JB1: The Cold Hearted Father...

By biisool

4.6M 167K 41.3K

Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong ge... More

Juariz Bachelors 1
NATHANIEL CRAIG JUARIZ
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24.1
Letter of Appreciation
The Governor's Secret
24.2
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
37
38
39
40
41
42
43
44
45: Epilogue (COMPLETED)
Thank You! & Announcement
Special Chapter
Q&A Special!
Allistain Miguel Juariz
Christian Balbueno-Moore
Austine Villaluz-Juariz
CARRIER EXPLANATION

36

72.5K 2.7K 485
By biisool

Austine Villaluz

"Kaloka! Magkapatid talaga kayo? Walang halong joke?Paanong nangyari 'yon?" Ang hindi ko pa rin makapaniwalang tanong sa kanilang dalawa.

Nandito kami ngayon sa loob ng isang mamahaling donut shop. Libre daw to ni Gillian kaya go lang ng go. Inabot ko ang cup na may lamang kape at tinungga iyon. Sumubo na rin ako ng order kong donut. Napapikit pa ako sa sarap nito. Ibang klase talaga ang sarap ng libre. Nakakabusog ng tiyan.

"Hindi na siguro matandaan ito ni Lorenz but he was abducted when he was still 4. Noong nagkagulo simbahang dinaluhan namin para sa isang mass. Almost three months after we lost him sumabog ang balita na natimbog ng mga pulis ang hideout ng isang chinese syndicate. Isang malaking sindikato na kilala sa pagpapapasok ng mga drugs sa bansa at human trafficking. Mostly sa tina-traffic nila ay mga carriers. Nahuli nila ang ilang mga miyembro nito ngunit hindi ang kanilang mga leader. Mabuti nalang at hindi nila naitakas ang mga ita-traffic na mga carriers. Umasa kaming isa si Lorenz sa na rescue pero wala siya doon. May nakuhang mga papeles ang mga pulis. Naglalaman ito ng mga information ng mga biktima. Lahat sila mga carriers at may mga nakakabit na numero sa bawat biktima. Hinding-hindi ko makakalimutan ang numerong bente-singko na nakasabit sa papeles ni Lovely."  Ang mahabang kwento sa amin ni Gillian. Bigla kaming nagkatinginan ni Lovely pagkarinig sa numerong bente-singko.

Naalala ko ang loka-lokang babae na nakasalamuha namin doon sa maternity store. Malakas na kumabog ang puso ko ng maalala kung ano ang tinawag niya sa akin.

Number 9...

Tangina gusto ko ng umuwi.

"Anong problema?" Ang nagtatakang tanong ni Gillian sa amin.

Anong problema? Anong problema? Sobrang laki ng problema! Mas malaki pa sa ari ng ex kong pangit.

"Kanina sa maternity store na pinagdalhan mo sa amin, tinawag ako ng isang babae na number 25." Ang lutang na sagot dito ni Lovely habang hinimas-himas ang kanyang tiyan.

Rumehistro ang gulat at pangamba sa mukha ni Gillian pagkarinig sa sinabi ng kapatid. "A-ano pang sinabi sa iyo?"

"Na excited na raw siyang makita ang anak ko at makuha ako ulit. B-bakit nila ginagawa 'to? Paano ako napunta sa sitwasyong 'to?" Ang naiiyak nitong tanong sa kapatid.

Saglit kaming natahimik tatlo. Walang gustong magsalita. Lahat ay tensyonado.

Ano bang gusto nila sa amin? Kakatayin tas ibebenta ang organs? O gagawin kaming pokpok ng mga mayayamang sugar dadie? Oo, aaminin kong masasarap kaming mga carrier lalo na ako pero hindi na functionable itong mga organs ko. Sobrang sama ng lifestyle ko. Three times a day akong umiinom ng softdrinks, palagi rin akong kumakain ng baboy lalo na 'yong taba at minsan nagpipigil ako ng tae. Walang mabebenta sa organs ko.

Kung ibebenta naman ako sa mga sugar dahdie...well, pag-iisipan natin 'yan. Char! Ayoko 'no. I live in a democratic country therefore I conclude that I should live a life that I wanted. Kahit bakla ako may karapatan pa rin akong maging choosy sa hotdog!

Kung makalagay ng numero feeling nasa stranger things. Nakakastress beh ha! Kapal ng apog. Nanggigigil ako. Rawr! Pakagat ng abs mo Gillian.

