PANSAMANTALA (ViceJack)

By muddy_maddie

19.1K 560 445

Pansamantala..in english, temporarily. Hanggang kailan mo ililihim yung pagmamahal mo? Hanggang kailan mo tit... More

Capítulo Uno - SaBarTho(Sabado)
Capítulo Dos - Breakfast
Capítulo Tres - Love Yourself
Capítulo Cuatro - ICE CREAM!!!
Capítulo Cinco - Hatid, sundo
Capítulo Seis - Better Now
Capítulo Siete - Better Now 2
Capítulo Ocho - Real Quick
Capítulo Nueve - What Makes Us Comfortable
Capítulo Diez - Stars and Manhattan
Capítulo Once - Hers
Capítulo Doce - Joms(sounds familiar)
Capítulo Trece - This is Home
Capítulo Catorce - Chapel on the Top of the Hill
Capítulo Quince - Struggle is Real
Capítulo Dieciséis - HAPPY BIRTHDAY!
Capítulo Diecisiete - Love..
Capítulo Dieciotcho - Intensity 1
Capítulo Diecinueve - Thinking, talking, staying
Capítulo Veinte - Utak at Puso
Capítulo Veintiuno - Real JM
Capítulo Veintidos - Gift & Revelations
Capítulo Veintitrés - Choices
Capítulo Veinticuatro - Heartbeats
Capítulo Veinticinco - Gusto mo?
Capítulo Veintiséis - Tensionado
Capítulo Veintisiete- Bakasyooown
Capítulo Veinti----
Capítulo Veintiocho - Conquer Your Fears
Capítulo Treinta - Baka Shown Part II
Capítulo Treinta-- - Vices
Capįtulo Treinta Y Uno - Cant Fight This Feeling
Capítulo Treinta Y Dos - Black
Capítulo Treinta Y Tres - Pansamantala
Capítulo Treinta Y Cuatro - Pansamantala Ulit
Capítulo Treinta Y Cinco - Pansamantala paulit-ulit
Capítulo Treinta Y Seiz - Pansamantagal
Capítulo Treinta Y Seite - Wake Up.
Not An Update
Capítulo Treinta Y Otcho - Magic!
Capítulo Treinta Y Nueve - Reason
Capítulo Cuarenta - Bounce Back
Capítulo Cuarenta Y Uno - Personal Choice.
Capítulo Cuarenta Y Dos - Kid
Capítulo Cuareinta Y Cuatro - Instead

Capítulo Cuarenta Y Tres - Color Me Shocked

99 8 16
By muddy_maddie

Nang matapos ang pagtutuos namin ng sarili ko sa presentation na 'yon, sariling kaba ko lang pala nagpahirap sa akin. Dumaan muna ko sa mabibilhan ng pizza at ice cream para sa opisina. Matuwa man lang sila sa project na 'to. Pero alam ko kakabahan muna sila dahil sa pinaggagagawa ni Vhong na kapag may ipaparush siya lagi nyang tinitreatmuna yung mga tao. Alam na alam na nila yung ganong style ng boss nila.

"Omg sir!" Muntik ko pang mabitawan ang mga bitbit ko sa gulat dahil sa lakas ng boses nung admin namin.

Agad agad naman nya kong tinulungan sa dala ko. Palagay ko lahat ng mata ay nakaabang na kapag pumasok na ko sa studio, may harang kasi ang admin at studio ng pader na may logo ng company kaya't hindi nila agad nakikita ang dumarating na tao.

Hinayaan ko muna na yung admin ang kumuha ng mga hawak ko at naupo ako sa waiting bean bag dito.

Feeling ko mas napagod ako sa byahe at pag akyat ng mga pagkain.

"Kumusta? Maraming pinabago? Ano sabi? Kelan daw nila gusto makita revision?" Mas napagod yata ako sa pagtatanong ni Vhong na walang hinto. Epekto yata ng kape na hawak niya. Akala mo chill lang sa malayo dahil sa tindig niya pero kabang kaba naman.

Pumikit na muna ko at tumagilid di ko na muna siya pinansin, parang gusto ko matulog dito.

"Huy.. ano sabi?" May pagsipa pa niyang tanong.

Palibhasa di nakilita ng empleyado kaya malakas loob manakit.

"Walang sinabi."

Natawa naman ako nung mapasapo siya sa noo. Parang malulugi na sya e. Hahaha. Malaking client kasi yung project.

Hinayaan ko muna sya magmukmok doon.

Nawalan na ko ng gana matulog. Nakisama na lang ako sa mga tao na di pa pala kinakain yung dala ko.

