Blackmailing the Beast

Da jennaration

924K 21.1K 1.8K

[Tagalog/ongoing] Hunter Falcon, COO of a shipping lines, will soon discovers that his heart hasn't really be... Altro

Blackmailing the Beast
Prologo
Chapter 1 - Meet the Belle
Chapter 2 - Belle in action
Chapter 3 - Belle is hired
Chapter 4 - Belle in mission
Chapter 5 - Cup B-elle
Chapter 6 - Belle's interview
Chapter 7 - Belle found the castle
Chapter 8 - Belle trapped in the castle
Chapter 9 - Ulam ni Belle
Chapter 10 - Boss ni Belle
Chapter 11 - Belle to the rescue
Chapter 12 - Beast's pandesal
Chapter 13 - Here comes the Beast
Chapter 14 - The other Belle
Chapter 15 - Blackmailing the Beast
Chapter 16 - Belle's nightmares
Chapter 17 - Yummy Beast
Chapter 18 - Belle the nerd
Chapter 19 - Belle the troublemaker
Chapter 20 - Unidentified Belle
Chapter 22 - Beauty vs Beast
Chapter 23 - Mistakenly Belle
Chapter 24 - Belle meets the family
Chapter 25 - Belle is dead or alive
Chapter 26 - Beast's version of truth
Chapter 27 - Belle before the storm
Chapter 28 - Belle meets the Falcon's
Chapter 29 - Belle in disguise

Chapter 21 - Belle in love

8.2K 347 45
Da jennaration

Beauty

"Ouch... aww.... oww..." paulit-ulit na daing ko. "aray.... putang ina MASAKIT!!!!" sigaw ko dahil idiniin ni Beth yung bulak sa sugat ko.

"Basta ka na lang natulog, hindi mo na ginamot?" inis na tanong ni Beth sa akin.

Mangiyak-ngiyak ako na inagaw ang bulak sa kanya at ako na nagpatuloy sa paglilinis sa sugat ko sa gilid ng labi ko. Namamaga pati ang pisngi ko.

Tanghali na kami pareho nagising at nagulat siya ng may mga pasa at sugat ako sa mukha. Kaya sabi niya gamutin daw namin.

"Eh, antok na ako eh anong magagawa ko? Tsaka akala ko mawawala na agad pagkagising ko. Ayun, mukhang lumala pa ata!"

"Mala-wolverine talaga kamay ng madrasta mo.  Dalawang sampal lang naging pasa na at nasugatan ka pa," litanya niya. "Sabi ko kasi huwag ka na pumunta doon. Ayan tuloy ang nangyari sa'yo. Ano ba kasi ulit ang ginagawa mo doon?" dugtong niya.

"Galit na galit sa akin ngayon yun dahil nakalmot ko siya sa kanyang braso," nakatawang pagmamalaki ko. Binatukan niya ako.

"Basagulera ka talaga. Bakit ka nga nandoon?"

"Kasi hinahanap ko yung birth certificate ko," sagot ko habang sinisipat ang mukha ko sa harap ng salamin.

"Hindi ba mayroon ka na nun?"

Umiling ako. "Peke yung nasa akin."

"Hah! Kailan pa?"

"Noong binigay ni Tatay sa akin. Hindi ko nga rin maintidihan," wika ko.

Sinubukan ko pisilin yung pisngi ko kung hanggang saan ang sakit na pwede kong tiisin.

"aww..." daing ko.

Kaunting dampi pa lang yun. Umiling-iling ako.

"At bakit ka naman bibigyan ni Tatay ng peke?" tanong niya, sumimsim ito sa kanyang kape.

Nagkibit-balikat ako. "Aba ewan! Hukayin mo si Tatay baka may makuha tayong sagot dahil ako rin ay nahihiwagaan."

"Ni minsan hindi gumawa si Tatay ng ilegal kaya imposible talaga."

Niligpit ko na yung mga alcohol at betadine na ginamit namin panggamot sa sugat ko. Tinabi ko na lang yun sa gilid ko. Sumubo ako ng pancit canton na aking kinakain bago pa man ako gamutin ni Beth.

Pati pag-nguya medyo masakit kasi parang nababanat yung balat sa sugat ko.

"Alam ko! Kaya nga hindi rin ako makapaniwala. Kaya kukuha na lang ako ng bago sa PSA. Baka naman walang-wala lang talaga si Tatay noon kayo nagpagawa ng peke."

