Destined (Montenegro Series #...

By ynknpaper

388K 7.1K 823

Montenegro Series #1. Si Savannah Arynn Quizon ay kilala bilang isa sa anak ng pamilya Quizon. She is a kind... More

Destined
SIMULA
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
WAKAS
Playlist
Author's Note

20

10.7K 200 8
By ynknpaper

Matapos ng sinabi ni Salem sa akin ay naging awkward ang atmosphere sa pagitan naming dalawa. Bakit kasi nagsasabi siya ng mga ganon? Ang rupok ko kaya. Nagulat ako ng may kumalabit sa akin. Tiningnan ko ito at nakitang masama ang tingin sa akin ni Irish.

"Alam mo, kunti na lang makukutusan na kita. Kahapon ka pa tulala. Tandaan mo dalawa kayo ni Salem nag-aalaga kay Rainne. Alam niyo yung salitang switching?"

Hindi naman dahil dun kaya ako natulala eh. Masyado lang kasing overwhelming ang mga pangyayari nitong mga nakaraang araw. Everytime feels so unreal. Hindi makatotohanan. Napayuko na lang ako sa sinabi niya at napabuntong hininga naman siya.

"Nagawa mo na ba yung project natin?" she asks and I nodded. "Patingin nga?" Pinakita ko ito sa kanya at tiningnan niya ako matapos niyang makita ito.

"Paano ka nakakagawa ng ganyan kung nagbabantay ka kay Rainne?"

"Inalagaan siya ni Salem buong gabi para matapos ko ng mas maaga yung project. He knows that I don't like the feeling of cramming everything." I said at hinampas niya naman ako. "Ano ba?"

"Para ka kasing tanga."

"Sa tingin mo ba hulog na hulog na ako masyado?" tanong ko sa kanya at tinaasan naman niya ako ng kilay niya sa tinanong ko sa kanya.

"All this time yan lang ikinatutulala mo?"

"Syempre hindi lang yun. Aish." sabi ko at inihiga na lang ang ulo ko sa desk ko. Wala kaming prof ngayon kaya free cut kami. Tinamad akong lumabas kaya heto kami ngayon ni Irish sa loob ng classroom.

Ipinikit ko ang mata ko at bumunting hininga. Sobrang lakas parin ng kabog ng puso ko hanggang ngayon. Ngayon lang ba ako nasabihan ng maganda. I mean, iba kasi ngayon galing ito kay Salem. Galing sa lalaking hindi ko kailanman maexpect na sasabihan ako ng ganon out of the blue.

Habang tumatagal na magkasama kami mas lalo kong kinakatakot talaga ang nangyayari. Mababaliw na ako kakaisip.

"Hoy!"

"Ano?" iritang sagot ko kay Irish ng alugin niya ako. "Magpapahinga lang ako may 30 minutes pa tayo eh."

"Bangon na te. Nandyan yung asawa mo." Napadilat ako at napatingin sa pintuan. Nakita ko siyang iniikot ng tingin ang buong classroom. Gusto kong magtago ngunit huli na ng matagpuan niya ako. Napaiwas ako ng tingin at napatingin ako sa mga kaklase kong hindi nag-free cut ngayon.

Tiningnan ko ulit siya at napatayo ako ng papasok na siya. Bakit ba kasi siya nandito?

"Lalabas ako. Diyan ka na lang." sabi ko at nilapitan siya. Narinig ko ang ilang tukso ng mga kaklase kong lalake. Hinila ko siya palayo sa classroom at hinarap siya. "Bakit?"

"Ano na namang kasalanan ko?"

"Huh? Ano bang pinagsasasabi mo?" tanong ko habang nakakunot ang noo ko.

"Hindi ka na naman namansin kanina." he stated and I look down. Paano ba naman kita papansin kung grabe ka kung makatingin?

"Pinapansin kaya kita. Akala mo lang hindi." sabi ko at tiningnan naman niya ako ng masama.

"I don't like this."

"Anong hindi mo magustuhan?"

"You being awkward and all. I hate it." he blurts out. Medyo malakas ito kaya napatingin sa amin ang ilang mga taong nasa hallway. I smiled apologetically to them.

"Huwag ka ngang maingay. Hindi ako naiilang o ano. Masyado lang maraming gumugulo sa utak ko. Balik ka na sa inyo." sabi ko sabay tulak sa kanya ng unti. Kumunot naman ang noo niya pero agad din siyang ngumiti. Tiningnan ko siya at nagulat ako ng halikan niya ako sa pisngi.

