Aliyah’s POV
Pagkapasok ko sa loob ng CR nakarinig ako ng malakas na pagsara ng pinto.
*BLAG*
Pagtingin ko isang higanteng halimaw na umuusok ang ilong sa galit.
Anong akala nya matatakot ako sa kanya? Sipain ko pa siya eh!. Gusto nyo?
“Oh! Aliyah? How are you?” nagsasalita pala yung halimaw. Kinamusta pa ako?
“I’m fine. As always, How about you?” tanong ko. Ayy! Ang pangalan pala nung halimaw ee! MICHELLE.
“I’m surprise. You ask me that.” Tch. Walang kwenta kausap to. Pinapahaba pa ang usapan.
“Much better! Lalo na kapag kasama ko si Harvey. You know what? He’s a good kisser.” Sabi nya pa ulit. Ouch! Tinamaan ako dun aa. Kaya mo yan Aliyah.
“Talaga? But i think he really so much better in BED.” O ha? Ano ka ngayon TAMEME KA. Kung nakikita nyo talaga pagmumukha nya matatawa kayo.
“I need to go! Masyado na kasing polluted ang hangin dito sa loob. Allergy pa naman ako sa MASAMANG HANGIN.” Oh! Shit! I’m so proud of myself.
Pagkatapos nun. Naglakad ako ng taas noo.
At sinadya ko ring banggain ang balikat nya sa balikat ko. Sabay sabi ng
“Oh! I’m so sorry. Masyado kasing masikip ang lugar na to. Para sa ating dalawa.” Nakalabas na ako ng comfort room.
Ako ba talaga to? Ang sarap maging matapang. Simula ngayon hindi na ako papatalo sa walang hiyang BITCH na yon.
Michelle’s POV
Natameme ako sa sinabi ni Aliyah.
WHAT?? Bed?
No hindi pwede. Isipin ko palang nanghihina na ako.
Humarap ako sa salamin.
Humanda ka sakin Aliyah. Hindi pa tayo tapos.
Harvey’s POV
Lumabas ulit ako para magpahangin. Hindi ko kasi kayang makita na magkasama silang dalawa.
Umupo ako sa may bench at tumingala sa langit. Sana may dumaan na shooting star at hihilingin kong maibalik sa dati ang lahat. Pero mukhang malabong mangyari yun.
“Harvey?” I miss that voice. I closed my eyes. Sana totoong nandito sya sa tabi ko. May humawak sa balikat ko.
Tumingala ako. Hinawakan nya ako sa mukha.
“Bakit ka umiiyak?” tanong nya. hinila ko sya paupo at niyakap ng mahigpit.
“Aliyah! I miss you so much.”
“Ows! Talaga? Bakit mo pa kasi ako iniwan e! di sana hindi mo na ako mamimis.”
“Silly. Totoong namimis kita” pagkatapos pinitik ko yung noo nya. Gusto ko sana sya halikan kaya lang hindi pwede.
“Ouch! Ang sakit nun aa!. Bad ka.” :3 . Ayoko syang tignan baka hindi na ako makapagpigil.
Medyo lumayo sya sa akin ng kaunti. Tumingin ako sa kanya.
“Bakit mo ba kasi ako iniwan?” mapait nyang sabi.
Aliyah’s POV
“Bakit mo ba kasi ako iniwan?” hindi ko na napagilang itanong. Pakiramdam ko babagsak na anytime ang luha ko.
“I’m sorry.” Bulong nya.
“I don’t want to hear your sorry. Gusto kong malaman kung ba-----“
“Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala akong sasabihin.”
“Bakit ganun na lang ba yun? Ha?”
“GUSTO MO BA TALAGA MALAMAN KUNG BAKIT? FINE.” Nagulat ako sa pagsigaw nya pero gusto kong malaman.
“Dahil may mahal akong iba at hindi ko sya kayang mawala sa akin.”
Napaluha ako sa sinabi nya.
“G-ganun ba? well, goodluck sa inyong dalawa.” Tinalikuran ko na sya.
“Magsisisi ka.” Mahina lang yun pagkasabi ko. Ewan ko na lang kung narinig nya.
Harvey’s POV
Aliyah. I’m sorry. Ginagawa ko lang to. Dahil Mahal kita. Mahal na Mahal
Napasabunot ako sa buhok ko ng tumalikod na sya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Naguguluhan na ako.
"Magsisisi ka." Anong ibig sabihin nya dun?
"Harvey *hik* honey *hik*. You're here! *hik*" lumapit sa akin si Michelle. Bakit lasing na lasing to?
"Bitiwan mo nga ako Michelle. lasing ka na." sabi ko pero nakadikit pa rin sya sa akin.
"Why? ayaw mo ba akong makita? hmm. Harvey Make love to me please!" biagla na lang nya akong hinalikan pero naitulak ko agad sya.
"Nababaliw ka na. Wag mo na ulit gagawin yun."papasok na lang ako sa loob. kabadtrip talaga.
"Harvey! please naman. Akala ko ba ako ang mahal mo?"
"I've never loved you. I'm sorry it's always Aliyah."
"Bullshit ka" tinalikuran ko na sya. pakialam ko ba? Nilayuan ko na nga yung babaeng mahal ko. Ano pa bang gusto nya?
Michelle's POV
"Bullshit ka!" tinalikuran nya lang ako. Si Aliyah may kasalanan nito. I hate her so much.
