(Author's Note: Please, don't hate me after reading this.)
*CATHERINE’s POV*
Iya..
Iya pala ang pangalan ko dati.
Gumaan ang pakiramdam ko kahit papano dahil ngayon may alam na ako tungkol sa nakaraan ko.. Ngayon naiimagine ko na kung paano ako nung bata pa ko.. na meron pala kong bestfriend na lagi kong kalaro.. ung mga memories.. Pakonti konti lang ung nakikita at naaalala ko, at hindi pa din clear.
Nagpasalamat ako kay Papa dahil sa wakas, nag-open na din siya saken.
Pagkatapos niya saken magkwento ng ilan pa tungkol sa pagkabata ko, pinagpahinga na niya ako at dahil may pasok din siya bukas. Ayaw pa nga ako iwan, dun daw siya matutulog sa tabi ko. Hindi naman sa ayaw ko pero sabi ko malaki na ko! Hehehe..
*BUZZ*
Inabit ko ang phone ko na nasa side table, nakahiga na kasi ako sa kama ko.
Text from: Bossing ko<3
Uy! Si Bossing ko!
Tulog ka na po ba?
eeeeeeeeeee!
Bigla akong kinilig! Parang biglang nawash-out sa isip ko ung ‘popoy’ thing nung nakita ko ung text ni bossing. Hehehe :D
Nagreply ako.
Tulog na po ako.
HAHAHA! Ang adik ko diba :D
*BUZZ*
Aba! Ang bilis magreply!
Sweet dreams :*
WAAAAAAAA!
Pwede na kong mamatay sa kilig!
Kinuha ko ung unan ko tapos niyakap ko ng mahigpit! Eeeeeeh kayo ba naman pag kinikilig ganyan din di ba?!!!
Nagreply ako ulit.
Bossing joke lang! Gising pa ko. Hihi :”>
*BUZZ*
Bossing: Haha. Ikaw talaga. Hindi kita naiistorbo?
Ako: Hindi po syempre. Ikaw pa? J Bakit gising ka pa po?
Bossing: Hindi ako makatulog. Can I call you?
WAAA! YES YES BABY!
Ayyy? ang landi ko lang. wag niyo po ako gayahin. Wahihihi :D
Ako: Bakit? Sige po J
Oh di ba.. para hindi halatang gustong-gusto ko. XD
Calling: Bossing ko<3
Umayos ako ng upo sa kama tapos inayos ko ung buhok ko. Ang gulo pa kakagulong gulong ko sa kilig :D
“ehem ehem” sabi ko bago ko sagutin ung tawag niya.
KAT! HUWAG MAGPAPAGHALATANG KINIKILIG!
“umm, bossing?”
“Hey..” mahinang sagot niya. pero naiimagine ko ung mukha niyang nakasmile. Kasi ganun naman siya palaging nakasmile saken. Ajuju :”>
“Hi.. Bakit hindi ka po makatulog?”
“May sasabihin sana ko.. *sniff*”
Sasabihin?
Tska.. bakit parang may sipon siya?
“Ano po un? Teka, may sipon ka ba bossing?” nag-aalalang tanong ko.
“……” hindi siya sumagot.
“Bossing?”
“Sleep now. Sweet dreams baby.”
“Bos-- *eng* *eng*”
Binaba na niya.
May mali.
Never akong binabaan ni Arthur kapag magkausap kami sa phone. Palaging ako ang nag-eend. Ayaw na ayaw niya ung ganun. Anong meron?
Dinial ko ulit ung number niya.
………………..
Wala. Hindi niya sinasagot.
Hindi ako mapakali. Iba ung pagtibok ng puso ko.
Dinial ko kagad ung number niya.
At hindi ako nagkamali na siya ang tawagan.
A-ate Catherine?
“Nasa bahay ba si Arthur?” walang paligoy ligoy na tanong ko.
Ah.. eh.. w-wala po eh.
“Nasaan siya?”
Hindi ko alam ate eh..
“May problema ba siya? please tell me..”
W-wala ate.
“Kylie.. I know you..”
ate hindi ko alam..
Haaaay. Hindi niya nga siguro alam.
“Okay.” sabi ko sa kanya.
I’m about to end the call when she said..
Ate.. Hindi ko talaga alam kung nasaan siya.. pero you can check at the park, ung mejo malapit sa school? palagi siyang andun kapag.. kapag..
She’s finding the right word.
