Secret lovers

By Markshin

1.4M 22.5K 2.1K

Zia Hernandez knows how to handle her perfect life. She's an A-list. A good daughter, A very good student, A... More

Secret lover
Chapter 1: Partner in crime
Chapter 2: Sweet morning
Chapter 3: The beginning
Chapter 4: A few inches away from you
Chapter 5: Let's get study
Kindly read!!!!!
Chapter 6: Let's dance
Chapter 7: CLOSE
Chapter 8: You are not good for me
Chapter 9: Let's forget each other
Chapter 10: I HATE HIM
Chapter 11: So close
Chapter 12: Alam nya ba
Chapter 13: Zia VS Trixie
Chapter 14: She knows
Chapter 15: Big news
Chapter 16: Breaking the rules
Chapter 17: Tao sila hindi bagay.
Chapter 18: Separate ways
Chapter 19: I don't care about her
Chapter 20: We can't be
Chapter 21: The engagement
Chapter 22: Everything's gonna be alright
Chapter 23: Official Lovers (Ikalawang yugto)
Chapter 24: Living together
Chapter 25: Dalawa tayo
Chapter 26: Two weeks relationship
Chapter 27: Tampuhan
Chapter 28: Masaya kana?
Chapter 29: Wag mo akong iwan
Chapter 30 : Pagod na.
Chapter 31: Updated.
Chapter 32: Si Imelda
Chpater 33: Alipin at master
Chapter 34: The compromise
Chapter 35: Daddy
Chapter 36: Thank you
Chapter 37: Seloso
Chapter 38: My Yuan
Chapter 39: Separated Lovers (Ikatlong Yugto)
Chapter 40: Moving on
Chapter 41: I love you so
Chapter 42: Zia
Chapter 43: It's just a dream
Chapter 44: Mahabang panaginip
Chapter 45: Para kaming hangin sa isa't isa
Chapter 46: Because he loves me so much
Chapter 47: My weakness
Chapter 48 : Marry your daughter
Chapter 50: Last goodbye
Epilogue

Chapter 31: Isip at puso

18.3K 463 49
By Markshin

Yuan

Para akong pinatay sa narinig. Hindi ako makagalaw ng makita kong umalis si Zia sa harap ko. Ano bang ginawa ko, bakit ko sya sinigawan ng ganun. Nabigla lang kasi ako, sobrang pagod na ang katawan ko at isip ko dahil sa loob lang ng isang linggo ay nag bago ang buhay ko at masyado akong nabigla sa mga pangyayaring yun. Inatake sa puso si Yvo due to high blood sugar at hanggang ngayon ay hindi pa rin sya gumigising. Pag dating ko sa ospital ay walang humpay din ang iyak ni mommy, yun ang unang beses ko syang nakitang umiyak ng todo dahil kay Yvo, kahit ng mag hiwalay sila ay tahimik lang si mommy at ni hindi nag salita, ang akala ko nga noon ay wala syang pakiramdam dahil sobrang sakit maiwan, dahil ako, sobrang iniyakan ko ang pag alis ni Yvo para sumama sa isang babae, pero ng makita ko si mommy na umiiyak, doon ko narealize na, mahal nya parin ang ama ko. Hindi nya lang ipinapakita, siguro dahil takot na syang umasa at masaktan ulit.

Tumingin ako sa pintong nakabukas. Kanina habang mabagal na nag lalakad si Zia palabas ay hindi ko alam kung pipigilan ko sya, hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko sa kanya at lalong hindi ko alam kung saan ako mag uumpisa. Alam kong nasaktan ko sya, parang gusto ko rin iuntog ako ulo ko sa pader ng makita ko ang mga luha sa mata nya, alam ko, pinipigil nya lang ang emosyon nya dahil ayaw nyang ipakita sa akin na nasaktan sya sa mga sinabi ko.

Ang gago ko talaga, dahil ang sabi ko ay kailangan maging worthy ako para bumagay sa kanya, pero anong ginawa ko, lalo ko lang ipinapakita na hindi ako karapatdapat sa kanya.

Paano kung totohanin nya na mag hiwalay na kami? Kakayanin ko ba? Syempre hindi.

Tumayo ako at mabilis na tumakbo papasok ng elevator, kailangan maabutan ko sya, dahil kung hahayaan ko syang umalis, matutulad lang kami sa relasyon ng mga magulang ko, dahil kung pinigilan lang siguro ni mommy si Yvo baka naayos pa ang relasyon nila, kung nag paliwanag si Yvo, baka nakinig pa si mommy at naayos pa nila ang relasyon nila. Nakakatawang isipin na naaalala ko pa ang masakit na pangyayaring yun dahil sa maliit ng away namin ni Zia, siguro nga hinding-hindi ko matatakasan ang nakaraan ko, na dadarating pa rin ang panahon na kailangan ko itong harapin kahit na alam ko na ito rin ang sisira sa akin.

