kinindatan. Dahil dun, napalunok ako ng malalim at bumilis talaga ang tibok ng puso ko. Sa sobrang bilis, napahawak na ko sa dibdib ko. Muntik na kong tumumba dahil dun. Buti na lang at sumakto ang pagkakataon dahil hinila ako ni mr. Abalos papasok sa likod ng kurtina sa gilid ng stage.

"Huy! Ano ka ba Paulo? Bat wala ka sa sarili mo?" Sabi ni mr. Abalos.

"Po? Ha? Ay pasensya na ho sir. Na shock lang ako dahil...."

"Dahil ano? Dahil nagandahan ka kay Liza?" Sabi ni mr. Abalos.

"Ahm.....opo. pasensya na."

"Cat got your tongue? Hahaha sabi na nga ba eh. Ayos lang yun. Naiintindihan kita. Buti na lang at sakto ang napili kong gown para sa susuotin ni ms. Liza. Bumagay sa kanya at nagmuka talaga syang anghel." Sabi ni mr. Abalos.

"Yes she does."

"Napapa english ka na dahil sa sobrang ganda ni Liza ah. Hahaha hoy umayos ka dahil pagkatapos nya kumanta, sunod na ang duet nyo. Mag retouch ka na muna." Sabi ni mr. Abalos.

"Sige po...pulbo lang ok na ko. Dito na lang muna ako sir. Papanuorin ko muna sya."

"Hmmm. Ikaw talaga. Hehe sige ikaw ang bahala. Babantayan na lang kita dito para maasistehan kita sa susunod na performance nyo." Sabi ni mr. Abalos.

"Sige po."

Parang wala talaga ako sa sarili ko nung mga oras na iyon. Parang wala akong pakialam sa paligid ko at naka focus lang ang paningin, pandinig at ang pag iisip ko kay Liza habang kumakanta sya. Nung sinimulan nyang kantahin ang kantang "BEFORE I FALL IN LOVE", pakiramdam ko ay lulutang ang kalooban ko at biglang babagsak sa kanya. Pakiramdam ko ay kahit anong oras ay bibigay na ang puso ko at mapapa ibig na ko sa kanya dahil sa ma ala anghel nyang boses at passion habang kumakanta. Sabayan pa ng malamig na himig ng orchestra. Kung ako lang ang masusunod, gusto ko sanang hindi matapos ang pangyayaring iyon. Gusto ko na patuloy ko lang syang makita na kumakanta ng ganun. Kung naire record ko lang sana ang mga nakikita ko nung mga oras na iyon, ginawa ko na at paulit ulit kong papanoorin sa isipan ko.

