(G4S Book3): OUR LEGACY

By Nikkidoo

248K 6K 1.1K

"Love knows no fear and danger." Book 3 of GIRLFRIEND 4 SALE © by Nikkidoo. "Kailan ba matatapos ang lahat ng... More

P R O L O G U E
Chapter ONE --> Apart <--
Chapter TWO --> Madly In Love <--
Chapter THREE --> Unfair Fight <--
Chapter FOUR --> The Playboy <--
Chapter FIVE --> Too In Love <--
Chapter SIX --> Destiny <--
Chapter SEVEN --> The Last Member <--
Chapter EIGHT --> 7-Eleven <--
Chapter TEN --> Glimpse <--
Chapter ELEVEN --> Generous Brother <--
Chapter TWELVE --> The Rescuer <--
Chapter THIRTEEN --> Knock <--
Chapter FOURTEEN --> Missing You <--
Chapter FIFTEEN --> Pissed? <--
Chapter SIXTEEN --> The Playboy's Secret Life <--
Chapter SEVENTEEN --> His Adorable Side <--
Chapter EIGHTEEN --> Helping Hand <--
Chapter NINETEEN --> Sexy Pictorial <--
Chapter TWENTY --> First Fight <--
Chapter TWENTY-ONE --> What We're Sorry For <--
Chapter TWENTY-TWO --> 18th Summer <--
Chapter TWENTY-THREE --> Stars and Sky <--
Chapter TWENTY-FOUR --> "Codex" <--
Chapter TWENTY-FIVE --> The Twins <--
Chapter TWENTY-SIX --> A Childhood Memory <--
Chapter TWENTY-SEVEN --> I Must Not. But... <--
Chapter TWENTY-EIGHT --> City Lights <--
Chapter TWENTY-NINE --> Seth & Sam <--

Chapter NINE --> The Visitor <--

7K 204 45
By Nikkidoo

Dedications? Just comment below. :)

========> Chapter NINE --> The Visitor <--

[Cassidy’s POV]

 

Napatingin ako sa relong suot ko.

            Ang bagal naman ng taxi na ‘to! “Manong, pakibilisan ho,” sabi ko sa driver. Lumingon siya sa’kin at saka sumimangot.

            “Teka lang, hija. Medyo traffic.”

            I gave a heavy sigh. Tumingin ulit ako sa relo ko. Kanina pa ko tingin ng tingin do’n. I turned my head to the side. A few streets away nalang pala, I thought to myself. Tiningnan ko ‘yong metro. Kinuha ko ‘yong wallet ko mula sa backpack ko. Dumukot ako ng fifty pesos at pagkatapos ay inabot iyon sa driver.

            “Manong, dito nalang ho.” Tiningnan niya ‘yong pera at pagkatapos ay sa’kin. Siguro nagtataka siya kung bakit madaling-madali ako pero hindi na kasama pa sa trabaho niya kung saan man ako pupunta.

            Itinabi niya ‘yong taxi. Kinuha niya ‘yong pera at kumukuha ng panukli doon sa isang parang pencil case kung saan nakalagay ‘yong mga barya. But I said, “Keep the change po.” Then I opened the door and slammed it shut.

            Tumakbo ako doon sa sidewalk. “Sorry,” sabi ko sa mga taong nababangga ko. Iyong iba napapamura kapag nababangga ko sila, iyong iba naman deadma lang.

            Tumakbo ako ng kulang limang minuto. Lumiko ako sa street ng apartment ng kambal. Kahit na alam ko na kung sino ang naghihintay sa’kin doon ay hindi ko parin maiwasang magulat. May tatlong itim na kotse na nakaparada sa harapan ng apartment. Agad kumunot ang noo ko.

            “Ano bang kailangan niya?” naiinis at hinihingal na bulong ko sa sarili ko at pagkatapos ay tumawid ng daan.