"Ano ba?! Nahihibang ka na ba?!" pagalit ko kanya in hushed tone. He smiled and walks away from me. Hinawakan ko ang dibdib ko at naramdaman na naman ang puso kong hindi na kumalma simula pa nung sinabi niyang maganda ako.

Masyado niya akong pinapahulog sa kanya. Masyado niya akong ginagawang kampante. To the point na hindi ko alam kung sure ba na may kahahantungan ako.

Lumipas ang isang buwan ay naging mas lalo pang naging sweet ang pakikitungo ni Salem sa akin. I remember him giving me one stalk of sunflower everyday. Siya lagi ang nagluluto at nag-aalaga kay Rainne. Ayaw niya daw akong napagod katulad nung isang araw. Nagkasakit si Rainne at halos kabahan ako kasi hindi ko alam ang gagawin ko. Dinala namin siya sa ospital at gumaling naman agad. Dahil doon tinawagan na namin sina Mommy at Daddy at ayun pinagalitan sina Kuya. Buong araw akong lutang ng araw na iyon at hindi namalayan na pati ako napagod na kaya nagfaint ako sa loob ng classroom namin.

"Ayos ka lang ba talaga?" taning ni Irish. Kakatapos lang namin ng second subject at nararamdaman ko ang katawan kong nanghihina.

"Oo naman. Pagod lang." sabi ko at pinagmasdan niya muna ako bago siya tumango.

"Kailan tayo gagawa sa project dito?" she asks. Hindi ko siya sinagot kasi pinakikiramdaman ko ang katawan ko. Medyo nahihilo ako kasi nga kulang sa tulog. Masyado akong nag-alala sa kalagayan ni Rainne. "Girl, okay ka lang ba talaga?" she asks once again and I nodded.

"Kahit kailan na lang. Ikaw na bahala. C-cr lang ako." paalam ko sa kanya. Pagkatayo ko ay umikot ang paligid ko. Hindi ko ito ininda at nagsimulang maglakad. Hindi pa ako nakakalabas ay biglang nandilim ang buong paligid ko.

Hinang hina ang katawan ko pagkamulat ko ng mata ko. Feeling ko binagsakan ng mabigat na bagay yung katawan ko tapis matagal siyang nakadagan sa katawan ko.

"You are awake." Napatingin ako sa nagsalita at umiwas agad ng tingin. "Sabi ko kasi sayo uuwi muna tayo eh. Nandon naman sina Mama eh." pagalit sa akin ni Salem ng ipatawag siya ng nurse sa may infirmary. Siya kasi ang direct contact ko dahil nga alam ng school na mag-asawa na kami. 

"Hindi ko naman kasi alam na ganon na pala." paliwanag ko at sinamaan naman niya ako ng tingin. "Sorry."

"Next time, when you feel like your body is weak na, stop it already. Don't be stubborn and listen to me." tumango ako at niyakap naman niya ako na ikinagulat ko. "Pinakaba mo ko." bulong niya.

"Nauuhaw ako." basag ko sa moment namin kaya humiwalay na siya sa yakapan namin at nag-abot ng tubig.

After noon mas naging mas careful parin sa akin si Salem. Hindi niya na ako palaging pinapaasikaso kay Rainne. Katulad nung isang araw, alam kong may quiz siya noong araw na iyon pero pinilit niya akong magpahinga at siya na lang ang mag-aalaga kay Rainne. Nag-extend kasi ng two months sina Kuya kaya nasa amin parin si Rainne.

"Ako na kasi. Baka makaistorbo pa sayo si Rainne." saad ko at umiling lang siya.

"I'd rather take care of Rainne than you fainting again. Ako na. I can manage." sabi niya at bumuntong hininga ako.

Nagsimula akong mag-aral katabi niya at siya din. Buti na lang ng araw na iyon ay medyo kalmado si Rainne kaya nakaaral siya ng maayos. Hangga't maari I don't want Salem to worry too much. Ayokong ulitin yung nahimatay ako kasi kita mo talaga sa mukha niya na takot siya. Hindi ko lang alam kung yun talaga ang nararamdaman niya.

"May four days tayong walang pasok." sabi ni Salem habang nag-dadrive pabalik ng condo. "Saan mo gustong pumunta?"

"Aalis tayo?" gulat na tanong ko. Saglit niya akong tiningnan at tumango siya.

"Only if you want to."

"Lagi ka bang umaalis kapag may long weekend?" he nodded. Maraming tanong ang pumasok sa utak ko. Katulad ng sinong kasama niya kapag umaalis siya. Saan siya pumupunta? Pero nanatili lang akong tahimik.

