Hey!! sorry for the late update.
So from the last chapter Antonette is still alive, find out more secrets as we read this chapter. Happy reading guys....
Check out for Antonette's picture==================>
Antonette's POV
Paglabas niya sa banyo ay wala na si Lars. Kapag dumadalaw ito sa kanya ay lagi na lang itong umaalis. Napabuntung-hininga siya. Mahirap ba siyang mahalin para ayawan siya nito ng ganoon?
Umupo siya sa kanyang kama. Ilang taon rin siyang hindi nakalakad at lumabas sa ospital na iyon. Minsan lang kung dumalaw ang pamilya niya dahil nakabase na ang mga ito sa ibang bansa. Masyado siyang nalungkot ng malaman niyang hindi siya kayang mahalin ni Lars. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa ng malaman niyang ginamit lang siya nito. Niligawan lang siya nito dahil naiinggit ito kay Xander.
Oo nga pala, kumusta na kaya si Xander ngayon. Naibulong niya sa hangin. Inaasam niya na sana nakalimutan na siya nito at may mahal na sana ito. Naawa siya kay Xander ng malaman niyang mahal siya nito hindi bilang kaibigan kundi bilang isang babae. Nalungkot siya dahil hindi niya kayang suklian iyon pero sa kabila ng nalaman niya ay nanatili pa rin itong kaibigan para sa kanya. Kay Xander siya unang tumawag ng makita niyang tuluyan ng nalaglag ang anak niya bago kay Lars. Pero nasa ibang bansa ito kaya hindi nito masagot ang mga tawag niya.
Naramdaman niya ang pagbukas ng pintuan. Pumasok si Lars na may dalang kahon. Ibinigay nito sa kanya ang kahon. Pagbukas niya ay damit at sapatos ang laman niyon. Nagtatanong ang mga mata niya ng tumingin siya ulit dito.
"Aalis tayo ngayon. Alam kung hindi ka nakalabas ng ospital ng ilang taon kaya ngayong nakakalakad ka na ay pwede na tayong lumabas."sagot nito. "Bilisan mo, hihintayin na lang kita sa ibaba."
Paglabas nito ay agad siyang nagbihis. Pagbaba niya ay naghihintay na ito sa gilid ng isang kotse.
Dinala siya nito sa isang five star hotel. Pumunta sila sa deck ng hotel at nakita niya doon ang isang mesang puno ng pagkain. Inalalayan siya nitong umupo. May ibinigay pa itong isang pumpon ng bulaklak. Sinamyo niya iyon at narinig niyang sinabi nitong "HAPPY 10th ANNIVERSARY, ANTONETTE and I love you".
Napaluha siya. Matagal na siyang naghihintay na sabihin nitong mahal siya nito at ngayon natupad na ang matagal na niyang hiling. Tumayo siya at niyakap ito ng buong higpit. Nang maghiwalay sila ay pinahid ng daliri nito ang mga luha niya.
"Stop crying, baby. I know I've hurt you so much but I am willing to do everything just to ease the pain I've cause you. I'm sorry." sabi ni Lars habang hinahaplos ang mukha niya.
"No Lars. Having you beside me and knowing you love me too is enough for me. I don't wanna lose you again, please stay. And promise me, you won't leave me again."tumutulo na ang luha niya habang nakatitig sa mga mata ni Lars. Mahal na mahal niya ito at mamamatay siya kapag nawala si Lars sa buhay niya.
That night was her perfect night ever. Pagkatapos nilang kumain ni Lars ay nag star gazing sila habang yakap siya nito. Naglakad sila sa kahabaan ng Baywalk. Para silang mga teenagers na nangangarap habang nakamasid sa bilog na bilog na buwan. That night was so romantic for her and she wish that it won’t last. Sana ganun na lang sila forever.
Kinabukasan ay lumabas na siya ng ospital at umuwi sa pamilya niya. Hinatid pa siya ni Lars at doon ito natulog. They made love that night and she was so happy.
