Blackmailing the Beast

Galing kay jennaration

924K 21.1K 1.8K

[Tagalog/ongoing] Hunter Falcon, COO of a shipping lines, will soon discovers that his heart hasn't really be... Higit pa

Blackmailing the Beast
Prologo
Chapter 1 - Meet the Belle
Chapter 2 - Belle in action
Chapter 3 - Belle is hired
Chapter 4 - Belle in mission
Chapter 5 - Cup B-elle
Chapter 6 - Belle's interview
Chapter 7 - Belle found the castle
Chapter 8 - Belle trapped in the castle
Chapter 9 - Ulam ni Belle
Chapter 10 - Boss ni Belle
Chapter 11 - Belle to the rescue
Chapter 12 - Beast's pandesal
Chapter 13 - Here comes the Beast
Chapter 14 - The other Belle
Chapter 15 - Blackmailing the Beast
Chapter 16 - Belle's nightmares
Chapter 18 - Belle the nerd
Chapter 19 - Belle the troublemaker
Chapter 20 - Unidentified Belle
Chapter 21 - Belle in love
Chapter 22 - Beauty vs Beast
Chapter 23 - Mistakenly Belle
Chapter 24 - Belle meets the family
Chapter 25 - Belle is dead or alive
Chapter 26 - Beast's version of truth
Chapter 27 - Belle before the storm
Chapter 28 - Belle meets the Falcon's
Chapter 29 - Belle in disguise

Chapter 17 - Yummy Beast

8.7K 294 25
Galing kay jennaration

Beauty

Dalawang araw ko nang hindi nakikita ang jowa ko. Napahagikgik ako sa naisip. Nag-enrol pa kasi ako sa Pacific pagkagaling ko sa Hospital. Tapos agad na akong binigyan ng schedule.BS Marketing ang kurso ko dahil iyon naman dati ang kursong kinuha ko sa dati kong school. Kaya nasa school lang ako kahapon dahil nilibot ko pa ang buong school para familiar naman ako sa classrooms ko. Halos pang-gabi lahat ng klase ko pero 3 days a week lang. Kaya makakapag-trabaho pa ako kahit hindi na kailangan dahil bibigyan naman daw ako si Mr. C ng allowance.

Mabuti na lang wala nang reporter sa labas. Nangingiti ako habang nag-aantay ng bakanteng elevator. I have my backpack with me dahil didretso na ako school pagkatapos ko dito. Hawak ko naman ang niluto kong lunch namin ni Hunter, adobong puti at kanin. Hindi ako sigurado kung kumakain ba siya nito kasi diba kapag mayaman puro steak sila. Nagtanong ako kay Mr. C, hindi naman niya sinabi. Ako na lang daw magtanong kay Hunter. Nakalimutan ata niyang tipid magsalita ang inaanak niya.

Sabi nila, the way to a man's heart is through his stomach. Kaya bubusugin ko si Hunter para umamo. Sabi naman ni Beth, the fastest way to man's heart is through his pants, you just have to unzip it. Hindi daw kasi ako magaling magluto.

Ting.

Automatic na nahawi ang mga tao pagkapasok ko sa elevator. Lahat sila nakatingin sa akin na para bang isang virus na dapat huwag dikitan. Inirapan ko na lang sila. Ipinahahalata nila ayaw nila sa akin dahil doon sa nangyari sa amin ni Hunter. Wala naman akong paki sa kanila. Nagkunwari akong ibubuhos ko sa kanila ang dala kong container na may adobo. Bigla silang nagsiksikan sa sulok na parang mga tanga, nahihintakutan. Tawa ako ng tawa hanggang nakarating ako sa opisina ni Hunter.

I greeted Hunter's executive assistant, "Hi, Oscar. Nasa loob ba si Hunter?" Silang dalawa lang ang nag-oopisina dito sa kabilang bahagi ng floor. Nakapagitna ang elevator. Sa kabilang side naman ay parang isang Boss din ng kumpanya ang nag-oopisina.