            Binuksan ko ‘yong gate, not surprised to find it unlocked. Lakad-takbo kong tinungo ‘yong porch. Hinawakan ko ‘yong knob at nagmamadaling inikot iyon. Noong bumukas ‘yong pintuan, I saw five–no, maybe eight tall guys standing inside the living room. Pare-pareho silang nakasuot ng itim at may mga earpiece na nakakabit sa tainga nila.

            Dumako ang tingin ko doon sa sofa na nakatalikod sa akin. May lalaking nakaupo doon.

            “Beshfren.” Napatingin ako doon sa kabilang sofa na nakaharap do’n sa kanina. Nakita ko ‘yong kambal na nakaupo doon, kinakabahan dahil sa dami ng unexpected visitors ngayong tanghali.

            Dang it. Hindi ako pumasok ng afternoon classes para sa trip ng lalaking ‘to, I thought to myself.

            Nakita kong gumalaw ‘yong lalaki sa sofa. Tumayo ito at humarap sa akin. Nakasuot siya ng white long sleeves polo shirt at black pants. And for a moment, I thought na isang tuxedo or black suit ang suot niya like his bodyguards.

            Ngumiti siya sa’kin at saka ako nilapitan. I couldn’t encourage myself to smile, not even the tiniest bit. Yumuko siya at inabot ang kamay. At katulad noong ginawa niya no’ng unang beses naming nagkita sa headquarters ng PENTAGON, hinalikan niya ‘yon. Brushing his lips on my knuckles.

            Medyo na-bother ako kasi habang ginagawa niya ‘yon, nakatingin siya sa akin. Parang may maliliit na butil ng yelong gumapang sa balat ko. He gave me the creeps. Parang natatakot ako sa kanya lalo na doon sa ngipin niya. His canine that was longer than the other.

            “Good afternoon,” he said formally.

            “Anong ginagawa mo dito?” Okay. Hindi na ko nag-aksaya pa ng panahon para sa mga pakulo niya. He acts like a gentleman pero I know deep inside, it’s not what he really is. Considering my conversation with Seth a few days ago.

            He chuckled lightly and released my hand. “Straightforward, huh?”

            I took note of his accent. Gano’n ba siya katagal nag-stay sa London para makuha niya ‘yong British accent? Don’t know. Don’t care.

            “As far as I know, Mr. Maxwell II,” I said it in a matter-of-factly way. “Ikaw ang dahilan kung bakit hindi ako makaka-attend sa afternoon classes ko. And in addition to that, pati na rin ‘yong kambal. So this better be good.”

            Tumawa siya at saka pumalakpak. Hala, baliw ba ‘to? Tinitigan niya kong muli, and entertainment was all over his eyes. Damn. He annoys me big time.

            “I like you,” he said, smiling.

            “Excuse me?” Nagulat naman daw ako sa sinabi niya. Did I hear him right?

            “Well, not in that kind of a way,” he cleared out. “It’s more like...” Nag-isip siya sandali at pagkatapos ay nginitian akong muli. “Interest.”

            Napalunok ako. He was... interested in me? “Oh, sorry for being rude. Sit.” He stretched his arm, gesturing for me to sit. Eh kung sinisipa ko kaya siya ngayon palabas ng apartment? Akala mo kung sinong makapagsabi ng ‘sit’ eh siya nga ‘tong bisita dito.

            Pero hindi na ko nakipagtalo pa at sinunod nalang siya. Umupo ako doon sa tabi no’ng kambal. They both moved closer to me like scared children. “Beshfren, kanina pa kami natatakot ni kambal sa kanya,” bulong ni Weendy.

            “’Yong bodyguards. Huhu. Nakakatakot.” Nakita kong parang maiiyak na si Jenica at palingun-lingon sa paligid. The twins looked so uncomfortable.

            I inhaled deeply and watched Oliver sit in front of me. He put his leg on top of his knee at ipinatong ‘yong kanang braso doon sa sandalan ng sofa. Wow. Ito ang sinasabi nilang “sit like a boss.”

