Love Maze (Completed)

By kristineeejoo

4.1K 69 10

Si Katrine Lerioza at Kenrick Olivar ay matalik na magkaibigan simula pa noong sila ay bata pa. Lahat ng naii... More

Work of Fiction
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 9.1
Chapter 9.2
Chapter 9.3
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter 39

70 1 0
By kristineeejoo

CHAPTER THIRTY NINE


Kinabukasan, tinatamad akong bumangon. Hirap na hirap akong umalis sa kama ko. Parang gusto ko nalang matulog buong magdamag. Ang hapdi rin ng mata ko at feeling ko dahil sa kakaiyak naging singkit na ako. Haha. Hindi sana ako papasok ngayong araw pero alam kong sesermunan ako ng magaling kong nanay. Pero kahit na magaling manermon si Mama, thankful ako kasi hindi niya ako iniwang mag-isa kagabi. Sakaniya ako umiyak ng umiyak.

Kahit na tinatamad ako, bumangon na ako at nagasikaso. Ang bagal ng bawat galaw ko. Feeling ko kasi wala ng dahilan pa para maexcite ako sa bawat araw.

Kinuha ko ang aking cellphone at nagbabakasakaling may message niya pero bumagsak lalo ang balikat ko ng makitang wala. Teka, bakit ko ba chini-check kung magme-message siya sakin eh hiwalay na nga kami? Ako ang nakipaghiwalay. Nasaktan ko siya ng todo at alam kong dahil sa sakit na binigay ko sakaniya, tuluyan na siyang lalayo. Oo, masakit. Pero para naman 'to sakaniya eh. Iniisip ko lang 'yung makakabuti sakaniya. Iniisip ko 'yung mga pangarap niya. Yung mga pangarap ng magulang niya para sakaniya. Kaya kahit na masakit, tanggap ko ng magiiba ang trato niya sakin ngayon. Paniguradong kapag nagkita kami mamaya sa school, hindi na niya ako papansinin.

Bumuntong hininga nalang ako at nilapag sa side table ang cellphone ko. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso agad ng CR.

Habang nagbubuhos ng tubig sa katawan, hindi ko alam kung bakit napapaiyak na naman ako. Tanginang mata 'to, walang kasawaan sa kakaiyak. Hindi ba pwedeng isang beses lang umiyak? Bakit kailangan bawat oras iiyak?

Pagkatapos maligo at magbihis, hindi na ako nag-abala pang ayusin ang mukha ko. Kinuha ko na agad ang mga gamit ko at nagpaalam kila Mama't Papa na papasok na ng school.

"Teka, di ka pa kumakain anak." Sabi ni Papa ng makarating ako sa pinto.

"Sa school nalang po, Pa. Male-late na ko eh." Sabi ko nalang.

Ilang sandali akong tinitigan ni Mama at Papa at sabay rin silang napabuntong hininga.

"Magbaon ka nalang." Sabi ni Mama.

"Wag na po, Ma. May pera naman po ako. Sa school nalang ako bibili ng pagkain." Sagot ko.

"Wag matigas ang ulo, Katrine. Alam kong di ka bibili sa school niyo." Sabi ni Mama at dumiretso ng kusina. Napabuntong hininga nalang ako at umupo nalang ulit sa sofa para antayin ang ipapabaong kanin sakin ni Mama.

Habang inaantay ko si Mama, napansin kong nakatitig sakin si Papa. Napakunot na ang noo ko.

"B-Bakit po?" Tanong ko.

Ngumiti sakin si Papa at tinabihan ako. Inakbayan niya ako at nginitian.

"Okay lang 'yan anak. Magiging maayos din ang lahat. Magpakatatag kana lang dahil sariling disisyon mo naman ang papanindigan mo." Sabi ni Papa at pagkatapos nun ginulo ang tuktok ng buhok ko.

Magsasalita pa sana ako kaso dumating na agad si Mama na may bitbit na plastik. Inilagay niya sa bag ko ang plastik na 'yon bago sinara ang bag ko. Tumayo na ako at tipid na nginitian sila Mama't Papa.

"Sige po, alis na 'ko." Huling sambit ko bago tuluyang lumabas ng bahay. Pagkalabas ko ng bahay, tsaka ko lang narealize kung anong sinabi sakin ni Papa.