Nang matapos na ang pagkanta nya, nagpalakpakan ang maraming tao at halos tumayo silang lahat sa kina uupuan nila dahil sa sobrang bilib kay Liza. May naririnig pa ko na mga sigaw na "I LOVE YOU". Talagang napaibig sila ni Liza dahil sa pagkanta nito. Pero binalewala ko lang ang mga iyon dahil patuloy akong nakatitig kay Liza. Pero sa kalagitnaan ng ingay at palakpakan, biglang tumugtog uli ang orchestra. Bigla rin tumingin sakin si Liza habang nakangiti. Sinimulan na ng orchestra ang intro ng "BEAUTY AND THE BEAST". Nagsimula na ring kumanta uli si Liza habang nakatingin sakin pero ako, parang wala pa rin ako sa ulirat. Patuloy akong nakatitig sa kanya habang kumakanta sya. Nagulat na lang ako ng bigla akong kinurot ni mr. Abalos sa tagiliran at sinabihan ako na parte ko na para kumanta. Itinulak na ako ni mr. Abalos papalabas ng stage pero parang wala pa rin ako sa ulirat kahit kumakanta na ko. Pero nagbago ang lahat nung nagkasabay na ang boses naming dalawa at inangat nya ang kamay nya para yayain akong lumapit sa kanya at hawakan iyon. Nung mga oras na iyon, parang pakiramdam ko ay nawala ang mga tao. Pakiramdam ko na kami lang ni Liza ang nasa paligid. At pakiramdam ko rin na iyon na ang pinakamasayang pakiramdam na naramdaman ko sa tala ng buhay ko. Sa unang pagkakataon, natitigan ko ang mukha ni Liza ng napakatagal habang nakatingin sya sakin. Matagal kaming nagkatitigan habang kumakanta. Bumilis ang tibok ng puso ko pero hindi na ko ninerbyos o kinabahan dahil dati, ganun ako sa oras na tititigan ko sya. Nagbago na ang lahat. Hindi na ko nailang habang nakatitig ako sa kanya at nakatitig sya sakin. Sa mga oras na iyon, sa tingin ko ay hindi ko na kailangang matakot. Sa tingin ko ay hindi ko na kailangang lokohin ang sarili ko. Sa tingin ko......mukang mahal ko na rin si Liza. Pagkatapos naming kumanta, dahil sa sobrang galak ng kalooban ko ay hindi ko nabigyang pansin ang nagawa ko. Kahit ako ay nagulat sa nagawa ko nung mga oras na iyon dahil bigla kong hinalikan si Liza sa harap ng maraming tao. Sa pisngi ko lang sya nahalikan pero sobrang lapit na rin nun sa labi nya. Na realize ko lang ang nagawa ko nung natapos ko na syang halikan. Nagkatitigan kami ng matagal dahil doon. Tumahimik din ang buong paligid dahil sa mga nangyari. Bigla namang sinara ni mr. Abalos ang kurtina ng entablado. Habang natatakpan kami ni Liza, hindi pa rin kami makagalaw sa kinatatayuan namin. Nagulat na lang din kami dahil narinig namin bigla ang sobrang lakas na palakpak ng mga tao. Namangha rin pala talaga sila sa ginawa naming pagkanta ni Liza. humingi ako ng tawad sa nagawa kong paghalik sa kanya pero imbis na magalit sya o mahiya sakin, ngumiti sya at hinawakan nya ang mukha ko.

"Wala kang dapat ipagpatawad. Maraming salamat. Masaya ako dahil sa unang pagkakataon, kumanta ako ng kasama ang nagpapasaya sakin." Sabi ni Liza.

Natuwa ako sa sinabi ni Liza. Nawala na ang pangamba ko dahil sa nagawa ko. Bigla bigla namang nagsidatingan ang mga kasamahan namin at tumabi sa amin.

"Ayos sa "the moves" Paulo ah. Hehe." Sabi ni Charles.

""The moves" ka dyan?"

"Hehe gumawa kayo ni Liezle ng malupit na eksena sa harapan ng maraming tao. Patol na patok." Sabi ni Becca.

"Eksena?" Sabi ni Liza.

"Hehe mamaya na natin pag usapan yan. Sa ngayon, enjoyin nating lahat ang huling kanta na pagsasamahan natin." Sabi ni Carrie.

"Hehe agree ako dyan." Sabi ni Ginger.

"Hehe tama kayo. Let's enjoy our final song for tonight's show. Handa na kayo?"

"Oo naman yes!!" Sabi nilang lahat.

"Then let's get started."

Naghawak hawak kaming lahat ng kamay. Sabay ng pagbukas ng kurtina ng entablado, hinawakan rin ng mahigpit ni Liza ang kamay ko. Masaya kong pinangunahan ang kantang "HEY JUDE" ng "The Beatles". Yun kasi ang nagsilbi na huling kanta namin para sa gabing iyon. Masaya naming kinanta lahat ang kantang yun. Hindi rin nagtagal ay sumabay na rin ang lahat ng maraming tao sa loob ng theatro. Sa mga oras na rin yun, talagang hindi ko na masabi na auditorium lang yun at pinanindigan ko na sa isip ko na theatro yun. Dahil dun, ramdam na ramdam ko ang saya bilang isang performer sa theater. Pakiramdam ko ay natupad ko na ang pangarap ko. Masayang masaya ako dahil habang kumakanta ako, kasama ko ang mga kaibigan ko na itinuring ko na parang pamilya. Masaya ako dahil masaya rin sila na sumasabay sa pagkanta. Sabayan pa ng nagniningning na aura ni Liza, wala na kong ikasasaya pa sa gabing iyon.

