✔Welcome to the Asylum

By NoxVociferans

18.1K 2K 226

Read at your own risk. --- Bookcover credits to @KristelJinPorazo More

Welcome to the Asylum
PROLOGUS
DUO
TRES
QUATTOUR
QUINQUE
SEX
SEPTEM
OCTO
NOVEM
DECIM
UNDECIM
DUODECIM
TREDECIM
QUATTOURDECIM
QUINDECIM
SEDECIM
SEPTEMDECIM
DUODEVIGINTI
UNDEVIGINTI
VIGINTI
VIGINTI UNUM
VIGINTI DUO
EPILOGUS

UNUM

1.5K 128 20
By NoxVociferans

---

HINDI ko matandaan kung paano ako napunta sa lugar ito.

Hindi ko na maalala.

O baka naman wala talaga akong naaalala?

'Maybe my mind is torturing me again,' mahina akong natawa at huminga nang malalim. Nakagagong isipin na para bang hindi ako makahinga sa kabila ng katotohanang mag-isa lang ako dito sa kwartong 'to. Dati, akala ko isang paraiso ang asylum---isang lugar para sa mga katulad kong hindi alam kung mapupunta ba sa langit o masusunog sa impyerno. In my head, I had always envisioned my "not-good-not-bad place" as a neutral sanctuary. Isang lugar kung saan ako makakatakas sa kadiliman ng reyalidad.

For more than a decade, I thought the asylum is a salvation.

"But no one fucking told me that salvation tasted like those bitter pills they force to shove down my goddamm throat."

The hard metal bed felt cold under my skin, sending shivers down my spine. Nakasuot ako ng kulay puting damit at pantalon, na mukhang madaling mamantsahan. I instantly hated it. Kung makikita lang ni mama ang suot ko ngayon, baka sinigawan at ginilitan na niya ako ng leeg. When I was studying, she never liked it when I get my white uniform all dirty. Nang nagsawa na siyang murahin ko, isang maliit na mantsa lang at sinunog na niya ang damit ko---kasama ang mga kagamitan at libro ko sa eskwelahan.

I'm pretty sure she would have burned me alive too if she had a chance.

Mahina akong natawa at inilibot ang mga mata ko sa paligid. Aside from this steel bed, wala nang laman ang silid. Kulay puti ang mga pader, ngunit mula dito sa kinauupuan ko, napapansin ko ang pagkakabitak-bitak ng pintura nito. The old white paint peeled off like animal skin when butchering them. Skinning animals alive is fun to watch.. my uncle made me watch it over and over again. Hanggang ngayon ay nanunuot pa rin ang amoy ng sariwang dugo sa isipan ko.

Ang tanging nakapagbibigay liwanag sa maliit na espasyong ito ay ang bintanang kasing-laki lang yata ng bondpaper. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang lagyan ito ng rehas. Napasimangot ako. It's not like they need to keep something out, right?

'Or maybe they're keeping something in?'

Hindi ko na muna pinakinggan ang utak ko. Walang akong panahong pakinggan ang mga kasinungalingan niya. As fucking ironic as it sounds, but I don't trust my brain anymore. Ilang sandali pa, dumako naman ang mga mata ko sa pintong yari sa metal. Marumi na ito at nangangalawang na ang ilalim.

The rotten door had a small rectangular opening. Pero katulad ng bintana, mayroon din itong rehas.

Malalamig na rehas.

"Ano bang ginagawa ko rito?"

Ilang oras pa lang akong gising, pero pakiramdam ko masisiraan na ako ng bait. Kanina nang magising ako sa lugar na ito, agad akong nagwala at pinaghahampas ang ulo ko sa pintong 'yan. I was being motherfucking hysterical and I was terrified of the demons lurking in the corners. Nang sa wakas may nakapansin sa'kin, nagmamadaling pumasok ng kwarto ko ang ilang mga nurse na may dala-dalang syringe. Kasunod nilang pumasok ang isang babaeng mukhang nasa late thirties na niya.

Walang emosyon niya akong tinitigan habang nagwawala ako.

"Hold him down."

Maya-maya pa, hinawakan ako ng ilang mga lalaki at pinilit iturok sa braso ko ang malaking karayom na 'yon. My screams slowly died down as the strange liquid entered my body, calming me down. Hinihingal at naguguluhan kong pinagmasdan ang misteryosong babae. Pakiramdam ko unti-unti na akong nauubusan ng lakas.

Several pairs of eyes watched me like a specimen.