"Sus! Magkano lang naman ang kaibhan sa presyo ng original sa peke," komento niya.

"Siya nga pala, nag-aral ka ba dati sa Pacific Grade School?" tanong ko.

"Huh? Hindi. Public school lang ako dati."

Mas lalo namang hindi akin yun. Kanino kaya yung blazer?

Nakita kong tumusok ito sa natitirang dalawang hotdog sa plato na nasa hapag.

"Hoy, akin na yang isa hah! Tatlo na nakakain mo, ako wala pa!" reklamo ko. Gutom na gutom ako dahil mula kagabi wala pa akong kinakain.

"OO nah! Isaksak mo pa yan sa pekpek mo!" ngumunguyang wika niya.

Tinusok ko na at nilagay sa gilid ng plato ko biglang kunin pa niya kapag hindi ako nakatingin.

"Sa tingin mo mawawala mamayang gabi itong pasa ko?"

"Ano ka vampire? Nawawala agad ang sugat?" papilosopong sagot niya.

"May gig kasi ako mamayang gabi sa Lounge eh baka pumunta si Hunter. Ayokong makita niya ang mukha ko baka ma-turn off agad," I joked.

"Mag-absent ka na lang."

I sighed. "Ano pa nga ba! Ite-txt ko na lang si Siri mamaya. Hindi rin siguro ako makakanta ng maayos. Nakakainis naman mukhang matatalo ako sa deal namin ni Hunter."

"Talo ka naman talaga," wika niya habang sumisim muli sa kanyang papel. Nakangisi siya sa akin pagkatapos.

"Oo na nga. Ayan di na ako makakapunta sa opisina niya," bale-walang wika ko.

"Sabi ko, talo ka na kasi in-love ka na dun kay Hunter," natatawang sabi niya."Kaya ihanda mo na yang puso mo!"

"Hah!?"

"Isipin mo hah! Ngayon pa lang kita nakitang nag-effort ng sobra para sa isang lalake..."

"Eh siyempre trabaho ko yun."

"Nage-effort ka magluto para sa kanya kahit hindi ka marunong magluto. Pati ako dinadamay mo..."

"Kasi nga pinapaamo ko siya, part of my job."

"Tapos nabugbog ka na lahat-lahat, siya pa rin iniisip mo..."

"Eh kasi nga di matutuloy ang trabaho ko kapag tuluyan na niya akong iwasan dahil lang sa puro gulo ang hatid ko," paliwanag ko muli. "At tsaka crush siguro pero love? malabo..."

"So natutuwa ka ba kapag kasama mo siya?"

"Oo pero masayahin naman talaga ako."

Tumango-tango siya.

"May mga times ba na nainis ka kasi hindi ka niya pinapansin?"

Tumango ako. "Lagi kapag binibisita ko siya."

"Pero hindi nagtagal ang inis mo kasi nga magkasama kayo?"

"Siyempre wala akong karapatan mainis sa kanya ng matagal. At tsaka pinagbibigyan naman niya ako sa huli kapag nagtampo na ako," paliwanag ko. "At tsaka bakit ba ang dami mong tanong?"

"Gusto ko lang pag-isipan mo yung sinabi ko."

"Hindi nga ako in-love sa kanya," wika ko saba'y kagat ng hotdog. Napapikit ako sa sarap.

"Sabi nung pinapanood ko na komedyante, ang Love daw ay parang sakit sa likod, hindi mo man makita sa X-rays, pero alam mo na nandoon yung sakit kasi nararamdaman mo."

Napamulagat ako at siya ang nabungaran ko na nakangisi na naman.

"Ano?"

"Wala! Lokohin mo pa yang sarili mo kung diyan ka masaya!"

Tumayo siya at binuhat ang mga pinag-kainan niya. Hinugasan nito iyon sa lababo. Habang ako ay nakamasid lang sa kanya puno ng pagtataka.

Iniisip ko yung mga sinabi niya. Hindi ko talaga naintidihan eh.

"Ano daw!?" takang tanong ko sa sarili. Kung ano-ano pinagsasabi niya sa akin.

Nilapitan niya ako at bigla niya akong binatukan.

"Aray! Ano ba?" singhal ko.

"Pinapantay ko lang yang utak mo baka naalog kagabi at hindi ka makapag-isip ng tama."

Umakyat siya sa karto niya. Habang ako naiwan sa hapag-kainan, iniisip pa rin yung sinabi niya.