"Hi Maam. Ikaw pala. Ah eh itatawag ko po sa kaniya na nandito kayo." Nag-aalangan na sabi niya. Parang nine-nerbiyos na naiihi si Oscar. Nakilala ko na siya nung huling pag-uusap namin ni Hunter. May secretary si Hunter dati na mas matanda pero naka-leave daw ito sabi ni Oscar kaya siya muna ang naglalagi sa may pinaka-reception area ng buong opisina ni Hunter. Mabait naman siya pero takot kay Hunter kahit mukhang mas matanda siya ng kaunti kaysa sa Boss niya.

"Sige. Pakisabi may dala akong lunch."

Tumango siya at nag-dial na or parang may pinindot lang.

"Sir, Miss Alejandra is here to see you.She brought lunch."

"Yes Sir, the Beauty Alejandra from two days ago."

"Oh okay, Sir copy."

Ngumiti ito ng bahagya sa akin.

"Ah Miss Beauty, mag-antay na lang daw po kayo doon kasi may ka-meeting pa po siya."

Nilingon ko ang tinuro niya. May small seating area malapit sa glass double door kung saan ako pumasok kanina. Dikit-dikit na single seats iyon, the uncomfortable seats they have in government offices. Those ones!

"Sige."

Inilapag ko sa sa tabi ko ang backpack at ang dala kong supot kung nasaan ang lunch namin ni Hunter. Sinuklay ko ang mahabang buhok ko. Naka-jeans, converse at red blouse ako ngayon. Nag-effort pa ako kasi laging t-shirt lang naman talaga ang isinusuot ko. Yung hat at sunglass na pang-disguise ko ay nasa backpack ko muna.

Panaka-naka'y tinitignan ako ni Oscar. Tsine-check kung buhay pa ako dahil nabulok na ang mga ugat ko at na-drain na lahat ng dugo ko sa katawan sa kakahintay sa lintik kong jowa. Halos isang oras na ata akong naghihintay dito. Nabuklat ko na rin lahat ng pahina ng libro ko sa school. Tayo at upo na rin ang ginagawa ko para lang malibang ako.

Napagpasyahan kong kausapin si Oscar. Medyo nagulat pa siya ng mag-angat siya ng tingin sa direksyon ko. May narrow counter na hanggang dibdib ko. Kapag nakalapit ka na, makikita mo yung desk niya. Medyo mas mababa lang ng kaunti sa counter. I rest both of my arms in the counter at pinagmamasdan kung ano ang ginagawa niya.

"Matagal pa ba ang meeting?"

"Hindi ko po sigurado. Usually 3 hrs ang isang meeting niya."

"Ang tagal pala. Anong oras nagsimula meeting niya?"

"Noong dumating ka." Bulong niya kaya hindi ko masyadong narinig.

"hah?"

"Mga isang oras na rin, Maam."

"Beauty na lang itawag mo sa akin. Nag-lunch na ba siya?"

Mukhang may ginagawa ito sa kanyang desktop pero sinasagot naman niya lahat ng tanong ko.

"Late po nagla-lunch si Sir. Lalabas na lang siya kapag nagutom."

Tumango-tango ako. Ayoko pang bumalik sa upuan ko. Lulumutin lang ako doon.

"Ahm Oscar, matagal ka na dito?"

"Magmula nang makuha ni Sir Hunter ang posisyon. Mga 3 yrs na din ata yun, Maam." Tuluyan na nga itong tumigil sa kaniyang ginagawa desktop niya. Yung mga papeles sa harap na lang niya ang kinakalikot nito.

"Ilang taon ka na ba?"

"28, Maam."

"Buti natitiis mo si Hunter noh? Wag kang magmamana doon kahit lagi kayong magkasama."

Natawa si Oscar. "Mabait naman po si Sir Hunter. Medyo seryoso lang kasi mataas ang posisyon niya at lalo na ngayon na may crisis sa kumpanya."