Nakapalibot sila sa akin, walang emosyon sa kanilang mga mata. Pakiramdam ko nga, wala ring kaluluwa sa likod ng mga 'yon. They just watched me...

Tangina, nahihilo ako.

Pero bago nila ako tuluyang iwan, I managed to croak out the question that's been haunting me ever since I woke up in this shitty place.

"N-Nasaan ako...?"

Huminto sa paglalakad ang babae at napalingon sa'kin. Her black demonic eyes stared into my soul. Agad akong kinilabutan. Ngumisi siya sa'kin at sumagot sa mahinang boses. Hindi ko alam kung epekto lang ba ng gamot na itinurok nila sa'kin, o talagang makapanindig-balahibo lang talaga ng boses niya. Isang malalim na boses na imposibleng mula sa tao, "Nasa loob ka ng Eastwood Asylum, Asmodeus. Welcome to the madhouse!"

"A-Asylum..?"

"I hope you enjoy your stay here. Gagamutin ka namin, 'wag kang mag-alala. May pag-asa pang maging normal ang mga baliw na kagaya ninyo."

Sunod kong narinig ang pagsara ng pinto. Napakinggan ko pa ang pag-lock nila nito mula sa labas. Agad na pinalitan ng nakamamatay na katahimikan ang presensiya nila. Naiwan akong nakahiga sa kama habang inaalala ang sinabi 'nong babae kanina.

Inside the Eastwood Asylum?

Mahina akong natawa.

Pero sa paglipas ng mga segundo, lumakas nang lumakas ang pagtawa ko hanggang sa halos hindi na ako makahinga. "NASA ISANG ASYLUM AKO! PUTANGINA! HAHAHAHAHAHA!" Sa gilid ng mga mata ko, napansin kong nakamasid sa'kin ng mga demonyo. Red eyes stared at me like a predator would to a prey. Nakamasid sila mula sa mga sulok ng silid at nagkukubli sa mga anino. They started grinning at me again, and whispering murderous thoughts.

Hindi ko alam kung anong hinihintay nila.

Nakatitig lang sila sa akin.

Kagaya ng pagtitig ng mga nurse kanina sa akin---walang anumang bakas ng awa o moralidad. Pero hindi tulad ng mga nurse na 'yon, alam kong mas mababait ang mga demonyong palagi akong sinusundan. Sundan din kaya nila ako hanggang kamatayan? I silently laughed at the thought.

"Alam kong nandiyan kayo."

Walang sumagot.

Nakatitig lang sila sa akin..

Kaya alam kong hindi ako nag-iisa sa loob ng silid ko. Paminsan-minsan naman, bigla silang maglalaho na para bang bunga lang sila ng imahinasyon ko. Pero maya-maya pa, lilitaw ulit sila at bubulungan ako sa tabi ko. I would wake up in the night with their claws at my neck and their sharp teeth pierching through my arms until it bleeds.

Hindi ko alam kung bakit ako lang ang nakakakita at nakakaramdam sa kanila.

Ang alam ko lang, magmula noong bata ako, palagi na silang nagpaparamdam. Kahit saan ako magpunta, nakasunod sa'kin ang mga demonyong ito.

They're my childhood demons, and sometimes I swear can hear them telling me to return to hell with them.

And with the shitty life I have, "Maybe it is more fun in hell."

*

'Ilang teenagers ba ang nagigising na lang sa loob ng isang asylum?'

Mahina akong natawa dahil alam kong hindi ko naman malalaman ang sagot sa tanong na 'yan. Wala namang gustong sumagot tuwing magtatanong ako.

"Sir Mark, anong ginagawa ninyo ni Sister Sally kanina sa may bodega?"

"Papa, ano 'yang nakabalot na parang kendi?"

"Gerome, paano mo nakuha ang answer key sa exams?"

I grew up being a curious kid. Kapag may nakikita akong hindi ko dapat makita, hindi ko maiwasang magtanong. Para ko nang sakit ito at madalas, hindi ako nakakatulog kapag hindi ko nalalaman ang sagot nila. Pero base sa mga karanasan ko, mas madalas na nauuwi sa hindi maganda ang pagtatanong ko. They keep telling me to "mind my own business". Wag ko na lang daw pakialam, at ipikit ko na lang ang mga mata ko.

Kunwari wala akong nakita.

At kunwari hindi ko nakikita ang duguang mukha ng isa sa mga kapitbahay naming namatay noong nakaraan na buwan. She was bloody murdered in her own house. Halos lumuwa na ang bituka niya at may mga butas sa noo niya kung saan paulit-ulit siyang ginamitan ng barena. Yes, some madman drilled holes into her skull, making crimson red blood leak down her face like a pretty veil.

