Precious Tears (COMPLETED) UN...

By princessarzz

38.2K 569 38

Paano muling magmamahal ang isang taong nasaktan dulot ng maling pagmamahal? Kailan mabubuo ang pagkataong mi... More

Prolouge
Chapter 1: Jian Santos
Chapter 2: Broken
Chapter 3: The Bet
Chapter 4: Tirso Jian San Antonio
Chapter 6 : Why's
Chapter 7: A Kiss
Chapter 8: A Weekend with THEM
Chapter 9.1 : Text Message
Chapter 9.2 : Text Message
Chapter 10: Chance
Chapter 11: Decision
Chapter 12: Jealous
Chapter 13.1 : Para Lang SAYO
Chapter 13.2: Para Lang SAYO
Chapter 14: Her Condition
Chapter 15: Ligaw
Chapter 16: New Environment
Chapter 17: Enlighten Up
Chapter 18: Finding Her
Chapter 19: Happy moments
Chapter 20: He's Back
Chapter 21: The Bitch
Chapter 22: Breaking Apart
Chapter 23: Dying
Chapter 24: Please!!!
Chapter 25: I Can't Live Without You
Chapter 26: Much Better!
Chapter 27: Let Her Go
Chapter 28: Miserable
Chapter 29: Finally She's Back
Epilogue: I Love You, Goodbye

Chapter 5: The Organization

1.6K 30 3
By princessarzz

“Organization is built to have trust with others. Let yourself be involved to brings back your trust.”

Ilang araw na ang lumipas simula nang makapagdesisyon si JM kung ano ang kanyang aawitin. At ang napili niyang kanta ay Teardrops on My Guitar ni Taylor Swift. Hindi niya alam pero nagagandahan siya sa kantang yon.

Nandito sila ngayon sa isang classroom, kasama niya syempre ang matalik niyang kaibigan na sila Ane at Ara. Inaya siya ng kambal na sumali sa isang organization kung saan kabilang ang section nila. Ayaw niya sanang sumali ngunit mapilit ang dalawa. Wala naman kasi siyang kahilig-hilig sa mga ganitong pagtitipon. Bukod pa doon ay nanghihiyang siya sa oras na ilalagi niya doon dahil yong oras na dapat nasa oarding na siya at nagpapahinga ay makakain ng pagsali niya doon.

Nawala ang malalim niyang pag-iisip ng may magsalita sa harap. Napako ang tingin niya dito.

"Attention please, lahat ba ng nandito ay willing na sumali sa organisasyon?" Tanong nong matabang lalake, na tiyak niya ay ay siyang pangulo ng organisasyon. Iba kasi ang awra nito at bakas sa boses nito ang pagiging maawtoridad.

Ayaw man niyang sumagot ay nakisabay na rin siya. Sabay-sabay silang sumigaw ng “Opo.” Kahit na ang totoo ay inaantok na siya.

"Mabuti naman kung ganon hahati-hatiin ko kayong lahat sa limang grupo. Tuwing hapon ay may nakaassign kayong puntahan na mga members ng organisayon na to. Kinakailangan na magkaroon kayo ng tikler at name tag para sa pagkakakilanlan nyo. Yong name tag nyo ay isusuot nyo sa loob ng isang buwan dito sa loob ng campus, pero kami naman na ang magpoprovide non para sa inyo." Mahabang paliwanag muli ng pangulo.

"And since bago kayo pumasok sa silid na ito ay nakapirma na kayo ng iyong pangalan dito sa papel, ay naigrupo na kayo ng aking mga kasamahan, kaya ang mga tatawagin ay pupunta dito sa harap para makilala ninyo ang magiging kagrupo ninyo sa loob ng isang buwan."

Tulad ng sinabi ng pangulo ay hinati-hati na ang lahat ng nasa loob ng kwartong iyon. Ang naging hatian ay sampo bawat grupo.

