✔Welcome to the Asylum

By NoxVociferans

18.9K 2K 227

Read at your own risk. --- Bookcover credits to @KristelJinPorazo More

Welcome to the Asylum
PROLOGUS
UNUM
TRES
QUATTOUR
QUINQUE
SEX
SEPTEM
OCTO
NOVEM
DECIM
UNDECIM
DUODECIM
TREDECIM
QUATTOURDECIM
QUINDECIM
SEDECIM
SEPTEMDECIM
DUODEVIGINTI
UNDEVIGINTI
VIGINTI
VIGINTI UNUM
VIGINTI DUO
EPILOGUS

DUO

1.1K 106 10
By NoxVociferans

---

"IT'S time to take your medicine, Asmodeus."

Isang malamig na hangin ang kanyang boses na nakapagpanindig ng mga balahibo ko sa braso. Hindi ako sanay. Sa totoo lang, mas sanay ako sa mga boses na binabalutan ng galit, pang-aasar, at pandidiri sa'kin. These raw emotions coated every single fucking word people had ever said to me. Then again, every word pierced deeper into my skin, leaving me to bleed on my own. Hindi na bago sa'kin ang sinisigawan ako araw-araw at ipinapamukha ng ibang tao sa'kin na mas gagaan ang buhay nila kung wala na ako. Paano ako nakatagal ng labing-pitong na taon sa mundong walang nagmamahal sa'kin? Sanayan na lang.

Napabalik ako sa kasalukuyan nang katapat ko na ang nurse. She smiled lifelessly again. Her voice sounded nothing more than a distant echo. At kung pagbabatayan ko ang mangilan-ngilang palabas na napapanood ko noon sa lumang telebisyon ng kapitbahay namin, maihahalintulad ko talaga ang boses niya sa isang robot.

Walang bahid ng anumang emosyon.

"Kapag hindi ka nag-behave, baka hindi lang ang syringe ang isaksak sa'yo."

Pagpapaalala niya sa'kin sabay lahad ang isang maliit na platitong naglalaman ng gamot at baso ng tubig. Sa gilid ng mga mata ko, napansin kong naglalakad na papalapit sa amin ang mga demonyo.

Humagalpak ako ng tawa na agad na ikinakunot ng noo ng dalaga.

Sila yata ang nasisiraan ng bait.

"Hindi ko kailangang uminom niyan. Hindi ako baliw.. Look, I don't even fucking know why I ended up here! Maniwala ka sa'kin, hindi ako dapat nandito.."

Humagikhik ang mga demonyo sa sinabi ko. Hindi na lang ako nagsalita nang halos dakmalin na nila ang nurse.

Pero marahan namang umiling ang nurse at pilit na ngumiti sa'kin. A scripted smile. Pero sa kauna-unahang pagkakataon magmula nang pumasok siya dito sa kwarto, sumilay ang isang emosyon sa kanyang kulay itim na mga mata.

Awa.

Naaawa siya sa'kin. What she said next just frustrated me even more.

"Ganyan naman palagi ang sinasabi niyo. Wala namang pasyente sa asylum ang gustong umamin sa kondisyon nila. Kung ako sa'yo, ititikom ko na lang ang bibig ko bago ka pa marinig ng warden. She doesn't like it when patients say that. At maniwala ka sa'kin kapag sinabi ko sa'yong pagsisisihan mo ito.." Huminga siya nang malalim at inilagay ang ilang tableta ng gamot sa kamay ko. "Now, just be a good patient and drink your meds."

Hindi ko pa rin ininom ang gamot na binigay niya sa'kin. Kung sakaling lason pala ang mga tabletang ito, hindi na ako magtataka kung agad akong mamamatay. Wala akong ideya kung kailan pa ang huling kain ko, pero sigurado akong walang laman ngayon ang sikmura ko. It's nothing new. Palagi naman akong nalilipasan ng gutom.

I'm honestly surprised that my stomach hasn't digested itself yet.

Namuo ang tensyon sa pagitan namin ng babae. Sa kabila ng maputla niyang balat at bitak-bitak na labi, sa hula ko nagkakalapit lang ang edad naming dalawa. Maybe she was a couple of years older than I am, but that's the least of my concerns now. She kept staring at me with that empty and creepy expression on her pale face.

