Love Hate and Love Again

Door MistyIsHerName

1.6K 297 286

Years have passed without traces of him but then he suddenly appear in front of me begging for love once agai... Meer

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7

Chapter 3

202 38 39
Door MistyIsHerName

Christine Acosta

Gustong-gusto ko na ma-aprubahan ang proyekto na ito dahil pagkatapos ng ilang taon, ngayon lang ulit ako nabigyan ng pagkakataon upang matupad ang pangarap ko.

Pero hindi ko inaasahan na ang kapalit ng pagtupad ko sa aking pangarap ay ang makaharap muli ang tao na matagal ko nang ipinagpalagay na patay sa buhay ko.

Hindi ko nais na magkaroon muli ng kahit anong koneksyon sa kanya pero hindi ko rin hahayaang hadlangan ng nakaraan ang aking hinaharap.

Ang pangarap na ito ay hindi lang para sa sarili ko kundi para na rin sa anak ko kaya naman gagawin ko ang lahat para pumayag si Leandro na makatrabaho ako sa proyektong ito.

Limang beses na akong pabalik-balik dito sa Hotel pero kagaya kahapon, hindi ko man lang nakausap si Leandro.

Aalis na sana ako pero napansin ko ang pagdating ng magarang sasakyan. Alam ko na siya ang lulan nito kaya tumakbo ako upang salubungin iyon.

Nagtama ang aming mga mata pero malamig na ang bawat titig niya na para bang hindi niya ako kilala.

“Mr. Lim! Wait Mr. Lim!” Sigaw ko subalit nilagpasan niya lang ako.

Lalapit sana ako sakanya pero may humarang sa daanan ko.

“Christine, what are you doing here? Hindi ba’t sinabi ko na hindi interesado si Mr.Lim na makipag ugnayan sa kahit anong Magazine Company?” saad ni Jane Cortes.

“Saglit lang please, gusto kong maka usap ang boss niyo."

Nakita ko na nakalayo na si Leandro.

“Leandro!”

Awtomatikong tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa kinaroroonan ko kaya naman muli akong tumakbo para makalapit sakanya.

“Leand--- I mean, Mr. Lim please give us a chance to present the proposal.” Saad ko sa gitna ng aking paghingal.

Ewan ko ba pero para akong hinuhusgahan ng mga titig niya.

“Jane, put her in the waiting list. It seems like she is so desperate to talk to me.”

Tinignan pa niya ako mula ulo-hanggang paa ng may kasamang pag iling bago kami iwan doon.

Pareho kaming nagulat ni Jane Cortes sa inasta niya.

Nakaramdam tuloy ako ng hiya dahil puno ako ng pawis at magulo na rin ang aking itsura.

“You’re lucky Christine” Saad ni Jane at inabot ang kapiraso ng papel na may numero #72.

Nanlaki ang mga mata ko, ibigsabihin pang 72 pa ako sa waiting list?




Palipat-lipat ang tingin ko sa aking relo at sa pintuan ng malaking silid kung saan ginaganap ang meeting dito sa hotel.

Gabi na pero hindi ko parin nakakausap si Leandro, at halos wala pa akong kinakain na kahit ano dahil ayaw kong umalis, baka kasi ipatawag na ang numero ko.

Sa dami ng tao kanina na gusto siyang maka-usap, ako lang ang hindi pa niya hinaharap.

Bumukas ang pinto ng silid at para akong nakahinga ng maluwag dahil sa wakas ay magkakaroon na ako ng pagkakataon para maka usap siya tungkol sa proyektong ito.

“I’m so sorry but Mr.Lim is already tired. The meeting will resume tomorrow so please come early”

Yun lamang ang sinabi saakin ni Jane Cortes at pumasok nang muli sa malaking silid. Bago pa man niya isara ang pinto, nakita ko si Leandro na nakatingin din sa dereksyon ko.

Muntikan nang lumipad ang pawis na sapatos ko sa tsaang iniinom niya, mabuti at sarado na ang pinto.

Pagkatapos ng lahat papauwiin lang ako?! Pakiramdam ko tuloy sinasadya niya ito para inisin ako.



