✔Welcome to the Asylum

By NoxVociferans

18.9K 2K 227

Read at your own risk. --- Bookcover credits to @KristelJinPorazo More

Welcome to the Asylum
PROLOGUS
UNUM
DUO
TRES
QUATTOUR
SEX
SEPTEM
OCTO
NOVEM
DECIM
UNDECIM
DUODECIM
TREDECIM
QUATTOURDECIM
QUINDECIM
SEDECIM
SEPTEMDECIM
DUODEVIGINTI
UNDEVIGINTI
VIGINTI
VIGINTI UNUM
VIGINTI DUO
EPILOGUS

QUINQUE

616 78 4
By NoxVociferans

---

"YOUR fifteen minutes is over, Asmodeus."

Kamuntikan na akong atakihin sa puso nang biglang nagsalita sa gilid ko si Nurse Isabelle. Walang-emosyon niyang ibinalik sa kanyang bulsa ang pocket watch at ibinaling ang mga mata sa'kin. The blackholes of her eyes stared back at me as if they were attempting to pull me in. Soon, she started walking towards the male nurse who carried my wheelchair, expecting me to follow her.

'She can really be creepy sometimes.'

Pasimple kong itinago ang hawak kong journal at umaasang hindi niya ito napansin. Tumayo ako at pinagpag ang narumihan kong damit. Nang silipin ko sina Albert at Richard, lalo lang akong naguluhan nang mapansing nawala na sila. Kinakabahan ko silang hinanap sa bakuran. Bakit parang ako na lang mag-isa ang nandito? O baka naman napa-paranoid na ako?

O baka naman ako lang talagang mag-isa ang nandito mula pa kanina?

No, that's just crazy.

Sumulyap ako sa bintana kung saan nakadungaw kanina ang warden. To my surprise, she was still standing there behind the foggy old window. Hindi niya pa rin inaalis ang mga mata niya sa akin. The longer I stare at her, the longer I feel like I am staring back at an abyss.

Kabado akong yumuko at sumunod na lang kay Nurse Isabelle.

Now I know why the other patients are so terrified of the warden.

Nang makalapit na ako sa dalawang nurse, marahang iminuwestra ng lalaki ang wheelchair. Hindi pa rin siya nagsasalita. Minsan pakiramdam ko nang-aasar na lang siya sa'kin at ipinapamukhang pasyente lang ako rito sa asylum.

"Hindi ko kailangan ng wheelchair," pagrerebelde kong sabi.

Napasimangot si Nurse Isabelle. Maya-maya pa, nagkatinginan sila ng lalaking nurse at marahan siyang tumango. Bago pa man ako makapaglakad papalayo, nabigla na lang ako nang hinawakan ako sa braso ng lalaking nurse. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Halos mapasigaw na ako sa sakit. "W-WHAT THE FUCK?! BITIWAN MO AKO!" His fingernails almost pierced my flesh as I struggled under his iron grip.

In a split second, he grinned like a madman and brutally kicked my leg with so much force, I heard a cracking sound...

"GAAAH!"

Tuluyan na akong napadaing sa sakit nang maramdaman kong nabali ang buto ko sa binti. Nanghihina akong napaluhod habang iniinda ito. Nanginginig na ang mga kalamnan ko dahil sa tindi ng sakit at halos matuliro na ako nang mapagtanto kong hindi ko na maigalaw ang kaliwang binti ko. It twisted in an odd angle and I can even see a bit of my bone there. It sickly reminded me of those bloody horror movies.

Naupo sa tabi ko si Nurse Isabelle at pekeng ngumiti sa akin.

"Now you need a wheelchair."

I think my jaw literally dropped.

Hindi na ako pumalag nang pinagtulungan nila akong iupo sa wheelchair. Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko at isawalang-bahala ang sakit, pero aaminin ko...mas masakit pa ito kaysa noong paulit-ulit akong hinampas ng tubo ni papa nang aksidente kong naitapon ang mga sigarilyo niya.

Sa huli, wala na akong nagawa kundi hayaan silang dalhin ako pabalik sa asylum. Para na akong naubusan ng lakas manlaban pa sa kanila. Now, how the fuck can I survive with a broken leg?

Sila ang totoong mga nasisiraan ng bait. Sila dapat ang mga pasyente sa impyernong ito. Sila dapat ang pinupwersang uminom ng mga gamot.

'Paano ba kasi ako napunta rito?'

Habang tumatagal, mas lalo lang nagiging malabo ang mga alaala ko.

Dumako ang mga mata ko sa mga pader na nakapalibot sa'min. They were high enough to keep us in, as if we pose a danger to the society beyond. It's funny how the sane ones think asylum patients are dangerous when in reality---all of us are crazy! All of us are dangerous. Kaya bakit hindi na lang nila ipasok sa asylum ang lahat ng tao?

That makes more sense.

'Yes, it does.'

Ilang sandali pa, agad na nakapukaw ng atensyon ko ang bahagi kung saan nagtapos ang naglalakihang mga pader. Nahagip ng mga mata ko ang kulay itim na gate na yari sa makapal na metal. Mas maraming gwardiya ang nagbabantay rito at para bang high tech ang seguridad. I watched in fascination as a nurse swiped her ID, making the black iron gate buzz to life and slowly provide a passage for the outside world.