Pinalitan ng dalawang babae ang pangulo sa harap. Ang isang babae ay medyo may katabaan ngunit malaporselana ang kutis. Maiit ang mukha at kakaiba ang gandang taglay. Samantalang ang isang kasama nitong babae ay may kaitiman ang kulay ngunit ang pangangatawan at ang gandang taglay ay maihahalintulad kay Venus Raj.

"Bago ang lahat ako pala si Ate Jayzel ninyo.” Simulang pagpapakilala nong maputing babae sa harap. “At itong katabi ko ay si Ate Roxan ninyo.” Itinuro naman niya ang katabi niya.

“Bale ako yong secretary ng organisasyon at yong unang nagsalita ay si Kuya Mark ninyo. Siya nga pala ang pangulo." Nakangiting aniya.

“At tulad ng sinabi ni Mark, eto na ang magkakagrupo. Unang pangkat. Paige Ane Paraiso, Tirso Jian San Antonio, Lester Jay Galino, Jessa Mae Nietes, Lyka Fernandez, Jamie Nicole Pamoso, Mia Cristel Tabil, Ana Carissa dela Cruz, Marian Garcia, at Jane Mariz Saavedra."

Hindi pa man napoproseso sa utak ni JM ang mga pangalan ay tinawag na sila nong Roxan daw.

"Punta na kayo dito sa harap at magpakilala kayo isa-isa."

Ngunit dahil hindi pa rin siya makapaniwala sa kinalabasan ng magkakagrupo ay hindi pa rin tumatayo sa kanyang kinauupuaan. Dahil marami ang tumatakbong tanong sa kanyang isipan. Bakit ako? Bakit siya? Bakit magkagrupo na naman kami?

Natigil lang siya sa pagtatanong sa sarili nang kalabitin siya ni Ane. Hindi niya namalayan na nahatak na pala siya nito sa harap.

"Uy bes ikaw na."

Bumalik siya sa kasaluyan. Bago nagsalita ay tiningnan niya ang lahat ng tao sa silid. Lahat sila ay nakatingin sa kanya. Hindi niya alam ngunit kinakabahan siya samantalang magpapakilala lang naman siya. Napansin siguro ng kaibigang si Ane na natulala na naman siya kaya’t binulungan siya nito.

"Girl magpakilala ka na."

Bago nagsalita ay humugot muna siya ng isang malalim na buntong-hininga upang kahit papano ay mawala ang kabang nararamdaman.

"Hello. Ako nga pala si Jane Mariz Saavedra. Pwede ninyo akong tawaging Mariz o kaya naman ay JM." Pinilit niyang ngumiti ngunit ang kinakalabasan nito ay isang maasim na ngiti. Pagkatapos non ay bumalik na siya sa kanyang upuan. Hindi niya pinakinggan aang sinabi ni Ane na hindi pa silang puwedeng maupo dahil hindi pa tapos ang iba pa niyang kagrupo sa pagpapakilala.

Nang makaupo sa dati niyang puwesto ay napatitig na lang siya sa nagsasalita sa harap. Pinagmasdan niyang mabuti ang binata at nagtanong na naming muli sa kanyang sarili. Bakit ba kasi magkamukha sila? Pwede naman kasing hindi naman maging magkamukha ang kambal diba? Paano niya pa tuluyang makakalimutan ang kakambal nito kung parehong-pareho sila. Mula sa mukha, sa pananamit hanggang sa kung paano ito magsalita.

At ang isang malaking tanong na gumugulo ngayon sa isip niya ay bakit palaging pinagtatagpo sila ng tadhana. Lagi silang magkagrupo. At kahit na ayaw na niya itong makita o makasama ay wala naman siyang magawa.

Dahil sa pagkakatitig niya ditto ay hindi niya namalayan na nakatingin na rin ito sa kanya. Sobrang talim at lalim ng mga yon. Tila ayaw nitong matanggal ang pagkakatitig ni JM sa kanya ngunit bago pa man siya matapos na magsalita ay siya na ang unang umiiwas. Naguguluhan na siya sa inaasal ng binata.