"16 years matapos kang mawala, may nagpakilala sa aming miyembro dati ng sindikato. Si Victor Caballero. Siya ang naglabas sa iyo sa hideout nila at ibinigay sa kanyang kapatid na si Victoria Caballero. Siya ang kinikilala mong ina, Lovely. The syndicate is back on their illegal businesses. He was so guilty of what he did at hindi na raw niya kaya pang muli kang mapahamak. He wants us to protect you dahil para ka na rin niyang anak. Kahit siya hindi niya masagot kung bakit basta ang alam niya malalaking pera ang nakapatong sa ulo niyo"

Tahimik lang kaming tatlo habang binabaybay ang daan pauwi. May kanya-kanyang iniisip. Habang nasa labas kami ay mas lalong tumataas ang lebel ng takot na nararamdaman ko.

Dahil sa nangyari kanina, sa halip na mag celebrate kami sa may samgyupsal ay hindi naman nagawa dala na rin ng takot na namutawi sa puso namin. Nagmakaawa si Lovely na umuwi na lang kami.

Napabuntong hininga ako ng dumaan kami  sa isang korean restaurant. Sobrang dami ko pang pangarap sa buhay. Gusto ko pang makapagturo at makapagbukod ng sariling pamilya.  Hindi ko pa kayang mawala sa mundong ito. Bakit ba kasi kailangan ko pang maging abnormal? Hindi pa ba tama 'yong may saltik na ako sa utak?

Inihatid kami ni Gillian sa harap ng bahay. Hindi na ito pumasok dahil susunduin pa raw nito ang mga magulang nila Lovely.

"I'll be back tomorrow with mom and dad, Lorenz. You should rest well. Austine, stop frowning at baka hindi ako makapag pigil. Everything will fine." Aniya at ginulo ang buhok ko. Ganun rin ang ginawa niya kay Lovely.

A-ano daw? Anong hindi makapag pigil? Hindi makapag pigil na suntukin ako?

"Bye, Gillian. Mag-ingat ka sa daan." Paalam ko dito bago isinara ang gate namin. Nauna na kasing pumasok si Lovely dahil nahihilo daw ito.

Muli kong binuksan ang gate namin at lumabas ng makita ang isang pamilyar na bulto ng tao. Ito 'yong babaeng nakausap ko sa maternity store kanina.Nagawa pa nitong kumaway at ngumite sa akin habang nakasandal sa poste kaharap ng bahay.

"Pumasok ka." Napalingon ako sa estrangherong nagsalita sa harapan ko. "Bilisan mo."

Nakita ko pang sumimangot ang babae mula sa peripheral vision ko.  Dahil sa takot at nerbyos, sinunod ko ang sinabi ng lalaki. Mabilis akong pumasok sa loob at nilock ang gate. Tumakbo ako papasok sa loob ng bahay at pati ang pinto ay inilock.

S-sino 'yon? Bakit parang kilala ako ng lalaking 'yon?

"Austine! Anong nangyayari sayo? Para kang nakakita ng multo." Ang nag-aalalang tanong ni Chammy ng makita niya akong napadaosdos sa may pintuan.

"M-mas nakakatakot pa sa multo ang nakita ko Chammy." Ang naiiyak kong sumbong sa kanya.

"A-ano?"

"Ikaw. Kinikilabutan ako sa mukha mo." Panga-alaska ko dito.

Pinili ko nalang na 'wag sabihin kina Chammy ang nakita ko sa labas. Ayokong mag-alala sila. Alam kong problemado pa rin sila kay Chingchong Li. Ayoko munang dumagdag sa problema nila. B-baka nagkamali lang ang babaeng 'yon.

"Alam mo, ikaw, ang sarap mong ilunod sa lababo. Ganda ka? Ganda ka?" Pagmamaldita niya at lumayas sa harapan ko. Ako nama'y napairap na lang sa hangin at tumayo para pumunta sa kwarto ko.

I have decided to follow the path of a strong independent woman. Oras na siguro para tawagin ko si Ding at kainin ang bato. Tatanggapin ko na ang pagiging Darna. Tinanggihan ko kasi ito dahil naaawa ako kina Liza at Jane De Leon. Ayokong manganib ang career nila.

Isinara ko ang mga bintana sa aking kwarto at nag browse ng mga self defense tutorial sa youtube. Nagdownload rin ako ng mga movies ni Jackie Chan at Bruce Lee na mga legends. May ilang action movies rin akong sinubukang tingnan pero nada-direct talaga ako sa pornhub gay at xnxx gay. Nakakabwiset talaga ang mga pop up ads kahit kailan. Masyadong bastos.