            Mahigpit ang pagkakahawak ko doon sa cellphone ko. Na-receive kaya nila ‘yong texts ko? I hope. I really do hope. Hindi kasi sila nag-reply. Pero sana, sana, papunta na sila ngayon dito sa apartment.

            “Let’s get to the point,” I said, trying myself to remain calm as much as possible. “What do you want from me?”

            “What do I want from you? Hm. Let’s see.” Tumingin siya sa taas at hinimas ang baba niya. After a while, muli siyang tumingin sa’kin. “Nothing.”

            Napanganga ako ng bahagya sa sinabi niya. ‘Yong kambal naman sa magkabilang gilid ko napa-“Ha?!”

            “Wala kang kailangan kay beshfren? Eh pambihira pala!” inis na tugon ni Weendy at saka humalukipkip.

            “Tinakot mo kami para sa wala! Tapos nag-abala ka pang pumunta dito? The fck!” Ginaya ni Jenica ‘yong ginawa ni Weendy.

            Nakita ko naman na gumalaw ‘yong ilang bodyguards ni Oliver pero pinigilan niya ang mga ito. Napansin ito ng kambal at parehas na tumahimik at napayuko nalang sa magkabilang gilid ko.

            “Let me do the talking,” I said to them. Pareho naman silang tumango at hindi na umimik pa. Tumingin ako ulit kay Oliver. “What game are you playing?”

            “Whoa. That came a bit sudden, wasn’t it?” He gave me that smug face again. Bawat nerve sa katawan ko, sumisigaw ng “Sugod!” at ng “Suntukin mo ‘yang mayabang na ‘yan!” Pero alam naman nating lahat na hindi ko pwedeng gawin ‘yon ngayon kahit anong mangyari. Tatlo lang kami. And they were nine or so. Seems like an unfair fight either way, huh?

            “Huwag mong sayangin ang oras ko,” I firmly said.

            Tumawa siya ng mahina at napailing ang ulo. “You really remind me of Den. Straightforward. Impatient. Arrogant. Bagay nga talaga kayo.”

            “Whatever. Just go straight to the point.” I tried to push his freaking words away.

            He tilted his head to the side. “I really don’t have any plan noong pumunta ko dito. Gusto ko lang makita kayo, PENTAGON’s new friends.” Tiningnan niya ‘yong kambal. But more specifically, si Jenica. He looked at her nang mas matagal kaysa sa dapat. “You’re Vex’s girl, right? Jenica Eliz Forteza? Am I correct?”

            Naramdaman kong napahawak sa braso ko si Jenica. I breathed deeply at tiningnan siya ng masama. “Stop scaring her,” I said.

            “I’m sorry,” sabi ni Oliver. “I didn’t mean to scare her. I just want to be friends.” And there goes his annoying accent again. He met Jenica’s eyes. Ngumiti siya. “Maganda ka. I could make you mine.”

            That’s it.

            Marahas akong tumayo. Napatingin sa’kin ‘yong kambal. “Beshfren?” sabi nilang pareho. Nakatingin ako ng masama kay Oliver habang lumalapit ako sa kanya. Nakita kong naalarma ‘yong bodyguards pero itinaas ni Oliver ‘yong kamay niya para pigilan sila sa kung anumang gagawin nila sa’kin.

            Huminto ako noong nasa harapan na niya ko. I frowned at him. “Enough of this,” I said in a low voice. “Huwag mong idamay ang kambal sa kagaguhan mo.”

            “Kagaguhan?” He laughed. “I’m not doing anything. You’re just overreacting.”

            “I know who you are,” I challenged him. Nakita kong for a moment, nag-iba ang expression ng mga mata niya. Like I caught him somewhere there pero agad din niya ‘yong binawi sa pamamagitan ng isang ngiti.

            “Do you now?” sabi niya.

