Love Maze (Completed)

Oleh kristineeejoo

4.1K 69 10

Si Katrine Lerioza at Kenrick Olivar ay matalik na magkaibigan simula pa noong sila ay bata pa. Lahat ng naii... Lebih Banyak

Work of Fiction
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 9.1
Chapter 9.2
Chapter 9.3
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter 38

58 1 0
Oleh kristineeejoo

CHAPTER THIRTY EIGHT


Gabi na at madilim na ang buong paligid. Naglalakad kaming dalawa ni Kenrick papunta sa bahay namin. Ihahatid niya na daw ako dahil baka mapahamak pa ako sa daan. Gusto pa nga sana niyang magkotse kami para mabilis pero sabi ko maglakad nalang kami. Gusto ko kasing makasama siya ng matagal ngayon.

Nanatili akong tahimik habang naglalakad kami. Magkasiklop ang mga daliri naming dalawa at tanging sa mga anino lang namin nakatutok ang aming mga mata.

"Katrine..." Lumakas ang tibok ng puso ko ng bigla niyang tawagin ang aking pangalan. Hindi parin talaga mawawala 'tong nararamdaman ko para sakaniya. Isang tawag niya palang sa pangalan ko, natataranta na 'yung puso ko.

Tinignan ko siya, "B-Bakit?"

Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto narin ako. Hinarap niya ako at hinawakan sa magkabilang balikat.

"Pwede bang mangako ka sakin?" Sambit niya. Kumunot naman ang noo ko. "Mangako kang kahit na anong mangyari, hindi ka makikipaghiwalay sakin?"

Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi agad ako nakapagsalita. Nangilid ang luha sa aking mata. Paano ko mapapangako sakaniya 'yon kung iyon 'yung disisyon na gagawin ko? Paano pa ako mangangako?

Ang hirap ng sitwasyon. Gusto kong maging selfish at 'wag makipaghiwalay sa taong mahal ko pero ayoko rin namang siyang pagkaitan ng makakabuti sakaniya. Ayokong mahirapan pa siya. Ang dami naming pangarap sa buhay. At sa tingin ko tama ang disisyon kong hiwalayan siya. Hindi na niya ako iisipin at makakaalis na siya ng bansa at mamumuhay ng maganda.

"Katrine?" Nataranta siya ng makita ang luha ko. "M-May problema ba?"

"K-Kenrick..." Nagtuloy tuloy ang buhos ng luha ko at feeling ko nanghihina ako. Pero hindi dapat ako maging mahina ngayon. Kailangan kong maging malakas at panindigan ang disisyong gagawin ko. Para 'to sa ikakabuti niya. Sa ikakabuti naming dalawa.

"Kenrick... I'm sorry." Hindi siya nakapagsalita dahil sa sinabi ko. Natulala siya sa mukha ko at nagsisimula ng maguluhan.

"I'm sorry, Kenrick. Sana mapatawad mo 'ko." Pinilit kong hindi mapiyok kahit na tuloy tuloy ang pag-agos ng aking luha.

Wala sa sariling natawa siya, "A-Ano bang sinasabi mo? Bakit ka nagsosorry sakin?"

Napayuko ako at huminga ng malalim bago ulit siya tinignan.

"Hindi ko magagawa ang gusto mo. Hindi ko na maipapangako ang gusto mo dahil ngayon gusto ko ng makipaghiwalay sayo." Diretsong sambit ko. Ang dalawang kamay niyang nakahawak sa aking balikat ay bumagsak.

Parang may sumaksak sa puso ko ng makita ang mga mata niyang punong puno ng sakit. Natulala siya sakin at hindi makapaniwala sa sinabi ko.

Ilang sandali siyang natahimik bago umiling iling at lumapit sakin. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. Napaatras ako at ilang butil nanaman ng luha ang bumuhos sa aking mata.

"K-Katrine... nagbibiro ka lang diba? Prank lang 'to diba?"

Umiling ako. "Hindi ako nagbibiro, Kenrick. Ayoko na. Tapusin na natin 'to."

Mas lalong kumirot ang puso ko ng makitang bumuhos ang luha niya. Humigpit ang hawak niya sa aking kamay at parang ayaw na itong bitawan.

"Katrine... 'wag ganito... please.. pag-usapan natin 'to." Pumiyok ang boses niya at basang basa na ng luha ang pisngi niya.

Ang sakit makita siyang ganyan pero kailangan kong magpakatatag. Kailangan kong gawin 'to para sakaniya. Hindi madali pero alam kong makakaya namin itong dalawa. Makakaya niyang lampasan ito at makakamit niya ang mga gustong niyang marating sa buhay ng hindi ako kasama. Ng hindi ako ang laging nasa isip niya.