Natapos ang aming pagtatanghal ng may mainit na pasasalamat na galing sa mga tao. Sobrang ingay ng mga palakpakan at hindi matapos tapos. Sobrang napasaya namin ang lahat ng tao. Nagtagumpay kami sa mithiin namin. Hindi nagkamali si mr. Abalos sa hula nya. Dahil sa tiwalang ibinigay nya sa amin at sa mga turong walang katumbas, Nagtagumpay ang aming pagtatanghal. Unti unting nagsara ang kurtina ng entablado at nagpaalam na kami ngunit nagbigay kami sa lahat ng nanood ng walang sawang pasasalamat sa pagtangkilik nila sa aming palabas. Pagbalik namin sa backstage, nagyakap yakap kaming lahat. Nag iyakan ang mga iba sa amin sa sobrang saya. Kahit nasa backstage na kami ay dinig na dinig pa rin namin ang palakpak ng mga tao. Paglapit ni mr. Abalos sa amin, niyakap namin sya at binuhat. Pagkatapos nun, sumigaw sya at nangakong magkakaroon ng isang salo salo kinabukasan upang i celebrate ang pagiging success ng aming pagtatanghal. Hindi magkanda mayaw ang ingay at saya namin sa mga oras na yun at sa muli, nabaling na naman ang atensyon ko kay Liza.

"You never fail to amaze me Liz."

"Me too. Hehe." Sabi ni Liza.

"Alam mo, hindi ako sigurado pero parang pangatlo o pang apat pa lang kitang narinig mag english."

"Hehe, gusto mo mag ingles pa ko para dumugo ang ilong mo?" Sabi ni Liza.

"Hahaha hindi na po. Wag na. Halika nga rito."

Bigla ko syang hinila at niyakap. Para bang wala na kong hiya sa mga bagay na ginagawa ko sa kanya. Para kasing kapag nakikita ko sya, pakiramdam ko palagi akong nasasabik at sumasaya na ewan. Parang hindi ko na kayang sumaya pag hindi ko sya nakikita kaya parang gusto ko syang yakapin ng yakapin palagi. Pero binitiwan ko rin sya agad at humingi ng tawad. Sabi ko sa kanya ay sobrang saya ko lang kaya ko nagawa yun. Nagulat naman ako dahil sya naman bigla ang yumakap sakin. Napaka init at napaka higpit ng yakap sakin ni Liza. Ramdam ko ang saya na nadarama nya sa mga oras na yun, wala syang ibang sinabi sakin kundi "maraming salamat" lang at pagkatapos nun, parang ayaw nya kong bitawan sa pagkakayakap nya sakin. Natapos lang ang eksenang iyon ng biglang nagsipasok na sa backstage ang mga kakilala namin. Una kong nadatnan si Arianna. Dumating sya at pasigaw na pumunta sakin at kay Liza. Sa sobrang saya nung bata, bigla ba namang lumundag sakin. Buti na lang at nasalo ko sya. Kasunod nyang dumating si Aling Maria.

"Hindi ko akalain na sobrang galing mo palang kumanta Paulo." Sabi ni Aling Maria.

"Hehe salamat po aling Maria. Salamat po at nanonood kayo sa amin."

"Sabi ko sayo nay Maria eh. Kahit weirdo yan, astig yan pag kumanta. Hehehe." Sabi ni Arianna.

"Salamat bulinggit ah."

"Hehe ahm nay Maria. Ito nga po pala si ate Liza. Sya po yung kaibigan ni kuya Paulo na mabait din po sakin. Ang ganda nya po noh at magaling din kumanta." Sabi ni Arianna.

"Oo nga. Tama nga ang alaga ko. Napakaganda mo nga talaga iha. Para kang anghel dyan sa suot mo. Maraming beses ka nang nakwento sa akin ni Arianna pero ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makaharap ka ng maayos. Hehe." Sabi ni Aling Maria.

"Ikinagagalak ko po kayong makilala Aling Maria. Maraming salamat po sa papuri nyo. At salamat din po sa panonood nyo." Sabi ni Liza.

"Napaka disente mong magpasalamat iha. Natutuwa ako at may ganyan pang babae sa panahon ngayon." Sabi ni aling Maria.

"Hehe ganyan po talaga yan. Old school po yan si Liza eh."