"O bakit di pa kayo kumain? Lalamig yung pagkain. Malulusaw yung ice cream."

"Guys kain na.." sabi naman ni Lein, pinakaunang admin namin. Talagang pinangunahan nya na magscoop at maglagay sa platito sabay balik sa station nya para magtrabaho. Naglalakad pa siyang may kutsara sa bibig. Ang cute lang. Mukhang keychain na baby steps para hindi matapon yung dala niya.

"Puro ka trabaho, Lein." Sabi ko pa at sinundan siya sa station nila.

"Ang daming kailangan sir for billing. Nag-email pa yung katatapos nyo lang na presentation. Dd agad? Ang tulin mo naman napasagot nun."

"Oh!? Nag-email agad? Ang dami nga nilang pera no? Sana lahat nagkukusa."

"Dd na!?" Malakas na sabi ni Vhong na napatayo sa kinauupuan niya kanina.

"Akala ko ba..walang sinabi?"

"Wala nga. Wala namang comment e. Kaya sabi ko walang sinabi."

"Woooaaaahhooooaaaah!!!" Sigawan yung mga tao sa studio. Pagtingin namin ay nagliliparan yung mga papel.

Kala mo ba may graduation sa tuwa nila.

Napatalon pa sa tuwa si Vhong. Parang bata.

"Kaya bumili na ko ng pagkain para early celebration. Alam kong puyat na puyat sila sa project na yun."

Wala pang ilang saglit ay pinagkaguluhan na yung pagkaing dala ko na kanina ay walang pumapansin.

"Kinikilig ako brad! Hahaha! Libre kita mamaya ng sa bar mo."

"Bar ko talaga? Salamat ha? Ang supportive."

"Kami na lang sir Vhong!"
"Paparty ka na Sir! Di ba sabi mo.."

Kantyaw pa ng mga tao

"Ay oo nga pala marami pa pala kong gagawin. Kain lang kayo ha? Pakabusog. Thanks guys." Kunwari pa syang iiwas sa libre, pero kapag ganyan siya nagbibiro lang yan.

"Corny mo sir." Sabi pa nung isa.

Napailing na lang ako. Ganun na talaga kapag tropa mo yung nagtatrabaho sa company. Alam kung kelan ka mabibiro. Hindi tulad nung.. nevermind.

Nakigulo na rin ako sa pagkain at kwentuhan nila. Pati na rin si Vhong na umiiwas pa kanina. Hahaha.

"O sya brad.. see you later? Sa bar?" Paalam ko dahil naalala ko ay may kailangan nga pala ko kausapin.

"Oo, akong bahala. Libre mo di ba?" Yabang pa niyang sabi.

"Oo. Libre MO." Pagdiin ko pang sabi.

"Mamaya ha? Walang mawawala."
Paalam ko muli. Nakakatuwa lang na yung iba na hindi umiinom ay natuto na rin.

"Bye admins! See you later!"

"Bye sir! Pakiss!" Sabi pa ni Lein nang makalabas na ko ng pinto.

"Siraulo. May asawa ka na." Sagot ko pa na nakasilip sa pintuan para marinig niya iyon.

Medyo maaga pa pero tumuloy na rin ako sa cafe. Makatulong na lang kay Troy kung wala pa yung kakausapin ko, o dapat ko bang sabihin na kakausapin daw ako.

Same place, same time. Iyon yung naalala ko. Pero same spot? Dahil ngayon ay natatanaw ko na mula sa sasakyan ko pagkapark sa tapat mismo. Same spot. Nandoon na siya, pinaglalaruan ang mga daliri.

Pagpasok ko ay tumunog ang wind chime. Di ko alam pero tuwing papasok ako rito ay gustong gusto ko pinanonood ang pagtama nila at paggawa ng tunog. Sadyang nakakaamaze lang.

Ilang segundo lang naman iyon. Dumeretso muna ko sa counter bumati rin si Troy.

Ramdam kong may nakatingin sa akin. Ramdam nyo 'yon, yung tipong parang may sumusunod sa inyo kapag naglalakad. Same feels.

Pumasok ako sa kitchen. Naghugas ng kamay. Pumasok din si Troy may hinahanap.

"Kanina pa sya?" Tanong ko habang nagpupunas ng mga kamay.

"Yung babae kahapon boss?"

"Oo. Kanina pa nakaupo roon?"

"Medyo lang boss." Sagot niya at tumango na ko hudyat na maaari na syang lumabas bitbit yung hinahanap nya kanina.