"tssk. Mabait pa siya sa lagay na yun. Parang pinaglihi sa sama ng loob. Siguro nung inire ng Mommy niya nakasimangot na agad siya sa mga Doctor."

Humalakhak siya kaya nahawa na rin ako.

"Nakakatawa kayo, Maam."

"Alam mo gwapo ka. May girlfriend ka na?"

"Wala po."

"Pahingi number mo."

"Bakit Maam."

"Dali na, irereto nga kita."

Napilitang itong bigyan ako ng calling card niya. Mabilis ko iyon nilagay sa bulsa ng denim pants ko. Kakailanganin ko ng indirect na magrereport ng galaw ni Hunter sa akin.

"Wag na Maam."

"Ay bakit naman?"

"Busy kasi sa trabaho."

"May kakilala ako wala pang asawa."

"Naku Maam, huwag na talaga." Nahihiyang sabi niya.

"Ay sayang naman. Maagnas ka dito kasama ang demonyo mong Boss."

Tumawa ulit siya. Akala niya siguro nagbibiro ako. May sasabihin pa sana ako nang biglang tumunog ang telepono sa tabi niya.

"Sir?"

"Yes Sir."

"Maam, pwede ka na daw pumasok."

Pumalakpak ako. "Finally. Thank you, Oscar."

Ngumiti lang siya sa akin. Nagmadali akong kinuha ang mga gamit ko. Huminga muna ako ng malalim bago dahan-dahang binuksan ang pintuan sa opisina ni Hunter. Nadatnan ko siyang may binabasa sa may mesa niya. Naka-full navy suit siya.He doesnt have a tie. Medyo nasisilip ang muscular chest niya. Damn.

"Hi boyfriend." I greeted him. Nilapag ko sa center table ang supot na dala ko, sa couch naman ang backpack ko. Nagtataka ako dahil wala namang ibang tao dito. Nasaan yung ka-meeting niya? Siguro online, may ganun ba?

"What are you doing here?" Malamig pa sa yelo ang tono ng boses niya. Tapos hindi pa niya ako tinatapunan ng tingin.

"Before you say, get-get out like a retired sexbomb dancer, let me explain. Dalawang araw kitang hindi nakita tapos ganyan ka pa sa akin." Kunwari nagtatampo ako. Ayoko din naman siya makita , ok fine partly, kasi hindi nabubuo ang araw ko ng walang kaasaran. Lumakad palapit sa kanya at umupo ako sa upuan na nasa harap ng desk niya.

"Maybe I'm not clear from last time, girlfriend lang kita kung may media. Walang reporters dito sa opisina ko everyday kaya I am banning you from entering my office from now on."

"tss... ang mean mo talaga sa akin. Dinalhan pa kita ng lunch kasi gusto ko sabay tayo kumain."

Tumigil siya sa pagbabasa at matalim akong tinignan.

"May sarili ka naman kamay bakit kailangan pang sabay tayo. Dala ko ba ang rice cooker?"

Inirapan ko siya sabay nilalaro ang pen holder sa tapat ko. "Sige na, Hunter. Sabi ng EA mo hindi ka pa nag-lunch. Nagdala ako ng adobo."

"Edi siya na lang ang ayain mo. It seems like you enjoyed his company anyways." pasupladong sabi niya tapos nagbasa na naman siya. Huh? Nakita ba niya kami sa labas. May CCTV ba doon?

"Mabait ang EA mo. Tsaka nilulumot na ako sa kakahintay sayo sa labas kaya kinausap ko na siya. Huwag ka nang magselos." nginisian ko siya.

Tinigil ulit niya ang pagbabasa. Pinanliitan niya ako ng mata. "I'm not jealous. Stop hallucinating!"

Nagdadabog na umikot ako para lapitan siya. Hinawakan ko siya sa kanyang braso at pilit na hinihila. Natigil lang ako kasi mas malakas talaga siya sa akin.