"Tigilan na natin 'to, Kenrick. Ayoko na. Maghiwalay na tayo." Sabi ko at pinilit na bawiin sakaniya ang kamay ko ngunit ayaw niya itong bitawan. Umatras na ako ng ilang beses pero lumalapit parin siya sakin.

"Ano bang dahilan at makikipaghiwalay ka?" Matigas na tugon niya. Hindi ako nakapagsalita. Ayokong sabihin sakaniya ang tunay na dahilan dahil baka magalit siya sa mga magulang niya. Ayokong masira pa siya pati sa mga magulang niya.

"Pagod na 'ko sa relasyon na 'to." Kahit na hindi ito ang totoong dahilan, ito nalang ang sinabi ko para tuluyan na niya akong hiwalayan.

Wala sa sarili siyang tumawa at hinilamos ang dalawang palad sakaniyang mukha dahil sa sobrang frustration na nararamdaman.

"So kapag napagod kailangan sumuko?" Seryosong tanong niya dahilan para ikatigil ko. "You know, Katrine? Hindi ako naniniwalang pagod kana sa relasyon na 'to dahil wala naman akong nakikitang mali sa relasyon natin. Wala tayong problema. Masaya tayo. Pero bakit ganito? Ikaw ang gumagawa ng problema natin!"

"Kasalanan ko bang napagod ako? Kasalanan ko bang nagsawa na ko sayo?" Sagot ko dahilan para umawang ang labi niya.

"Nagsawa?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Halatang sobra siyang nasaktan sa salitang binitawan ko. I'm sorry, Kenrick. I'm sorry pero kailangan ko lang talagang sabihin 'yon. Kailangan.

"Narinig mo naman diba?" Sagot ko at iniwas ang tingin sakaniya.

"Makikipaghiwalay ka kasi napagod at nagsawa ka? That's bullshit, Katrine!" Nagulat ako sa biglang pagsigaw niya. "Fuck! Napakawalang kwenta niyang dahilan mo! Hindi ako naniniwalang nagsasawa kana sakin! Hindi ako naniniwala dahil alam kong mahal mo ako! Mahal mo ako, Katrine!"

May tumulong luha sa mata ko, "Nawawala ang pagmamahal kapag nagsasawa. Tandaan mo 'yan, Kenrick—"

"Tangina." Pagmumura niya. "Ano bang ginawa ko at nagsawa ka? Ang pangit ko ba? Hindi pa ba sapat 'yung yaman ko para sayo? Hindi ba ako masarap humalik tulad ng ibang lalaki? Sabihin mo, ano bang ginawa ko at nagsawa ka?!"

Parang sinaksak ng paulit ulit ang puso ko sa mga salitang binitawan niya. Sobrang sakit. Puta. Masakit pero deserve ko 'to kasi sinaktan ko siya. Alam kong mas masakit pa ang dinaranas niya ngayon kaysa sakin. Kaya wala akong karapatan na magreklamo sa lahat ng mga sinasabi niya sakin.

"Hindi mo pwedeng gawin sakin 'to, Katrine. Tayong dalawa ang nasa relasyon na 'to kaya may karapatan din akong magdisisyon. Ayoko ng hiwalay. Ayoko." Matigas na tugon niya kahit na may luha paring bumubuhos sakaniyang mata.

Napasinghap ako. "Kenrick, parang awa mo na! Ayoko na!"

"Sige, kung iyan ang disisyon mo edi okay! Pero para sakin, hindi pa tayo hiwalay. At kahit kailan hinding hindi mangyayari 'yon." Huling sambit niya bago naunang maglakad.

"Kenrick!" Sinundan ko siya. "Tumigil kana, please! Parehas lang tayong mahihirapan kapag pinagpatuloy pa natin 'to! Ayoko na, Kenrick. Please."

Hindi siya nagsalita, patuloy parin siyang naglalakad hanggang sa matamaan ko ang bahay namin. Nang makarating na kami sa pinto ng bahay namin, hinarap niya ako.

"Pumasok kana." Malamig na tugon niya. Hindi ako nagsalita. Nanatili akong nakatayo sa harap niya.

"Pumasok kana sa bahay niyo, Katrine." Paguulit niya.

"Hindi ako papasok hanggat di ka nakikipaghiwalay sakin." Matigas na tugon ko. Nag-igting ang panga niya sa sinabi ko.