Nang magising siya kinaumagahan ay wala na ito sa tabi niya. Niyakap niya ang unan na gamit nito at hinalikan iyon. Bumalik ulit siya sa pagtulog.
May narinig siyang katok sa may pinto kaya napilitan siyang magbihis at lumabas ng kwarto. Nakita niya ang bunsong kapatid niya na dala ang pagkain niya.
“Ate, sabi ni Kuya Lars, dalhan daw kita ng pagkain dito. Ang tagal mong magising, Ate. Pinagod ka ba ni Kuya Lars kagabi?”tanong nito sa kanya. Pinalo niya ito sa balikat.
“Wait, matatapon yung pagkain.”natatawang iwas nito. “Andyan pa si Kuya Lars sa baba kausap si Papa. At saka Ate, siya ang naghanda ng pagkain mo.”
Napangiti siya at nagsimula ng kumain. Pagkatapos niyang kumain ay bumaba siya agad at nakita nga niya si Lars na kausap ang papa niya.
“Hi,”bati niya dito. “Good afternoon.” Tumango lang ito sa kanya.
“Good afternoon,”ganti nito. Lumapit siya sa papa niya at hinalikan ito sa pisngi. Kay Lars siya tumabi ng upo at nakisali sa usapan ng mga ito. Parehong arkitekto ang papa niya at si Lars kaya magkasundo ang mga ito.
Kinahapunan ay umuwi na sa bahay nito si Lars. Masaya siyang talaga kaya nayakap niya ang papa niya at umiyak sa balikat nito.
“Oh, princess, you’ll ruin my shirt. May lakad pa ako ngayon.” Natawa siya kaya lumayo siya sa papa niya.
Nang araw na iyon ay nag-usap silang magkakapatid sa salas. May sinabi ito sa kanya na ikinagulat niya.
“Buhay pa ang totoong papa ni Kuya Lars, Ate,”sabi ng bunso nila.
Nagulat siya dahil wala namang binabanggit sa kanya si Lars. Sinabi pa nitong may bibilhing property ang papa ni Lars at ito ang nautusang kumausap sa may-ari.
“At saka Ate, wag ka mabibigla ha, si Kuya Lars, nagpakasal sa isang Lara Buenavidez.”sabi pa nito na parang patalim na tumarak sa kanyang puso. Agad na tumulo ang luha niya. Ito na naman siya, umaasa tapos bigla na lang ulit masasaktan.
“Pero, anak hintayin mo munang magpaliwanag si Lars sa iyo dahil alam kung may paliwanag siya para sa lahat ng ito. Ang papa mo marahil ay alam ang nangyayari kay Lars ngayon dahil sila ang madalas mag-usap sa telepono noong nasa Canada kami.” Ang sabi ng Mama niya.
Umuwi ang mga ito ng tumawag siyang nakakalakad na siya. Their staying there for three months to visit her and have time with her. Ayaw niyang sumama sa mga ito pabalik ng Canada dahil kay Lars.
May nabuhay na pag-asa sa dibdib niya ng marinig iyon. Hahayaan na lang niya si Lars na sabihin sa kanya ang mga nangyayari sa paligid. She trust him enough.
Isang linggo muna ang nagdaan bago dumalaw si Lars sa bahay nila at agad niya itong tinanong.
“I’m sorry, Antonette. Yes, I married Lara pero peke ang lahat ng iyon. Walang namagitan sa amin kasi kinuha agad siya ni Xander sa gabi ng kasal namin.”sabi nito.
Napaawang ang labi niya ng malamang si Xander ang kumuha sa asawa nito.
Paano nagawa ni Xander iyon?
“Buhay pa ang totoo kong papa Antonette and no one knows about it except you and your father. Xander doesn’t know about it but I don’t know if I can still hide this. Gusto ni Papa Emil na bilhin ko ang property nila Lara para patayuan ng isang casino. Hawak ako sa leeg ni Papa, Antonette. Hindi ko alam kung saan ako lulugar kapag nandyan siya sa paligid. Para akong asong sumusunod sa lahat ng gusto niya. Hindi anak ang turing niya sa akin. He want me to do those things para hindi siya makulong once I’ll be caught.”pagpapatuloy nito.