“Zia!” Sigaw ko saka mabilis na tumakbo palabas pero huli na ng mapansin ko na umandar na pala sya kaya hindi ko naiwasan ang pag dating nya at tumilapon nalang ako sa sahig.

“Yuan! Oh my god, are you okay?” Tanong nya pag lapit sa akin. Napangiti ako ng makita ko ang pag aalala sa mukha nya. May pakialam parin naman pala sya sa akin.

“Don’t leave me, please, mag papaliwanag ako.”

“Manong tulungan nyo po akong dalin si Yuan sa ospital.” Akma syang tatayo ng pigilan ko sya.

“Dito kalang, wag mo akong iwan.”

“Pero kailangan mong madala sa ospital!” Nag papanic nyang sagot. Nakalapit na rin sa amin ang isang guard.

“Manong, take me to my unit.” Utos ko sa gwardya saka nya ako inalalayan patayo. Sa kabilang side naman pumunta si Zia para alalayan din ako. Pag dating sa unit ay maingat akong inilapag ng gwardya sa kama.

“Thank you manong.”

“Wala pong anuman ma’am.”

“Manong wait lang, pwede ko bang makuha ang cctv recorded video kaninang ala-sais ng hapon.”

“Sige po sir Yuan, ipapahatid nalang po namin dito.”

“Sige salamat.”

Nakita ko ang tanong sa mga mata ni Zia. Kaninang six ng hapon kasi kami ng kita ni Meanne, at gusto ko lang patunayan sa kanya na nag sasabi ako ng totoo.

“Yuan-“

“Gusto ko lang na makita mo na nag sasabi ako ng totoo.”

“Wala naman akong sinabing hindi ka nag sasabi ng totoo eh.”

“Zia, pinipilit ko naman na maging matinong tao para sayo. I want to be a good man for you. I want to excel in school for you. I want people see that I’m good for you.” Despirado na ako. Ayoko syang mawala sa buhay ko, dahil hindi ko kakayanin. Kaya lahat ng alam kong kaya kong gawin para lang mag stay sya sa relasyon namin gagawin ko, kahit pa mahirapan ako. Umupo sya sa gilid ng kama. Nakatingin sa pinto saka nag umpisang mag salita.

“Yuan hindi ko naman hiningi yun eh. You know why? Because I know you’re a good man, I also didn’t ask you to be a good student because I know you’re a good student medyo pilyo nga lang, and lastly, hindi ko hiningi na maging mabuti kang tao, kasi alam kong mabuti kang tao, dahil nakikita ko naman kung gaano mo alagaan ang mommy mo,”

“Zia-“

“Patapusin mo muna ako.” Tumingin sya sa akin, parang gusto kong sabunutan ang sarili ko ng makita ko ang mapula nyang mata, nag babadya na rin tumulo ang mga luha nya. “ Alam mo ba kung ano lang hingi ko sayo?” Pinahid nya ang mga luha sa mata. “Na ipangako mo na ako lang ang babae sa buhay mo, yun lang naman eh.”

“Zia-“  Tumayo ako at niyakap sya kahit na masakit pa ang tyan ko dahil sa pag bunnggo nya sa akin kanina. Gasino nalang ba yun, kaysa sa sakit ng makita ko syang umiiyak sa harap ko dahil sa kagaguhan ko. Tangina kasi, ang gago ko eh.

“I’m sorry for being a jerk, magulo lang ang isip ko dahil sa dami ng responsibilidad ko sa company kaya hindi ko na alam ang mga sinasabi ko, sorry na.” Pag mamakaawa ko. Patuloy lang syang umiyak sa dibdib ko.

“I hate you. I hate you.” Maktol nya.

“Baby I know, and I’m sorry, please forgive me.”

“Noong hindi ka dumating sa fashion show, pakiramdam ko hindi ko kayang rumampa kasi wala ka, kaya habang nasa stage ako, iniisip ko nalang na kasama kita para kahit paano, mawala ang kaba ko at magawa ko ng maayos ang part ko. Hindi mo lang alam na nag tampo ako sayo, kasi ikaw ang nag sabi na gawin natin yun ng mag kasama pero iniwan mo’ko.”

Ang tanga-tanga ko. Anong karapatan kong mag reklamo sa buhay ko at sa mga responssibilidad ko gayong sya na marami din ginawa ay nagawa pa akong puntahan dito para lang kamustahin tapos sisigawan ko lang at aawayin.

