ESOTERIC REALITY (Filipino Sc...

By rosabellamarie

48K 2.4K 2.8K

Hindi lahat ng bagay may katotohanan, yung iba ay kathang isip lamang. Pero paano kung ang lahat ng ito ay m... More

THE ESOTERIC REALITY
LARGE HADRON COLLIDER
I. EARTH :WORTH THE RISK
II. EARTH: COLLIDED
III. EARTH: YEAR 2052
IV. ARRIVALS
V. TRANSITOPIA
VI. ADVANCEMENT
VII. TRANSITIONS
VIII. TRANSMIGRATION
IX. EARTH: YEAR 2053
X. TRANSLUCENT ANATOMY
XI. REUNION
XII. EARTH: BAD MOVE
XIII. YEARNING
XIV. MAX
XV. EARTH: YEAR 2056
XVI. HIPPOCAMPUS
XVII. SKYLINE
XVIII. DART'S SKILLS
XIX. PRIVACY BREACH
XX. C21H22N2O2
XXI. WILL IT WORK?
XXII. FOUR PILLARS
XXIII. MIDTOPIA
XXIV. EARTH: MEMORIES
XXV. LQ?
XXVI. PHYSICAL MUTATION
XXVII. 14.5995° N, 120.9842° E
XXVIII. ANGER
XXIX. ENERGY KISS
XXX. BLACK HOLE
XXXI. BLIND REALITY
XXXII. SUCCINYLCHOLINE
XXXIII. UNIVERSE ON HER EYES
XXXIV. CONFESSIONS
XXXV. ATTACK
XXXVI. REIGN
XXXVII. FEELINGS
XXXVIII. BACK TO THE PAST
XXXIX. OUTSIDE WORLD
XL. IMAGINATION
XLI. PICTURES OF TRAGEDY
XLII. LIGHT BEAM
XLIII. SIBLING RIVALRY
XLIV. NORTH
XLV. YOU ARE ONE OF US
XLVI. HAILSTORMS
XLVII. SOUTH
XLVIII. FUSION
XLIX. WESTERNMOST POINT
L. EASTERNMOST POINT
LI. FLATLINE
LII. RESET
LIV. HOME
LV. STARRY NIGHT
LVI. NEW YEARS EVE
A message from Rosabella Marie
Get to know the characters more!

LIII. APARITIONS

108 7 0
By rosabellamarie

Ilang oras na ang nakalipas ngunit hindi parin nanunumbalik ang body temperature ni Stella, her lips are now dark purple and her body is ice cold, ang kaniyang pag hinga ay irregular at lahat ng nasa loob ng laboratory ay nangangamba.

Nang dahil sa pag patay ng airconditioner ay biglang uminit ang loob ng laboratory kaya tinangal ng mga scientist ang suot nilang labgowns at gayon din ang mga tumutulong sa kanila na mga gifted humans, oxygen level is also dropping kaya kakailanganing bawasan ang tao sa loob ng laboratory.

Naiwan sina Alexander, Avery, Von at Antonov sa laboratory nang umalis ang mga gifted humans, earlier Athena also insisted to stay ngunit sinabihan ito ni Alexander na samahan nalang nito si Felesia sa quarters, walang nagawa si Athena kundi ang sumunod dito, she couldn't do anything, naiinis siya dahil hindi niya natutulungan ang kaniyang anak ngunit sinabihan siya ni Felesia na ipaubaya ang lahat sa mga scientist.

Alas dyes ng gabi ay nakaramdam ng antok ang mga scientist, hindi na nila nakakayanan ang init sa loob ng laboratory nag desisyon ang lahat na isa lamang ang maiwan sa loob kasama si Stella, lahat sila ay napapitlag ng mag bolontaryo si Joshua na magbantay dito.
Antonov protested ngunit ilang saglit lamang ay hindi na ito tumutul.

"Give us a hour of nap, okay?" saad ni Alexander at hinawakan ang balikat ni Joshua, hinalikan din nito ang noo ni Stella na hanggang ngayon ay malamig parin.