Naawa siya kay Lars. Ganoon ba kalupit ang buhay nito kaya siya naging malupit din?
“Isa pa, my father is delivering drugs here in the Philippines.”
Doon napaawang ang mga labi niya. Hindi siya makapaniwala na halang ang kaluluwa ng ama ng lalaking mahal niya. Nakita niyang tumulo nag luha ni Lars. Niyakap niya ito.
“Naiintindihan kita, Lars. I’m always here beside you. I love you.”sabi niya at niyakap ito.
“Now, he is very angry with me, dahil naunahan ako ni Xander na bilhin ang lupa nila Lara. Nagalit si papa dahil nasira na ang plano niya. Lahat daw ng plano niya ay tapos na at nasira ko pa. Natatakot ako para sa pamilya ni Lara, Antonette. Alam ko kung ano ang pwedeng gawin ni Papa sa kanila. Galit na galit si Papa at hindi ko alam kung saan pa nanggagaling ang galit niya dahil parang hindi lang issue para sa kanya ang pagkawala ng property kundi may iba pa siyang rason para magalit sa pamilya nila Lara. Hindi ko alam kung ano iyon.”
Napaisip siya.
Bakit nga ba magagalit ang papa ni Lars sa pamilya ni Lara? Tama si Lars, maaaring may iba pang dahilan kung bakit galit ang papa ni Lars sa mga Buenavidez.
Author’s note:
I will include Lars’ father’s POV here. So wag po kayong malilito. Ito yung dahilan kung bakit gustong bilhin at sirain ng papa ni Lars ang Buenavidez. So here it is…….
Emil’s POV
Noong una ay inakala niyang makukuha nga ni Lars ang lupang iyon pero nagkamali siya. His son is a jerk. Naagawan pa ito samantalang kasal na nga sila ng babaing iyon. Naghanap siya ng paraan para makuha nito ang babae pero parang kinakasihan ng tadhana ang babaing iyon. Nakahanap pa ito ng tagapagligtas sa katauhan ni Xander. Napailing siya. Talagang mana si Xander sa ama nito. Laging pa-heroic effect sa lahat ng pagkakataon. Naalala niya ang aksidenteng nangyari ilang taon na ang nakakalipas.
“Kung pumayag ka lang sana noong una pa lang Zandro, hindi ka sana mapapahamak.” Naibulong niya sa hangin.
Sabihin ng masama siyang tao pero wala siyang pakialam. Basta’t masaya siya sa ginagawa niya ay okay lang. Hindi niya sinisisi ang anak kung bakit namatay ang asawa at nag-iisa niyang anak dahil sa aksidente.
Talagang ayaw lang niya kay Lars dahil anak ito ni Amanda kay Zandro. Napatawa siya. Nagawa niyang pag-awayin ang magkapatid na Xander at Lars. Ang tanga niyang anak-anakan ay sumunod naman sa lahat ng gusto niya makamit lang ang pagmamahal ng isang ama na alam niyang kahit kailan ay hindi nito mararamdaman mula sa kanya.
Oo nga pala, bakit kasama ang Buenavidez, iyon ay dahil adopted siya ng lolo ni Lara. Dati siyang nakatira sa bahay ng mga ito noong kabinataan niya. Pero dahil sa muntikan na niyang magahasa si Leona, ang kapatid ni Alberto ay pinalayas siya ng matandang Buenavidez. Mula noon ay sumama siya sa mga pusher para kumita ng pera.
Doon niya nakilala si Amanda, ang bestfriend ng police na si Zandro. Alam niyang mapapahamak siya dahil minahal niya si Amanda. Ginawa niya ang lahat para dito pero alam niyang hindi sasapat iyon dahil mahal ni Amanda ang kaibigan nitong police.