"Hunter, dali na. Male-late na ako sa school."

Hindi siya umimik at nagpipirma sa mga papel na nasa harap niya. Mahaba ang mesa niya kaya patalikod akong sumandal sa mesa niya. Bale yung pwet ko medyo nakadantay sa mesa. Nakalukipkip habang pinapanood siyang magpirma. Humihinga na lang ako ng malakas para pansinin niya. kulang na lang uhog ang lumabas sa ilong ko sa kakahinga. Malapit na talagang mapigtas ang pasensiya ko.

Wala talaga. Dedma.

"Hunter..." ungot ko. Dedma ulit.

Nakasimangot na umalis ako sa tabi niya. Pabebe talaga. Umupo na lang ako sa couch at binuksan ang dala kong lunch. Naamoy ko na ang adobo. Kumulo na yung tiyan ko sa gutom. Ala-una na kaya. Nangalumbaba ako, nasa harapan ko ang mga pagkain.

Magtitiis ako.

Kailangan makita niya na gusto ko talagang kasama siya kumain. Kailangan nakakaawa ako. I will test him kung lalambot siya sa akin, at least kung oo, my technique is working.

Dyusko yung mga daga sa tiyan ko naghahabulan na. Wait lang maga anak, kaunting tiis na lang matitikman din natin ang pinaghirapan kong adobong puti.

Hindi ko alam kung ilang minuto ako nakatitig sa mga pagkain, pero nakahinga ako ng maluwag ng maramdaman kong tumabi siya sa akin sa couch. I suppressed my smile... ngiting tagumpay!

"let's get this over with so you can stop pestering me."

I smile widely at him. "Sa wakas kakain na tayo."

Nakasimangot na naman siya. Yung mukha niya komikal na nakatingin sa pagkain. Kung naiba lang ang sitwasyon, ihahampas ko sa adams apple niya ang adobo sa sobrang gutom at inis ko sa kanya.

Nagsalin ako ng adobo sa isang container na may kanin. Inabot ko sa kanya pero ayaw niyang tanggapin. Napaka-arte talaga ng lalakeng to. Kaya napilitang sinubuan ko ito. Noong una ayaw niya ibuka ang bunganga niya.

"Pinaghirapan ko ito. Tapos hindi mo titikman." He sighed. Halatang pinagbibigyan na lang ako ako. Actually, pinaghirapan ito ni Bethel. Siya talaga ang nagluto kasi hindi ako marunong masyado sa pagluluto. Mag-maganda lang talaga ang talent ko. Pero pinaghirapan ko talaga ito dahil puro pukpuk ng sandok ang inabot ko mula kay Bethel dahil puro daw mali-mali ang ginagawa ko eh taga-halo lang naman ako at taga-tikim. Pwede bang magkamali doon?

Habang ngumunguya siya ay naglagay na din ako ng ulam sa isang container na may kanin na para sa akin. Sumubo ako ng pagkalaki-laki dahil to the highest level na ang gutom ko. Sobrang sarap ng adobo namin ni Bethel. Napapapikit pa ako.

Napapailing si Hunter na nakatingin sa akin. Siya na nagsubo sa sarili niya. Na-turn off na ata sa akin dahil may pandidiri sa mukha niya. Kasi halos mabilaukan na ako sa sobrang dami ko sumubo.

Pilit akong lumulunok. "Wala akong dalang water. For sure meron ka dito na pantry."

He sighed again. Tumayo ito at saglit na lumabas ng office niya. Pagbalik niya ay may dala na siyang water bottle, mga apat.

Sabay kaming uminom. Ipinagpapatuloy na namin ang kumain.

"Masarap?" tanong ko. Hindi siya sumagot pero nakakalahati na niya ang kanin so that means something.

"What time is your class?" he asked instead.