Lahat ng mga scientist ay lumabas na ng laboratory at pumanhik sa kanilang mga quarters at naiwan sa laboratory si Joshua, he felt a sudden burst of urge to go near Stella kaya mabilis siyang lumapit dito, they were never this close since they came back on earth as themselves, dahil palagi siyang pinagbabawalan ng kaniyang tito Der at ang kaniyang ama dahil baka raw mabigla si Stella dahil wala itong maalala.

Alam nang lahat na they were both childhood friends ngunit ang ama ni Joshua na si Antonov lamang ang may alam sa nangyari sa kanila ni Stella sa Midtopia. Joshua confessed it when they were talking in the garden earlier, na bigla aang kaniyang ama sa kwenento ng anak ngunit hindi naman ito tumutol, natuwa pa nga ito dahil sawakas ay nakuha na niya ang babaeng gusto niya.

Joshua touches Stellas' cheeks, it was ice cold and her purple colored lips are shivering, thus an idea came into Joshua's mind, he took off his white t-shirt at tinangal ang kumot, he lift Stella's fragile body that is covered in a thin white robe at walang pag aalinlangan na niyakap niya ito, nang maramdaman ni Joshua ang lamig ng katawan ni Sfella ay niglang nagbalik ang mga alaala ni Joshua kay Mesh; ang Translucent na kasama niya sa paglalakbay sa Parallel Universe, ang Translucent na nagbigay sa kaniyang noon ng kakaibang kapangyarihan.

Mesh tulungan mo ako, saad ni Joshua sa kaniyang isipan, alam niyang wala na si Mesh sa kaniyang katawan ngunit nararamdman parin niya ang presensya nito. Maya maya'y napapansin ni Joshua na nagbabago ang temperatura ng katawan ni Stella at umaayos na ang paghinga nito, inihiga niya ito pabalik at inilagay muli ang mga kumot, isinuot na din ni Joshua ang kanyang t-shirt at naupo lamang sa tabi ni Stella, pinagmasdan ni Joshua ang mukha nito, mukhang hindi niya aakalaing mahahawakan niyang muli, ilang saglit lamang ay unti-unting bumibigat ang mata ni Joshua hanggang siya ay makatulog.

Naabutan ni Antonov na nakaupo at natutulog si Joshua sa tabi ng higaan ni Stella, nagulat si Antonov ng makita niyang niyang umabot na sa 98.6°F (37°C) o normal body temperature ang katawan ni Stella kaya tinaasan na ni Antonov ang temperature ng airconditioner, at inatay narin niya ang heater.

Antonov was shocked and at the same time happy with the results kaya naman ay tinawag na niya ang kaniyang mga kasamahang scientist.

Nagising si Joshua nang dumating sina Alexander, Avery, at Von, sumunod naman sina Dart at Darsy na kanina pa pala naghihintay sa labas ng laboratory dahil pinagsabihan sila ng mga scientist na wag muna pumasok sa lab. Stella still hasn't woke up yet ngunit nagbago na ang kulay ng labi nito, at hindi na gaanong maputla ang katawan, her pulse rate is also in a normal pace according to Avery. Stella is in stable condition.

Suddenly Stella felt warmth on her skin ngunit hindi parin niya magawang buksan ang kaniyang mga mata, ilang saglit lang ay pakiramdam niya ay hinuhugot ang buo niyang kaluluwa hanggang sa makakita siya ng iba't ibang senaryo sa kaniyang isipan. Una ang pagising niya na nasa harapan niya si Dria, pangalawa ay ang pagdating niya sa Transitopia kung saan ay hindi siya pinapansin ni Joshua, sumunod ang una niyang pagbisita kay Max at ang paglagay niya ng memory stone, at ang paghalik ni Joshua sa kaniya sa Midtopia.

Nagulat ang lahat nang biglang magising si Stella na hinihingal, kinabitan ni Avery si Stella ng oxygen ng bigla nitong sabihing nahihirapan itong huminga.

Stella scanned the whole room, nakita niya sina Alexander, Avery, Antonov, Von, Dart, Darsy at Joshua na nakatingin lamang sa kaniya.