Huminga ako nang malalim.

"Ano ang sakit ko?"

"Wag mo nang tanungin, Asmodeus. Inumin mo na lang 'yan. If you don't, the doctor will get mad.. and when the doctor gets mad, he cuts his patients' tongues as a punishment."

Hindi na ako muling umimik. Para bang wala akong karapatang tumanggi sa mga ipapagawa nila sa akin dito sa impyernong ito. 'Besides, if these tablets really are poison, it saves me the trouble of attempting suicide again. Mas magiging mabilis ang kamatayan ko,' pagpapaalala sa'kin ng maliit na boses sa isipan ko. Mapait akong ngumiti at tiningnan ang mga tableta.

Agad akong nanlata nang makita kong naglaho ang gamot.

'T- Teka... Bakit ganito?'

I almost jumped away when I saw an eyeball staring back at me. It was taken out of somebody's eye socket! Kitang-kita ko pa ang mga ugat nito habang namamantsahan ng dugo ang paligid ng kulay puti. Mainit-init pa ang dugong bumabalot sa palad ko. Hindi ko na namalayang nanginginig na pala ang palad ko at halos mabitiwan ko na ang mata.

"S-Shit.."

"Anong problema?" Kalmadong tanong sa'kin ng nurse.

"May hawak akong mata! H-Hindi mo ba nakikita?!"

Pero nang lumingon ako sa kanya, tuluyan na akong nawalan ng boses nang mapansin kong nawawala ang isa niyang mata. Bukod pa roon, may maliliit na uod na lumalabas sa butas kung nasaan dapat ang kanyang mata.  Noon ko lang napagtantong sa kanya pala ang matang hawak ko. Sa kabila nito, kalmado namang napasimangot ang nurse na para bang walang mali sa kanya, "Just drink your medicine."

The fuck?

"N-Nawala ang gamot ko! Napalitan ng mata. A-Ano nang gagawin ko...?"

"Eh 'di yang mata ang lunukin mo.."

I stared at her as if she were crazy. Maya-maya pa, inabot niya sa'kin ang baso ng tubig. Isang mahinang paalala na kailangan ko nang inumin ang duguang bagay sa palad ko.

"Pero---"

"Drink it, Asmodeus. You'll feel better."

Kabado akong napalunok at kinuha ang baso. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa. Naririnig ko ang malakas na pintig ng puso ko nang unti-unti ko nang inilapit sa bibig ko ang mata. Hindi ko na lang pinansin ang malambot at madugo nitong pakiramdam sa balat ko. Nervously, I closed my eyes and put the eyeball inside my mouth.

Halos masuka ako sa lasa nito.

The rusty taste of blood soon mixed with my saliva. Bago ko pa mailuwa ang mata, mabilis akong uminom ng tubig at nilunok ito. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, para bang mas lumiit ito kaya walang kahirap-hirap itong bumaba ng lalamunan ko. Naramdaman kong kinuha ng nurse ang baso sa nanlalamig kong kamay. Her cold voice almost startled me.

"Kamusta ang pakiramdam mo?"

Sandali akong napaisip sa tanong niya. Hindi ko kasi alam kung ano nga ba ang dapat maramdaman ng isang tao matapos niyang lunukin ang isang mata. Should I feel guilty because I swallowed her eye? No. I think I should apologize.

Napabuntong-hininga ako at binalingan ang nurse.

"I feel..."

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang mapansin kong nakatitig siya sa'kin---gamit ang dalawa niyang mga mata. Nagpakurap-kurap ako. 'What the hell happened?' Base naman sa reaksyon ng nurse, para ni hindi man lang niya napansing nawala ang kanyang mata (o na nilunok ko ito kani-kanina lang). Just then, the bitter taste of medicine lingered in my mouth, making me realize that it was just my fucking mind playing tricks on me again.

"I-I feel better." Sagot ko sa nurse na kanina pa hinihintay ang sagot ko.

Pinilit ko na lang isawaang-bahala ang mga demonyong nakakititig pa rin sa'kin mula sa madidilim na sulok ng silid.

"Mabuti naman. 'Wag kang mag-alala, Asmodeus.. gagamutin ka ng asylum na ito. Palalayain ka namin sa mga demonyong umaaligid sa paligid mo."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Paano naman niya nalaman ang tungkol doon?