Tumagaktak ang dugo niya sa sahig ng asylum.

Walang emosyon ang kanyang mga mata.

At ngayon, naglalakad na siya papalapit sa akin..

Bumubulong.

Bumubulong.

"Nababagay ka lang sa lugar na ito."

Katulad ng misteryosong babae kanina, makakapanindig-balahibo rin ang kanyang boses. Parang isang musikang nagmula sa pinakailaliman ng impyerno. Nakatitig lang siya sa akin, at habang tumatagal, para bang naririnig ko ang pagsigaw niya ng sakit. Ang pagmamakaawa niya habang binubutasan ang ulo niya. Ang pagsusumano niya habang hinihiwa ang kanyang balat. Ang huling hininga niya bago siya tuluyang kaladkarin ng mga demonyo sa teritoryo nila.. Her lips twisted into a devilish grin.

"Nababagay ka lang sa lugar na ito, Asmodeus."

At sa isang kisapmata, bigla na lang siyang naglaho---parang 'yong mga taong ipinangako noong mananatili sa tabi ko. Kung tutuusin, marami-rami ring kasinungalingan ang ipinakain nila sa akin, at hanggang ngayon, nasasamid pa rin ako. I'm choking on their shitty lies  and they left me to struggle on my own. Mapait akong ngumiti at pinagmasdan ang naiwang mantsa sa sahig.

Naroon ang barena.

At nababalutan ito ng dugo.

Mahina akong natawa. Nakita ko kasing nakadugtong ang kable nito hanggang sa ilalim ng kama ko. "H-HAHAHAHAHA!" Pero agad ring humupa ang pagtawa ko nang mapansin kong dahan-dahang gumagalaw ang barena na para bang may humihila sa kable nito.

The bloody drill was being dragged under my bed, leaving a trail of blood on the floor. Sinundan ng mga mata ko ang duguang barena hanggang sa tuluyan na itong mapunta sa ilalim.

Someone was under my bed.

Hindi ko na pinansin ang panginginig ng mga kamay ko. Unti-unti akong bumaba at lumuhod sa sahig para silipin ang kung sinumang nagtatago sa dilim. Sinundan ng mga mata ko ang marka ng dugo.

"Wala akong oras makipaglaro sa inyo."

I was expecting the demons to be there, patiently waiting to kill me with that bloody drill.

Palagi nila ako gustong patayin.

Pero ang hindi ko inaasahang mahanap sa maalikabok na ilalim ay ang isang maliit na notebook. Kabado ko itong kinuha at inaninag sa madilim kong silid.

It was an old white journal covered in dust with specks of blood on the edges. 'Ano naman ang ginagawa nito sa ilalim ng kama?' Pinunasan ko ang alikabok nito at inilipat sa unang pahina. Maging ang mga papel nito, halatang napaglipasan na ng panahon. May konting punit pa sa gilid ng papel.

On the first page of the strange journal, black ink morphed into letters..

La strada per il paradiso ha inizio all'inferno.

Naupo ako sa gilid ng kama at tinitigan ang mga salita. Ibang lenggwahe ang ginamit ng kung sinumang nag-iwan nito sa ilalim ng kama ko. My fingers were about to turn to the next page when the sound of the locks jolted me back to reality. Mabilis kong itinago sa ilalim ng unan ang journal at nilingon ang direksyon ng pinto. Tuturukan na naman ba nila ako ng pampatulog? Mas gusto ko sana 'yong permanente, para hindi na ako magising.

"Gusto ko nang mamatay."

Bumungad sa'kin ang maputlang mukha ng isang nurse. May dala-dala siyang tray at walang emosyon siyang naglakad papalapit sa akin. Her footsteps echoed inside the empty room and I can see the my childhood demons lurking in the dark corners again, watching me in amusement.

"It's time to take your medicine, Asmodeus."


-

--

Do not deceive your demons,

for they know you very well;

they might even show you the map

to escape the halls of hell.

---NoxVociferans

Continue Reading

You'll Also Like

20.2M 452K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...
21.7M 705K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
44K 4.5K 69
"Kailangan natin siyang pigilan bago pa ubusin ng virus ang populasyon ng Eastwood!" This time around, Detective Nico Yukishito and Detective Brianno...
212K 13.2K 38
"Forgive me for what I could do . . . when I fall asleep"