            “Yes.” Lumiit ang mga mata ko sa kanya. “At huwag na huwag mong idadamay si Jenica diyan sa obsession mong makapaghiganti kay Vex. You’ll look more stupid than what you are right now, jealous best friend.” Sinabi ko ‘yong word na ‘best friend’ ng madiin at puno ng sarcasm para tamaan siya.

            His smile faltered. At nakita ko ang galit sa mga mata niya. “You think you’re so smart, huh?” he challenged me. “Pero ikaw nga ‘tong walang magawa para ibalik dito si Den, second girlfriend.

            I froze. Gusto kong magsalita pero walang lumalabas na boses mula sa bibig ko. Aaminin ko, nasaktan ako sa sinabi niya. Lalo na noong in-emphasize niya ‘yong word na ‘second.’ It made me think like I was only a second choice. A new one after the first. A worthless second lover. Na kahit anong gawin ko, hindi ko mararamdaman ‘yong pagmamahal na binigay ni Den noong unang beses siyang nagmahal.

As if seeing a favorable outcome from this, ngumiti sa’kin si Oliver. “Huwag mong isipin na kaya akong takutin ng isang babaeng katulad mo. You’re nothing but dirt on my shoe.”

            Yumuko ako at kinuwelyuhan siya. Naramdaman kong may papalapit sa’king mga bodyguard pero muling itinaas ni Oliver ‘yong kamay niya. Tinitigan ko siya ng masama. “Saan mo dinala si Sam?” He smirked. “Saan mo siya dinala?” I shouted at his face.

            He shook his head like I was a talking puppet in front of him. “Wala akong kinalaman diyan.”

            “Sinungaling.”

            “Think what you want to think.” Nakipagtitigan siya sa’kin. At pagkaraan ng ilang sandali ay bumuka ang bibig niya. He put his thumb on his tongue and to my surprise, he brushed it on my lips.

            “What the hell?” I cursed at pinunasan iyon ng likod ng palad ko. I was caught off guard kaya naman hindi na ko nakapalag pa noong hawakan ni Oliver ‘yong wrist ko at pati na rin ‘yong batok ko. He pulled me toward him kaya napahawak ako doon sa sandalan ng upuan. Nakapatong ‘yong tuhod ko ngayon sa hita niya and I could clearly feel his breath against my left ear.

            “You’re beautiful, do you know that?” bulong niya. Sinubukan kong kumawala mula sa pagkakahawak niya pero masyado siyang malakas para sa’kin. He was strong. Strong like Vex, Seth, Sander, Sam and Den. Hindi na nakapagtataka kung bakit siya nakabilang sa PENTAGON four years ago.

            “Bitawan mo ko,” banta ko sa kanya.

            “Pumunta ko ngayon dito para ipakita sa kanila na hindi nila ko kaya. That I can easily put my hands on their beloved kapag hindi sila sumunod sa gusto ko. My hatred pushed me this far, Cassidy. That’s why I will never turn back.”

            Pumunta siya dito para ipamukha sa PENTAGON na kahit anong gawin nilang tago sa amin no’ng kambal ay makikita’t makikita parin niya kami. That no matter how hard they try to avoid him, or to conceal us from him, he will always be able to control them. By using their loved ones as his pawns.

            “You make me sick,” I said with full disgust.

            “I heard that a million times, baby,” he said.

            “Walang patutunguhan ‘tong kabaliwan mo, Oliver. Dahil lang kay Vex, nagkakaganyan ka na?”

            “Dahil lang kay Vex?” Nabingi ako sa tawa niya. I struggled to get away from his grip but it was no use. “Sino ang nagsabi sa’yo na dahil lang ‘to sa kanya?”

            Sa isang iglap ay nakarinig kami ng isang malakas na pagbukas ng pintuan. At ang susunod ko nalang na nalaman ay may isang kamay na humawak doon sa braso ko at hinila ako palayo mula kay Oliver.