Paradise.

But before I could even get a glimpse of it, my wheelchair took a sudden turn.

Nadaanan namin ang mga pasilyo. Hindi ko maiwasang isipin na parang mas naging tahimik pa rito. Sinusubukan kong silipin ang iba pang mga silid, nagbabaka-sakaling may makita akong buhay na pasyente---pero agad din akong nadismaya. Hindi ko man lang narinig o naramdaman ang presensiya nila. 'May humihinga pa ba sa loob ng mga kwarto na 'yan?'

Hindi ko na gusto ang mga nangyayari sa loob ng gusaling ito.

At alam kong hindi magtatagal, matutulad na rin ako sa ibang mga pasyente.

Maybe I will physically and mentally die here, without anyone to remember my existence.

Nang ilang metro na lang ang layo ng destinasyon namin, doon ko napansin ang kaisa-isang pasyenteng nakasilip mula sa pinto niya. Pinagmamasdan niya ako mula sa maliit na bintana. Halos isubsob na niya ang kanyang mukha sa mga rehas nito. Patuloy lang siyang bumubulong ng mga bagay na hindi ko maintindihan. Para siyang hindi mapakali.

Baka kinakausap na naman niya ang mga "anak" niya.

Her whispering grew louder and louder as we neared her cell. And as we passed by Bloody Mary's room, I couldn't help but notice her blood shot eyes and disturbing smile.

I was about to ignore her when her next words reached my ear.

"Wala kang dapat pagkatiwalaan sa lugar na 'to... Wala kang dapat pagkatiwalaan... Iisang katapusan lang ang naghihintay sa'yo."

Binabalutan ng pagbabanta ang kanyang malamig na boses. Mariin niya itong sinabi, pilit pinapaunawa sa'kin ang hindi ko maunawaan. Para bang binabalaan niya ako sa mga posibleng mangyari sa akin habang nakakulong ako rito sa asylum. 'Pero anong ibig niyang sabihin tungkol sa iisang katapusan?'

Kabado kong nilingon ang direksyon ni Mary.

Pero abala na siya sa pagkausap sa kanyang mga "anak".

Mga "anak" na nilikha siguro ng malungkot niyang imahinasyon. Mahina pa siyang natatawa kahit na wala namang kumakausap sa kanya.

How can she still laugh despite knowing tha fact that she'll probably just die in here like the rest of us?

Hindi na ko alam kung sino bang mas nakakaawa sa aming dalawa.

*

Soon, I found myself being thrown inside my room again. Hindi ko na napigilan ang sigaw na kumawala sa bibig ko nang maramdaman ko na naman ang sakit ng binti ko. Pinagpapawisan na ako nang malamig at para na akong mawawalan ng malay.  Nahihilo kong tiningnan ang namamagang bahagi na nakapalibot sa nakausling buto. The bone cut through the flesh and made a bloody mess on the floor I laid upon.

From the door, I can see Nurse Isabelle shaking her head in disappointment. The creepy and sadistic male nurse---whose name I still don't know---stood beside her, and glared at me.

Kalaunan, napabuntong-hininga ang dalaga at pekeng ngumiti. "We'll treat your small injury later. Nagpapatawag ng meeting ang warden, kaya kailangan ka na muna naming iwan, Asmodeus."

Natigilan ako sa sinabi niya.

"Small injury" ang tawag niya rito?

What the actual fuck?

Gustuhin ko mang manumbat na sila naman ang may gawa nito sa'kin, tuluyan na akong nanghina. I just barely nodded and struggled to stay conscious until they finally disappeared.

Nang marinig ko na ang pamilyar na tunog ng sandamakmak na kandado sa labas ng pinto, pasimple kong kinapa ang journal na inipit ko sa likod ko.

Maya-maya pa, mahina akong napamura nang hindi ko na ito mahanap.

"N-Nasaan na 'yon?"

Shit.

Hindi ko pwedeng mawala 'yon! Ni hindi ko na nababasa ang iba pang nakasulat sa mga susunod na pahina. Call me crazy, but the thought of losing that notebook frightens me more than the screams at night. Malakas ang kutob kong may rason kung bakit ito nasa ilalim ng kama ko. Kung sinuman ang nag-iwan nito, pakiramdam ko may gusto siyang sabihin sa akin. Baka makatulong pa ito para maalala ko kung bakit ako nandito...

Kung ano ang mga ginawa ko bago ako maitapon dito sa Eastwood Asylum.

Just then, the sound of shallow breathing made me freeze.

Para bang may demonyong bumubulong sa akin na tumingin ako sa ilalim ng kama.

Huminga ako nang malalim at pinilit kalimutan ang takot na nararamdaman ko. Bakit parang may nakita akong paggalaw sa ilalim ng kama ko? Sa pagkakaalala ko, hindi naman dapat gumagalaw ang mga anino.

Halos gumapang na ako papalapit doon.