Ako in-love kay Hunter? Hindi ko naman sinasara ang posibilidad na mangyari nga iyon. Kaya lang parang hindi pa naman...

Nakapaghugas na ako ng kinainan ko at nakaligo na rin ako at hanggang magising kaninang takip-silim mula sa pagsi-siesta, iniisip ko pa rin talaga. Ina-analisa ko kung tama ba si Beth sa kanyang sinabi. Pwede ba talagang main-love ang isang tao sa maikling panahon?

"Hay... kainis kasi Beth, kung ano-ano pinapasok sa utak ko," bulong ko habang nanonood ng teleserye. Pinilit ko ang sarili ko na mag-concentrate sa pinapanood ko.

"Ano na kaya ang ginagawa nina Siri? O kaya ni Hunter. Pumunta kaya siya?" bulong ko.

Ayan... diyan sa kakaisip ko sa kanya kaya napagkakamalan ni Beth na in-love ako dun!

Hinagilap ko ang aking cellphone sa center table at tinawagan si Siri. Baka naka-break sila ng buong banda.

"Hoy, bakla! Isa ka talaga na dakilang drawing!Kung hindi pa dumating yung pinsan ni Sir Lucio, hindi ko pa malalaman na hindi mo kami sisiputin," bungad na sigaw niya.

"Masama nga ang pakiramdam ko. Yung pinsan ba niya ulit ang lead niyo?"

"OO. Nandito pa lahat ng Boss. Sayang hindi mo sila nakikita ngayon," pang-iinggit niya.

Napasimangot ako. "Aaaw! Pati si Sir Flynn?"

"Oo... lahat sila as in kumpleto sina Sir Flynn, August, Lysander, Kier, Hunter, Yvo at Bullet."dire-diretsong sabi niya.

"Wait...may sinabi ka bang Hunter?"

"OO, Hunter Falcon na kapatid ni Sir Kier. Hindi ko ba nabanggit sa'yo dati ang mga panagalan ng boss natin?"

Isa rin pala siya sa mga boss ko. Kaya nakita ko siya sa Cub dati akala ko customer lang siya.

"H-hindi. So nandyan nga siya?"

"Oo nga! Nag-iinuman sila. Grabe talaga! Busog na busog ako ngayong gabi," pigil ang tili nito. May naririnig akong tumatawag sa kanya.

"Ah sige. Gora ka na. Magtira ka para sa akin."

"Ayoko nga! Bye!"

Sayang hindi ko siya nakita. Kasalanan lahat ito ni Tiya Marga. Hindi na nga ako makakapunta sa office niya. Hindi bale, may bahay pa naman siya. Napangisi ako sa naisip.

Mga ilang oras pa ako nanood nang napagpasiyahan ko na lang na matulog kahit hindi pa naman ako inaantok. Pinatay ko na ang TV. Isusunod ko na sana ang switch ng ilaw dito sa sala nang biglang may kumatok sa pintuan namin.

I checked the clock. It's almost 10 pm.

Sinilip ko sa bintana kung sino pero hindi ko masyadong makita.

"Sino yan?" tanong ko sa kumatok.

Walang sumagot.

Napilitan akong pagbuksan ito ng pintuan.

Nabungaran ko si Hunter na prenteng nakatayo sa harap ng pintuan namin. Bigla kong binalibag yung pintuan at nagtatakbo sa taas.

"Beth!" tili ko. Binuksan ko ang pintuan niya.

"Bakit?"

Nakahiga na siya sa kanyang kama.

"Si ano... si Hunter nasa labas," humihingal na sabi ko.

"Eh ano naman? Edi pagbuksan mo, tutal in-love ka naman dun."

Nagpapadyak ako na nilapitan siya. "Ano bang pinagsasabi mo? Ikaw na lang muna ang kumausap. Sabihin mo wala ako or tulog na."

Hinihila ko siya kaya wala na siyang nagawa kundi ang bumangon.

"Malamang nakita ka na nun na gising."

"Ihhh... basta. Magtatago ako. Bahala ka na basta palayasin mo."

Tinulak ko na siya para bumaba ng hagdan. Umiling-iling lang ito na sinunod ang gusto ko.Habang ako ay natatakbo sa kwarto ko at nagtalukbong.

Ano bang ginagawa niya dito? Pinagpapawisan ako ng malamig tapos ang bilis ng tibok ng puso ko. Napagod tuloy ako sa kakatakbo.