"Hehe. Ay oo nga pala iho. Muntik ko na makalimutan. Ipina aabot nga pala ito ni Brigitte para sayo. Pangalawang bayad para sa pag aalaga mo kay Arianna. Napakalaki ng utang na loob namin sayo dahil sa walang sawang pag aalaga mo kay Arianna. Sobrang laki ng pasasalamat ni Brigitte sayo kahit wala sya rito ngayon." Sabi ni Aling Maria.

"Ay naku po!! maraming maraming salamat po dito. Gusto ko po sanang magpasalamat ng personal kay maam Brigitte. Sana man lang matawagan ko sya."

"Sige iho. Bibigyan kita ng contact no. nya para matawagan mo sya." Sabi ni aling Maria.

"Oh ayan kuya ah. Matagumpay ang show nyo. Sumahod ka pa. Alam na yan. Libre! Libre! Libre! Hahahaha." Sabi ni Arianna.

"Hahaha ikaw talaga. Hindi na kailangang sabihin yan noh. Ililibre ko talaga kayo."

"Yun oh!! Yehey hahaha." Sabi ni Arianna.

Sobra sobrang biyaya ang natamo ko nung mga oras na iyon. Pero sa totoo lang, kung pwede lang na hindi ko na tanggapin ang perang binayad sakin ni ms. Brigitte dahil pakiramdam ko, sobrang saya ko naman pag inaalagaan ko si Arianna at parang hindi na natutumbasan ng pera yun. Kaso sa sitwasyon ko, kailangan ko talaga ng pera para mabuhay mag isa at makadiskarte sa pangangailangan ko at kay Liza gayong kasa kasama ko sya. Kaya bilang ganti, magbabahagi na lang ako sa pamamagitan ng panlilibre. Tutal malaking pera naman ang natamo ko kaya hindi ako manghihinayang na gumastos para sa kanila.

Habang nagkakatuwaan kami, bigla rin dumating ang pamilya ko. Tumakbo rin agad papalapit sa akin si inay at sobrang higpit ng yakap sakin. Ramdam ko na sobrang miss na miss nya ko. Pinaulanan pa nya ko ng halik sa mukha. Talagang proud na proud sya sakin. Si itay naman, nakangiti at humawak sa balikat ko. Si Ate Belinda, Anna at Clark naman ay yumakap din sakin. Sobrang saya ko dahil nakasama ko ulit silang lahat.

"Ang galing mo pa rin kuya. Walang kupas ang boses mo. Hehe" sabi ni Anna.

"Haha syempre naman Anna. Ako pa ba?"

"Hehe oo nga eh. Pangit ka lang eh. Pero may talent ka. Sa una masakit, sa dulo may bawi tol. Haha." Sabi ni ate Belinda.

"Hehe gusto mong isalaksak ko yang payong mo sa lalamunan mo ate?"

"Hahaha. Kakakita nyo pa lang, wrestling na agad kayo,? nga pala. Miss you kuya. Libre mo naman kami. Ganda ng palabas mo eh." Sabi ni Clark.

"Mga padali mo eh noh. Hehe pero na miss din kita lil bro."

"Nagmana ka talaga sa ama mo. Singer talaga mga lahi natin. Im proud of you son." Sabi ni itay.

"Matik po yan. Kanino pa ba ko magmamana? Hehe thank you paps."

"Anu ka? Edi syempre sakin din yan magmamana. Magaling din kaya ako kumanta. Ang galing galing mo anak. Ngayon ka na lang uli namin narinig kumanta. Na miss ko ang boses mo. Sobrang saya ko. Hehe." Sabi ni inay.

"Haha opo na miss ko rin kayo. Sobrang saya ko po at nagkaroon kayo ng pagkakataon na mapanood ako ngayong gabi. Maraming salamat po sa inyong lahat."

"Maraming salamat din anak at inimbitahan mo kami sa event na to. Sobrang saya rin namin ng ama at mga kapatid mo." Sabi ni inay.

"Hehe alam ko kasi na miss nyo na ko eh. Buti na lang nakaisip ako ng paraan."

"Oo nga anak eh. Huli kitang nakita eh kasama mo yung magandang dilag na si Liza. Liza ba ang pangalan nun?" Sabi ni inay.

"Hehe opo. Actually kasa kasama ko po sya ngayon. Isa po sya sa mga kumanta kanina. Ito po sya nay oh."