Pumasok ako sa loob at hinanap ko sya. Good nasamalayo si Harvey at may kausap. Lumapit ako sa kinauupuan nya. Nakatulala lang sya. Hindi rin nya ako napansin.
Kinuha ko yung baso na may lamang alak sa kabilang table. Pagkatapos binuhos ko sa pagmumukha nya.
"BITCH!!"
"WHAT'S YOUR PROBLEM?" tanong nya.
"Ikaw." lumapit ako sakanya at siabunutan ko sya.
"AHHH! Stop it Michelle"
"Paano kung ayoko?" sabi ko sa kanya.
Aliyah's POV
Walanghiya naman o! wala bang kapaguran tong babae na to! Hindi pa rin nya binibitawan yung buhok ko kaya kinuha ko yung baso kanina at binato sa kanya.
BOOM. SAPOL
Dumistansya na ako sa kanya. Nakita kongf dumudugo na yung ulo nya. Tsk. ang tigas kasi ng ulo kaya nabasag yung baso sa ulo nya. Himala hindi pa sya natumba.
"ANONG NAGYAYARI DITO?" Aldrin? Buti dumating sya. Nasaan na ba sila Rhoanne?
"MICHELLE. WHAT DID YOU DO?" Ang dami ng tao sa paligid?
"What did i do? kasalanan ng babaeng yan."
"Aliyah. Oh! god Ok ka lang ba?" niyakap ko si Rhoanne. Tuluyan na akong umiyak
"Gabriel. Tumawag ka na ang Security" sabi ni Rhoanne.
"Sige. sandali lang"
"Michelle?" dumating na si Harvey. At pinigilan nya si Michelle pero nakalapit sya sa akin at hinila ang braso ko.
"Nagkamali ka ng kinalaban. Aliyah" ngumiti sya ng parang demonyo. pagkatapos itinulak nya ako pabalibag sa table.
Tumama yung tyan ko. Ang sakit sobrang sakit
"AHHHHH!" Ang baby ko. umiikot ang paningin ko. lalo lang akong nanghina dahil may tumutulong dugo sa akin.
"May d-dugo?" hindi ko na sila marinig.
Aldrin's POV
"MY GOD! MICHELLE SHE'S PREGNANT" Bigla ko na lang nasabi yun.
lumapit ako kay Aliyah para dalhin na sya sa hospital.
"P-please s-save my B-baby." shit. hinang hina na sya.
"Michelle. Kapag may nangyari kay Aliyah hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sayo." tumingin ako kay Harvey. I smirked
"TABI. MGA TSISMOSO"
@Hospital
Aliyah's POV
Ang lamig.
Sobrang lamig. Nasaan na ba ako.
puro puti lang yung nakikita ko. Mommy, Daddy, Kuya. Nasaan na po ba kayo?
Habang naglalakad daw ako may narinig akong. Umiiyak na bata.
nilapitan ko yung batang babae.
"Bata. Bakit ka umiiyak?" tanong ko. Bigla sya tumingala.
Napaatras ako nung makita ko yung mukha nya.
Umiiyak sya ng dugo. Natatakot ako.
Dahan-dahan syang lumalapit sa akin.
"Mommy, Ikaw po ba yan?"
"Ha?" yun na lang ang nasabi ko.
"Mommy iligtas nyo po ako!!" iyak ng iyak yung bata.
Lalapitan ko sana sya kaya lang bigla syang nawala. Nasaan na sya?
"Mommy, help me!"
"Mommy, help me!"
"Mommy, help me!" paulit-ulit ko na lang naririnig yun.
"Tama na " napahagulgol ako sa iyak. Napapikit ako. Dyos ko tulungan nyo po ako.
Pagdilat ko ulit puro puti na yung nakikita ko. Hindi rin ako makagalaw.
"Mom, Dad gising na sya." nandito si kuya. Panaginig lang pala yung kanina. Akala ko totoo na.
"Thanks! God. Arjel tawagin mo na ang doctor." sabi ni Daddy.
"Yes! po Dad." umalis na si kuya.
"Aliyah. Anak Are you ok? Anong gusto mo?" tanong sa akin ni Mommy.
Napaluha ako sa word na ANAK. kamusta na kaya ang baby ko?
"Mommy, Daddy ang baby ko po?"
"Anak You have to rest."
"NO. Mommy please tell me. Is my baby ok?" niyakap ako ni Mommy.
"Hindi rin namin alam. But you don't have to worry. Paunta na rin ang Doctor dito." iyak lang ako ng iyak.
"Mommy*sob* hindi ko *sob* kayang *sob* mawala *sob* ang baby ko."
"O! ayan na pala si Doc." Binuksan ni Daady yung pinto.
Tinignan mo na ng Doctor ang kalagayan ko. Pagkatapos huminga sya ng malalim.
"Ms. Aliyah" tawag nya sa akin Lahat kami nagaantay ng sagot. Kinakabahan ako. Baka mapatay ko si Michelle.
"You're baby is fine. but humina ang kapit ng bata sa sinapupunan mo. Kailangan mong magpahinga at inumin ang mga vitamins na ibibigay ko sayo. kung mangyayari ulit ang bagay na ito. Baka sa susunod hindi na natin maligtas ang bata." tuluyan na akong napaiyak. Dyos ko salamat po.
---------------------------------
any violent reaction?
hihi! salamt po sa mga nagtyatyagang magcomment and Vote.
GODBLESS po :)
dedicated to dara2ne1
sa lahat po ng nagcocoment wag kayo mag-alala may dedication kayo salamat.