Mga ilang minuto ang lumipas at narinig ko si Beth na binuksan ang pintuan ko. Napangiti ako. Napalayas na niya siguro ko.

"Beth, ano na? Umalis na ba?" tanong ko kahit nakatalukbong pa rin ako.

Umupo siya sa tabi ko. May naamoy akong naghalong pabango ng lalaki at amoy alak. Mas nakalamang yung pabango... nakakangilo. Dahan-dahan kong inalis ang kumot na nakatalukbong sa mukha ko.

Hindi nga ako nagkamali. Si Hunter. Walang-hiya talaga si Beth, pinapasok yung pinapalayas ko sa kanya.

Ugh!

Ngumisi siya. "You're not good at hiding."

Napangiti ako pero natuloy iyon sa pagngiwi dahil nabinat yung sugat ko. Nawala yung ngisi sa mukha ni Hunter at napalitan iyon ng pagkunot ng noo.

Hinawakan niya yung pisngi ko na may pasa.

"Aray!" daing ko saba'y iwas ng tingin.

"SHIT!" he hissed. Tumayo ito at pinameywangan ako. Napatingin akong muli sa kanya. "WHAT THE FUCK HAPPENED TO YOU?" sigaw niya. Sinusuyod ng tingin niya ang buo kong mukha.

Umupo ulit siya sa tabi ko. Magaan niyang hinawakan ang pisngi ko.

Pilit akong tumawa.

"Ah eh nahulog ako sa hagdan, tumama yung mukha ko," pagdadahilan ko.

He is eyeing me.

"Are you lying again?"

Umiling ako. Kung saan-saan napunta ang tingin ko habang pinagmamasdan niya ako. Malamang hinuhuli niya kung nagsisinungaling ako.

I heard him sighed.

"Magpalit ka," utos niya.

"Huh?"

"Pupunta tayong hospital."

"Hah? Eh okay na ako, mawawala din ito. Huwag kang OA!"

Sinamaan niya ako ng tingin.

"Magpalit ka dahil sinabi ko," matigas na utos niya.

"Ihh... gabi na tinatamad na ako. Dito na lang tayo hah!? Hmmm..." alok ko, pinagpalit-palit ko pa ng taa ang dalawa kong kilay.

He pursed his lips.

"Isa!" banta niya.

"Dalawa," sabi ko naman. Nakakaaliw siya. Mapipigtas na ang mga ugat sa sentido niya.

Tumayo ito. Mas lalong naningkit ang mga mata niya habang namaywang sa aking harapan.

"Hindi ako nagbibiro, Beauty. Tumayo ka na diyan " utos niya, bakas sa kanyang mukha ang pagtitimpi.

"Tinatamad ako. Tsaka okay na ako kasi nandito ka na.... ayiiee," natatawang sabi ko, sinundot ko siya sa gilid ng tiyan niya.

Umiwas naman ito. Hinuli niya ang kamay ko at pilit akong pinapatayo mula sa kama ko. Binibigatan ko yung sarili ko ara hindi niya ako maitayo kaya lang sadya itong malakas. Isang hila lang sa akin ay nasa harapan niya ako at nakatayo.

"No, GO!" medyo pasigaw niyang utos.

Napalunok ako. Nagpapadyak na tinalikuran siya at hinarap ang cabinet ko na nasa kabilang panig ng kwarto.

Narinig ko ang pintuan na parang isinarado ni Hunter. Siguro lumabas na.

Hinubad ko muna ang aking t-shirt a itinira ang pulang bra ko. Yuyuko na sana ako para maghagilap ng isusuot sa drawer ng cabinet ko nang biglang sumigaw si Hunter.

"SHIT, BEAUTY ALEJANDRA!!!" umalingaw-ngaw yung boses niya. Sa sobrang gulat ko, napaharap ako sa kanya na underwear lang ang suot.

Namula yung buo kong mukha pero hindi ko pinahalata na nahihiya ako. Sa totoo lang wala namang kaso sa akin kasi may takip naman ang maselang parte ng katawan ko. Kaya lang si Hunter sinusuyod ng tingin ang katawan ko.

Nagtaas ako ng noo nang hindi tinatakpan ang sarili. What's the point? Nakita na rin naman niya.

"MAY NAGCHE-CHECK BA NG ATTENDANCE?" sigaw ko rin. "Hay naku! OA mo talaga," dugtong ko. Tinaasan ko pa siya ng kilay.