…kapag gusto niya. and..
Tumigil siya bago tinuloy ang sasabihin niya.
.. he loves you so much.. That’s a promise.. he just had to make decisions. A very difficult one. I hope maintindihan mo siya ate.
Then she ended the call.
Ano naman un?!
Agad akong nagjacket at bumaba. Hindi na ko nagpaalam kay papa dahil alam kong hindi niya naman ako papayagan dahil gabi na at hindi ko din alam kung anong sasabihin kong palusot. Buti wala din si ate betty sa sala or sa garden.
Lumabas ako at agad na pumara ng taxi.
Hindi ko alam kung anong meron eh!
May sakit ba siya? o may problema ba siya?
basta alam ko kinakabahan ako!
Pag si Arthur ang usapan hindi talaga ako mapakali….
palagi siyang andun kapag gusto niya..
Gusto niya lang?! Ano to trip trip lang mapag-isa?!
he loves you so much.. That’s a promise.. he just had to make decisions. A very difficult one. I hope maintindihan mo siya ate.
Hindi ko makalimutan ung sinasabi ni Kylie. ano un? Anong decision? anong difficult? Namaaaaaan! Ano ba to!!!
Buti walang traffic at nakadating kami kagad sa park. Malamang wala talagang traffic dahil gabing gabi na -_-
Pag pasok ko nilapitan ko kagad si manong guard.
“Manong! May pumasok po ba ditong poging lalaki?”
Ok. Wag niyo na pansinin ung pagkakadescribe ko -_-
“Naku naman ma’am. Marami ho tayo niyan dito. Ang herap naman po niyan..” nagkakamot na sagot ni manong.
Leche ka manong! Si Arthur lang ang pogi wala ng iba!
“Manong, ganto kapogi oh!” sabi ko sabay abot nung phone ko para Makita niya ung wallpaper ko.
Oo na oo na oo na! Wallpaper ko siya! bakit masama?! -____-
“Ahhhh! Si Sir Arthur naman pala eh! Yes ma’am andito po siya.” sagot ni manong. Kilala pala siya dito? Lagi ba siya dito? Pero hindi ko na dapat isipin un ngayon.
“Manong, alam niyo po ba saan banda dito?”
“mmm.. try niyo banda dito ma’am.. o kaya dito.. Dyan dyan lang po yan..”
“Sige po salamat!” sabi ko sabay takbo sa direksyong sinabi ni manong.
*LAKAD*
*LAKAD*
“Arthur!!!!!!” sigaw ko.
Wala naman masyadong tao. Keri lang sumigaw :D
“Bossing!!!!!!!!!!!!!!!” sigaw ko ulit.
*LAKAD*
*LAKAD*
“Bossing nasaan ka!!!”
“Hey..”
Napatigil ako sa paglalakad.
Napakahina nung pagkakasabi niya pero huminto ang puso ko ng marinig ko..
at dahil alam ko kung kaninong boses un.
dahan dahan akong tumingin sa likod ko.
And I saw a very handsome man.
He’s looking at me.
Hindi ko mabasa ang mukha niya.
Hindi siya nakangiti, hindi din nakasimangot.
Poker face, parang ganun.
“Bossing..”
Ganun pa din ang tingin niya.
pero parang lumabo ang mata niya.. na nagtubig?
“Bossing.. Anong meron.. May sasabihin ka di ba?” I said while walking towards him.
Parang..
ung feeling na..
pigil na pigil siyang hawakan ako?
I feel an intensity between us.
hindi ko alam, nandidiri ba siya saken?
He was so stiff.
Hindi pa rin siya sumagot.
I hold his arms.
Hindi ko alam pero parang nagsimula na din lumabo ang mata ko.
“di ba.. sabi mo open tayo? Ano ba kasi un bossing?” sabi ko, pinipigilan kong wag umiyak.
Nakatingin lang siya saken.
Nagtititigan lang ba kami dito?
Lumunok siya.
My heart stop.
palagi siyang andun kapag gusto niya..
My body freeze.
he loves you so much.. That’s a promise.. he just had to make decisions. A very difficult one. I hope maintindihan mo siya ate.
I felt tears fall from my eyes when he said,
“ayoko na....”
***
COMMENT. VOTE. RECOMMEND/SHARE. BE A FAN.
Yang mga yan ay gawin niyo lang kung gusto niyo. Maraming salamat :)
Dedication, sa MB ko po please!