Kailangan kong magpakatatag. Sariling disisyon ko ito. Kailangan kong panindigan kung ano mang disisyon ang ginawa ko.

Kahit na alam kong malapit na akong ma-late, mas pinili ko paring maglakad nalang. Mas gusto ko kasing naglalakad kesa sumasakay. Mas nakakapag-isip ako kapag naglalakad ako.

Habang nasa kalagitnaan ng paglalakad, bigla akong napahinto ng may sasakyang humarang sa harap ko. Mabilis nag-init ang ulo ko sa driver ng sasakyang ito.

"Hoy! Makakapatay ka ng tao ng wala sa oras! Mag-ingat ka naman!" Sigaw ko at kinatok ang bintana ng kotse. Bumukas ang bintana nito at nagulat ako ng makitang nandoon sa loob si Jared at siya pa mismo ang driver ng kotseng ito.

"Ang aga aga ang init ng ulo mo. Sumakay kana nga lang." Sabi niya habang nakahawak ang kamay sa manibela.

"Anong ginagawa mo dito? At bakit may ganito kang sasakyan? Marunong ka bang mag maneho nito? Atsaka may lisensya ka ba?" Sunod sunod na tanong ko.

Tumawa ang loko ng malakas, "Ang dami mo namang tanong. Sumakay kana lang para makarating na tayo sa school."

Tinitigan ko siya ng masama. "Wag na! Baka maaga pa akong mamatay dahil sayo!"

"Edi mabuti. Sabay tayong pupunta ng langit." Sabi niya at tumawa ng malakas.

"Ikaw Jared, ang aga aga binubwisit mo 'ko. Umalis kana nga!"

"Sabay tayong aalis kaya sumakay kana."

Hindi ko nalang siya pinansin. Pinagpatuloy ko na ang paglalakad pero napansin kong sinusundan niya parin ako habang nasa loob siya ng kaniyang kotse.

Dahil sa inis ko, tinignan ko na siya ng masama.

"Tigilan mo nga ko, Jared. Mauna ka ng umalis!" Sabi ko. Magsasalita sana siya kaso may isa nanamang kotse ang dumating. Bumukas ang bintana nito at laking gulat ko ng makita si Kenrick.

"Sakin kana sumabay, Katrine." Seryosong sambit nito sakin. Lumakas ang tibok ng puso ko ng makita ang mukha niya. Halata sa itsura niya ang puyat at halata rin ang pagmumugto ng kaniyang mata. Parang kinurot ang puso ko ng makita ang itsura niya ngayon. Sobra siyang nasaktan dahil sa nangyari kagabi.

Pero tulad nga ng sabi ko, kailangan kong panindigan ang disisyon ko dahil alam kong para din ito sa ikakabuti ng future niya. At tulad nga ng sabi ng Mom niya, mga bata pa kami. Alam kong marami siyang pangarap sa buhay at ayokong maging distraction sakaniya.

Ilang segundo ko siyang tinitigan sa mata bago bumuntong hininga. Hindi ko siya pinansin bagkus ay dumiretso ako sa kotse ni Jared. Mabilis akong sumakay doon at mabilis ding sinara ang pinto.

"Paandarin mo na, Jared." Walang emosyong tugon ko. Mukhang napansin ni Jared ang pagkaseryoso ko kaya tinanguan niya ako at mabilis na pinaandar ang kaniyang kotse. Nang makalayo kami sa lugar na 'yon, doon biglang bumuhos ang luha ko. Napansin agad 'yon ni Jared kaya inabutan niya ako ng isang box na punong puno ng tissue.

Tinanggap ko 'yon, "Salamat." Sagot ko at kumuha ng tissue sa box at suminga.

Napahikbi na ako at patuloy parin ang pagbuhos ng luha ko. Hanggang sa di ko namalayang nakarating na pala kami sa school. Pinark ni Jared ang kaniyang kotse sa parking lot dito sa school at tinignan ako.

"Ayusin mo ang sarili mo. Di pwedeng pumasok ka ng ganyan ang itsura." Sabi sakin ni Jared. Tumango nalang ako at humarap sa salamin bago inayos ang mukha ko. Naglagay ako ng pulbo para di mahalatang umiyak ako.