"Are we still in Transitopia?" Tanong ni Stella, dahil dito ay natawa si Dart.

Lumapit si Dart"Oo Stella, nahimatay kalang dahil natamaan ka ni Mr Kip" saad ni Dart habang natatawa.

Siniko ni Darsy si Dart at napangiwi ito dahil napalakas ang tama ni Darsy sa tagiliran nito.

"Nararamdman ko na yun Darsy ah kung hindi lang kita kapatid" saad ni Dart habang hinihimas ang bahagi ng kaniyang ribs na tinamaan ni Darsy.

Kaagad na niyakap ni Darsy si Stella "My brother is just joking. No Stella we're not anymore in the parallel universe, we're back on earth" saad ni Darsy.

Napabuntong hininga si Stella, she felt relief and strange as well. Tinitigan ni Stella ang kaniyang kamay at sinubukan niyang hawakan ang puting kama na kaniyang hinihigaan, at hindi niya alam kung maiiyak ba siya o ano dahil nararamdaman na niya ngayon ang kaniyang mga hinahawakan. It was soft, and smooth, hinawakan niya din ang metal railing ng higaan ang naramdaman niya ito. Naalala din ni Stella ang mga anino sa balconahe, it was Sky and Dria, they were trying to make Stella remember again of all their sacrifices and choose to stay alive and not do reckless stuff.

Stella smiled with the thought na kahit kailan ay kailangan muna siyang mawalan ng malay bago malaman ang lahat.

Napagdisisyonan ng mga scientist na kailangang manatili muna ni Stella ng bente kwatrong oras sa laboratory upang ma obserbahan ang kalagayan nito, may ininda kasi itong sakit ng ulo kaya kinailangang masigurong hindi ito napinsala sa naging pagtama nito sa sahig.

Napilitan namang bumalik sa kaniyang kwarto si Joshua kahit hindi pa sila nakakapag usap ni Stella. He is so glad na okay na ito.

"What happened there?" Tanong ni Darsy kay Joshua habang naglalakad sila sa hallway pabalik sa kani-kanilang kwarto. Nauna na si Dart dahil inaantok na daw ito.

Joshua shrugged "Ewan ko, nagbantay lang ako, i fell asleep and then she woke up" Joshua lied, of course he wouldn't say out loud that he hugged Stella withouth clothes on.

Nang makarating sila sa harap ng pintuan ni Joshua ay napahinto si Darsy sa pag lalakad at tinitigan si Joshua "Whether you did or didn't do something, you did a great job" saad ni Darsy at naglakad na ito palayo.

Pagpasok ni Joshua sa kaniyang kulay puting kwarto ay may nakita siyang anino na nakatayo sa labas ng kaniyang balkonahe, hindi siya natakot bagama't mula ngayon ay sinabi na niya sa kaniyang isipan na wala na dapat siyang katakutan. Pinuntahan ni Joshua ang anino at doon ay may nakita siyang Translucent, hindi na ito masyadong nakikita sa sobrang transparent ng katawan nito ngunit dahil sa kulay asul nitong pigura ay maaatinag parin kung sino ito.

"Mesh?" pagtawag ni Joshua, lumingon sa kaniya ang Translucent na seryoso ang pagmumukha, kaya bahagyang kinabahan si Joshua.

"Sa susunod wag mo akong tatawagin na parang may masamang nangyayari sayo, ayoko man, pero oo, kami ay napalapit na sa inyo at isa sa mga obligasyon namin ay ang protektahan kayo ngunit tatawagin mo lang ako kapag buhay mo na ang nanganganib" deretsong saad ni Mesh, hindi kasi nito na kontrol kanina nang maramdaman ang tawag ni Joshua.

Napakamot ng ulo si Joshua, tama nga ba ang nangyayari sa kaniya ngayon na pinapangaralan siya ng isang Translucent? "Patawad kung ganon hindi ko sinasadya, kailangan ni Stella ng tulong"

Napabuntong hininga si Mesh at muling tinanaw ang mga ilaw na gaking sa mga buildings ng syudad "Pinapalaya na kita ngayon Joshua, sana palayain mo din ako, nahanap ko na ang aking ina at tamang lugar, alam kong nahanap mo na din ang iyong kasiyahan. Mag iingat ka palagi" saad ni Mesh, tumitig ito kay Joshua at biglang naglaho na tila sumama sa ihip ng hangin.