Natapos ang buong pagtitipon ng wala naman siyang naintindihan bukod sa unang mga sinabi nito. Nagulat na lang siya noong hinila na siya ng kambal at binato ng maraming tanong.

“Girl pansin ko lang ah, kanina ka pa natutulala. Bakit ba ha?” Untag ni Ane sa kanya. Naglalakad na sila ngayon pauwi ng boarding house nila.

“A-ano yon?” Nauutal niyang tugon.

“Oo nga girl, ayan oh tulad ngayon, may problema ba?” Nag-aalalang tanong din naman ni Ara.

“Wala naman. Pagod lang siguro, di ko naman akalain na aabutin tayo ng gabi dun. Diba 7:00 pa ang klase natin bukas?” Pag-iiba ni JM ng usapan.

“Sabagay. Pero basta magsabi ka lang kung may problema ka ah.” Nag-aalala pa ring wika muli ni Ara sa kanya saka inakbayan siya.

“Oo nga, maaasahan mo kami sa kahit ano.” Sabat pa ni Ane.

Mabilis nilang narrating ang boarding house nila. Pagkatapos ay minadali na nila ang pagkain at nagpahinga na sila sa kanya-kanya nilang higaan.

Kinabukasan, tulad ng napag-usapan kahapon ay pumunta na ang bawat isa sa kani-kanilang station. Ala-singko na ng hapon at ito na ang oraas na itinakda sa kanila. Ngunit kanina pa siya naagdadalawang isip kung tutuloy ba siya o hindi. Gusto niyang pumunta pero masama ang pakiramdam niya. Sa tingin niya ay lalagnatin siya. Pakiramdam niya pa ay sobrang lamig ng paligid niya niya.

Napagdesisyonan niyang umuwi ng bigla naman siyang hatakin ni Ane. Kaya kahit masama ang pakiramdam ay wala na siyang nagawa kundi ang magpahila dito.

Namalayan naa lang ni JM na nandoon na sila ng huminto si Ane sa paghila sa kanya. Nandito sila ngayon sa isa sa mga kubo ng Collegee of Education. At tulad ng inaasahan ay nandoon na ang mga facilitator na gagabay sa kanila.

"Magandang Hapon po." bati ng mga kasama niya sa mga ito.

"Magandang hapon din. Maupo muna kayo." Tugon noong nagpakilalang Ate Jayzel nila.

"Kumpleto na ba kayo?" tanong naman nong Ate Rox nila na prenteng nakaupo sa isa sa mga silya.

"Opo. Mukhang nandito na po lahat" sagot ni Lester, ang kanilang lider.

"Kung ganon magpakilala kayo samin isa-isa sa masining na pagpapahayag. Ibig sabihin yung nakakaaliw. Bibigyan namin kayo ng limang minuto para makapag-isip." Wika nong Ate Jayzel.

Kasalukuyang nag-iisip si JM ng mapadako ang tingin niya kay Jian, Tirso Jian. Pagtatama niya sa sarili. Nagulat pa siya ng bigla ay tumingin din ito sa kanya saka ngumisi ng kakaiba at umiling-iling pa. marahil ay napansin iyon ng isa sa mga facilitator kaya ito ang unang tinawag at pinapunta sa harap.

Dahil sa pagtawag kay TJ ay muli niya itong natitigan. May pagkakaibaa rin pala ang dalawa. Kulay abo ang mga mata ni TJ samantalang ang kakambal nito ay kulay asul. Bakit ba hindi niya ito napansin agad.

"Ano ang gagawin mo?" Tanong nnong Ate Clyde daw, kasama siya nila Rox at Jayzel.

"Magrarap po." Magiliw na tugon ng binata.

"Sige simulan mo na." Masungit na komento ni Clyde.