“Baby I’ll make it up to you I promise.”

“Dapat lang saka hindi pa tayo bati.” Ngumiti ako saka sya binigyan ng halik sa noo. Ibang klase talaga sya.

Zia

 

“Hey, kamusta? Balita ko nag away daw kayo ni Yuan?” Bungad ni Rico sa akin. Pag dating talaga sa taong ito, walang nakakalagpas na balita. Umupo sya sa tabi ko. Ako lang ang tao sa council office kaya walang makakarinig sa kung ano man ang pag uusapan namin.

“Oo, pero nag usap na kami.”

“Hulaan ko, sya na naman ang bumigay ano?”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Edi sya na naman ang nag sorry sayo at humabol sayo na parang aso.” Paliwanag nya. Paano nyang nalaman yun. Hindi ko alam kung sinabi lahat ni Yuan sa kanya or talagang malakas lang ang radar nya. Kinagat ko ang ibabang labi bago sumagot.

“S’ya nga pero kasalanan naman nya eh.” Dipensa ko sa sarili. Baka isipin nya masyado ko naman kinakaawa ang kaibigan nya.

“Ibang klase ka talaga, bakit ba hindi ka kagaya ng ibang bida sa mga typical na kwentong sikat na sikat sa mga kabataan ngayon.”

“Na ano?”


“Na madaling utuin at nag papanggap na walang alam sa mundo.” Balewala nyang sagot.

“Because I’m not stupid.” Simple kong sagot. Tama naman ako, saka matagal ko ng alam sa sarili ko na hindi ako yung klase ng babae ng kailangan ng prince charming para iligtas ako kapag nadapa ako, dahil kaya ko naman tumayo sa sarili ko.

“Gusto ko ang mga babaeng malalakas, minsan nga iniisip ko paano kaya kung ako ang unang nakakita sayo sa bar at hindi si Yuan, siguro ako ng fiancé mo ngayon.” Napalingon ako sa kanya. Ano bang sinasabi nya.

“Rico, tigilan mo nga ako sa mga ganyang banat mo.” Sita ko sa kanya. Tumawa sya saka nag salita.

“Joke lang, pero seryoso, gusto ko ng malalakas ng babae.” Makahulugan nyang wika. May nakita akong lungkot sa mga mata nya at hindi ko alam kung para saan yun. Siguro na miss nya si Kara at hindi nya maamin sa sarili nya na mahal na nya ito.

“Balikan mo na kasi si Kara.” Asar ko sa kanya.

“Tapos na kami ni Kara, at hindi ako pwedeng makipag commit sa ibang babae.”

“Bakit? naka arrange marriage kaba?”

“Hindi na parang oo. Basta magulo.”

“Kung ano man yang magulo sa buhay mo, sana maayos mo na.”

“Sana nga.”

Pag katapos namin mag usap ni Rico ay sinundo ako ng mama ko, dahil may lakad talaga kami para sa isang regalo na bibilihin nya para kay papa, Anivversary nila at nag papatulong sya sa akin kung anong maganda gift ang pwede nyang ibigay.  

“Anak, ano sa tingin mo?” Itinaas nya sa akin ang isang necktie.

“Marami ng ganyan si Papa eh.” Nakita ko ang frustration sa mukha ni Mama dahil hindi nya alam kung anong regalo ang ibibigay nya. Lumapit ako niyakap sya sa likod. “Ma, ano bang gustong-gusto ni papa na hindi nya pa nakukuha? I mean, yung greatest dream nya?”

“I think I know.”  Excited nyang sagot saka ako hinila paalis ng robinsons. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero nagulat nalang ako na sa isang pet shop kami humantong.

“Ma, anong ginawa natin dito?”

“Naalala ko kasi noong mag boyfriend palang kami ng papa mo, gustong-gusto nya ng hamster pero dahil takot ako sa dagat, ayoko ng hamster kaya kahit na gustong mag alaga ng papa mo hindi nya ginawa kasi nga ayaw ko.”

“So bibili tayo ng hamster?!”

“Sabi mo kasi, kung anong gustong-gusto ng papa mo na hindi nya nakuha, sa tingin ko ito na yun.” 

Gusto kong matawa sa nalaman. Sino ang mag aakala na mahilig sa hamster ang Papa ko, Oo alam kong takot si Mama sa daga pero hindi ko naisip kahit kailangan na mahilig sa hayop ang Papa ko. Bigla ko tuloy na isip, kung ano bang gustong-gusto ni Yuan sa buhay na hindi nya pa nakuha. Kaya ko kayang ibigay?