"Batanes is a good place to go." he suggested and I gape at him. Is he seriously suggesting na magbakasyon kami? Sobrang unti ng araw. "Why are you looking at me like that?"

"Wala lang. Kaya ba yun? 4 days lang?"

"Yes, like I said am doing this before. Magbobook ako ng flight mamaya pag-uwi then midnight aalis na tayo." he said and I nodded. Batanes is a wonderful place. Bigla tuloy akong naexcite sa gagawin namin.

Nag-aayos ako ng gamit namin sa isang maleta habang inaalagaan niya si Rainne. I will call Kuya mamaya para ipagpaalam si Rainne. Hindi naman namin siya pwedeng iwan.

"Are you almost done? Kumain ka muna kung hindi pa." Nilingon ko siya at nakitang tulog si Rainne habang buhat buhat niya.

"Malapit na. Tutupiin ko na lang yung gamit ni Rainne then I am done. Mamaya na ako kakain." he nodded and he walk out of the room. Tinawagan ko si Kuya ng matapos ako.

"Hello?"

(Hello? Bakit?)

"Tatanong ko lang sana kung pwede isama namin si Rainne. Pupunta kasi kaming Batanes ni Salem mamaya." sabi ko habang hila hila palabas ng sala yung maleta namin. Pinagsama ko na lang lahat ng gamit namin tutal hindi naman kami magtatagal doon.

(Go lang. Basta mag-ingat. Atsaka sorry sa abala ah.)

"It's okay, Kuya and syempre we will take good care of Rainne. Enjoy and ingat kayo diyan."

(Bye!) binaba ko na ang tawag after non. Umupo ako sa tabi ni Salem na nakatingin kay Rainne na natutulog. He booked a flight to Batanes kanina pa kaya naghihintay na lang kami ng oras kasi nakabihis na rin kami.

"Tired?" he asks me and I nodded. He put my head in his shoulder and I sighed.

"I'm excited. First time ko sa Batanes." sabi ko matapos ang nakakabinging katahimikan. He chuckled and I curiously look at him.

"I am glad na ako ang kasama mo sa mga first time mo." He said and I blushed at his next statement. "And I will be more glad kapag tutuparin ko pa yung mga iba mong first. Bakit namumula ka?"

"Wala."

"You are thinking of something, no?" he teased and that makes me blush even more.

"Hindi kaya. Stop teasing me." sabi ko at medyo lumayo sa kanya. He smirked and pulled me closer to him.

"Hindi ko alam na mahalay pala utak ng misis ko." sabi niya atsaka tumawa. Hinampas ko naman ang dibdib niya kaya siya napadaing.

"Isa pang asar sasapakin na kita." saad ko at tinawanan naman niya ako. Niyakap niya ako dahil malapit lang ako sa kanya. I sighed at how warm he is.

11:30 when we decided to head out papuntang airport. Rainne is, thankfully, peacefully sleeping. Parang nakikiayon si Rainne this days simula nung magkasakit siya at hindi kami masyadong nahihirapan at pati si Corrine. Bitbit ko si Rainne habang bibit ni Salem ang maleta namin. Nang makapasok na kami sa eroplano ay inayos niya muna kaming dalawa bago siya umupo.

"Okay ka lang ba? Akin na kaya muna si Rainne." sabi niya pagkaupo niya.

"Okay lang ako." I smiled and he nodded. Napadaan ang isang flight attendant sa amin.

"May kailangan po ba kayo?" she asks.

"We're fine. Thank you." Salem answered and she smiled at the both of us.

"First time ni baby magtravel?" she asks and I nodded. "Ang cute niyo namang pamilya." I widen my eyes and was about to protest ng tawagin siya ng ibang pasahero.

"I'll just take a rest. You should too." sabi ni Salem at tumango naman ako. Pumikit na lang din ako kasi napapagod din ako.

•••
Short update. I'm catching up on my studies po kasi feeling ko wala na akong ginawa kundi tumambay HAHAHAHAHA. So yun, expect a little slow update this week. Probably, matatapos tong story by this month. Hehehehe. Thank y'all.


Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 56.7K 58
| QBMNG BOOK 1 | Meet Andrea Jansen Lorenzo a.k.a 'Blandina'. The rich, the popular, and the gorgeous self-proclaimed Queen Bee ng campus nila. "May...
2.9K 99 22
Awesomely Completed! General Fiction - Under Paperink Imprints Collaboration Monitored by The Project Finish Wife Series Collab House #6: Cindy Villa...
54.1M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
278K 17.3K 10
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...