As if reading my mind, the nurse answered, "We all have demons and we all need to conquer them. Pero kailangan kitang balaan.. mas madali pang lumaya sa demonyo mo kaysa makalabas sa asylum na ito."

Ngumiti naman nang pilit ang nurse. Her dry lips pulled into a smile, making it break. Sa pagkakangiti niya, bahagyang napunit ang natutong balat sa kanyang labi na naging dahilan para dumugo ito. Bago pa man ako makapagsalita, maingat na niyang kinuha ang baso sa kamay ko at naglakad na pabalik sa pinto.

"Babalik ako dito mamaya para samahan ka sa bakuran. Harmless patients get a fifteen-minute free time to have some fresh air and sunshine."

Marahan naman akong tumango. Wala na rin akong pakialam.

"Salamat, nurse...?" I trailed off, not knowing her name.

"Isabelle."

Mahinang sabi ng babae bago siya tuluyang naglaho sa likod ng metal na pintuan. Napangiwi pa ako nang marinig ko ang pagkandado ng pinto mula sa labas, na para bang isa akong mapanganib na bilanggong kailangang ikulong dito. Nanghihina akong humiga sa matigas na kama at pagak na natawa habang nakatitig sa mga peklat sa mga pulsuhan ko.

Failed attempts at killing myself.

Maybe this time, I'll succeed.

"Welcome to the asylum, Asmodeus.." I murmured to myself as I laid all alone in this almost empty room.

*

I feel like I'm trapped in an endless maze.

Noong ini-imagine ko noon ang histura ng "not-good-not-bad place" ko, ni minsan hindi ko inakalang mistulang isang modernong labyrinth ang loob nito. Maraming pasikot-sikot, mga pasilyong hindi mo alam kung saan ka dadalhin.

'May shortcut kaya dito papuntang kabilang buhay?'

Lihim akong napangiti. Hindi na rin ako magugulat kung mayroon ring lagusan papuntang purgatoryo rito. Pero hindi katulad ng sa imahinasyon ko, halos mabakbak na ang kulay puting pintura ng mga dingding. Bigla akong kinilabutan nang mapansin kong may ilang mantsa ng dugo sa sahig. The trail smeared on the floor looked horrifying. Para bang may kinaladkad silang bangkay rito papasok sa isa sa mga nakasarang pinto.

Kanina ko pa napapansin ang mga pintong nakahilera sa pasilyong katapat ng silid ko. Binabalutan ng nakapangingilabot na katahimikan ang buong lugar. Hindi ko maiwasang kwestiyunin kung mayroon din bang buhay na mga pasyente roon.

O baka naman nabulok sila at namatay na sa loob?

Iyon rin ang gusto ng mga magulang ko sa'kin. Iyon rin ang gusto ng lahat ng mga taong nakapaligid sa akin...

Pangarap nila akong mamatay.

Buti pa sila may pangarap sa'kin.

I smiled bitterly when the traumatic memories came back to me, pounding against my temples. Bad, bad memories.

Aside from my shallow breaths, the only sound haunting this hallway is the echoing noise of my wheelchair against the floor.

Hindi ko maisip kung katunog ba nito ang mga hinahasang kutsilyo ng papa ko noon tuwing umaga, o ang pagkiskis ng kadena sa buto ng mga baboy na pinapatay ng tiyuhin ko. Now that I think about this, sigurado akong hindi lang galing sa baboy ang parte ng mga karneng nakita ko noon sa bodega niya. Paano ko nasabi? Well, I'm pretty sure pigs don't have manicured fingernails.

"Malapit na tayo. The warden is expecting you to behave, Asmodeus."

Malakas ang kutob kong ang istriktong babaeng nagpaturok ng syringe sa'kin ang tinatawag nilang "warden".

"Where is she?"

"She's everywhere. So be careful, because she's watching your every move."

Tiningnan ko si Nurse Isabelle na naglalakad sa tabi ko. Suot pa rin nito ang kulay puting uniporme niya, ngunit kapansin-pansin ang nakaburdang itim na logo ng Eastwood Asylum sa bandang dibdib nito.

"Hindi ako dapat nandito.. Hindi ako nasisiraan ng bait, nurse. You have to believe me!"