Kumuyom ang mga palad niya. Naglakad ito palapit sa akin. Napasandal ako sa cabinet ko.

"A-ano na naman?" matapang na tanong ko.

Ngumisi siya. Yumuko siya para pumantay ang mukha niya sa mukha ko.

"Tell me, Beauty. Do you often undress in front of a man?" seryosong tanong niya.

"Ahm... h-hindi. Akala ko kasi lumabas ka," paliwanag ko.

Mas lalo pa niyang dinikit ang mukha niya na halos magdikit na ang labi ko sa kanyang labi.

"Good. Don't you dare undress in front of another man, Beauty," anas niya, may pagbabanta sa kanyang tono.

Marahang niyang dinampihan ng halik ang aking pisngi.

"Now, change your clothes. I'll be outside your room," bulong niya bago ako iniwanan doon na nakasandal pa rin sa cabinet. I was caught off guard.

Napakurap-kurap bago impit na tumili. Oh my gosh, siya humalik sa akin at hindi ako. Kaya lang sa pisngi lang pero pwede na rin. Kung ganito pala ang reward sa akin ay di sana noon pa ako nagpasampal kay Tiya Marga.

Nagmadaling humagilap ako ng damit sa aking cabinet. Nagpalit na ako ng skinny jeans at maluwang na t-shirt. Hinagilap ko ang converse ko sa ilalim ng aking kama at mabilis na isinuot iyon. Paglabas ko ng aking kwarto sa nakasandal lamang ito sa pader.

Magsasalita pa sana ako nang bigla na lang niya ako hinila pababa ng hagdanan. Nakita ko si Beth sa may sala, nakangisi. Sisigawan ko sana siya ng hilahin na naman ako ni Hunter palabas ng bahay.

Binuksan ni Hunter ang puting Lexus niya at tinulak ako papasok sa pasenger's seat. Wala akong nagawa kundi sumunod na lang kasi mukha siyang sasabak sa sabong. Sobrang nakakatakot ang mukha niya. Isinuot ko ang seatbelt ko.

Pagkapasok sa may driver's side ay may isinuot itong wireless headphone sa kanyang isang tainga bago pinaandar ang sasakyan. Yung bunganga ko naka-hugis "O" sa kakapanood sa mga ginagawa niya. Gumagalaw yung mga panga niya habang may pinipindot sa touch screen ng sasakyan niya habang nagda-drive siya. Napaka-dominante ng aura niya. Nakasuot siya ng white shirt, black denim, white sneakers at may mamahaling relo sa kanang palapulsuhan niya.

He looked so cool.

Magsasalita na sana ako nang biglang may nag-ring, dinig sa buong sasakyan. May tinatawagan ata si Hunter. I looked at the touch screen.

Dr. Phoenix

Sumagot yung Phoenix.

"Hey, Hunt. What's up?"

Aba may pet name pa siya sa Hunter baby ko. Lihim akong napa-ismid.

"Hey, I have a patient with me," pormal na sagot niya.

"Code blue?"

"No. Probably in need of physical exams or something like that."

"Okay, just go to the ER and I'll meet you there."

"Perfect. Thanks Nix."

"Anything for you, Hunt."

Humalukipkip ako. May pet name siya doon tapos ang cute pa. Ako laging tawag niya sa akin little schemer, in short, manggagantso.

Nakasimangot ako buong biyahe. Hindi naman niya ako kinakausap kaya ganun din ang ginawa ko.

Kulang ang halik sa pisngi para mapawi ang inis na nararamdaman ko ngayon.

"What's up with you?" takang tanong ni Hunter habang nagpa-park siya sa lot ng Hospital.

Hindi ko siya sinagot. Lumabas ako nang padabog. At ang nakakainis pa ay wala akong dalang pera o cellphone man lang.

Nauna na akong naglakad papasok. Kabisado ko naman na dito kasi dito ang clinic ni Dr. Juno at dito ko rin unang narinig yung pangalan na Phoenix. In-assume ko na lang na nakasunod si Hunter sa akin kasi wala naman siya sa tabi ko.

Pumunta ako sa parang pinaka-clerk dito sa ER. May mga nakatambay sa may waiting area na mga pasyente at nag-aantay na tawagin.

"Hi, magpapa-check up po sana."