“Anak! Ikaw nga ang mag hawak ng cage! “ Utos ni Mama na halatang natatakot kaya lumapit ako at hinawakan ang cage ng dalawang hamster. Kulay brown sila at ang cute nilang tingnan.

“Ma, saan mo gustong kumain?” Tanong ko habang nag lalakad kami.

“Tokyo-tokyo na lang, I want to eat teriyaki.” Sagot nya. Pag ka order ay agad kaming umupo para mag hintay.

“Anak, pwede mag tanong?”

“Opo naman ma, ano ba yun?

“May problema kaba? Ilang araw ko ng kasing napapansin na parang malungkot ka. May problema ba kayo ni Yuan?” Umpisa nya. Bigla kong naalala ang isang linggo na hindi nag paparamdam si Yuan sa akin kaya alalang-alala ako. Yun siguro ang mga panahon na nakita ako ni Mama na wala sa sarili ko.

“Okay lang naman po, pero minsan, nahihirapan ako, saka bakit nakakaramdam ako ng sakit kapag hindi sya nag paparamdam.”

“Alam mo anak, hindi natin malalaman lahat ng kasagutan sa mundo kahit gaano pa tayo katalino. Unang-una dahil tao lang tayo at hindi diyos, pangalawa ay laging isip ang ginagamit natin at nakakalimutan natin na kailangan ng puso para maging balance ang lahat.”

“Pero ma, hindi naman pwede na palaging puso nalang ang paiiralin, kaya nag kakaroon ng martyr sa mundo dahil hindi gumagamit ng isip.” Dipensa ko. Hindi ko kasi makuha ang sinasabi nya, dahil hindi rin matanggap ng isip ko ang naririnig ko.

“Pero anak, kung palaging isip ang pagaganahin mo ay sasakit lang ang ulo mo, para lang yang pag aasawa. Dapat dalawa kayo ng partner mo, dahil kapag isa lang ang gumalaw, hindi tatakbo ng maayos ang relasyon hindi mag go-grow and worst, tuluyan ng hihinto at sa huli mag hihiwalay ng landas dahil wala ng pag ibig, kasi puro isip ang ginamit.”

Ngayon ay unti-unti ko ng nakukuha kung anong gustong sabihin ni mama.  Siguro nga may kasalanan din ako, na hindi ko muna binigyan ng chance si Yuan na mag paliwanag at nag bigay agad ako ng conlusion sa nakita ko.

Nakalimutan ko din na ibang-ibang ang buhay ni Yuan bago maging kami, kaya nasa adjustment period pa ito. Gaya ko na minsan ay naninibago pa rin dahil hindi  ako sanay na mag handle ng isang relasyon dahil sa unang relasyon ko ay hindi naman ako ang nag patakbo kundi si Luigi. Tama nga si mama, hindi uusad ang isang relasyon kung isa lang ang mag dadala, kaya hindi dapat ako nag aasume na mag take charge sa realasyon namin ni Yuan, dapat dalawa kami.

“Anak, may isang tanong nalang ako.”

“Ano po yun?”

“Mahal mo ba si Yuan?”

Natigilan ako sa kinauupuan ko dahil matagal ng tanong sa isip ko yun na hindi ko mabigyan ng sagot pero siguro hind ko makukuha ang sagot kung isip lang ang pagaganahin ko.

“Opo ma, mahal ko si Yuan pero natatakot akong aminin sa sarili ko yun kasi ayokong masaktan. Ayokong maging vulnerable kapag nalaman nya na mahal ko sya. Ayokong isipin nya na dahil mahal ko sya kaya tatanggapin ko nalang kung anong mga kalokohan ang gagagwin nya.” Rebelasyon ko. There. I finally said it. Sobrang laking relief ang nararamdaman ko ngayon dahil ngayon ko lang talaga hinarap kung ano ba talagang laman ng puso ko.

“Gumawa na ba s’ya ng kalokohan sa relasyon nyo?”

Tinamaan ako sa tanong nya, dahil wala akong matandaan na ginawang kalokohan si Yuan bukod sa minsan na pag tatalo namin dahil ayaw nyang papigil sa pagiging sweet sa harap ng maraming tao at pag tatampo nya na parang bata na para sa akin ay cute tingnan.

“Wala pa po, pwera doon sa nakita ko sa condo nya na kasama nya si Meanne.”

“Binigyan mo ba sya ng chance mag paliwanag.”

“Ma, babaero si Yuan kaya alam kong kaya nandun si Meanne kasi may something pa rin sa kanila.”