"Your medical records say otherwise. Mas naniniwala ako sa doktor, Asmodeus. Ang magagawa mo na lang ay makisama---sa staff at sa mga kapwa mo pasyente."

"Makisama? I-Ibig sabihin ba nito makikilala ko ang ibang mga pasyente ng asylum na 'to?"

Walang-emosyon pa rin si Nurse Isabelle. Nakatitig lang siya sa harapan na para bang may malalim na iniisip. Kung hindi nga lang siya kumukurap at naglalakad, malapit ko nang isipin na isa lang siyang life-sized wax figure. Kalaunan, sinagot rin niya ang tanong ko nang may tipid na ngiti sa kanyang tuyo at punit na labi.

"They are harmless. Wala kang dapat ipag-alala. Just behave, and they won't do anything deadly to you."

Sa likuran ko, hindi umimik ang lalaking nurse na tumutulak sa wheelchair ko. Katulad ni Nurse Isabelle, maputla ang kanyang mukha at para bang palaging nakatulala. Kanina pa siya hindi nagsasalita. Hindi ko alam kung hindi lang talaga siya mahilig makipag-usap sa iba o ipinanganak siyang pipi.

Huminga na lang ako nang malalim nang marating na namin ang pinto magsisilbing lagusan namin papunta sa bakuran ng asylum.

Sunlight finally kissed my cold skin. Bahagya akong napangiti nang maramdaman ang init nito at nang makalanghap ako ng sariwang hangin. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid. Nakahinga ako nang maluwag nang makita kong normal naman ang bakurang ito. Still, a small and twisted part of me was disappointed.

Akala ko talaga isang sementeryo ang bakuran ng asylum. Mas magiging masaya sana rito kung ganoon nga ang sitwasyon.

Atleast that way, I won't have to waste my breath trying to socalize with the living.

"Fifteen minutes."

Paalala sa'kin ni Nurse Isabelle at walang emosyong sinilip ang isang antigong pocketwatch. Marahas namang itinulak ng lalaking nurse ang wheelchair ko na naging dahilan para mapadapa ako sa lupa. 'Bullshit! May galit ba sila sa'kin?' Naikuyom ko ang mga kamao ko sa inis. But when I turned to glare at the man, he was already gone.

And so was Nurse Isabelle.

Huminga ako nang malalim, tumayo at pinagpag ang narumihan kong damit.

'Ano naman ang gagawin ko sa loob ng labing-limang minuto?'

Seeing that there's no point in complaining, pinagmasdan ko na lang ang iba pang mga pasyenteng sinusulit ang laming-limang minuto nila ng kalayaan. Ang karamihan sa kanila ay naglalakad-lakad lang na para bang may sarili silang mga mundo. They wore the same white clothes I have but their eyes were a lot more lifeless and empty. Agad akong umiwas sa lalaking tawa nang tawa habang pinagbabantaang ime-"murder" ang isang munting paru-parong dumapo sa kamay niya. Meanwhile, one of the patients kept biting and nibbling on his fingers until I can see bone underneath his blood and flesh.

Sa isang gilid naman, may isang babaeng nakaupo malapit sa hardin at nakatulala sa kulay kahel na mga rosas. Agad kong napansin na para bang kinakausap niya ang kanyang sarili. Dala ng kuryosidad, maingat akong humakbang papalapit sa kanya hanggang sa marinig ko na ang mga sinasabi niya...

"---ipagluluto ko kayo, at aalagaan. Walang makakapaghiwalay sa'tin, mga anak. Hindi ko kayo iiwan. H-Hindi.."

Ilang sandali pa, napansin kong umiiyak na ang babae. She was crying with a smile on her lips and that made me even more confused. How the hell can you be happy and sad at the same time? Kung sabagay, marami naman talagang ipinepeke ang mga ngiti nila para linlangin ang ibang tao. Kahit na nasasaktan at nahihirapan na, ngumingiti pa rin sila para lang walang makahalata.

Akmang lalapitan ko na sana ang babae para patahanin nang makita kong hindi na tubig ang inilalabas ng kanyang mga mata.

Dugo.

Umiiyak siya ng dugo.

Agad akong napahakbang papaatras. Maya-maya pa, ginulat ako ng boses na salita sa likuran ko.