Wala na akong magagawa, kundi gawin na lang ang dapat gawin dito at nang matapos na kami agad.

"What seems to be the concern?"

"Pasa po tapos sugat at tsaka medyo nauntog po ang ulo ko sa semento," tapat na sagot ko.

"I'm Hunter and we are here for Dr. Phoenix," sabat naman ni Hunter na kakarating lamang sa pwesto ko. Sinimangutan ko siya.

May tinawagan yung clerk sa telepono. Saglit lang iyon bago niya muli kaming hinarap.

"Dr. Phoenix is waiting in exam room 1B."

"Ok thank you," wika ni Hunter.

Hinila ako ni Hunter. Mukhang excited makita yung babae niya. Nadatnan namin doon ang babaeng may ginagawa sa harap ng computer niya.

"Nix," tawag ni Hunter.

Lumingon yung babae ng nakangiti. Nalaglag yung panga ko. Mukha siyang anghel na bumaba mula sa langit. Ang amo ng mukha niya. Maputi at matangkad. Yung buhok niya nakatirintas at wala siyang kolorete sa mukha. Nakasuot siya ng puting coat. Magmumukha akong dugyut kapag itinabi sa kanya.

"Hunt!"

Tumayo siya at mahigpit na niyakap ang Hunter ko. Hoy, andito ako! Harap-harapan talaga. Mga taksil!

"How are you?" tanong ni Hunter.

Makakapatay ako ng lalaki ngayong gabi.

"Ok lang. Wala naman masyadong pasyente ngayon. Ikaw hah, hindi ka masyadong nagpapakita sa akin."

Tumawa si Hunter.  So kapag ibang babae, masaya ka, kapag ako hindi?

"Busy lang."

"Hay naku, so who are you with?"

Nakatingin siya sa akin.

"Ako nga pala si Beauty." pakilala ko.

"I'm Dr. Phoenix. Ikaw ba ang pasyenteng sinasabi ni Hunt?"

Tumango ako.

"Sige, umupo ka muna sa kama. I will check your bruises and your head."

Sinunod ko ang utos niya. Si Hunter naman ay prenteng umupo sa silya na tabi ng ulunan ng kama.

May machine na hinihila si Doc palapit sa akin. Habang ginagawa niya yun ay nag-fill up ako ng form. She first checked my blood pressure and temperature. Ibinigay ko ang form sa kanya. Nilagay lamang niya iyon sa mesa. Medyo nako-conscious ako kay Hunter dahil sa akin at sa monitor siya nakatingin.

"Your BP is above normal and your temperature is a bit high too. Just monitor your temperature the whole night. You can take paracetamol tomorrow if you woke up feeling sick."

"Okay po."

"I'll check your bruises and head. What happened?"

Maingat niyang hinaplos ang pisngi ko at inuutusan ako kung saan ako haharap para mas lalo niyang makita.

"Ahm, nahulog po ako sa hagdanan kahapon."

Kumunot ang noo niya. "Hmmm... I don't think... okay, maybe it was a bad landing on your cheek. I'm surprised your teeth are intact, saad niya. Tumingin siya kay Hunter at sa akin ulit.

Tipid lang akong ngumiti. Isinunod niya na kapain ang ulo ko. Pagkatapos ay tumayo siya at tinignan ako sa aking mga mata.

"May bukol ka sa ulo pero wala namang laceration. Kung nahihilo ka or nawalan ka ng malay ng ilang segundo, bumalik ka dito sa hospital. For now, cold compress muna ang mairerekomenda ko sa'yo," wika niya, palipat-lipat ang tingin niya sa akin at kay Hunter.

"Okay po."

"And your cheek is still red so apply cold compress for 10-30 minutes then again after 15 minutes of rest. Take a pain killer if you still feel pain. And... that's it," she explained.

"Ah ok Doc. Salamat. OA lang po talaga itong kasama ko."

Napatawa siya. She turned her gaze to Hunter.

"Hunt, can I talk to you outside?"

"Yeah sure."

Naiwan ako sa kama habang nakatanaw sa kanila na matamang nag-uusap ng seryoso sa labas ng exam room ko. Mga ilang minuto lamang ay panaka-naka na tumatawa si Phoenix. Yung puso ko parang iniipit. Mukhang aatakihin na ako sa sama ng loob.

Matutuluyan nang magka-code Blue dito.

Continua a leggere

Ti piacerĂ  anche

3M 188K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
1.5M 35K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...