Dapat matuto akong protektahan ang sarili ko laban sa mga mapansamantalang nilalang. Hindi tayo dapat pa virgin mga bes. Hindi na tayo virgin, let's face the reality. Char! Matulog nalang pala tayo. Hindi ko kayang harapin ang katotohanan sa buhay ko ngayon. Masyadong chaka!

Third Person POV

Napakunot ang noo ng mag-amang Villaluz habang pinagmamasdan ang lalaking nakangisi sa harap nila. Sinisinghot-singhot pa nito ang perang nakalapag sa kanilang harapan na parang baliw.

"Hindi ako alam ganito kayo bilis makahanap pera. You must have done something fishy huh? Kayo ba nakaw sa mga Juariz?" Anito at malakas na tumawa. Iyong tawang nang-iirita. Tawa na binubuhay ang inis sa kaloob-looban mo.

Magsasalita na sana si Arvy ng pigilan siya ng kanyang ama. Inilibot nito ang paningan sa loob ng abandonadong gusali. Pinapalibutan sila ng higit sa dalawampung mga alagad nito. Lahat ay may bitbit na armas at nakatutok sa kanila. Isang maling galaw at bangkay ang uuwi sa kanilang bahay.

"I hope you'll leave my brother alone now. Wala na kaming utang sa inyo." Ang sabi dito ni Arvy sa seryosong boses.

Ang kaninang nakangisi nitong labi ay napalitan ng malungkot na ngiti ngunit nananatili sa mga mata nito ang nanunuyang tingin.

"Ah, this is so sad." pinunasan pa nito ang kanyang mga mata na animo'y umiiyak, "Unfortunately your brother Austine Villaluz and your boyfriend...Lorenz Vince Caballero right? Sila amin benta. May utang kayo sa lolo ko o wala amin pa rin kuha inyo kapatid at boyfriend. So if I were you, I'd look after them 24/7 because it won't take too long before we can have them. Because you paid me full payment I will give you a little more time with your brother. And also, keep this a secret okay? You don't want any of your family members dead specially your cute, cute son." Anito at muling tumawa ng malakas. Kung tumawa ito'y animo demonyo.

Dahil sa sinabi nito'y tuluyan na ngang naputol ang manipis niyang pasensya. Mabilis niyang hinugot ang dala-dalang baril at itinutok sa ulo ng intsik. Itinaas nito ang dalawang kamay sa magkabilang bahagi ngunit hindi pa rin mabura-bura ang tuso nitong ngiti.

"Arvich John Villaluz, my dear friend, I know you are smarter than this. Let's calm down okay? This is peace talk.PEACE TALK. Mr. President of the Philippines was also like this. Siya rin galit sa akin, pero siya nadala peace talk kaya we are now friends. Even some senators nadala sila peace talk ko." Dahan-dahan nitong ibinaba ang kanyang kamay kasama ang kanyang baril. Gusto niyang matawa sa peace talk ng pisteng intsik na 'to. Sigurado siyang maraming baril ang nakatutok sa presidente at mga senador na tinutukoy nito.

"Sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan hayop ka." Ang nanggagalaiting banta niya dito pero tumawa lang ito ulit. Sira na talaga ang utak ng singkit na 'to.

"It's a good joke but I don't take some random officer's words seriously." Anito at tumingin sa relong suot,"It's already 12 am. I should go now, I have a meeting with some investors here."

Tumayo ito mula sa pagkakaupo at pinagpag ang suot nitong amerikana. Inabot nito ang kanyang kamay at itinaas baba, ganoon din ang ginawa nito sa kanyang ama. "I had fun talking to the both of you. We had a successful peace talk. Zhùnǐ hǎoyùn."

Tinalikuran sila nito pagkatapos makipag kamay at naglakad palabas ng gusali. Nakasunod sa intsik na 'yon ang pamilyar na mga mukha ng mga matataas ang ranggo na mga military at police.

Mga traydor! Ang sigaw niya sa kanyang isipan.

Muli siyang napakapit ng mahigpit sa kanyang baril ng tumigil sa paglalakad ang intsik. Lumingon ito sa kanila at ngumise, "You know, your son will look good if he's wearing red all over his body. Red is a lucky color in China." Anito at muling tumawa ng malakas hanggang sa makalabas ng gusali.

Gustong-gusto niyang iputok sa ulo ng intsek na 'yon ang kanyang baril ngunit kailangan pa siya ng kanyang pamilya.