"Her name is Mary Flora Bell, a.k.a. 'Bloody Mary'. Na-admit siya dito sa asylum anim na buwan na ang nakakaraan. Palagi niya raw kinakausap ang kanyang mga anak kahit na wala naman sila rito. Crazy girl."

Nang lingunin ko ang nagsalita, tuluyan nang nanlamig ang katawan ko nang makaharap ko ang isang lalaking pasyente. Nakatayo ang kanyang buhok na tila ba sanhi ng pagkakakuryente dito. Pero hindi iyon ang makaagaw ng atensyon ko, kundi ang nakabalot na bendang tumatakip sa mga mata niya. I tried to remain calm and asked, "Ano naman ang masama kung kunwaring kinakausap niya ang kanyang mga anak?"

Mayhe she just misses her children. Kahit sino naman sigurong matinong magulang, aalalahanin ang sarili nilang dugo at laman.

Pero ngumiti nang nakakakilabot ang lalaki, "Wala siyang anak. Records say that she's single. She's imagining children who don't even exist."

Oh. That explains it.

Nang lumingon ulit ako sa direksyon ni Mary, napansin kong normal na ulit ang kanyang mga luha. Wala nang dugo. Sandali akong nagduda sa nakita ko. 'Did I just imagine her crying blood?'

My mind is playing tricks on me again. Screw that, I think even my fucking eyes are playing tricks on me!

"Baguhan ka lang dito, hindi ba?" Tanong ng lalaki at inilahad ang kamay nito, "The name's Albert DeSalvo, but some lunatics call me 'Eyeless Einstein'. Nauunawaan mo naman siguro kung bakit."

Nakipagkamay pa rin ako sa kanya, kahit pa hindi ko lubos maisip kung paano niya ako nakikita.

"Asmodeus."

Albert tilted his head. "Pangalan 'yan ng demonyo, tama ba ako?"

Tumango ako kahit pa hindi ko sigurado kung nakikita niya.

"Sinadya yata ng mga magulang kong ipangalan ako sa demonyo. They never liked me much.. no one did."

"Normal people don't like anyone but themselves. Kaya nga ginagawa nilang tapunan ng mga taong hindi nila gusto ang asylum na ito. Hindi sila umaasang magagamot pa tayo, Asmodeus.. umaasa silang mamamatay tayo dito."

Tinitigan ko ulit ang bendang nakabalot sa kanyang mga mata. May bahid pa ng dugo sa parte kung nasaan dapat ang kanyang mga mata. Hindi ko na gustong alamin kung anong nangyari sa kanya. Mas kaunti ang alam ko, mas maganda. Palagi lang akong napapahamak tuwing naghahanap ako ng kasagutan sa mga misteryo.

Dumako ang mga mata ko sa mga bakod ng asylum at sa ilang mga gwardiyang nakabantay sa amin. Armado sila, at para naghihintay na lang silang magkaroon ng "excuse" para barilin kami sa noo. This all feels sick. Wala nang pagpapahalaga sa moryalidad ang mga tao---nasa loob man sila o nasa labas ng asylum.

"Natatakot ka bang mamatay?" Albert suddenly asked.

Huminga ako nang malalim at umiling, "Hindi." Dahil iyon ang totoo. Hindi ako natatakot mamatay, dahil araw-araw na akong pinapatay ng mundo. Pagkatapos kong mamatay, araw-araw kong kailangang gumising at harapin ang mga demonyong gumugulo sa isipan ko, pati na rin ang mga halimaw na nagbabalat-kayo bilang mga tao. We die everyday just to be reincarnated for the next one.

Honestly, I think "death" is just a conclusion. Something that marks the end of your tragic journey.

A grand finale.

Maya-maya pa, nagsalita ulit si Eyeless Einstein. Hindi nakalagpas sa pandinig ko ang hinanakit at pagbibigay babala sa tono nito. "Good. Because here in the Eastwood Asylum, you only need to be afraid of three things: the warden, the screams, and yourself."

"Myself? Bakit ko naman kailangang katakutan ang sarili ko?"

Isang makahulugang ngiti ang ibinigay sa'kin ni Albert. Ilang sandali pa, may inaabot na siya sa'king maliliit na bola ng bulak. Nang tanungin ko kung para saan 'yon, ang tanging naisagot na lang niya sa'kin ay: "Use these as earplugs. Kailangan mo 'yan, lalo na tuwing gabi. If the torture doesn't drive you insane, the screams you hear at night will."