            “Get your fucking hands off her.” Napatingin ako sa lalaking nakayakap ang isang braso sa akin, like he was protecting me from Oliver. Tumaas ang tingin ko mula sa leeg niya, sa panga, sa bibig, sa ilong at sa kulay tsokolate niyang mga mata. Kita ko ang isang matinding emosyon na naglalaro ngayon sa mga mata niya.

Galit.

“Right on time.” Pumalakpak ng isang beses si Oliver na para bang amused siya sa mga nangyayari at ang biglaang pagpasok sa eksena ng PENTAGON.

Nakita ko kung paano makipagsukatan ng lakas sina Vex at Seth doon sa mga bodyguard. Patingin-tingin sila sa paligid na parang naghahanda sa atake anumang oras.

“You’re so childish, Oliver,” sabi ni Sander. “I’m so disappointed in you. Pati ang walang kinalaman, dinadamay mo.”

“You know I don’t play fair...” Tumayo si Oliver at inilagay ang mga kamay sa loob ng bulsa ng pantalon. Naka-sideview siya sa amin at maya-maya lang ay nag-tilt ‘yong ulo niya sa direksyon namin ni Sander. “At iyon ay dahil sa inyong lima.”

Naramdaman kong naging tensed ang katawan ni Sander. Humigpit din ang pagkakahawak niya sa braso ko. “Get out,” he ordered Oliver.

Itinaas ni Oliver ang parehong kamay sa ere, claiming defeat. “All right,” he simply said at nagpunta na doon sa pintuan. Tumabi sina Vex at Seth para padaanin siya kahit na mukhang kanina pa nilang gustong suntukin si Oliver. I saw their fists shaking with anger and they were shooting daggers at him.

Sinundan si Oliver ng mga bodyguard niya. But to my surprise, huminto siya sa tabi ni Vex. Umayos ng tayo si Vex at tumingin sa malayo. Oliver tilted his head at may ibinulong kay Vex. After a while, nanlaki ang mga mata ni Vex. “You little shit!” sigaw niya at sinubukang suntukin si Oliver pero napigilan siya no’ng mga bodyguard.

“Vex!” sigaw ni Jenica mula sa sofa at nakita kong namumuo na ang luha sa mga mata niya.

Umalis sa tabi ko si Sander at sinubukang pigilan si Vex. Pati si Seth ay tumulong na rin. Sumenyas si Oliver sa mga bodyguard niya kaya naman binitawan na nila si Vex. Sander and Seth both struggled to restrain him.

“Huwag mo siyang idadamay sa kagaguhan mo, Nate!” galit na sigaw ni Vex.

“Pare, stop it!” sabi ni Seth habang mahigpit na nakahawak sa kanang braso ni Vex.

“Vex. Stop. Stop,” pigil naman ni Sander habang nakahawak sa kaliwang braso ni Vex. Pareho silang nakatalikod para yakapin si Vex na nagpupumilit na mahawakan si Oliver. After all this time, ngayon ko lang nakitang ganito ang galit sa mga mata ni Vex.

Nakita ko naman kung paano tumawa si Oliver. Nasisiyahan siyang nakikitang nahihirapan si Vex. Pati na rin ang PENTAGON. He was a big, big jerk.

“I must go now,” nakangiting pahayag niya. “It was very entertaining. Thank you.” Pinagbuksan siya no’ng bodyguard niya ng pintuan at pare-pareho na silang lumabas ng apartment. Narinig naming pinanaandar na ‘yong mga sasakyan nila and after a while, umalis na ang mga ito.

Huminahon na rin naman si Vex kaya binitawan na siya nina Seth at Sander. “Shit!” sigaw niya at saka napasabunot sa buhok. Napahawak siya sa pader at humihinga ng malalim habang nakayuko. Pare-pareho kaming nakatingin sa kanya, waiting for him to say something. “Damn that guy,” he said and uttered a curse word again.

“Tookie.” Nag-aalalang lumapit si Jenica sa kanya.