"Isang magandang hapon bati ko sa inyo
Ako nga pala si Tirso Jian San Antonio
Handang tumulong at umagapay sayo
May mahalaga akong sasabihin sa inyo
Mahalagang bagay ito kaya huwag ng tumungo
Ang nakaraan ay nakalipas na
Talikuran mo na, at tumayong masaya
Masakit, masaya kadalasan ay malungkot
Humanap ng paraan kahit dahilan ay buktot
Nakaraan ay di na maibabalik
Kahit ano pa ang gawin mong hilik
Kaya ang maipapayo ko sa inyo
Mahalin mo ang tulad ko
Hindi ka mabibigo
Harapin mo ang ngayon
At ngumiti ng lubos.

Habang nagsasalita ang binata ay nakatitig ito sa kanya. Tila sa kanya nito sinasabi ang mga katagang binitiwan nito. Dahil doon ay bumilis ang tibok ng puso niya sa di malamang dahilan. Tila may mga paru-paro din na naagliliparan dito dahil sa kakaibang nararamdaman.

Marami pa ang nagsalita sa harap. Ang iba ay nagpatawa, kumanta at sumayaw. At ngayon na ang panahon para siya naman ang pumunta sa harap. Kinakabahan man ay wala siyang nagawa.

Tulad ng nakasanayan niya ay huminga muna siya ng malalim.
"Ano ang gagawin mo?" tanong nong Rox.

"Magrarap din po."

Tumango lang sila bilang tugon ng pagsang-ayon sa kanya.

"Jane Mariz Saavedra nasa inyong harapan
Asahang mamahalin ka ng tunay
At walang alinlangan
Lagi lang sanang tatandaan
Huwag akong lolokohin at paiiyakin
Dahil kapag ginawa ninyo yon
Siguradong wala kayong magandang patutunguhan sa Daddy ko.”

Matapos ng kanyang ginawa ay bumalik na siya sa kanyang silya saka niyakap ang kanyang tuhod. Nilalamig na siya ng sobra. Nanginginig na halos ang buong katawan niya ngunit wala siyang magawa. Ayaw niyang sabihin sa iba kahit pa kay Ane dahil baka mag-alala lang ito sa kanya o kaya naman ay hindi lang siya pansinin ng ibang kagrupo niya. Kaya wala siyang ginawa kundi ang tiisin na lang ang nararamdaman.

"Since tapos na kayong magpakilala. Eto na talaga yong task ninyo. Gagawa kayo ng tula na para sa taong mahal mo o kabaligtaran non, ibig sabihin, yong nasaktan mo o yong sinaktan ka. Siguro okay na yung 2 stanzas,4 lines." Kapagkuwan ay wika ng nasa harap, si Jayzel.

"Bibigyan namin kayo ng 15 minutes para gawin yan. Time starts now." dagdag pa nito saka isinet ang relo.

Matapos ang labinlimang minuto ay muling nagsalita ang isa sa mga facilitor, si Rox.

"Tapos o hindi tumigil na sa pagsusulat. At dahil huli si Jane Mariz kanina ay siya naman ang mauuna ngayon. Dapat with feelings." Maotorridad na sambit muli ni Rox.

Walang nagawa si JM kung hindi ang tumayo sa harap at nagsimulang tumula.

Bakit?

Minahal kita ng buong puso
Buong pagkatao'y inilaan sayo
Ngunit bakit ako'y sinaktan
At iniwan mong luhaan.

Bakit kailangang maranasan
Bakit kailangan mong ako'y paglaruan?
Di pa ba sapat na ika'y minahal ko?
Kaya sinasaktan ng ganito?

Hindi niya muli namalayan na habang tumutula siya ay una-unahang naglandas ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Marahil ay hindi pa rin siya nakakamove-on sa sakit na pinaranas sa kanya ng dating kasintahan. Dagdag pa na halos nakikita niya ito araw-araw kahit na hindi naman talaga ito an gang binatang yon.

"Hala bakit ka umiiyak? Wala naman kaming ginagawa ah. Hala uy." Nag-aalalang tanong ni Rox.

"Ayos lang ako Ate, masakit lang ulo ko." Pagdaddahilan niya.

"Sigurado ka ah?" Paninigurado pa nito sa kanya.

"Opo Ate." Pagsisinungaling muli ni JM..