"Okay kana?" Tanong sakin ni Jared. Tahimik akong tumango.

Narinig ko ang buntong hininga niya at tinitigan akong mabuti.

"Anong ginawa sayo ni Kenrick? Sinaktan ka ba niya? Sabihin mo lang sakin ng mabugbog ko 'yung hayop na 'yon." Seryosong sabi sakin ni Jared.

Pilit akong ngumiti, "Baliw hindi."

"Eh bakit umiiyak ngayon? Anong nangyari sainyo?"

"Wala na kami." Mabilis kong sagot.

Nanlaki ang mata niya, "Ano? Bakit ang bilis niyo namang naghiwalay? Bago pa lang 'yung relasyon niyo ah?"

Mapakla akong ngumisi, "Wala eh ganon talaga."

"Tsk, anong dahilan?"

"Ang dami mong tanong. Lumabas na tayo dito." Sabi ko nalang at nauna ng lumabas ng kotse sakaniya. Hindi ko na siya inantay pa. Naglakad na ako papunta sa building namin. Pero bago ako makarating sa building namin, naabutan na ako ng lokong si Jared.

"Grabe, ang galing mo namang mang-iwan!" Napahinto ako sa paglalakad dahil sa sinabi ni Jared. Nang mapansin niya ang inakto ko bigla siyang natigilan.

"Biro lang, hehe." Bawi niya. Inirapan ko nalang siya at pinagpatuloy na ulit ang paglalakad. Nakasunod lang sakin si Jared at hindi na siya nagtangka pa ulit na magsalita. Nang makarating kami sa corridor ng floor namin, nadatnan namin si Xiela at Evan doon.

"Uy! Hi Katrine! Hello Jared!" Bati ni Xiela samin ng makita niya kami. Tanging tango lang ang tinugon ko.

"Mukhang bad mood ah?" Puna ni Evan.

"Oo, bad mood siya kaya 'wag ka ng magsalita pa kase baka masapak ka niyan ng wala sa oras." Sabi ni Jared. Bumuntong hininga lang ako.

Kumunot ang noo ni Xiela sakin, "May problema ba, Katrine?"

Tipid akong ngumiti. "Wala hahaha. Tara pasok na tayo sa room."

Pagkatapos kong sabihin 'yon, nauna na akong maglakad kesa sakanila. Dumiretso ako ng classroom at pumunta sa aking silya. Inilapag ko ang aking bag sa upuan ko at napansin kong may tao sa gilid ko na kanina pa nakatayo kaya tinignan ko kung sino 'yon.

Si Catriona.

"Uhm, hello." Bati niya sabay ngiti. Napangiti nalang rin ako at inantay ang sunod niyang sasabihin.

"Inimbitahan ka ni Mommy sa bahay. Are you free this coming saturday?" Tanong niya.

Ilang sandali pa akong napatitig sakaniya bago sumagot.

"Hindi ko pa sure, eh. Pero sabihin ko sayo if free ako sa araw na 'yon." Sabi ko at tipid na ngumiti.

Napatango nalang din siya, "Ah ganon ba? Sige sige. Sana makapunta ka."

"Tignan natin." Sagot ko nalang. Tumango nalang ulit si Catriona at bumalik na sakaniyang silya. Tutungo sana ako sa aking desk kaso naagaw ng pansin ko ang isang lalaking papasok sa pinto ng classroom.

Blanko ang ekpresyon ng kaniyang mukha at parang walang pake sa mga taong nakapaligid sakaniya.

Tutungo na sana ulit ako kaso napansin kong may kasabay pala siya at parang biniyak ang puso ko ng makitang nakakapit ito sakaniyang braso.

Si Kenrick at si Eula, magkasabay.

Continue Reading

You'll Also Like

6.6K 478 31
•COMPLETED• Young Love Series 13: Forget Me, Not Love can risk everything and anything. The mind forgets but not the heart that once learned to lov...
Deadend By K. Mabini

General Fiction

11K 386 101
"We are each other's dead end." Hindi pa isinisilang ay nakaplano na ang lahat sa buhay ni Kristina. Mula sa pag-aaral, sa kukuning kurso, hanggang s...
83.4K 4.1K 37
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
28.6M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...