"Kahit pa anong sabihin mo, hindi ako makikipaghiwalay sayo."

Napahilamos na ako sa aking mukha. "Kenrick, ano ba?! Ayoko na sabi eh! Bakit ba ang kulit kulit mo? Ayoko na nga! Tigilan na natin 'tong relasyon natin! Mas mabuti pang umalis kana dahil ayaw na kitang makita kahit kailan!"

Hindi siya nakapagsalita dahil sa sinabi ko. Nanatili siyang nakatitig sakin at halatang sobrang nasaktan sa sinabi ko.

"Okay lang. Kung ayaw mo kong makita, sige, hindi ako magpapakita. Pero hindi ibig sabihin nun, hiwalay na tayo. Tayo parin, Katrine. Hindi tayo pwedeng maghiwalay. Mahal natin ang isa't isa. At sapat na sakin ang salitang mahal para mapatibay ang relasyon natin hanggang dulo." Sagot niya sakin.

"Please, Kenrick. Ako na ang nagmamakaawa sayo. Ayoko na. Itigil mo na 'to. Pagod na ko. Ayoko na."

"Sabihin na nating pagod ka, sabihin na nating nagsasawa kana, sabihin na nating ayaw mo na, pero hangga't kaya ko pa, hindi ako titigil. Okay lang kung pagod ka, okay lang kung nagsasawa kana, okay lang kung ayaw mo na. Pero gagawin ko ang lahat para maibalik natin 'yung dating saya. Maniwala ka sakin, Katrine. Hangga't mahal pa kita, hinding hindi ko isusuko 'tong relasyon natin." Dahil sa sinabi niya, hindi na ako nakapagsalita pa.

Sa kabila ng mga nangyayari ngayon, mas lalo pa akong nahuhulog sa lalaking 'to. Mas lalo ko siyang hinangaan. Grabe siya magmahal. Grabe siya lumaban kapag ang mahal niya ang pinaguusapan. I really love him and I think I don't deserve him. Puro pagmamahal lang ang binibigay niya habang ako, patuloy lang siyang sinasaktan.

"Magpahinga kana, Katrine. Goodnight. Iloveyou." Huling sambit ni Kenrick bago tuluyang umalis sa harap ko. Biglang nanginig ang tuhod ko at wala sa sariling napaupo nalang ako sa sahig. Bumuhos ang luha sa aking mata.

Tama naman ang disisyon ko diba? Para naman sa ikabubuti ni Kenrick ang ginawa ko. Para naman 'to sakaniya. Siguro kapag naging okay na ang lahat at nalaman niya ang totoo, maiintindihan rin niya.

Napaangat ang tingin ko sa pinto ng aming bahay ng bigla itong bumukas. Nagulat si Mama ng makita akong nakasalampak sa sahig. Mabilis niya akong dinaluhan.

"Anong nangyari sayo anak?" Nagaalalang tanong ni Mama sakin. Nang makalapit sakin si Mama, wala sa sariling niyakap ko siya. Niyakap ko siya at doon ako napahagulhol ng iyak.

Natahimik si Mama at wala siyang ibang ginawa kundi hagurin nalang ang likod ko at patahanin.

"N-Napakasama ko, Mama." Tugon ko habang patuloy na umiiyak.

"Anong nangyari, anak? Bakit ka umiiyak? Sinong nanakit sayo?"

"M-Mali ka, Mama. Ako 'yung nanakit. Sinaktan ko 'yung taong mahal ko. Napakasama ko." Sagot ko.

Hinaplos ni Mama ang buhok ko, "Hindi ka masama. Anak kita at kilalang kilala kita. Alam kong may dahilan ka kaya mo nagawa ang bagay na 'yan. 'Wag mong sisihin ang sarili mo. Magiging okay rin ang lahat, anak."

Dahil sa sinabi ni Mama, medyo gumaan ang pakiramdam ko. Ang mga magulang mo lang talaga ang makakaintindi ng nararamdaman mo. Kahit na ano pa ang ginawa mo, sila ang nanjan para intindihin ka. Sila ang gagabay sayo.

"S-Salamat po, Mama."

"Heartbreak lang 'yan, si Katrine ka. Kayang kaya mong lampasan 'yan." Napangiti ako sa sinabi ni Mama.

"Sana nga po malampasan naming dalawa ang problemang ito."

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

24.6K 1.3K 31
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
373M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
2.8M 53.8K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
36.1K 1.1K 32
Chasing Series #1 Margaret Del Veron is a happy and naughty girl. One day they just moved to an expensive village a boy caught her attention and wh...