Habang nagpapatila ng luha si JM ay narinig niya ang boses ng kakambal ng dati niyang kasintahan. Bakit ba pati ang boses nila ay magkatulad? Naiinis na tanong niya. Hindi niya tuloy maiwassan na titigan ito muli.

"Simulan mo na." WIka ni Clyde sa binata.

*Iba Ako*

Hindi man nag-iisa ang mukha ko
May kakambal man ako
Tinitiyak ko sayo
Na naiiba ako.

Mahirap mang magtiwala
Pero sana naman ay paniwalaan
Ikaw lang ang idinidikta
Ng puso kong tumitibok nang sayo lamang.

Habang binibigkas ng binata ang bawat kataga ng kanyang tula ay kinilabutan si JM. Hindi niya alam kung ang dahilan non ay ang panlalamig niya o dahil yon sa paraan ng pagkakatitig ng binata sa kanya.

Nagsimula hanggang sa natapos tumula ang binata ay hindi pa rin nito inaalis ang mga tingin nito sa kanya. Samantalang siya ay patuloy sa pagpahid ng mga luhang kanina pa umaagos. Matagal kasi talaga siyang tumahan. Hindi naman niya alam kung bakit. Gusto man niyang huminto na sa pag-iyak ay wala siyang magawa dahil tila may sarili itong isip na hindi pinakikinggan ang nais niya.

Dahil sa patuloy na pagbuhos ng mga luha niya ay nilapitan na siya ni Ane. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

"Uy girl, tahan na. Okay lang yan." Wika ni Ane kasabay  ng paghagod niya sa likod ni JM. Hinawakan nito ang mga kamay niya at naramdaman yata nito na mainit siya.

"Hala mainit ka girl. Nilalagnat ka." Sabay hipo pa sa noo ni JM. May balak pa yata itong sabihin sa mga facilitator kayat inagapan niya ito at pinigil.

"Girl okay lang ako. Wag mo ng sabihin, kaya ko pa naman. Magpapaalam lang akong pupunta sa cr." Tumayo na siya at nagsimula ng maglakad. Nang bigla naming nagsalita ulit si Ane.

"Girl. Sigurado ka ba? Samahan na kita."

"Oo. Kaya ko naman huwag mo na kong samahan." Pigil niya sa kaibigan.

Tuluyan na siyang umalis sa kinauupuan at nagpunta sa harap para magpaalam sa mga facilitator. Agad naming pumayag ang mga ito sa kanyang dahilan.

Papasok n asana siya sa loob ng CR nang may biglang humawak sa braso niya. Tiningnan niya ang kamay na humawak sa kanya saka tiningala kung sino ang nagmamay-ari non. Ngunit kahit anong tingin niya ditto ay hindi niya ito makilala. Marahil ay dahil ito sa mga luha sa mata niya. Patuloy kasi ang pagbalong ng mga ito at hindi pa rin tumitigil sa pag-agos.

Tatanungin pa lang sana niya kung sino ito ng unti-unti naming nagdilim ang kanyang paningin at ang huli niyang narinig ay ang boses nitong nag-aalala.

"Ayokong makita kang umiiyak dahil kung nasasaktan ka, doble ang sakit non para sakin. Those tears are precious don't waste it. Tsk."



Vote Comment and be a Fan :) Godbless :)

-Jhayne

Continue Reading

You'll Also Like

450K 680 100
This story is not mine credits to the rightful owner. ๐Ÿ”ž
366K 9.2K 23
Sonnie knew that it's hard to pretend to be someone you're not... Especially as her own sister. Identical twin man silang dalawa ni Jellla, hindi iyo...
2.1M 26.7K 66
He is a certified gigolo. He is a woman's man. Hulog raw siya ng langit para sa mga kababaihan. But he fell in love, at ang masakit pa di niya ito pw...
28.4K 513 49
Paano kung sa gabing di inaasahan at makaka one night nya ay hinahanap-hanap sya palagi? At paano kung sa pag tago mo, sa anak nyo ay malalama't mala...