Nagalit siya at nagwala. Pero isang araw ay lumapit si Amanda sa kanya at sinabing buntis ito at hindi siya pwedeng panagutan ni Zandro dahil buntis din noon ang nobya ni Zandro. Nalito siya kung paano nangyari iyon. Kinuwento ni Amanda sa kanya ang pangyayari. Inakit lang nito si Zandro ng malasing ito minsan at doon may nangyari sa kanila. Kinabukasan ay agad siyang umalis para hindi daw nito mahalata. Hindi daw nito akalain na magbubunga ang isang gabing iyon.
He took the chance para makasama ang babaing pinakamamahal niya at pinakasalan niya ito. Akala niya noong una ay kaya niyang sikmurain na angkinin ang hindi kanya pero nagkamali siya.
Naging magkaibigan sila ni Zandro. Kinailangan niya itong maging kaibigan para naman mapagtakpan siya nito sa mga ginagawa niya pero ng minsang makita siya nito ay nagsumbong ito.
Nag-usap sila pero ayaw nitong baliin ang sinumpaang tungkulin kaya siya na ang gumawa ng paraan para mawala ito sa kanyang landas. Naaksidente ito at ang buong pamilya. Sinuwerte si Xander dahil nabuhay ito.
Pero talagang totoo ang karma. Ilang buwan ang dumaan at ang mag-iina naman niya ang nadisgrasya. Akala niya ay makakaligtas pa ang mga ito pero hindi na. Ang pinalad na makaligtas ay ang anak ni Zandro na si Lars. Galit na galit siya noon kaya halos mapatay niya ang bata sa bugbog sa tuwing may nagagawa itong kasalanan. Hanggang sa lumayas ito sa bahay niya at ilang taon siyang walang balita.
Kung hindi niya ito nakita sa isang dyaryo noon ng lumaban ito sa isang swimming contest ay hindi niya malalaman na ang hacienderong kapatid ni Zandro pala ang nakapulot sa anak niyang hilaw.
Kinontak niya ito at humingi ng tawad. Naisip niya magagamit niya ito sa paghihiganti sa magkabilang panig. Kay Alberto, sa pamamagitan ng anak nitong si Lara at sa lupa ng mga ito na mayroon din naman siyang karapatan.
“Huh! Hindi ko pa pala nababanggit na anak ako sa labas ni Alberto Sr. Kaya may bahagi at karapatan ako sa lupang iyon.” Naibulong niya sa hangin habang iniikot ang laman ng kopitang hawak niya.
At kay Zandro sa pamamagitan ng dalawang anak niya. Wala talagang naidudulot na mabuti ang pag-asam ng pera. At kahit ang inggit. Katulad ni Lars, naiinggit ito sa sariling kapatid.
“Tsk, tsk, tsk, kawawang bata.” Napangiti siya.
Kinuha niya ang isang litrato ng isang magandang babae. Ito ang kanyang ina. Hinaplos niya ang mukha nito.
Hostess lang ito at nabuntisan ng isang mayamang Alberto Buenavidez. Hindi nito kayang panagutan ang ina niya dahil hostess lang ito at ikinahihiya nito ang kanyang ina. Noong nasa apat na taong gulang siya ay namatay sa TB ang kanyang ina kaya napilitan siyang lumapit sa ama sa pakiusap na rin ng ina bago ito mamatay. Pitong taong gulang na siya ng makiusap siya dito na kupkupin na lang siya.
Tinanggap naman siya nito pero adopted ang pakilala nito sa kanya. Lumaki siya na kinaiinggitan ang lahat ng bagay kay Alberto Jr. Una ay ang pangalan nito dahil inasam niya na sana siya ang junior dahil panganay siya. Ang atensiyong binibigay dito ng pamilya at ang lahat ng meron ito. Maagang namatay ang mama ni Alberto Jr. kaya nagdesisyon ang papa nila na umampon ng isa pang batang babae. Iyon ay si Leona.