"Mesh salamat" saad ni Joshua sa langit, at tila naman sumagot ito sa kaniya ng biglang may lumabas na kidlat at kumulog ng katamtaman.

Hindi man sila gaanong nagkalapit Mesh ngunit isang aral ang iniwan nito kay Joshua, ito ay ang maging matatag at dapat walang katakutan at walang aatrasang hamon.

Sa kabilang silid naman habang nagbabasa si Darsy ay biglang may malakas na hangin na naging sanhi ng pagbukas ng kaniyang bintana, kaagad naman noya itong sinara ngunit laking gulat niya nang makita si Diane na nakatayo sa paanan ng kaniyang higaan.

"Natatakot ka parin ba?" saad ni Diane, tila nakalutang lamang ito at kitang kita na hindi ito umaapak sa sahig, at sa sobrang nipis ng kulay nito ay mapagkakamalan na lamang ito na isang kulay asul na anino.

Inayos ni Darsy ang kaniyang pagkakatayo "H-hindi ah bakit kasi bigla ka nalang sumusulpot?" Tanong ni Darsy.

"Kaonti lang ang oras namin dito pinapabalik na kaagad kami, gusto ko lang naman magpasalamat sayo dahil ikaw ang naging daan upang mahanap ko ang aking lugar, at kapalaran" saad ni Diane.

"Walang ano man yun, salamat din dahil ako ang ginawa mong instrumento upang isalba ang aking mundo " saad ni Darsy kay Diane.

Tumangi si Diane "Iiwanan ko sayo ang aking ibang kaalaman upang magamit mo sa dito sa iyong mundo, lagi mong tatandaan na nandito lang ako kung kinakailangan" saad ni Diane at bigla nalang itong naglaho nang umihip ang malakas na malamig hangin.

Naiwang nakatunganga si Darsy ngunit napapitlag siya ng makitang may parte ng kaniyang buhok ang nag kulay asul, inusisa niya itong mabuti, at naalala ang sinabi ni Diane, natawa nalang si Darsy.

"Ito ba ang sinasabi niyang kaalaman? Masyado atang sunod sa uso itong si Diane" natatawang saad ni Darsy sa kaniyang sarili.

Dart on the other side decided to stay in the library first dahil hindi siya makatulog. The library of Ms Wan is enourmous at napakarami ng nakaimbak na libro, sinasauli na sana ni Dart ang isang libro ng biglang may maramdaman siyang may kumalabit sa kaniya, tumindig ang kaniyang balahibo ngunit hindi niya lang ito ininda, napagdesisyonan na lamang Dart na lumabas ng library ngunit bigla nalang siyang hinarang ng isang malakas na hangin at napatumba siya, maya maya'y nakita niyang lumilipad ang mga libro sa kaniyang harapan. Napabuntong hinga si Dart dahil alam na niya ngayon kung sino ang may gawa nito, tumayo si Dart ay pinagpag ang damit, nakasuot na lamang siya ngayon ng itim na t-shirt at jeans na pinaresan ng sneakers.

"Sa susunod Dione, gumawa ka naman ng maganda entrance hindi yung bigla ka nalang magpapatumba, paano kung napalakas yun" naiinis na saad ni Dart sa mga nakalutang na libro.

Lumabas si Dione at inakbayan si Dart. Nakaramdam si Dart ng lamig kaya medyo naasiwa ito.

"Oh diba nakuha ko na yung estilo mo" natutuwang saad ni Dione na parang nangiinis.

"Babalik ka ba sa katawan ko kaya ka nandito?" Tanong ni Dart.

Biglang kumalas si Dione sa pagkakaakbay kay Dart at lumitaw sa ibabaw ng mesa.

"Hindi na, ayaw mo naman eh" saad ni Dione.

"Seryoso Dione, ano gusto mo?" saad ni Dart na hatalang naiinis na, nakahanap ata siya nang katumbas sa pang-aasar.