“Sorry.” Natigilan kaming lahat dahil sa sinabing ito ni Vex. “Sorry kung pati kayo, nadadamay sa gulo namin ni Nate.”

Umiling si Jenica. “Huwag kang mag-sorry.” Yumakap siya sa likod ni Vex at ipinatong ang gilid ng ulo sa likod niya. “Nandito lang kami. Hindi ka namin iiwan.”

Pagkatapos ng ilang sandali ay napansin kong kumakalma na ang mga balikat ni Vex. “He said he’ll make you his.”

Tumaas ang ulo ni Jenica. “Ha?” Humiwalay siya sa pagkakayakap kay Vex noong humarap siya sa aming lahat.

Hindi siya nakatingin kay Jenica noong sinabi niyang. His Adam’s apple moved up, like he was swallowing an emotion. “Nate said that he’ll take you away from me.”

Mababakas ang pagkabigla at takot sa mukha ni Jenica. Hindi agad siya nakapagsalita. Tiningnan siya ni Vex at tinawag ang pangalan niya. After a while, a tear fell from Jenica’s eye. “A-Ayoko.” She shook and bowed her head. “Ayoko sa kanya, Tookie. Ayoko. N-Natatakot ako sa kanya. Natatakot ako.”

“Shh.” Hinawakan ni Vex ‘yong likod ng ulo ni Jenica at isinandal ‘yong noo nito sa dibdib niya. “I won’t let that happen. Don’t cry.”

Napansin kong lumakad na rin si Weendy palapit kay Seth at yumakap dito. Seth hugged her back and patted her head, saying that it’s all right. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.

“You okay?” Napalingon ako sa lalaking tumabi sa’kin. May hawak siyang small pack ng chewing gum at saka kumuha ng isa dito. Kinain niya iyon at inalok sa’kin ‘yong pack.

“I’m fine.” I think that answered both his question and offer.

Ibinalik niya ‘yong chewing gum sa bulsa ng pantalon niya. “Sorry kung nadadamay pa kayo.”

“I heard that many times. And I also said so many times that it wasn’t your fault.”

Nakita kong napangiti siya at yumuko ang ulo. “Right.” Pagkatapos ay tumaas ang ulo niya at tumingin doon sa mga kasama namin. “Want me to hug you, too?”

I rolled my eyes at him. “No, thank you,” walang ganang sagot ko.

“Just suggesting. Kasi...” Nag-gesture siya kina Vex, Jenica, Seth at Weendy at saka ngumiti. “Tayo lang ‘yong hindi couple eh.”

“Asa ka pa,” I said, almost laughing. Oh boy, I thought. Sander will always be Sander. “Thank you nga pala.” Ang tinutukoy ko ay doon sa pagkuha niya sa’kin mula kay Oliver kanina.

Sander looked at me, and as if on cue, he gave me that bad boy smile. “Anytime, babe.”

---

A/N:

Sino kaya 'yong tinakasan ng PENTAGON dati? Hmm. ;)

Just wanna clear things out, guys. Sorry kung konti palang 'yong "kilig" scenes. Ayoko kasing mag-focus lang sa romance. Gusto ko rin ng mystery and action to spice things up. I know na marami nang tanong na nasagot sa isip niyo pero napalitan na naman sila ng mga bagong tanong. Don't worry kasi I think masasagot naman ang mga 'yon sa following chapters. :)

Ang book 3 po ay iba sa book 2 at book 1. Iikot kasi ito sa iba't ibang characters, not only Den and Angel. Maraming conflicts and, my specialty, bonggang pasabog. *smirk*

Ayoko kasi ng puro romance and kulitan lang. Haha. I want a story full of twists and mysterious pasts that will make readers to think and wonder. :)

So yeah, thanks for the support! <3

~Nikkidoo

Continue Reading

You'll Also Like

28.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
156K 3.1K 73
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...
1.2M 53.3K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...