"Anak, tayo na." Ang tawag sa kanya ng ama. Tahimik lang ito sa buong durasyon ng kanilang pag-uusap. Tahimik na nagmamasid sa paligid at sa kalaba.

"Pa, sila Austine at Lovely...anong gagawin natin?" Gusto niyang manatiling matatag pero hindi niya maiwasang panghinaan ng loob lalo na ngayong nalaman niya kung anong uri ang kaaway nila.

"Makakahanap tayo ng paraan. Sa ngayon ay panatilihin mong matatag ang iyong loob. Kakampi natin si Nathan, hindi niya hahayaang may mangyaring masama sa kapatid mo."

Sana nga. Sana nga ay kaya nitong protektahan ang kanyang kapatid.

Pagdating niya sa kanilang bahay, nadatnan niyang gising pa ang asawa habang kumakain mag-isa sa kanilang kusina. Lihim siyang napangiti habang pinagmamasdan ito.

"Arvy? Bakit nandiyan ka? Halika nga dito." Tawag nito sa kanya. 

Lumapit siya dito at yumuko. Sinalubong niya ito ng isang malalim na halik. Ilang taon ng lumipas simula ng magsama sila ngunit hindi pa rin nawawala ang bolta-boltaheng kuryenting gumagapang sa kanyang balat tuwing naglalapat ang kanilang mga labi. Si Lovely lang ang nakakagawa nito. Ang asawa niya lang.

Mababaliw siya kapag kinuha ito mula sa kanya. Hindi na niya kakayanin kapag muli na naman itong mawala sa kanya.

"I love you so much." buong pagmamahal niyang banggit dito. Hindi siya sanay sa pagpapakita ng emosyon pero para sa taong 'to kaya niyang ulit-ulitin ito.

"Haha! I love you too. Anong nakain mo at bigla kang naglambing?" Taas kilay nitong tanong habang mahinang tumatawa.

"Gusto kitang kainin." Aniya at pinugpog ng halik ang mukha nito. Humagikhik ito at sinubukang pigilan ang kanyang mukha. "Bakit hindi ka pa natutulog? Ginising ka ba ni baby?"

"Hindi ako makatulog. Sobrang daming nangyari ngayong araw." Bulong nito at mahigpit na yumakap sa kanya. Alam niya ang yakap na ito ng asawa. Yakap na naghahanap ng proteksyon. Yakap ng may takot na dinadala sa dibdib.

Anong nangyari kanina?

"A-anong nangyari?"

"Arvy, natatakot ako. Natatakot ako para sa amin ni Austine. Natatakot ako para sa magiging anak natin. Natatakot ako para kay Aniston at sayo. Natatakot ako para sa pamilya natin." Iyak nito.

"Anong nangyari kanina, Love? Sabihin mo sa akin."

"M-may lumapit sa aming babae kanina..s-sabi niya...sabi niya kukunin niya ako ulit. Excited na daw siyang makita ang anak natin. Ayokong mawalay sa inyo." Ang pagkwe-kwento nito habang patuloy pa rin sa pagluha.

Mariin siyang napapikit. Tuluyan na ngang nabalot ng takot ang kanyang puso para sa kaligtasan ng kanyang pamilya.

-----------------------------------------------------------
GAAAAAAHHHHHH!!!!! Wala talaga akong kwenta pagdating sa pagsusulat ng mga action, thrilling at intense na part. I'm not a violet person, oki? Hahahaha char violent pala.

Alam niyo kung anong na discover ko? Mahilig akong pumasok sa mga sitwasyong alam kong mahina ako. Katulad ng bobo ako sa Math pero nag stem ako, gusto ko ring magnursing kahit takot ako sa palaka, tapos ngayon ito. HAHAHA! Bahala na, sabi naman nila step out of your comfort zone.

Pasensya na po talaga kung sa tingin niyo ay napaka cringe ng chapter na ito hahahahaha. Magbabasa at manonood na talaga ako ng mga action movies.

Pasensya na po kung may mga misspelled words,  grammatical errors and all kinds of mistakes na mababasa niyo. Iedit ko nalang po to pagkatapos. Thank you all! Mwuah! Mwuah! Ciao!




Continue Reading

You'll Also Like

480 87 11
Arcoíris Series 5: Wanting Was Enough • BxB A bisexual and gay man. Neither share any similarities. They couldn't have been more dissimilar; he is op...
187K 7K 31
Dahil lang sa pakikinig ng usapan, naituro siya bilang ama nang dinadala ni Aviah Alvarez na anak ng gobernador. Alam naman niyang kakaiba siya dahil...
3M 145K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
15.1M 676K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...