"Gusto ko lang magpasalamat kaya ako nanditon, sinabihan ako ng kapatid ko na bisitahin ka muna bago kami manahimik, pero hindi kami tuluyang mananahimik ha, nakamasid ako palagi" saad ni Dione.

Hindi nakapagsalita si Dart.

"Sa susunod ayusin mo nang maghanap ng babae, isa lang kasi" dugtong ni Dione, natawa ito at biglang nawala.

Lumaki ang mata ni Dart sa sinabi ni Dione. Nagpalinga linga siya sa paligid, nag aasam na mayroon pang magpakita sa kaniya na translucrnt ngunit tumahimik na ang buong library, napakamot nalang ng ulo si Dart.

Wag mo na kasing hintayin Dart, kasama na nun si Dione sambit ni Dart sa sarili bago lumabas ng silid aklatan at pumanhik sa kaniyang kwarto.

Mula sa confinement den ay napadaan si Jacque sa silid nina Ms Wan at Sky, kinakabahan siyang buksan ito ngunit ngayong bumalik na ang ala-ala ni Stella ay nagbabakasakali siyang bumalik na din ang mga ito. Pagbukas ni Jacque ng pinto ay nakaramdam siya ng pangungulila sa itinuring niyang ina at kapatid, dahil dito ay napahagulgul siya sa malaking puting higaan ni Ms Wan, dito ibinuhos ni Jacque ang lahat ng kaniyang nararamdaman.

Jacque might seem tough on the outside pero kapang usapang pamilya ay nagiging sensitibo siya dito. Sa murang edad kasi ay iniwan si Jacque ng kaniyang pamilya na ayon kay Ms Wan ay kapwa gifted humans ang kaniyang ama ay ina, isang araw ay nakatagpo ni Jacque si Ms Wan at inanyayahang magtrabaho sa mansyon, at dahil wala ng makain si Jacque dahil inabandona na siya ng kaniyang mga magulang ay sumama siya dito mula at noon ay hindi na siya umalis ng mansyon, nang magkaroon ng kaalaman ay sinubukan ni Jacque na hanapin ang kaniyang mga magulang at nalamang wala na ang mga ito dahil sa isang accidente.

Maya maya lamang ay nakaramdam si Jacque ng presensya sa loob ng kwarto, dahan dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata at nahimasmasan siya nang makita niya si Ms Wan na nakatayo sa kaniyang harapan, kaagad niyang niyakap ito ngunit laking gulat na lamang niya ng tumagos lamang siya sa katawan nito.

"Jacque ayusin mo ang sarili mo hindi kita pinalaking mahina, labanan mo ang lungkot" deretsong saad ni Ms Wan na ngayon ay hindi na masyadong makita ang buong anyo.

Hindi makapagsalita si Jacque.

"Ibibigay ko na sayo ang pamamahala sa mansyon, hindi ko alam kung nasaan ang aking anak na si Sky ngunit alam kong nasa mabuti na siyang kalagayan, kaya ikaw na ang bahala sa mansyon mula ngayon dahil hindi na ako maaring makabalik pa, ito na ang huling phase ng mga Translucent bago kami sumama sa hangin" saad ni Ms Wan.

Hindi makapagsalita si Jacque patuloy lamang na bumuhos ang kaniyang mga luha.

"Jacque anak, tandaan mong nandito lang ako at gumagabay sa iyo at sa mga gifted humans, pangalagaan mo ang lugar na ito dahil sigurado ako na ito lamang ang tanging magiging ugnayan ng mga Transitopia at mundo ng mga tao. Naniniwala ako sa kakayahan mo kaya kampante ako sa aking desisyon, ingatan mo ang sarili mo. Paalam" saad ni Ms Wan at naglaho na ito.

Naiwang nakatulala si Jacque, pinili na lamang niya na mahiga sa kama ngunt hindi parin tumitigil ang pag-agos ng kaniyang luha hanggang siya ay makatulog.