Isang madilim na lungga ang bumungad sa'kin, mas madilim pa kaysa sa ibang bahagi ng silid ko. Naaalala ko ang sinabi ni Einstein. Namatay raw ang huling pasyenteng gumamit ng kwartong ito. Baka nga ang pasyenteng 'yon mismo ang may-ari ng journal at ngayon, hindi matahimik ang kanyang kaluluwa.

A vengeful ghost under my bed? Yup, I'm pretty sure I won't be able to sleep tonight.

Kinapa ko ang sahig sa ilalim ng kama.

May nahawakan akong malamig na bagay.

Nabibingi na ako sa lakas ng kalabog ng puso ko dahil sa takot.

Pero nang makapa ko na ang pamilyar na anyo nito, parang bulang nawala ang takot ko. In fact, fear was soon replaced by confusion and anxiety as I dragged the journal towards me. 'Paano na naman ito napunta sa ilalim ng kama?' Umiling na lang ako at pinuwersa ang sarili kong maupo sa sahig. Ayoko na munang isipin ang kababalaghang nangyayari sa lugar na ito.

I stared at the white blood stained journal and started flipping through the pages. My gaze fell on its first entry, with the same messy handwriting in black ink.

April 24, 2017

Do you know how demons select their next victim? Because I don't... Hindi ko alam kung bakit ako nandito o kung kailan ako eksaktong na-admit sa Eastwood Asylum. It's my third day. Earlier, the creepy nurses tried to force me to drink those pills. Nanlaban ako. Dahil dito, naisuka ko ang hapunang kinain ko. Agad akong nataranta dahil sa takot. Pero kahit anong paghingi ng tawad ang gawin ko, isinumbong pa rin ako ng mga nurse. Sa huli, kinaladkad ako ng mga gwardiya papunta sa underground level ng asylum---isang lugar na palagi ko lang naririnig sa ibang mga pasyente noon. Usap-usapan na ang lugar na ito, at para na ring isang alamat sa'ming mga pasyente. Noong una, ayokong maniwala na mayroong ganitong klase ng lugar, pero nang dinala nila ako roon, tuluyan na akong kinabahan. The underground level is where they keep the evil torture devices. Doon rin nila pinaparusahan ang mga pasyenteng hindi nila nagustuhan ang mga kilos at ugali. Dahil ilang beses ko na sigurong nakakalimutang mag-"behave" napagdesisyunan na siguro ang warden na dapat na akong turuan ng leksyon. They strapped me to a chair and sent bolts of electricity through my body---far beyond the safe voltage. Paulit-ulit nila akong kinuryente hanggang sa halos hindi ko na maramdaman ang katawan ko. Nangingisay na ang katawan ko at para akong paulit-ulit na pinapatay. Paulit-ulit. Nagdedeliryo na rin ako pero hinayaan lang nila akong magsisisigaw sa sakit. Para ngang natusta ang mga laman-loob ko sa parusa nila. Gustong-gusto nila akong naririnig na nagmamakaawa. All the while, the warden was watching me. She really takes pleasure in seeing me suffer...

Agad kong nabitiwan ang journal. Hindi ko na inintindi ang pagbagsak nito sa sahig habang pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko. My eyes were still wide as I stared at it in disbelief. What the fuck?

Underground level.

Torture devices.

Inhuman punishments.

"Ano bang klaseng impyerno ang napasok ko?"

Napalunok ako at sinubukan ulit alalahanin kung bakit ako nandito. Paano ba ako napadpad dito?! Ano bang ginawa ko?

Higit pa rito, ano nang mangyayari sa akin?

'The path to paradise begins in hell.'

Paradise.

Naaalala ko ang liwanag na nagmumula kanina sa labas ng gate nang paraanin nito ang isang nurse. Sa likod ng mga pader, alam kong naghihintay roon ang mapanghusgang lipunan---ang parehong lipunang nanakit sa'kin nang paulit-ulit.

But the harsh society is better than a faked reality, isn't it?

Lihim akong napangiti. Sa mga sandaling ito, nabuo na ang desisyon ko.

I will not rot and die in this mad house.

I will escape this asylum.

---

Nobody knows the taste of freedom;

we are all trapped in our own cages,

the same cages they've kept us in,

the same cages that'll keep them out.

---NoxVociferans

Continue Reading

You'll Also Like

24.7K 2.7K 62
The GG Diaries #2 "Ako si Bambu, ang bampirang bungal. Nakakilala ng isang nilalang, sa itaas ng punong yakal. Pinatulog niya ako't hindi nagtagal ay...
265K 16.8K 42
WATTYS2020 WINNER Highest ranks reached: #1 in Zombies #1 in Horror-Thriller #1 in Zombieapocalypse #2 in Survival #1 in Virus #1 in Apocalypse "Kai...
96.2K 5.6K 58
"Mr. Vampire, mali ka yata ng nilabasang kabinet." Elora is addicted to Twilight--screw that, adik na adik siya sa mga bampira! She always wanted to...
1.3K 113 27
11:11 is an angel's number. They say you should wish something when the clock strikes at exactly 11:11 in the evening.