“Ang alam mo. Anak, hindi lahat ng alam natin tama. Kaya nga sa isang exam kapag nag kamali ka ng basa sa instruction mali na lahat ng sagot mo, kasi ang akala mo tama ka, pero it turned out na mali ka pala.”

Sapul na naman ako at aaminin ko, lasug-lasug na ang puso ko dahil sa mga naririnig.

“So anong gagawin ko ngayon?”

“Ikaw lang ang makakasagot d’yan, pero bago ka mag desisyon, wag mong kalimutan na gamitin ang isip at puso mo. Sa lahat ng bagay dito sa mundo masama ang sobra at kulang kaya dapat balance lang.”

“Thank you ma.”

“Here’s your order ma’am.”

Natapos ang pag uusap namin na alam ko na ang dapat kong gawin. Kapag nag kita kami ni Yuan, ay papakinggan ko na kung anong gusto nyang sabihin, ng huling mag kita kasi kami ay sinabi kong ayaw kong pag usapan ang tungkol sa kanila ni Meanne, kaya pinag pahinga ko nalang sya.

Pag uwi namin ng bahay ay nakahanda na ang mga pag kain, nag luto si Papa para sa anniversary nila ni Mama katulong si Zam kaya sa tuwa ni Mama ay niyakap nya agad si Papa, habang nakikita ko ang parents ko ay nahiling ko na sana maging ganun din kami ni Yuan, na habang tumatagal ay lalo pang tumitibay.

“Pa, may regalo sayo si mama.”

“Ano?” Usisa nya habang nakain kami.

“Alam kong matagal mo ng hiling yun, kaya lang kasi natatakot ako kaya hindi ka bumibili.” Tumayo si Mama saka inalis ang takip ng cage.

“Hamster!” Sigaw ni Zam saka nilapitan ang cage. Kitang-kita naman ang saya sa mga mata ni Papa saka walang sabing hinalikan sa labi si Mama. Napangiti ako, dahil napakaswerte ko at sila ang naging mga magulang ko, dahil kahit kailan ay hindi sila nag kulang pag dating sa pag mamahal, dahil sa kanila ay naging normal at masaya ang mga buhay namin mag kakapatid.

“Thank you, hon, I love you.” Wika ni Papa.

“You’re welcome and I love you too.”

“Mukhang nag kakasiyahan kayo dito ah!” Sigaw ng bagong dating. Napatingin kami sa pinto at nagulat sa nakita.

“Kuya Zac! You’re back!” Tili ni Zam saka lumambitin sa kapatid namin na bagong dating.

“Kuya Zac!” Sigaw ko din saka yumakap sa kanya. He’s our big brother.

“Bakit hindi ka nag pasabi na dadating ka?” Wika ni papa saka sya tinapik sa balikat.

“Welcome home anak.” Wika ni Mama saka hinalikan si kuya Zac sa pisngi.

“Syempre anniversary ng parent’s ko pwede ba naman na hindi ako umuwi.” Wika ni Kuya Zac saka ngumiti. Buo na ang anniversary ng mga magulang ko, dahil buo na rin ang pamilya namin.

 ---------

Ayan nakapag update na ako, guys, malinaw naman sana yung pinag usapan natin sa last na message ko sa inyo, hindi naman ako nag rereklamo eh, gusto ko lang na maging patas tayo dito, give and take kumbaga, Mag lalagay na rin ako ng schedule kung kailan ako mag uupdate sa mga stories ko para naman hindi nyo idahilan sa akin na hindi nyo alam kung kelan ako lalabas sa notification nyo, pero kapag nag participate kayo at nakita ko naman ang mga comments nyo mag UD ako ng sunod-sunod at mas maaga kaysa sa ibinigay kong schedule, ginawa ko naman dati yun nung active pa kayo diba. Ilalagay ko sa about me ang schedule ng mga upadates ko. Malapit na rin mag start ang story ni Lid, interconnected sya sa souryou, lahat naman ng story ko konektado eh. Thank you and I love you XDD

Please be an active reader, your comments motivates me to update faster as I could. 

Continue Reading

You'll Also Like

4M 68.6K 43
Rohan has been meaning to find the perfect distraction for him whose life is empty. After suffering the death of his ex-girlfriend, he totally lost t...
1.3M 21.4K 22
She has moved on already. Why did he have to come back? cover by: DAHSSI
296K 5K 45
She, Marionette Cosias, because she was poor, had to do everything to live. He, Seymour Montecillo, born to a rich family leaping forward in the wor...
1.3M 33.6K 40
She is a mystery I can't help but solve. -Blaze Shaun Falcon