"Magandang gabi po mrs. Soliveres. Ikinagagalak ko po na makita kayo ulit. Hehe." Sabi ni Liza.

"Li..Liza? Ikaw yung napakagandang dalaga na magaling kumanta kanina?" Sabi ni inay.

"Hehe opo ako nga po. Kumusta na po kayo?" Sabi ni Liza.

Dali daling niyakap ni inay si Liza at sinabi nito na na miss nya rin si Liza. Bilib na bilib din si inay pati ang mga kapatid ko sa pagkanta nya. Na miss din sya ng mga kapatid ko kaya sobrang daldal nila sa kanya. Bigla akong nilapitan ni itay at kinausap ako.

"Anak, umamin ka nga, nobya mo na ba sya? Hehe." Sabi ni itay.

"Po? Hindi ho!!! Ah eh....ahm. Nangailangan po kasi kami ng extrang member para sa pagtatanghal namin kaya hiningi ko po ang tulong ni Liza at sumali sya samin." Sabi ni itay.

"Suuusss. Hehe todo paliwanag ka naman agad. Pero alam mo anak. Boto ako sa kanya. Sa tingin ko ay ligawan mo na sya bago pa mahuli ang lahat. Tandaan mo, nasa huli ang pagsisisi." Sabi ni itay.

Hindi agad ako nakapagsalita pagkatapos sabihin ni itay ang mga katagang iyon. Nagulat na lang ako at bigla akong kinalabit ni Arianna at tinanong kung sino ang mga taong lumapit bigla sakin. Nakalimutan ko palang ipakilala si Arianna sa mga magulang ko.

"Ay oo nga pala. Ahm...nay, may gusto po pala akong ipakilala sa inyo. Sya nga po pala si Arianna. Sya po yung na kwento ko sa inyo na batang nawala at nasagip ko."

"Hello iha. Ikinagagalak kitang makilala. Ahm Paulo, Sya ba yung anak nung nagbigay sayo ng malaking pera?" Sabi ni inay.

"Ah eh opo. Sya nga po. Hehe."

"Iha. Pakisabi sa inay mo na maraming salamat sa pagbibigay ng biyaya sa anak ko ah. Ahm...sya ba ang inay mo?" Sabi ni inay.

Itinuro ni inay si Aling Maria dahil napagkamalan nyang si Aling Maria ang ina ni Arianna.

"Ahm..hindi ko po sya ina. Nasa ibang bansa po ang inay ko. Sya po si Aling Maria. Kasambahay po namin. Malaki rin po ang pasasalamat namin kay kuya Paulo dahil inaalagaan nya po ako." Sabi ni Arianna.

"Inaalagaan?" Sabi ni inay.

"Ah eh...ang ibig nyang sabihin nay ahm....naging magkaibigan na po kasi kami simula nung naligtas ko sya."

Bigla kong tinignan si Arianna at mabuti naman ay na kuha nya agad ang ibig kong sabihin. Matagal tagal na rin kaming magkakilala ni Arianna kaya alam na nya ang mga diskarte ko kahit sa senyas lang. Muntik na kasing masabi ni Arianna ang totoo. Ayoko kasing malaman ng inay ko kung ano ba talaga ang pinag gagagawa ko ngayon. Baka kasi maging hysterical sya pag nalaman nya na namamasukan ako na mini babysitter. Buti at sumang ayon si Arianna sa sinabi ko. Hindi na rin nagsalita pa si Aling Maria tungkol sa sinabi ko at para hindi na madugtungan pa ang usapan, nagsimula na akong magyaya ng kainan kasama ang pamilya ko, si Arianna, Aling Maria at Liza. Nagsimula na kaming magpaalam sa iba naming kasamahan at pangako namin na dadalo kami bukas ni Liza para sa selebrasyon ng grupo namin. Hindi ko masukat ang saya na nadarama ko. Kung ako lang ang masusunod, sana hindi maglaho ang ganitong pakiramdam. Sana masaya na lang palagi. At handa kong gawin ang lahat para doon.

Continue Reading

You'll Also Like

2.6M 103K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
142K 5.1K 19
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
1.5M 35.3K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
178K 3.4K 48
What if your escape turns into a reason why you need to escape? Hera Ivory Levine, an academic achiever crossing paths with Eros Vergara whose academ...