"4pm hanggang 9pm. Tapos bukas ganun din. tapos sa Friday 2-6pm ako. Wala ako pasok ng Monday at Tuesday. Susunduin mo ako?" I teased. Hindi naman ako nage-expect kasi hindi naman kami real magjowa. I don't think he will make an effort so ako na ang maga-adjust para sa kanya. Ako muna ang lalaki sa relasyon namin. Sinadya ko rin na ibigay ang schedule ko for his future references. Baka mamaya gusto niya ako makita tapos nahihiya siya magtanong. Advance ako mag-isip.

Kumuha siya ng tissue mula sa mesa pero imbes na iabot sa akin, isinaksak niya sa noo ko. I groaned. Naiinis na sinalo ko tissue bago mahulog. Pinunasan ko ang bibig ko.

"eat slowly."

"Kasalanan mo to. Kung hindi ka nag-iinarte dyan at pinaghintay mo pa ako, di ako magugutom ng ganito. Alam mo bang may gyera na sa loob ng tiyan ko?"

"Sinabi ko bang pumunta ka dito."

"hmp!"

"bakit gabi ang klase mo?"

"Eh kasi balak kong magtrabaho sa umaga. Uy concern siya." I teased again. Siya naman ang umirap sa akin. Natawa ako. Ang cute niya. "Huwag kang mag-alala, mag-iingat ako para sayo. Ayiee!" sinundot ko pa siya sa gilid ng baywang niya. Poker face lang siya. Pusong bato talaga!

"Punta ako ulit dito hah?"

"Why? Ban ka na dito magmula bukas."

"Kasi mag-lunch nga ulit tayo." Sinimulan ko nang ligpitan yung pinag-kainan namin. Binalik ko ang mga container sa supot. inilagay ko sa bag ko. Wala naman na laman ang mga iyon dahil naubos namin ang ulam at kanin.

"Don't bother, iniistorbo mo ako. I'm a busy person."

"Kakain lang naman tapos i'll be out of your way." pagrarason ko. Kailangan mapaamo ko siya para pag-magrequest ako ng outdoor activities sa susunod na buwan, he won't say no. nag-research na ako sa mga gagawin. Malay ko ba sa mga ganito, eh hindi pa ako nagkaka-boyfriend.

"Kahit na. Ipapatawag na lang kita kung may media events ako na kailangan kong daluhan."

"Ah basta gusto ko! Magpro-protesta ako sa labas ng building niyo."

"I won't be here tomorrow anyways."

"Hah, bakit?"

"None of your business."

Napasimangot ako. "Sige sa Friday na lang ako pupunta."

"I won't be here too. Magpapalipat na ako ng opisina because you're bothering me. I'm a COO and I have important things to do. Madami akong problema at huwag mo nang dagdagan ulit. My responsibilities are not a joke" seryosong sabi niya. Ouch. Medyo masakit yung mga sinabi niya... kung jowa niya talaga ako.

Yumuko ako at tinitigan ang denim pants ko.

"Sige. So 4 days kitang hindi makikita. LDR na tayo." malungkot na sabi ko na lang. Medyo mas pinalungkot ko pa yung boses ko para effective. Kailangan nakakaawa ako. Isinuot ko na ang backpack ko. Lulugo-lugong naglakad ako palabas. Naiwan siya doon na nakaupo sa couch. Pinihit ko pabukas ang doorknob. Napatigil ako dahil may nakalimutan akong gawin.

Mabilis akong tumakbo pabalik siya. Halos talunin ko siya payakap kaya napasandal siya sa sofa. Hindi niya ako niyakap pabalik dahil agad akong tumayo at patakbong lumabas. Hindi ko na nakita ang mukha niya . Malamang galit iyon.

At least naka-isa ako today. Up top!

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
1M 33.7K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
373M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
177K 3.4K 48
What if your escape turns into a reason why you need to escape? Hera Ivory Levine, an academic achiever crossing paths with Eros Vergara whose academ...