Kinaumagahan, maaga akong naghintay sa lobby ng Hotel dahil sinisigurado ko na ako ang unang haharapin ni Leandro sa araw na ito.

Mga kalahating oras ang nakalipas bago siya dumating at kagaya kahapon malamig parin ang bawat titig niya.

“Good morning Mr. Lim. May I talk to you now” Masiglang bungad ko.

“Sure” saad niya kaya ngumiti ako ng may sinseridad.

“But after I ate breakfast. Wait for me here, I’ll be quick”

Napawi ang aking ngiti dahil nais nanaman niya akong paghintayin.

“Of course, breakfast is important so take your time” labas ilong na tugon ko.

Habang hinihintay ko na matapos kumain si Leandro, tumawag saakin ang eskwelahan ni Khrystal at doon ko lamang naalala na kailangan pala ako doon ngayon.

Nag volunteer nga pala ako bilang MC sa event ng school ngayon at nakalimutan ko iyon dahil naka-focus ako masyado sa pagpunta rito upang kumbinsihin si Leandro para sa project na ito.

Aalis nalang dapat ako, mabuti at nakasalubong ko si Leandro.

“Mr. Lim I’m so sorry but I need to go. Don’t worry because someone from our company is on their way here to fill me up.”

Humakbang ako paalis subalit hiniwakan niya ako sa aking kapulsuhan.

“Mas importante ba yan kaysa ang makausap ako na ilang araw mo nang binabalik-balikan dito?” Seryosong saad niya habang humihigpit pa lalo ang pagkakahawak sa akin.

Wala na akong oras para magpaliwanag pa.

Mabuti at sakto ang pagdating ni Lily at Ma'am Loise na siyang papalit saakin.

Binawi ko ang aking kamay at nag paalam ng maayos dahil kailangan ko na talagang umalis.

Sana ay maging matagumpay sila sa pagkukumbinsi kay Leandro.




Nakasakay agad ako ng Taxi kaya naabutan ko pa ang opening ng School program.

Sanay na akong maging MC sa mga event dito sa school ng aking anak dahil lagi akong nagvovolunteer at humaharap sa mga estudyante at parents.

Alas dos na rin ng hapon natapos ang event, gusto ko sanang pumunta agad sa office upang makibalita tungkol sa proposal kaso pinigilan ako ni Khrystal.

Gusto niya na panuorin ko raw siya sa classroom nila habang gumuguhit kaya pinagbigyan ko, tutal nan doon na ako.

To lily:

Hi Lily! Kumusta yung presentation mo ? Did Mr. Lim say Yes?

Reply:

I guess it is better to tell you in person Tin. Meet me in Star Café at 7pm.

Hindi ko alam pero kinabahan ako sa sinabi ni Lily sa text. Bakit kailangan na in person pa?

Naalala ko tuloy yung sinabi ni Leandro noong unang pagkikita namin na kahit gaano kaganda yung presentation, he would still say No.

Pagkatapos ng klase ni Khrystal, nag grocery muna kami bago nagtungo sa Star Café. Nag order na rin ako ng cake at iced coffee para saamin ni Lily at smoothie naman para sa baby ko.

“Mommy I’ll just go and ask for their Wifi password” Paalam ni Khrystal, tumango ako sakanya bilang sagot.

Naisipan ko na itext ulit si Lily dahil 7:15 na pero wala pa siya.

To Lily:

Nandito na kami, kasama ko si Khrystal. Asaan kana?



“I’m so sorry po hindi ko sinasadya”

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses dahil sigurado ako sa si Khrystal iyon.

Tumayo ako upang lumapit sa kinaroroonan niya dahil may natapunan siya ng smoothies na iniinom niya.

“It’s okay, I’ll just wipe it with my handkerchief”

Bumilis bigla ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.

Hindi ito pwede.

“Mommy!” Tumakbo papalapit saakin si Khrystal.

Tumingin sa kinaroroonan ko yung lalaki at muling nagtama ang aming mga mata pero sa pagkakataong ito, hinuhusgahan ako na taksil ng mga titig niya.


“You have a daughter?”

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...