Maganda si Leona lalo na ng magdalaga na ito. Noong seventeen years old siya ay kasama na siya sa mga drug addict sa lungsod ng Maynila. Isang gabi ng umuwi siya ay nakita niya si Leona na natutulog sa sofa. Naakit siya dito kaya hinalikan niya ito. Agad itong sumigaw na nagpagising sa buong kabahayan. Plano na pala ni Leona iyon dahil akala nito ay ipapakasal ito sa kanya pero iba ang nangyari. Nagalit sa kanya ang ama niya dahil he was disgrace in the family daw. Hindi niya matanggap na sa pangalawang pagkakataon ay itatakwil ulit siya nito.
Humingi ng tawad sa kanya si Leona at ninais nitong sumama sa kanya pero umiling siya. Umalis siya sa mansiyong iyon at nangako siyang babalik at babawiin ang pwedeng maging kanya.
Alam niyang buhay pa din ang matandang Alberto kaya pwede na sana niyang ipamukha dito na kaya niyang kunin ang lahat kasama na ang candy factory na pinalago ni Alberto Jr.
Masama siya, oo naman. Pero hahayaan niya ang lahat ng tao na isipin ang gusto nilang isipin. Basta gusto niyang malaman ng totoo niyang ama na buhay pa siya at mas di-hamak na mas mayaman pa kaysa dito.
Kulang na lang ang lupang iyon para makumpleto ang paghihiganti niya. Hahanap pa rin siya ng paraan para makuha iyon. Alam niyang hindi na niya maaasahan sa ngayon si Lars pero balang-araw kakailanganin niya rin ito.
Tinapos na niya ang iniinom at tumayo na mula sa pagkakaupo.
“Halika na, Gaston. Pumunta tayo ng sementeryo at dadalawin ko lang ang puntod ni Inay.” Utos niya sa kanyang driver. Nasa Cebu siya ngayon. Ito ang bayang pinagmulan ng kanyang ina. Dito siya lumaki at nagkaisip.
Nakarating sila sa sementeryo at pinagtirik niya ng kandila ang kanyang ina.
Ito na ako ‘nay. Alam kong sa maling paraan ko nakamit ang pera at ginhawang ito. Pero wala akong pinagsisisihan doon. Sana mapatawad niyo ako ng bumitaw ako sa totoo kung ama. Alam kong hindi iyon ang gusto niyo. Hayaan niyo akong gawin ang paghihiganti ko para sa inyo ‘nay. Sayang wala na kayo, sana nalalasap niyo ang ginhawang ito.
Naalala niya ang itsura ng ina niya noong nagkasakit ito. Maputla at ang dating maganda nitong mukha ay wala ng kulay. Pati ang kislap sa mata nito ay napalitan ng kalungkutan. Nakita niya ang paghihirap na dinanas ng nanay niya. Nakakuyom lang ang palad niya noon sa tuwing inaatake ito ng ubo sa gitna ng gabi.
Bago ito pumanaw ay nagawa pa nitong makiusap sa kanya na hanapin niya ang ama niya. Hindi niya sana susundin iyon pero mahal niya ang nanay niya kaya sinunod niya ito kahit sa huling kahilingan nito. Tiyempo namang nagkaroon ng business meeting ang ama niya sa Cebu at nakita niya ito. Isang litrato lang ang basehan niya para makilala ito at iyon ay bigay ng nanay niya sa kanya.
Kinapa niya ang lumang pitaka niya na lagi niyang dala saan man siya magpunta. Hinaplos niya ang pinaglumaan ng litrato doon. Nakakuyom ang palad at tinitigan iyon ng matiim.
Oh my gosh!!!!
"Totoo palang masakit ang katotohanan". Para iyon kay Lars at Xander.
Ano kaya ang reaksiyon ni Lars kapag nalamang magkapatid sila ni Xander? Eh si Lara kaya kapag nalamang uncle niya si Emil?
This is so exciting guys!!! JJ
Comment for more UD’s and please vote,.. thanks!!