Hating-gabi at mahimbing nang natutulog ang lahat sa mansyon, sa isang kwarto ay nananaginip ang isang tulog na Alexander, nakatungo ito sa isang kulay puting mesa na mayroong mga nakapalibot na libro na tungkol sa syensya.

Madilim na kapaligiran, ito ang tanging nakikita ni Alexander, ilang saglit lamang ay may isang liwanag at lumalabas ang isang pigura ng babae, papalapit ito sa kaniya ngunit hindi makagalaw si Alexander, nang makalapit ang babae sa kaniya ay nakilala niya kung sino ito.

Lumapit si Mantria kay Alexander at hinaplos ang pisnge nito, nakakalungkot dahil hindi niya ito lubusang maramdaman, "Aking mahal, hindi ko na kayang magpakita sayo sa mundo ng mga tao dahil hindi na ito kaya ng aking enerhiya, masyado ko itong nagamit na tanging sa panaginip na lamang kita kayang kausapin" saad ni Mantria habang titig na titig ang asul nitong mga mata kay Alexander.

Hindi makagalaw o makapagsalita si Alexander kaya wala siyang nagawa kundi ang pakingan si Mantria.

"Alexander sa huling pagkakataon ay magpapasalamat ako sayo ng lubusan aking mahal, sa pagtangap kung sino at ano ako. Hindi man tayo magka-uri ngunit lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita, lagi kitang gagabayan sa lahat ng iyong mga gagawin, ngunit ipangako mo saakin na hindi kana gagawa ng mga imbensyong hindi ka sigurado, wag mong gagahayahin ang iyong ama at kapatid, bagama't nagpapasalamat ako sa kanila dahil naging rason sila upang tayo ay magkita. Mahal, wag mo na kaming hanapin ni Dria dahil nandito na kami sa tama naming lugar, mananatili kami sa loob ng iyong puso at isipin ngunit wag mo ding isasara ang iyong puso para sa iba" saad ni Mantria at nawala na ito.

Napapitlag si Alexander, dahil dito ay nahulog ang mga librong naka patong sa lamesa. Himas ni Alexander ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang palad, tumayo siya at uminom ng tubig.

Hinawakan ni Alexander ang kaniyang dibdib dahil napakalakas ng tibok ng puso nito.

Natawa si Alexander ng maalala ang sinabi ni Mantria "Wag ko isasara ang puso ko sa iba? Seryoso sa edad kong 'to hindi ko na iisipin yan" saad ni Alexander sa kaniyang sarili.

Ilang saglit lamang ay tumunog ang cellphone ni Alexander, kaagad niya itong kinuha at inilagay sa kaniyang tenga.

"Hello Athena it's late, is there a problem?" tanong ni Alexander sabay tingin sa orasan. Alas 4 na ng umaga.

"Alexander" saad ni Athena sa kabilang linya. May halo itong hikbi at maririnig din ang hikbi ng isa pang babae.

"Athena are you alright?" Tanong ni Alexander sa telepono at patakbong lumabas ng kaniyang quarters papunta sa kinaroroonan ni Athena.

Tahimik ang buong hallway at nang makarating si Alexander sa quarters nina Athena at Stella, pagbukas niya ng pintuan at nakita niyang umiiyak si Stella at Athena sa tabi ni Felesia na nakapikit ang mata.

Athena glanced towards alexander and shook her head, tears streaming down her cheeks.

"She's gone Lex, mom is gone" saad ni Athena.

Continue Reading

You'll Also Like

34.8K 692 29
Eretum Ayar Eban Largrande timon akiratum varan estum cabesa idena kurim gaser timon. Kateska oberaa kotum pilar et inuska. Timera Aveska..... Lumiwa...
6.8K 380 18
Magnus Academy: The Cursed Blood Continuance As the title suggests, due to unforseen circumstances of that certain Wattpad rule of having only 200 pa...
5.2M 267K 73
Online Game# 1: DANI X RAYDIN
ALTERSEVEN By MM

Mystery / Thriller

106K 4.8K 62
[Formerly 'Gangster Nerdie'] || Mystery • Thriller • School • Romance || Joshua Rilorcasa is your typical nerdie guy in thick black glasses, taking...