Cotton balls? Psh.

Hindi ko ito tinanggap. At ano bang sinasabi niya? Tahimik ang mga pasilyo kanina at mukhang wala nang planong lumikha ng ingay ang mga nilalang na nakakulong rin sa kanilang mga silid.

Just then, I remembered the journal and the words scribbled on the first page.

'I guess it wouldn't hurt to ask, right?'

Habang may oras pa, agad akong bumaling kay Albert. I assume they call him "Eyeless Einstein", not just because of his first name. Kung papalarin, baka alam rin niya ang lenggwaheng sa nakasulat doon sa nahanap kong journal.

"Hey, Albert? How many languages can you speak?"

Lumingon siya sa sa'kin at nagkibit ng balikat, "Seventy-seven languages. Why?"

Huminga ako nang malalim. Alam kong hindi ko na dapat inaalam ito, pero kanina pa ako ginugulo ng kuryosidad ko. Kabisado ko na nga eh. Wala namang masama kung susubukan ko lang unawain ang nakasulat sa front page, hindi ba? It's not like it's a cursed journal and someone's gonna kill me if I learned its secrets.

"May ipapa-translate lang sana ako sa'yo..."

*

La strada per il paradiso ha inizio all'inferno.

Pagkatapos nila akong piliting kumain ng almusal, agad kong kinuha ang journal at paulit-ulit na binasa ang nakasulat dito. Naaalala ko na naman ang ekspresyon ni Albert nang i-recite ko sa kanya ang katagang 'yan. He immediately gave me a translation quicker than any online search engine...

"It's Italian. It translates to: 'the path to paradise begins in hell', a famous quote from the Divine Comedy written by Dante Alighieri."

But he still looks bothered. May sasabihin pa sana siya nang bigla na lang sumulpot sa tabi ko si Nurse Isabelle. Walang emosyon niyang isinara ang pocketwatch at inanunsiyo, "Times's up, Asmodeus."

Sa huli, wala na akong nagawa kundi bumalik sa silid ko. Maybe I can talk to Albert more about that quote tomorrow.

'No. You're just digging your own grave, Asmodeus. Hindi ka na dapat naghahanap ng kasagutan sa mga misteryong hindi mo dapat pinapakialaman.'

Kaya lumipas ang buong maghapong nakahiga lang ako sa kama at nakatulala sa kisame. The journal was safely tucked under my pillow and I'd be lying if I told you I don't want to skim through its pages again. Huminga ako nang malalim at pinagmasdan ang unti-unting paglaho ng araw mula sa maliit na bintanang nahaharangan ng rehas. Kasabay ng paglaho ng liwanag, lalong naging agresibo ang mga demonyong nakatitig sa'kin mula sa mga anino.

Inulit na naman ng utak ko ang tanong ni Albert. Takot ba akong mamatay?

Hindi, pero...

"Takot akong masiraan ng bait."

Just then, I heard it.

The screams.

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba nang umalingawngaw ang malalakas na pagsigaw mula sa mga pasilyo. The voices pleaded for help, as if their owners were being tortured to death. Kasunod nito, narinig ko ang paghampas ng mga pasyente sa pinto ng kanilang mga silid. Pauli-ulit nilang kinakalampag ang mga bakal na pinto, umaasang makakawala.

As minutes passed by, the screams of torture with the banging metal doors pounded agaisnt my ear, driving me to the edge of insanity.

Sinubukan kong takpan ang ang mga tainga ko pero naririnig ko pa rin. Pakiramdam ko, hindi na ako makakatulog nito.

'I should've taken those cotton balls.'

---

Once upon a time, evil won

and burned all the happy stories;

I was the last protagonist in line

to face an impending tragedy.

---NoxVociferans

Continue Reading

You'll Also Like

3.2K 16 1
It was fast. It was unexpected. I didn't see it coming. The moment I took a step on that school. My life totally changed. And when things are getting...
9.4M 396K 86
"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila ta...
239K 14.2K 40
"Forgive me for what I could do . . . when I fall asleep"
4K 728 53
"I am a Dreamcaster." "But you don't have any dreams?" "Does it matter?" He challenged. She glared back. "It does." After his mentor's retirement, tu...