Huminga muna ko nang malalim, nag-ipon ng hindi ko alam.

Pagkabukas ko ng pinto ay nakita kong lumingon siya sa akin. Agad din namang yumuko at tinignan nya ang hawak nyang phone.

"Kumain ka na?" Tanong ko pagkaupo sa harap niya.

"Tumango lang siya."

"Ano pala yung gusto mo pag-usapan?" Hindi ko alam kung mali ba yung sinabi ko. Masyado ba syang napressure. Curious kasi ako.

"Gusto ko lang sana mag-explain kung bakit ko nagawa 'yon noon." Sagot niya. Kita ko naman sa mata nya na nagsasabi sya ng totoo.

"Okayy? Go ahead." Sabi ko na lang kahit ang gusto ko agad itanong ay bakit ngayon lang nya naisipan. Pero hinintay ko na lang yung paliwanag.

"I loved you. Totoo 'yon. Pero di ko alam, nung dumating sya nalito ako. Yung mga issue ko sa sarili ko, yung mga bagay na hindi ko masabi sa'yo.. nasabi ko sa kanya. Nakwento ko, napagusapan namin. Nandoon sya nung panahong nahihirapan ako sa sitwasyon natin. Na ang layo mo sa akin." Gusto kong putulin ko sya sa kwento nya, pero nakinig na lang muna ako.

"Nandoon sya nung panahong may sakit ako. Sorry sa kanya ako naging open sa mga bagay na hindi ko nagawang ibigay sayo. Kahit dapat sa'yo ko sinabi lahat ng pinagdaraanan ko noon."

"Claire, I was there too. I was there for you. Hiniling mo na sa malayo ka magtrabaho kahit ayaw ko. Dahil gusto mo mafeel yung freedom na hindi mo maramdaman sa pamilya mo."

"I gave everything. Concerned din naman ako sa'yo noon. Sobra sobra pa, hindi mo ba naramdaman?" Tanong ko. Wala na kong nararamdaman para sa kanya. Curious lang.

"Baka mas mahal ko lang talaga sya noon." Pag amin niya.

"Sorry. Mali ko talaga. Hindi ko lang alam.. hindi ko alam kung paanong patawarin yung sarili ko? Dahil bigat na bigat pa rin akong dinadala yun araw-araw. I'm sorry." May luha na tumulo mula sa kanya..

"Okay na ko. Curious lang talaga ko kung bakit. Salamat sa pagshare."

"Huwag mo na masyadong isipin yung nagawa mo. Tapos na 'yon. I'm doing fine. Sana huwag mo na ulitin sa boyfriend mo. Seems like..mahal ka niya talaga. Di ka naman iniwan di ba?"

"Hindi pa." Napakunot naman ang noo ko sa narinig ko.

"What do you mean by that?"

"May problema kami. Actually ako pala. Ako yung problema. Dahil madalas pa rin ako bumabalik sa past. Na sinasabi nya ako na lang yung hindi pa nakakamove on."

E totoo naman din. Kailangan na yata nito magpatingin sa doctor. Idk.

"Look, I'm all good. Huwag mo problemahin yung nagawa mo noon. Dahil alam mo naman na e. Alam mong mali yun, so hindi mo gagawin sa kanya. Kung iyon man yung issue mo." Sabi ko na nalilito na rin sa kanya.

Narinig kong tumunog yung wind chime kaya't napatingin ako roon.

"Jaki?" Kasama nya si Madc at Bullet.

"Tito!" Tumakbo agad sa akin si Bullet para yumakap at bumitaw rin agad para maupo sa usual nilang inuupuan.

"Sige. Salamat. Mauna na ko." Paalam ni Claire na nagpunas pa ng luha bago tumayo.

Nagkasalubong pa sila nila Jaki.

"Hi love." Sambit niya at hinalikan nya ako sa labi.

******
Bahala na kung may typo haha.

Di ko alam kelan susunod na update.

Good night. Keep safe everyone!

Continue Reading

You'll Also Like

189K 5.3K 44
para ito sa gawong community sana magustuhan nyo. sa gawong tayo. #protectgawongatallcost
7.8K 563 48
To Tricia, Detective Jayden Rivera was a little too reckless and aloof for her liking. Yet Tricia couldn't help but pay attention to him every time J...
10.8K 670 21
🚧THIS STORY IS DISCONTINUED🚧 Seoul Sports University, a prestigious school in South Korea that focuses on students becoming potentially well-known...
72.3K 1.2K 24
As a LizQuen fan, lots of sweet-imaginations are running through my head. Hope you'll enjoy!